Parang kinikiliti ang mga hita ni Avi dulot ng pagsaliw ng laylayan ng suot na lingerie sa malakas na ihip ng hangin habang naglalakad sa gitna patungo sa maliit na stage sa unahan. Gustuhin man kasi mag-focus sa mga nangyayari, natutuon lang siya sa pabago-bagong lakas ng munting bilog na nasa loob niya. “Jacob! Stop it!” bulong ni Avi saka napatingin sa parte kung saan nakaupo ang mga lola niya at kamag-anak. Kita man ang gulat at dismaya sa mga mata ng pamilya ay di na ito pinansin ni Avi. Ang mga lola at ang mama niya, parang magco-collapse na samantalang si Sofia at Zari, nagtaas pa ng wine glass bilang pag-congrats sa kaniya. Naghahagikgikan pa ng tahimik. Di na niya alintana ang dumi ng mga paa dahil nakaapak lang siya at malamig na ang mga talampakan. “Ahaha! Mukhang patulog na

