Nang maubos ang iniinom ay napagpasyahan ni Jacob na magpunta sa isang bar dahil hindi niya kayang ihandle ang nararamdaman. “Sir, good evening. Anong drinks natin?” bati ng bartender. Ngumisi si Jacob dahil marami na siyang nainom pero parang kulang pa rin. “Make me something strong. Not the usual mix, yong sobrang tapang sana.” “Puso sir, ano?” nakangisi pang tanong ng bartender. “Halata ba?” “Hirap yan sir! Sige, ako na pong bahala. May mix akong hindi pa naiintroduce at kayo ho ang unang makakatikim nito,” proud pang sabi ng bartender. “Amuse me!” sabi ni Jacob saka pinihit ang stool paikot sa dance floor, nagbabakasakaling maaliw ang isipan habang naghihintay ng drinks. Buong buhay ni Jacob, wala siyang ibang ginawa kundi ang suportahan si Cavin sa ano mang paraan na alam niya

