“Good morning, Love!” Agad na napamulat ang mga mata ni Avi, gulat na gulat dahil sa di inaasahang boses na maririnig sa paggising niya. “Hi.” Bati pa ulit ng lalaking kaharap niya sa mga sandaling iyon. Maganda ang ngiti nito at napakagwapo ng mukha kahit kagigising lang. “Fckshit!” sigaw ni Avi at mabilis na bumangon mula sa kama kaso mas lumala lang ang kaniyang sigaw nang mapagtanto na hubad siya. Naupo si Cavin mula sa pagkakahiga at tumawa na rin. “Di ako naabisuhan na ang good morning, fcksht na pala ang sagot.” Kita ang pagkataranta sa mukha ni Avi. “A---Anong ginagawa mo, I mean, paano? Anong ginagawa ko rito? Paanong magkasama tayo?” “Relax, relax!” sabi ni Cavin at tumayo na rin sa kama. Nang maalis ang tabon na kumot ay mas lalo lang lumala ang pagpapanic ni Avi nang tu

