“Avi!” tawag ni Jacob pero hindi siya pinansin nito paglabas ng hotel room ni Cavin. Napakamot sa ulo si Jacob at nilakihan ang hakbang para makahabol dahil kitang-kita kay Avi ang masyadong pagdamdam at pagkabalisa sa mga nalaman. Nang maabutan at mahigit ang braso ni Avi para tumigil sa paglalakad, parang sinalok ang tiyan niya sa galit dahil mas naging malamig at walang-buhay ang emosyon ang mukha ni Avi. “Oh, Jacob, ano satin? Paparaos ka?” turan ni Avi saka lumingon-lingon. “Don tayo sa ano, stairwell, pwede naman na don diba?” “AVERIA!” sigaw ni Jacob. “Oh bakit? May problema ba? Saan mo ba gusto? Wala akong dalang pera para magbayad ng room pero hindi naman ako yong tipong kailangan pa i-room. Ganon naman talaga diba? Ganon lang naman ang silbi ng buhay ko rito sa mundo diba? U

