Namamasa at tumutulo pa ang tubig mula sa buhok at katawan ni Avi nang tumambad si Targus na preskong nakaupo sa swivel chair sa study desk na nakapwesto sa tabi ng kama ng hotel room niya. “Hi Avi,” bati nito, inaayos ang suit na suot. “Ta…Targus?” Lahat ng takot at kaba ay nagsimulang lamunin si Avi pero pinilit niyang labanan dahil pagod na siyang mabuhay sa nakaraan at dahil ayaw na niyang maaubuso pa. Para sa kaniya, tapos na siya sa pagiging mabait. Naglakad palapit si Targus saka tumigil, ilang sentimetro ang layo kay Avi. “I missed your smell,” malalim at tila may ibang pakay na sabi ni Targus. Humakbang paatras si Avi bago nagsalita, “Anong kailangan mo?” Ngumis naman si Targus at humkbang palapit kay Avi, “Takot ka ba sakin? Bakit naman? Look, I am just here to see our so

