Laking gulat ni Avi nang mamukhaan si Cavin. Wala sa plano niyang makausap o makita ulit ito. Nagsimulang tumakbo si Avi nang biglaan kaya nagulat rin ang si Cavin. “Ah, what is she? Sira-ulo talaga!” reklamo ni Cavin pero di mapigilang mapangiti sa ganda ni Avi. Tumakbo si Avi sa karamihan ng mga sumasayaw sa gitna ng malaking hall at doon nakihalubilo bago nagtungo sa kwarto nila nang maiwala si Cavin sa karamihan ng mga tao. "Ano ang tagal mo," salubong ni Zari kay Avi, na humihingal pa rin sa pagod sa pagtakbo. "Tapos ka na agad? Si Sofia!?" pabagsak na naupo si Avi sa couch sa paanan ng queen sized bed. “Ako pa ba? Pero bakit ka tumatakbo?” "Nakita ko ang asawa ko!” kabado at tarantang sabi ni Avi. “Weh? Seryoso? Kala ko ba wala lang?” “Oo nga pero kasi, ewan! Hayaan na natin,

