Chapter 2

2010 Words
Inayos ko ang kurbata ng aking uniporme at muling ipinirmi ang knee-level na paldang suot ko bago ako naglakad palabas ng kuwarto. Nadaanan ko ang repleksiyon ng aking mukha sa salaming nasa sala at sa huling pagkakataon ay sinipat ko ang aking kabuoan. Salamat sa concealer, naitago ang nangingitim kong mga mata. Kagabi, hindi naman ako nalasing. Umuwi din naman ako agad at hindi na ako pinigilan ng pinsan kong si Pey. Nang makita ko ang banda na kinabibilangan niya, halos liparin ko ang labasan para lang makaalis agad sa lugar na iyon. Hindi ko nasundan ang eksplanasyon niya sa akin kung bakit sila narito sa Quezon, pero aniya ay babalik din sila sa Sangrove sa makalawa. Hindi ko na rin naman pinatagal ang usapan namin dahil maliban sa parang pumipintig na ang ulo ko sa tindi ng emosyong biglang bumalot sa akin, kailangan din siya sa entablado since siya ang vocalist ng banda. At . . . iyon nga. Mugto ang mga mata ko dahil sa puyat. Hindi ako pinatulog ng simpleng pagkakita lamang sa kanila at ang maikling pagbanggit sa pangalan ng grupo. Candlelight. Bumuga ako ng hangin. Hanggang ngayon, dama ko pa rin ang bigat na dala ng nakaraang gabi. Nang masigurong maayos na ang lahat ay lumabas na ako ng bahay at isinara ang pintuan. Sa labas ng gate ay naghintay ako ng taxi. Hindi naman masyadong nagtagal ay mayroon nang huminto sa harap ko. Panay lang ang panonood ko sa labas ng bintana habang tumatakbo ito. Ganito palagi ang eksena—ganito ang araw-araw kong rutina. I am a real estate agent for almost a year now. At the age of 24, I never thought it would be the job I'll be taking and I don't know if it perfectly suits me, but the hell I care about suitability. Sinimulan kong kalimutan ang mga bagay na gusto ko noon pa. Hindi ako mabubuhay ng kasiyahan ko. Bagkus, ito ang papatay sa akin. Napatunayan ko na 'yan. I graduated the course AB English two years ago. Hindi ko alam kung anong trabaho ang papasukan ko noon, halos limang buwan akong standby. Naging tutor din naman ako noon ng isang mayamang pamilya, ngunit hindi nagtagal iyon. Namasukan ako sa call center at naranasan ko ring naging saleslady sa isang department store. Sa dinami-rami ng p'wedeng pasukang trabaho, wala akong nagustuhan. Sa ngayon, hindi ko rin alam kung magtatagal ba ako sa trabaho kong ito, pero so far ay ito ang pinakamatagal sa lahat ng sinubukan ko. Sana nga ay nahanap ko na talaga kung ano ang para sa'kin. Umibis ako ng sasakyan at ilang minuto munang tumayo sa harapan ng building na pinagta-trabahuan ko. Ang La Villamorés Real Estate Agency. Huminga ako nang malalim. Nanatili akong nakatingin sa mataas at makintab na pader ng estruktura nang ilang segundo. Nang masigurong handa na ako ay isang matamis na kurba ang pilit kong ipininta sa labi kong hindi yata ginawa upang ngumiti. Pineke ko ang aking tindig na animo'y hawak ko ang lahat ng rason para maging masaya. Dito sa mundong ito, mahalaga ang maskara upang mabuhay nang matagal. Kung hahayaan ko na lang na maghari ang emosyong nananalaytay sa aking mga ugat ay wala sana ako rito, bagkus ay inaagnas na sa isang malalim na hukay, sa loob ng masikip na kabaong. Muntik na iyang nangyari noon. "Magandang umaga, Ivy!" masiglang bati sa akin ni Manelyn, ang kapareho kong real estate agent sa kumpanyang ito. Nasa bukana pa lang ako ng entrance ay damang-dama na ang energy niya. Pinantayan ko ang siglang taglay niya. "Good morning din. Very blooming ka, a." Malutong na halakhak ang kanyang pinakawalan. "Of course! Ikaw ba naman ang magdamag sumisipsip, este, umiinom ng gatas, siguradong sisigla ka." May halong malisya sa mga salitang binitawan niya, at ramdam ko rin iyon sa paraan ng pagkakasabi niya. Naiiling na lang akong tumuloy sa loob ng malaking gusali. Nginingitian ako ng bawat empleyadong nakakasalubong ko, bumabati sila sa paraang nakasanayan ko. These people around me see me as the best real estate agent in this prestigious company. They see me as the most dedicated and lucky person for having the highest achievements in my position over a year. They think I'm happy and satisfied which I beg to disprove. I hate and pity myself more than how they envy me. Wala na ang dating ako. Hindi ko na makita sa aking repleksiyon ang Ivy na nakilala ko noon. What they are seeing is simply the embroidered piece of fabric I am wearing—a mask of genuine happiness. I should never take it off. --- "I WANT to handle this man and I know you have your own business, but please help me with this, Ivy." Kasalukuyan kong kinakausap sa telepono ang kapwa ko real estate agent na ngayon ay on duty pero tumatawag sa akin. "Ano ba'ng problema?" tanong ko kapagkuwan. "I'm convincing someone to buy this house between the crossing of Paterno and Santiago street. Siya lang ang nagbalak na tingnan ang interior design ng bahay kasi nga hindi naman gaanong convincing ang hitsura sa labas. Mabuti sana kung mabenta na ang isang 'to, ang hirap i-dispose." Lumipad sa kisame ang aking paningin at sinubukang i-visualize ang location ng bahay na sinasabi ni Irish. Hindi naman mahirap hanapan ng positive sides ang bahay na 'yon, sadyang kinulang lang siya sa marketing strategy. "Pakawalan mo na lang 'yan. I'm sure there is someone who'll love to take it willingly." Narinig ko ang malakas na buntonghininga sa kabilang linya. "Ivy, if you're the one who is in my position, you're not gonna say that. Kindly help me to sell this out, girl. Sa'yo na ang sweldo ko rito. Ayoko lang na may mukhang abandonadong bahay akong h-in-a-handle." Tinapunan ko ng tingin ang mga papel sa ibabaw ng lamesa ko. Hindi naman ako masyadong busy kaya pumayag na lang akong tulungan siya. "I'll be there in ten minutes." Wala akong sinayang na segundo at agad tumalima papunta sa lokasyon ng bahay. Malayo pa lang ako ay nakita ko na ang dalawang pigura ng tao na nag-uusap sa labas ng gate. Nang maibaba na ako ng taxi'ng sinakyan ko ay lumapit na ako sa kanila. Pareho silang napatingin sa direksiyon ko. Pinanatili ko ang mala-kaibigan kong ekspresiyon at agad na nginitian ang kliyente. "Good morning, Sir. I'm Ivy Colanse, a real estate agent." Tinapunan ko ng tingin ang bahay na nasa harapan namin. "Are you interested in buying the house?" "A kind of am," sagot niya. "Pinag-iisipan ko pa." Napatitig ako sa hitsura niyang halatang may edad na pero maskulado pa rin ang tindig. Mukhang wala naman siyang interes, hindi ko makita sa mukha niya. "Sir—" Napaurong kaming tatlo nang may biglang nag-park na sasakyan sa tabi namin. Marahas na bumukas ang pinto nito at mula sa driver's seat ay lumabas ang isang matangkad na binatang nasa mid-20's ang hitsura. Agad itong lumapit sa amin at namaywang, mukhang walang balak humingi ng paunamhin sa parang kidlat nitong pagmamaneho. "How is it, Dad? Ito ba ang napili n'yo? It looks so haunted." Tumaas ang kilay ko sa komento ng huli. I feel insulted even if I'm not the one who's actually selling the house. Bagaman hindi ko nagustuhan ang sinabi nito ay hindi ko mapigilang humanga sa taglay nitong ka-guwapuhan. His jawline is determined and his eyes are alluringly dark and addictive. Habang mas tumatagal ang pagtitig ko sa pares ng mata nito ay para ako nitong hinihigop sa kailalimang parte ng kanyang pagkatao. It's my first time seeing eyes that can make me feel the darkness of an abyss. Nang mag-angat siya ng tingin ay nahuli niya akong nakatitig sa kanya sa paraang parang kikitil ng buhay. I don't want to look at him that way, but it is better than showing adoration, is it not? "Hi," he beamed, his carefree smile is envying. "Good morning," pormal kong bati sa kanya. Kahit anong pilit ay hindi ko magawang ibalik ang ngiti sa'king labi na lagi ko namang suot tuwing nakaharap ako sa mga kliyente. "Hindi ko na mabilang kung ilang bahay na ang pinuntahan namin. My father isn't a fan of condominiums, he prefer old houses than modernized apartments." Gusto ko siyang sagutin ng 'share mo lang?' but that will make me immature. Hindi ko alam kung bakit gusto kong mag-maldita sa kanya. "Ganoon ba? Then this house is the best for you and your father." Biglang umentra si Irish at halos pumagitna na sa harapan namin. I thought she cannot handle it, so what's with the sudden action? "Well, frankly speaking, I wasn't pleased by the view of the house. Ewan ko lang sa interior, pero hindi talaga convincing ang outer appearance niya." Tumango ako at pilit na ngumiti. Sa bagay, kung ako rin ang tatanungin ay hindi nga masyadong kagandahan ang bahay, pero hindi ito pangit. Huminga ako nang malalim at bahagyang hinila sa Irish papunta sa likuran ko. Wala siyang maitutulong dito. "You said earlier that your father prefers old houses, so there must be a reason why. Hindi lang naman kasi tangible na kagandahan ang basehan ng pagpili ng tahanan. There is an intangible beauty. Tahanan ito, hindi bahay-bakasyunan. A good quality of a house is something that makes you feel comfortable, something that gives you the feeling of being home." Iminuwestra ko ang paligid. "Look at the location. Hindi siya masyadong malayo sa sentro pero hindi rin naman siya maingay at magulo. Malawak ang bakuran at alagang-alaga ang mga bulaklak." Tinapunan ko ng tingin si Irish. "Tell them about the interiors," utos ko. Agad naman siyang nag-explain. Sinabi niya ang length and width ng bawat parte ng bahay, ultimo ang dibisyon ng shower at toilet sa banyo. Mula sa flooring, appliances, hanggang sa ceiling ay ipinaliwanag niya sa kabigha-bighaning paraan. "Hmm." Humalukipkip ang binata. "What can you say, Dad?" "I like it. But this time, I'll let you decide," anang matanda sa kanya. Lahat kami ay napunta sa binata ang atensiyon, habang ito nama'y sa akin nakatingin. "Give me one last reason why should we take this. That part of the house that you consider the best, and tell me why." Tumingin ako sa bahay. May nakita akong magandang parte kanina pa, pero ang pagsagot sa tanong na 'bakit?' ang mahirap sapagkat kakailanganin nito ng pagpapahayag nang walang halong kapekehan. But it's now or never. Ayaw kong masayang ang mga minutong inilaan ko rito. "The rooftop." Ito ang lumabas sa bibig ko, bagay na kailangan kong pangatawanan. Tumabingi ang ulo ng lalaki, may kuryosidad sa kanyang mukha. "Tuwing umaga, kitang-kita riyan ang bukang-liwayway. Kapag magdadapit-hapon na, o sa gabi, masarap pumunta riyan at pakiramdaman ang preskong simoy ng hangin, ang kalawakan, ang magandang kalangitan. Masayang magbasa riyan ng nobela kapag nagtatago na ang araw sa mga ulap, o 'di kaya'y . . . O 'di kaya'y . . . " Naglumikot ang mga daliri ko at pasimpleng pinanggigilan ang laylayan ng aking blusa. Ang mga mata ko, umiiwas at bigla na lang umiinit. "O 'di kaya'y . . . ?" Ivy, huwag ngayon. Trabaho lang, Ivy. Pakiusap, TRABAHO. Huminga ako nang malalim, pilit nilulunok ang anumang bumabara sa aking lalamunan. "Tumugtog ng gitara, makinig ng musika, o ubusin ang oras kahit sa simpleng pagkanta. That would make you feel home." Bumalik ang aking tingin sa lalaki at nakita ang amusement sa kanyang mukha. Matagal bago siya nagsalita. "I love playing guitar, that's a good suggestion. Okay, we're buying it." Nakahinga ako nang maluwag. Para akong natanggal mula sa pagkakasalang sa isang nagbabagang lutuan. My emotions were heavy, but somehow, after my brief explanation, I feel relieved. Ngumiti ako sa lalaki at sinuklian niya naman ito agad. I don't know why, but his presence has the ability to freshen up an arid mood. "Ako nga pala si Nick Aragoza." Inilahad niya ang kamay niya. "And you are?" Tinanggap ko ito at marahang nakipagkamay sa kanya. "Ivy Candle Colanse." Damn, how I hate my second name.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD