Chapter 1

2063 Words
Tunog ng kumakalansing na mga bote, malakas na tawanan, at pumapainlanlang na musika mula sa mga nagkalat na speaker ang agad na bumalot sa aking pandinig pagkapasok na pagkapasok namin ng gusali. Madilim ang mga sulok nito at sobrang liwanag naman sa mga tinatamaan ng makulay na liwanang. Halu-halong mukha ang nakikita ko, at nanunuot sa aking ilong ang amoy ng pinaghalong alak at matamis na inumin. The place is crowded and in its messiest state. But chaotic is actually the perfect definition of this place. Chaotic but addictive. Walang ibang aasahan dito kun'di ang mga ito. However, it's been years since the last time I put my heart in it. Today, this kind of place is nothing but a curse, yet I am forced to enter. "Pinagbigyan kitang dalhin ako sa magagandang lugar, Pey. Magagandang lugar, hindi ganito. Kung gusto mong may Ivy pa na susuporta sa mga lakad mo sa susunod pang mga araw ay mabuting ilayo mo na ako rito," may diin na utos ko sa aking kasama, pinsan ko. Nasa unahan siya at panay ang linga sa paligid, parang hindi mapakali. Humarap siya sa akin at pinakitaan ako agad ng pekeng ngiti, ngiti na hindi kayang magsinungaling sa akin. Taas-kilay ang agad na natanggap niya pagkatapos. "Hindi ako ang manliligaw mo, hindi mo ako madadaan sa ganyan," wika kong muli patungkol sa ginawa niyang pagpapa-cute. Umiling lang siya na parang wala lang ang sinabi ko. "Ang sabi ko, maganda. So it means, i-be-base ko sa sarili kong taste ang sinabi kong 'maganda'. Kung pangit ito para sa'yo, not my fault, cousin. You have no choice," puno ng confidence na tugon niya. "Oh, I have." I nonchalantly shrugged. Pinantayan ko ang kakalmahan ng kanyang tindig. "I can leave this rotten place if I want to, even without you." "Come on." Tumawa siya nang maikli. "This is the best time to enjoy!" Sarkastiko ko siyang tiningnan. Gamit ang walangbuhay na mata ay tinitigan ko siya nang diretso. "This place is hell, and I know it's not even your type. If you want to fool me, try harder." Tumalikod ako para iwan siya. Kahit saang anggulo ko tingnan ay hindi tamang narito ako ngayon. Hindi ko gusto. Or should I say, hindi ko kaya? Nasa direksiyon na ako ng labasan nang biglang may humatak sa kamay ko at hinila pabalik sa loob. Nakita ko ang pinsan kong buong lakas at mahigpit na nakakapit sa kamay ko para hindi ako makatakas. "Fairy Tale, gusto mo ba akong mamatay?!" Eksaherada man sa pandinig ngunit iyan ang nararamdaman ko sa ngayon. Pakiramdam ko namamatay na ako sa bigat ng aking nararamdaman. Parang sasabog ang dibdib ko. Ayaw ko na itong maramdamang muli. Biglang tumigil si Pey at hinarap ako. I can see in her eyes the sympathy I would never want to receive. I can see pity and fear. I can see emotions that I know I don't deserve. "Ivy, I owe you a lot," madamdamin niyang pahayag. "Natatandaan ko pa noong sit in student ako sa Emerson University, ikaw ang halos lagi kong kasama. Mom put her trust on you and I will forever be thankful of that." Nag-iwas ako ng tingin para hindi niya makita kung paano ako naaapektuhan ng nakaraan. "Pey . . . ," "You were so cheerful, so alive, so genuinely happy. Pinsan, you're one of my happy pills." Pinilit kong sugpuin ang anumang emosyong nakabalatay sa akin. She should not know that her words are affecting me, dahil wala akong balak magpatahak muli. Hindi ko hahayaan ang sinumang sirain ang pader na pinaghirapan kong gawin. "I did it because you were my responsibility. I did it because I needed to. Isa pa, I don't want to fail your mom. Nangako akong babantayan kita. Not that you are important, anyway." Sigurado akong nakita ko ang sakit na dumaan sa pagkislap ng mata niya dahil sa narinig. Pero isa lang ang alam ko: Mas nasaktan ako sa sinabi ko kaysa sa kanya. "Oh," react niya. Sinubukan niyang mag-heads up, pero lasang-lasa ko ang disappointment doon. Gusto kong bawiin ang salitang binitawan ko, pero dinaig din ako ng dahilang dapat kong ipagtulakan ang mga taong mahalaga sa akin kung ayaw ko silang masaktan, kung ayaw ko silang mawala . . . agaya ng nangyari noon. "Exactly." Isang malaking ngiti ang unti-unti niyang ipinamalas sa harapan ko para muling pagaanin ang mabigat na atmosperang bumalot sa amin. I salute how she manages to hide what she truly feels. I salute people who can excellently hide their emotions because that's what I also do—and I know how hard it is to wear a mask that never fades. "Pinsan din naman kita, at nangako ako sa Panginoon na gagawin ko ang lahat para sumaya ka kahit kaunti lang. I don't know what exactly you are feeling, pero sigurado akong hindi ka masaya. Wala sa mata mo. Wala sa ngiti mo. All I see is a soulless Ivy that I never met before." Hindi ako nagsalita. Hindi rin ako gumalaw. I don't need to prove her anything. I won't tell if she's right because I actually don't care, and I don't give a s**t if she's wrong either. Maybe she thinks her conclusion is correct, but I'm not going to give her the guarantee that she really is. Huminga ako nang malalim. Wala na akong balak makipagtigasan pa sa kanya. Napapagod na ako mentally and emotionally. These qualms in my head never left me, and they even have the audacity to rule me over. Kailan matatapos ang lahat ng ito? "Ayokong nakikita kang ganyan." Agad na bumalik kay Pey ang atensiyon ko nang marinig ang pagkabasag ng kanyang boses. "So if only I know whatever the way on how to bring you back, I willingly do it. I will and I should." Nang mag-angat siya ng tingin ay may namumuo nang luha sa mga mata niya. Gusto ko siyang pagalitan. Gusto kong isiksik sa kukote niya na hindi ako dapat kaawaan. I'm Ivy Colanse, and I don't deserve anyone's pity—that would only bury me to the depth of cowardice. Besides, after the mistake that I've done, I don't think I deserve to be treated as if I did not sin. I deserve pain, and sadness. Pero kung kaya kong takasan, gagawin ko, pero hindi mula sa ibang tao kun'di sa paglayo ko sa mga bagay na humihila sa akin pabalik sa bagay na nanakit sa akin. "Mask off, lady," pabulong niyang wika habang ang mga mata ay kumakalat sa loob ng maingay na gusali, medyo kumikinang pa dahil sa luhang hindi tuluyang tumulo. "It's just you and me, and don't mind being naked when you're with me." Tinapunan ko ng tingin ang loob ng bar. Mas lalong bumibigat ang atmospera sa loob habang tumatagal at lumalalim ang gabi. Nadadagdagan ang mga tao at nadadagdagan din ang kanilang kalasingan dahil sa walang tigil na inuman. Bumalik kay Pey ang tingin ko at nakita ang bakas ng disgusto at pagkairita sa mukha niya. Kahit kailan ay hindi ko naisip na siya ang mag-i-initiate sa pagpunta sa ganitong klase ng lugar, samantalang mas imposible pa kaysa sa imposible na mapapunta ko siya sa mga ganito noon. I can't believe I am now seeing a Resh Fairy Tale in a chaotic bar—like the pigs can fly. Pero kung gaano ka-imposible na magustuhan ito ni Pey, ganoon naman ka-imposible na hindi ko ito magustuhan. But everything happened, and it made impossibles do come true. "Labas muna ako. Hindi ko kaya sa loob, para akong nasa outer space na lumulutang. Enjoy yourself, cousin." Pagkasabi niya n'on ay mabilis pa sa alas-kwatrong nilipad niya ang exit. Muling bumalik ang tingin ko sa maingay, magulo, pero nagkakasiyahang mga tao sa loob ng bar. Isang malaking pagkakamali na narito ako ngayon, ngunit may kung anong humihila sa akin papasok. Nakatayo lang ako hanggang sa naramdaman ko na lang ang paghakbang ng paa ko patungo sa gitna ng mga taong nagtatawanan, nagku-kuwentuhan, nagkakagukuhan, at nagkakasiyahan. Ang ingay na nagmumula sa kanila ay kinakain ang musikang nanggagaling sa jukebox. Ang bigat-bigat ng dibdib ko habang ikinakalat ang paningin sa bawat sulok, pero pinili ko itong ibaon saglit. Bagaman parang dumidikit ang mga paa ko sa sahig sa bawat pagbitaw ko ng hakbang ay tumuloy pa rin ako. Tumungo ako sa counter at lumapit sa bartender. Huminga ako nang malalim bago um-order ng inumin. Malaking ngiti ang ibinungad niya sa akin pagharap niya, pero hindi ko ito sinuklian. "Martini," maikli kong imporma. "Made with a splash of olive brine and garnished with an olive," dagdag ko nang hindi siya gumalaw o kumurap man lang. "Noted, Miss." Sinabayan niya ang sinabi ng isang kindat. Para akong lumunok ng sampalok dahil sa pangangasim ng aking mukha. Ayaw kong maging bastos pero . . . hindi niya bagay. Tumayo ako at sinubukang i-immerse ang sarili sa paligid. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang nakaapak na naman ako sa isa sa mga lugar na matagal kong iniwasan na puntahan. Bago pa makapagsimula ang bartender sa pagmi-mix ng order ko ay pinigilan ko na siya. "I cancel it. Piña Colada na lang." Hindi ko na hinintay ang reaksiyon niya at tumalikod muli. The former flavor of the alcohol that I ordered, I'm afraid it would bring the memories that was long forgotten—though I doubt I was able to forget them after all. Pinasadahan ko ng tingin ang bawat taong nasa loob ng bar. Bawat isa ay may kanya-kanyang klase ng ngiti, may mangilan-ilan namang prente lang na nakaupo habang patuloy sa pagpapakalunod sa gayumang taglay ng makulay na alak. Bakit nga ba sila narito? Totoo ba ang bawat ngiting nakikita ko? Pilit din ba ang bawat sigla sa kanilang mga salita? This place consists of different faces, of different reasons, and a multitude of emotions. Some of them are genuinely happy, some are trying to escape from the painful reality, and some are going back from the same place that once became their home but still destroyed them, and I belong to the latter. It's still a fascinating thing that there are places that can unite people and make them connected despite the differences of where they are coming from. "Miss, heto na ang Piña Colada mo." Humarap ako ng upo sa counter at kinuha ang order ko mula sa bartender na hindi ko alam kung kailan mawawala ang ngisi sa labi. "Mukhang broken-hearted ka, Miss. May alam akong timpla na mas masarap diyan. Ito lagi ang ibinibigay ko sa mga costumer na halatang malungkot." Hindi ko inasahan ang sinabi niya, halos maibato ko ang hawak kong Piña Colada sa mukha niya. Nanggigigil man sa kalooban, mahinahon ko siyang tiningnan. "Ang gawain mo lang, mag-timpla ng alak, hindi mangialam. Please, lumayo ka muna rito. Mas lalong nakaka-depress ang presensiya mo." Umikot lang ako patalikod at hindi na siya pinansin. Wala na rin naman akong natanggap na salita pa mula sa kanya. Good. Nasa kalagitnaan ako ng pagsipsip sa aking inumin nang biglang tumunog ang sound speaker, at isang masiglang boses ang lumabas mula rito. "Good evening, everybody! We have special guests tonight, and we're very much fortunate because this time, they are playing for free. Hats off to the most sought after band and has countless achievements of the year!" Inilahad ng emcee ang kamay sa gilid ng stage kung saan lumabas ang mga hindi inaasahang panauhin. "A rising band from Sangrove . . . " Nakabibinging palakpakan ang bumalot sa loob ng bar, ngunit hindi ang ingay ng palakpakan at ang tunog ng malakas at mabilis na ritmo ng musika ang nagpasabog sa aking pandinig. Walang nagawa ang ingay sa akin upang hindi ko marinig ang naghaharumentado kong puso. Malakas at mabilis ang tahip nito habang unti-unti akong nag-angat ng tingin at tuluyan nang nakita ang mga taong kahit magunaw ang mundo ay hindi ko kailanman nanaising makitang muli. Grupo silang binubuo ng limang miyembro. Grupo na pilit ko nang ibinabaon sa limot. Grupo na nagpapaalala sa akin ng lahat ng karimarimarim at karumal-dumal na pangyayari ng aking nakaraan. Grupo na minahal ko . . . at kinamuhian. Bakit hindi sinabi ni Pey sa akin na narito ang banda niya? At kaya ba siya narito kasi magtatanghal sila? Bakit dito? Bakit kailanga'ng dito pa? "Candlelight!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD