"Oh baby don't move, I'm getting wet na o, magagalit na talaga ako sayo."
Napatigil si Alexandra sa pagpapaligo sa alaga niyang asong si Maxwell nang marinig ang pag-vibrate ng kan'yang Cellphone. Nang makitang si Gavin ang nagpadala ng mensahe ay agad niya itong binuksan at nangigiting binasa.
"Go to our favorite place Alex, sa Little Town Cafe at five pm. We need to talk!"
Bigla siyang kinabahan sa hindi malamang dahilan. "What's wrong with him, hindi naman siguro siya makikipag-break sa akin hindi ba Maxwell?" nagtatakang tanong niya sa aso na para bang makakakuha siya ng sagot mula rito. Nasanay na siyang pinupuntahan ng binata ano mang oras nito gustohin kaya pinagtatakhan niya kung bakit iti-next lang siya nito.
Bunga ng pagtataka ay agad siyang nag padala ng mensahe sa nobyo.
"Why don't you just go here in my house instead Gav?" Mabilis niyang tinapos ang pagpapaligo kay Maxwell, tinuyo niya ang mga balahibo nito pagkatapos ay muling tinignan ang kan'yang cellphone.
"Sa Cafe nalang Alex, please be there!"
Mabilis na lumipas ang oras ngunit hindi parin maalis sa isip ni Alex kung ano ba ang sasabihin sa kan'ya ng lalaki.
"Is he going to propose?" Napangiti siya sa naisip.
Kung sakaling mag-aalok nga ito sa kan'ya ng kasal ay hindi na s'ya magpapakipot pa, oo agad ang sagot niya rito. Matagal na silang magkasintahan ni Gavin at kahit minsan ay hindi pa sila nakakaranas na magkasamaan ng loob. Ibinibigay ng kasintahan ang lahat sa kanya, kahit pa hindi naman niya ito hinihiling kaya naman sa araw-araw ay mas lalong tumitindi ang pagmamahal niya para rito.
Halos lahat ng katangian ng lalaking gusto niya ay na kay Gavin na. Matangkad, guwapo, mayaman at higit sa lahat ay malaki ang respeto nito sa kan'ya, kaya rin hanggang ngayon ay nananatili siyang virgin.
Alas Tres y medya na kaya nagpasya na siyang maligo at mag-ayos ng sarili. Sinuot niya ang kaniyang red velvet sleeveless dress na regalo ni Gavin noong birthday niya. Nang matapos ay agad siyang lumabas ng kaniyang kuwarto.
"O, Alex saan ka pupunta?" Bungad na tanong ng kan'yang ina.
"Sa Cafe lang Mama, magkikita kami ni Gav." Sagot niya rito.
"Sige, ikamusta mo nalang ako sa kan'ya ha. Sabihin mo ay dumaan dito sa bahay kahit sandali at ipagbi-bake ko siya ng paborito niyang cheesecake, magugustuhan niya 'to sigurado."
"Sige po, Alis na ako Ma, baka mainip siya sa paghihintay sa'kin." pamamaalam niya rito, matapos humalik sa pisngi ng ina ay nagmadali na siyang lumabas at tinungo ang garahe kung saan naroon ang kaniyang kotse na si Gavin rin ang bumili.
Ilang minuto lang ay nakarating na siya sa sinasabing tagpuan. Pumasok siya sa loob ng Cafe, walang masyadong tao. Hinanap niya ang nobyo ngunit wala pa ito. Umupo na lang muna siya sabay kuha ng kaniyang cellphone sa bag. Nagulat siya dahil sa labing isang missed calls ng kan'yang nobyo kaya agad rin niya itong tinawagan.
"Hello Gav, sorry hindi ko napansing tumawag ka pala. Nasaan ka na ba? I'm already here n-"
"Hindi na ako makakarating riyan Alex," pagputol ni Gavin sa sinasabi ng babae.
"Ha? Anong sinasabi mo, narito na ako o, nag-abala pa naman akong pumunta rito tapos hindi ka pala darating!" Aniya sa galit na boses.
"Ngayon ang flight ko papuntang New Zealand Alex, gusto ko lang sanang magpaalam sayo. Si Dad, hindi ko siya magawang tanggihan dahil malala na ang kaniyang sakit, he was dying. Hiniling niya sa akin na ituloy ko ang pagpapatayo ng malaking branch ng La Vida mall sa Zew Zealand. Hiniling niya sa akin na tuparin ko ang matagal na niyang pangarap na iyon para sa ikapapanatag ng loob n'ya, hindi ko alam kung makakabalik pa ako rito kaya,"
"Kaya ano Gav, makikipag hiwalay kana sa akin?" Biglang namasa ang mga mata niya. Garalgal na ang boses ni Alex dahil sa pagpipigil umiyak. Hindi niya isaasahang ang lalaking nagparamdam sa kaniya ng lubos na pagmamahal ay ang taong dahilan kung bakit siya nasasaktan ngayon.
"So why does it seem so f*cking easy to leave me Gavin? Almost six years na tayo. Masaya naman siguro tayo, masaya ka naman sa' kin hindi ba?”
"Alex, I'm begging you, makinig ka sa..."
· Please don't leave me. I'll talk to him, I will tell Tito Von that we're getting married, pagkatapos ay sabay nating tuparin ang mga sinasabi mong pangarap niya!" Pinahid ni Alex ang kaniyang luha.
Hindi niya matanggap ang anumang lumalabas sa bibig nito. Kahit sa panaginip ay hindi niya makitang iiwanan siya ni Gavin.
"Hindi ko gustong iwan ka Alex, I'm so sorry! Si Papa na lang ang mayroon ako,"
"At ako Gavin, wala lang ba ako sayo?"
"I told you he was dying at hindi kaya ng kunsensya ko kung mamamatay siyang hindi natutupad ang mga pangarap niya para sa akin. Kaya huwag mo na sana akong pahirapan pa. Masakit sa aking gawin ito Alex, sobrang sakit pero kailangan na kitang bitawan."
Tumawa ng pagak si Alex, hanggang ngayon ay hindi pa rin niya maintindihan ipinupunto ng lalaki.
Bakit kailangan nilang maghiwalay, hindi ba puwedeng isama na lang siya ng lalaki na umalis. Magiging sagabal ba siya kapag isinama siya nito.
"A-akala ko mahal na mahal mo ako Gav, ang babaw mo pala!"
Nanghihina man ay pilit nagpakatatag ni Alex, pinunasan niya ang sariling luha.
"Alex?"
"Sige! Wala na naman akong magagawa pa, mabubuhay naman siguro ako ng wala ka!"
"Alex please patawarin mo ako."
Sa galit ay malakas niyang ibinato sa sahig ang kaniyang cellphone, sa lakas ay nagkadurog-durog ito. Pinagti-tinginan na siya ng mga tao sa loob, kaya naman nanlalabo man ang kaniyang paningin dahil sa hindi maawat na pag-agos ng luha sa kan'yang mga mata ay pinilit niyang makalabas.
Ang buong akala niya ay aalukin na siyang magpakasal ng lalaki, ngunit nagkamali siya. Ito na pala ang huling araw nila bilang magkasintahan.
Tinungo niya ang parking lot kung saan niya ipinarada ang kaniyang kotse at padabog na sumakay. Sumigaw siya ng napakalakas habang hinahampas ang kaniyang manibela. Matapos mahimasmasan ay binuhay na niya ang makina nito at mabilis niya itong pinatakbo.
Muling sumariwa sa kaniyang ala-ala ang mga masasayang araw nila ni Gavin.
"Saan mo ba kasi ako dadalhin Gav?" Nagtatakang tanong niya sa kasintahan. Kanina pa s'ya nakapiring ngunit kahit nakababa na sila ng yate ay hindi parin tinatanggal ng lalaki ang nakatakip sa kaniyang mga mata.
"Just follow my lead Babe, I'll promise it was worth it."
Hinayaan na lamang niya ang kasintahan. Naiinip man ay hindi na siya muling nagtanong pa, hanggang sa tumigil na ang lalaki.
Dahan-dahang tinanggal ni Gavin ang nakatakip sa kaniyang mga mata, matapos ay napangiti siya ng ubod ng tamis.
"Welcome to your Paradise Ms. Alexandra," nakangiting bungad ng kasintahan.
Sandaling hindi nakapagsalita si Alex. Manghang-mangha siya sa ganda ng mala-paraisong Islang iyon.
"My Paradise?" Nagtatakang tanong niya kay Gavin.
"Because this is yours Babe, I bought this beautiful Island just for you." Nangingiting pagmamalaki ni Gavin.
Sa sobrang tuwa ay niyakap na lamang niya ang kasintahan. "Thank you Gav, sobrang ganda dito! But I don't want to call this Island only mine, it is yours too, so we've better call it Ours! Gav and Alex's Paradise."
" Gav and Alex's Paradise, it is." Masuyo siyang hinalikan ng lalaki.
Lalong umagos ang mga luha ni Alexandra ng maalala ang mga tagpong iyon.
"Bakit ngayon pa Gavin! Ngayon pa kung kailan handang-handa na akong ibigay ng buo ang sarili ko sayo!"
Huli na nang mapansin niya ang ilang dipa na lamang na layo ng rumaragasang itim na Jaguar, agad itong sumalpok sa kan'yang sasakyan. Narinig pa niya ang malalakas na sigawan ng mga tao at ang nakakabinging preno ng mga sasakyan roon bago siya nawalan ng malay.