Chapter Two *Sean*

1272 Words
"Ok na naman siya Benedict, mabuti na lamang at nakatalon ang kaibigan mo bago pa man sumalpok ang kaniyang sasakyan sa isang Mitsubishi Mirage, kaya naman minor injury lang ang tinamo niya, We do need to run some test para makasigurado. For now, he need a good rest. I'll go ahead!" Sambit ng private Doctor ni Sean. Ito rin ang may-ari ng Ospital kaya naman kilalang-kilala na nito ang pamilya at mga kaibigan ng mga Clarkson. "Salamat po Tito Francis," mabuti naman kung ganoon. Oo nga pala Tito, mas mainam kung hindi mo na ito ipaalam pa kay Tita Angel, hindi natin alam kung ano ang magiging reaksyon niya kapag nalaman niyang na-aksidente si Sean, baka makasama ito sa kaniya." "Iyan din ang iniisip ko Ben, mabuti at ipina-alala mo. Sige na at marami pa akong kailangang asikasuhin, ikaw na muna ang bahala sa kanya okay? Tawagan mo agad ako kapag nagising siya." Anito. "Sige po, maraming salamat." Kanina pa gising si Sean at kanina pa niya naririnig ang usapan ng dalawang lalaki sa loob ng kaniyang private room, ngunit minabuti muna niyang pumikit dahil sumasakit parin ang kaniyang ulo. Inalala niya ang mga naganap kahapon. Magkikita sana sila ni Benedict ngunit nangyari nga ang aksidente, bigla ay naikuyom niya ang kaniyang palad. "Thank God you're now awake Bro!" Bungad sa kanya ni Sean, tinignan lang siya nito. "Ano ba kasing nangyari sayo, are you drunk when the accident happened?" Dagdag pang sambit ng kaniyang bestfriend. "No, I’m not! Pupuntahan dapat kita sa unit mo kahapon, but when I saw a f**k*ing red car na malapit ng bumangga sa akin, hindi na ako nagdalawang isip na tumalon. Wait, what happen to my Jaguar?" Naalala niya ang kanyang pinaka-mamahal na sasakyan. "A-ah eh," nag-aalangan si Benedict na sabihin kung ano ang totoo. Alam niyang mahalaga sa kaibigan ang sariling sasakyan, baka magwala ito sa loob ng silid na iyon. "Nasaan ang Jaguar ko Ben, sabihin mo akin pakiusap!" Mahinahong sambit ni Sean. "Dinala ko na sa Auto Repair Shop na pinagkakatiwalaan ko matapos itong suriin ng mga pulis Bro, kaunti lang naman ang natamo nitong pinsala. Napahinga ng maluwag si Sean. "Who the hell is the rider of the fu*king red car, buhay pa ba siya?" Tanong niyang muli sa kaibigan. "She's a girl Sean. Ang sabi ng kaniyang guardian ay hindi raw ito makausap buhat nang magkamalay ito, mukhang may matindi itong pinagdaanan bago kayo ma-aksidente, pero maayos na daw ang kalagayan niya. Katulad mo ay kaunting pinsala lamang din ang kan'yang natamo." Bigla ay nag-igting ang panga ng lalaki. "Sisiguraduhin kong mapagbabayad ko siya Ben, hindi niya dapat ako idinamay kung magpapakamay man siya, wala akong pakialam kahit umabot pa kami sa korte!" Galit na sambit ni Sean. Makalipas ang dalawang ay sinabi ng doktor na puwede ng makalabas si Sean. Wala na ang sakit sa kaniyang mga katawan ngunit hindi pa rin mawala ang galit niya sa babae. Nagpasama siya kay Benedict na puntahan ito. "Hintayin mo ako rito Bro, bibili lang ako ng coffee, may gusto ka bang kainin?" Umiling lang siya sa kabigan. “Sige, I’ll be back.” Sambit pa ng kaniyang kaibigan bago umalis. Bubuksan na sana niya ang nakasiwang na pinto ng silid ng babae ngunit napatigil siya dahil sa narinig na sumigaw sa loob ng silid. "Hindi mo kase ako naiintindihan Ma, W-wala kayong alam!" Nang silipin ito ni Sean ay nakita niya ang umiiyak na may-ari ng boses na iyon. Hindi niya malaman kung bakit kumirot bigla ang kaniyang puso dahil sa nasasaksihan. "Tama pala ang sinabi ni Ben, she look so hurt and devastated. What's here problem? Natanggalan ba siya ng trabaho. Ah hindi naman ito mukhang hirap sa buhay base sa hitsura at kutis nito. Wait I-iniwan ba ito ng kaniyang nobyo? Sino namang tanga ang mangiiwan ng isang napakagandang babae? What the f*ck Sean, ano bang iniisip mo?" Aalis na sana siya ngunit agad rin niyang pinigilan ang sarili. Hindi niya mawari kung bakit gusto niyang malaman lahat ng tungkol sa babae. "Ano ba kasing nangyayari sa iyo Alex? Parang awa mo na, sabihin mo sa akin ang lahat-lahat ng sa ganoon ay maintindihan ko kung bakit ka nagkakaganiyan.” Pagsusumamo ng babae na sa tingin niya ay nasa Mid-fourties na ang edad. "That woman was supposed to be the crying girl's mother!" Inilapit pa niya ng maiigi ang sarili sa nakasiwang na pinto, pagkatapos ay bahagyang sumilip. Nagpapasalamat siya dahil hindi siya napapansin ng isa man sa mga ito. "Gavin is gone Ma, iniwan na niya ako. Umalis na siya ng bansa dahil lang sa kagustuhan ni Tito Von!" Matapos ng sinabi ay tuluyan na ngang humagulhol sa pag-iyak ang babae. Agad itong niyakap ng kaniyang ina. Hindi maintindihan ni Sean ang sarili. Nakaramdam siya ng matinding pagkirot sa kaniyang puso. Gusto niyang puntahan ang babae at yakapin hanggang sa gumaan ang pakiramdam nito. Bigla ay tumulo ang ilang patak ng luha mula sa kaniyang mga mata. “I-I’m sorry anak, I’m so sorry, hindi ko alam,” lumuluha narin ang Ina ni Alex. Ngayon ay naiintindihan na ni Sean kung bakit nagkakaganoon ito. "No Ma! Wala kang kasalanan. It was all Gavin's fault." Mariing sambit ng babae. Nagulat si Sean ng mapatingin ito sa kaniya. "s**t, Nakita niya ako!" Napamura na lamang si Sean sa sarili, agad siyang naglakad palayo. Nang sa tingin niya ay wala namang sumunod sa kaniya ay napahinga na lang siya ng malalim. "Sean? Ano nakausap mo ba yung babae?" Napatalon siya sa gulat sa biglaang pagsulpot ni Benedict na may tangang dalawang kape. "H-hindi na ako tumuloy Bro, mukhang napakalaki nga ng problema ni Alex," sagot niya rito. "Alex?" naguguluhang tanong ng kaibigan habang inaabot ang kape sa kaniya. "Alex ang pangalan noong babae Ben, narinig ko lahat ng mga usapan nila ng kaniyang ina." Paliwanag ni Sean. "Anong pinag-usapan nila Bro, ikuwento mo naman sakin," pangungulit pa ng kaibigan. "Mas mabuting umalis na tayo rito Ben, gusto ko ng magpahinga. Sa unit mo nalang muna ako tutuloy pansamantala, hanggang sa maghilom ang mga sugat ko. Where's my phone Bro, nakita n’yo ba sa loob ng Juguar ko?" Naalala niyang bigla ang kaniyang chelphone. "Nasa Unit ko na bro nakalimutan kong dalhin, ibinigay ito sa akin ng mga pulis na rumisponde sa pinangyarihan ng aksidente. Tawag ng tawag ang Mommy mo, nag sinungaling na lang ako at sinabing nagpunta ka sa bahay ni Kaila sa Pampangga, sinabi kong naiwan mo ang phone mo sa unit ko." Natuwa siya sa sinabi ng kaibigan. Mabuti na lamang at alam na nito ang gagawin, kung sakaling nalaman ito ng sariling Ina ay baka kailanman ay hindi na siya pagamitin pa ng kahit ano mang uri ng sasakyan. "Thank you so much Bro. The best ka talaga," tinapik nito ang braso ng kaibigan. "Nga pala, anong balak mo sa babae bro? Malaki ang laban mo sa kaniya, dahil nasa tamang linya ka nang salubungin ka ng kotse nito. May balak ka bang mag-demanda? "Wala!" Mabilis na sagot niya rito, agad namang kumunot ang noo ng kaniyang kausap. "Anong wala, ganoon na lang yon? Siya ang may atraso, kaya dapat lang na maparusahan siya!" Giit pa ni Benedict. "Ben, nasa suicidal stage ang babaeng iyon. Ayokong makadagdag sa mga problemang dinadala niya at baka ako pa ang maging dahilan ng pagkamatay niya." Sambit ni Sean dito, nakita niyang umiling na lang ang kaniyang kaibigan saka siya inalalayang makalabas. Matapos makasakay sa sasakyan hanggang sa makarating sa Condo-unit ni Benedict si Sean ay tahimik lang ito. Hindi mawala sa isip niya ang imahe ng kawawang babaeng nakadisgrasya sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD