Chapter 2

1153 Words
“Mag-iingat ka, susulat ka rin.” Tumango si Romance sa kaibigang si Maria. “Mag-iingat ako, sana magtagpo tayo uli,” sabi ni Romance. Mapait na ngumiti si Maria. “Kung makakalabas pa tayo.” “Romance, Romance—” Nagbitiw na silang magkaibigan na magkasama sa silid na ‘yon. “Mag-iingat ka,” pahabol ni Maria. May ilan sa kanila ang natutuwang makalalabas na at magiging masaya sa buhay ng magiging Master nila. Pero may katulad ni Romance na alam ang sasapitin nila, isang babae sa lugar na hindi buong nai-format ang isipan sa paniniwalang masayang maging isang alipin at magsilbi sa isang Master. Maging isang pang-aliw at maibigay ang lahat ng gusto ng mga ito. Si Romance ay alam ang kalakaran. Gusto niya ng kalayaan pero hindi niya kayang mag-isa sa tinatamasang kalayaan. Sa ngayon, ang nasa isipan na lamang niya ay magsakripisyo. Maging isang masunuring alipin na ipinangako niya noon na hinding-hindi mangyayari sa kanya. Kailangan makuha niya nang buong-buo ang magiging Master niya kahit pa ano ang ipagawa nito sa kanya. Saka niya ito kokontrolin at pababalikan ang lugar kung saan siya ikinulong nang maraming taon katulad ng ibang kababaihan, at kung talagang magiging madali ang plano niya ay masisira na nang tuluyan ang lugar na huling beses niya na ngayong makikita at matutungtungan. Inihatid siya ng dalawang matandang nagtuturo sa kanila kasama ang lima pa sa kanila sa lumapag na helicopter. Hindi sila nakakalabas sa maliit na isla, helicopter lamang din ang tanging dumadating sa kanila. Simula noong labing-apat siya’y tinandaan na ni Romance ang lahat nang maaaring matandaan sa lugar dahil maaaring hindi niya ito mabalikan kung sakali. “Mukhang ito ang pinakamagandang grupo na nakuha ko sa inyo,” tuwang-tuwa ang isang matandang lalaki na matinis ang boses. Nakasuot ito ng pormal na kasuotan ay may malaking tiyan at sumbrerong tila pang-mahikero. “Nasisiguro ko na malaki ang makukuha ninyo ngayon, lalo at marami ring dadalo na mga matataas na tao sa Underworld dahil isasabay sa meeting ng 12 dark zodiac, malay mo at makatipo sa kanila ang nakaupo na Dark Zodiac ‘di ba?” Natuwa si Louella. “Sana, sana, sa tingin ko malaki ang tiyansa ni Romance,” ani mada’am Louella. “Iyon ba iyong mukhang santo ang hitsura?” tanong ng lalaking si Pietro. “Oo, iyon, hindi ba at napakaganda niya?” “Sa palagay ko rin, siya rin ang ilalagay ko sa huli para talagang ang atensiyon ay sa kanya lahat!” Hindi na iyon narinig ni Romance dahil nakasakay na sila. Nanlalamig ang mga kamay niya dahil alam niyang ang kanyang plano ay maaaring hindi umubra. Ngayon pa lamang ay kumakabog na ang kanyang dibdib, para bang ang lakas ng loob na mayroon siya sa mga nagdaang taon ay biglang nag-alanganin. Huminga siya nang malalim at marahang bumuga. Hindi siya dapat mawalan nang lakas ng loob.       ** Walang planong dumalo si Damon sa imbitasyon na nakuha niya kung hindi lamang siya pinuntahan ni Luigi habang nakabaon siya sa isang babaeng kasama niya sa kama. “Kailangan mong pumunta,” ani Luigi. Ipinagpatuloy lamang ni Damon ang pag-hampas ng katawan sa babaeng napakalakas rin kung umungol. “Wala akong pakialam do’n, marami masyadong tao hindi ko gusto—” “Black,” ang code na ‘yon na sinabi ni Luigi ang nagpatigil kay Damon. “Hihintayin kita sa labas.” Lumabas si Luigi at nagtimpla ng kape. Ang lugar na ‘yon ay lugar ni Damon na aliwan lamang nito. Lahat nang uri ng babaeng gusto nito ay nakarating na roon. Pero hindi ito nagpapatungtong ng babae sa mansion nito. Lumabas si Damon nang nakaroba at tumungo sa isang silid. Sumunod naman si Luigi dala ang kape na hinihigop nito. “What is it?” tanong ni Damon na naroon ang bitin sa hitsura. Nakasandal lamang ito sa office table nito. “May meeting kayong mga Black Zodiac, mukhang may mga candidate na sa dalawang puwesto.” “Anong kinalaman no’n?” “Doon sa bidding ninyo ‘yon gagawin, mayroong second-floor sa bidding na puro kayo lamang ang naroon.” “Sino na naman ang nakaisip no’n?” “Si Aries,” sagot nito. Codename iyon ng mga ito bilang miyembro ng mga Zodiac. “Nagbilin siya na kailangan mo nang dumalo, Virgo.” Nangisi si Damon. “Wala akong magagawa kung siya na ang nagpatawag ng meeting. Pauwiin mo na ‘yong babae at wala na ‘kong gana.” Natawa si Luigi. “Hindi ka pa ba mag-aasawa?” “Para saan? Kung mahahanap mo ‘ko ng babaeng gagawin lahat ng fetish ko, go, baka asawahin ko siya.” Nagsindi ito ng sigarilyo. “Bumili ka na sa bidding para sigurado ka pang masunurin.” Nangunot ang noo ni Damon. “Pero hindi ko gusto ang babaeng napipilitan. Baliw lang ako pero hindi naman ako rapist.” Natawa si Luigi. “Okay, I’ll find someone na mag-fit sa fetishes mo basta dumalo ka sa meeting ninyo dahil baka mawalan ka na nang upuan sa Underworld.” Umalis na si Luigi at napaisip. “Sino ba ang puwede sa baliw na si Damon?” Nag-iisip pa lamang siya ay nananakit na ang kanyang ulo. “Kung ihahanap ko siya sa magagandang angkan, paniguradong matutuwa ang pamilya niya at tatanggapin uli siya ng kanyang magulang. Pero malaking eskandalo naman kung sakali, iba talaga si Damon at hindi ko alam kung may babaeng tatagal pakisamahan ang katulad niyang nababaliw na.” “Naririnig kita,” ani Damon na nakalabas na rin pala. “Ano naman kung naririnig mo? Mabuti nga iyon at alam mo,” ani Luigi. “Sasambahin ko siya kung mabibigyan niya ‘ko nang daydream,” ani Damon. “Sa dinami-rami nang babae mo wala namang umubra,” ani Luigi. “Pero naniniwala akong may magbibigay sa ‘yo niyan, hahanapan kita basta ingatan mo ang sarili mo.” Napailing na lamang si Damon. “BIlis-bilisan mo ang paghahanap, Thirty-two pa lamang ako pero pakiramdam ko papanaw na rin ako.”  Natawa si Luigi. “Paano mo naisip ‘yan? Wala ka namang imagination?” Sinipa ni Damon sa likuran si Luigi. “Umalis ka na, isama mo na ‘yong babae.” “Yes, boss!” “Tell my mom that I miss her so bad,” kunwari’y puno ‘yon nang damdamin. “Tumigil ka na, highblood na naman aabutin no’n. Hangga’t hindi ka nagpapakasal at kumikilos nang matino na parang tao, hindi ka no’n gustong marinig man lamang.” “Tao naman ako—minsan?” “Tingnan mo at hindi ka pa sigurado!” “Ikaw na lang kaya ang asawahin ko?” “Ano?!” “Mukhang magkakasundo naman tayo.” “Tumigil ka! Tutulad ka pa kay Aries at Pisces na lalaki rin ang gusto!” Sinipa ito uli ni Damon. “Alis na, napakaingay mo.”    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD