Chapter 3

1883 Words
Nang makita si Damon nang mga bodyguard niya na nasa isangdaan at limampu ang bilang ay kaagad umayos ng tayo ang mga ito at sabay-sabay tumungo nang makalabas siya ng helicopter sa pag-aari niyang isla. “Lord Virgo, maligayang pagbabalik!” sabay-sabay na bati ng mga ito. Nakamaskara si Damon hanggang sa kanyang ilong nang hinarap ang mga ito. “Lord Virgo, nabalitaan namin na aalis ka para pumunta sa Underworld. Ilan ang dadalhin mo sa pag-alis?” tanong sa kanya ni D1 ang lider ng grupong D. Mayroon ‘tong D1 sa bahagi ng bulsa ng pormal nitong itim na kasuotan. Nahihirapan si Damon tandaan ang mga pangalan nito dahil sa kanyang Aphantasia kaya pinangalanan niya ng letra at numero ang mga ito. “Ah, wala naman sigurong magtatangkang patayin ako ngayon kaya dalawa lang ang gagawin ko.” “Lord Virgo, pupunta ka sa Underworld hindi puwedeng dalawa lamang ang kasama mo.” Hindi nagustuhan ng lider na si A1 ang sinabi niya. “Gusto ninyo bang isama ko kayong lahat?” Nakangiting tanong ni Virgo. Halatang natuwa ang mga ito sa kanyang sinabi. “Naniwala naman kayo?” Bumagsak ang mga balikat ng mga bodyguard niya at ikinatawa ‘yon nang malakas ni Virgo. Kung kasama niya si Luigi, alam niya nang tatawagin siya nitong baliw na naman. “Dadalhin ko ang pinakadulo ninyong miyembro,” sabi ni Damon. “Lord Virgo, hindi ‘yon lalong puwede! Mga baguhan ang nasa dulo at hindi maganda ang mga performance—” Tiningnan ni Virgo si B1. “Pero naniniwala ako sa kakayahan ninyong lahat na protektahan ako.” Ang pagngiti niya ay tila nakapagpalambot sa puso ng kanyang mga bodyguard. May inabot sa kanya si Lilia ang natatanging babae sa kanyang grupo at nagsisilbing tagabigay ng mensahe at sekretarya niya sa lugar na ‘yon. Binasa niya ang laman ng sulat na ‘yon. “Hmm, gusto na naman niyang makipaglaro sa ‘kin? Pero hindi ko gustong mag-aksaya ng pera sa bidding, wala na nga akong maipakain sa inyo gagastos pa ‘ko sa walang katuturan.” Alam ng mga naroon na wala ‘yong katotohanan. Madalas lamang nitong sabihin na wala itong maipakain sa kanila. “Lord Virgo, gusto mo bang i-reject ko na ‘to bago ka pa umalis mamaya?” “Hindi na, pagbibigyan ko na siya para makahimlay na si Sagitarrius nang maayos sa kabaong niya.” Sa lugar ng Underworld iba’t ibang lahi ang naroon at hindi lamang sila. Pero may salitang pinagkakasunduan sa lugar na maging universal sa language sa ibaba iyon ang Filipino at English. Filipino dahil ang unang umupo noon sa Underworld ay labing-dalawang may lahing Filipino. Isa pa, maraming isla sa Pilipinas ang pinaglalagian nila, mga islang hindi pa napapangalanan at nabibilang.  English naman para sa hindi gaanong makaunawa pero hindi maaaring pumasok sa lugar na ‘yon ang isang taong hindi marunong magtagalog. Parang isa na ‘yong parte nang samahan na hindi maaaring baliwalain ninoman kung gusto nilang umapak sa Underworld. Kung sa ibabaw mayroong mga kilalang Mafia iba ang Underworld, kaya nilang kontrolin ang mga Mafia. Lahat nang masalimuot at mahirap sikmurain ay naroon. “Lord Virgo, hindi mo dapat baliwalain ang nakaraan na muntikan ka nang masaktan nang husto—” ani Lilia. Natawa si Damon. Naniniwala siya sa kakayahan ni Lilia kaya niya ito kinuha pero dahil hindi pa ito matagal sa kanya kaya limitado lamang ang nalalaman nito sa kanya.  Napansin din ni Lilia na tila wala namang pakialam ang ibang bodyguard ni Virgo sa naging sitwasyon nito noon, hindi man lang ba nag-aalala ang mga ito? Hindi pa siya nakasama sa mga pinupuntahan nito dahil ang madalas nitong dinadala ay ang pinakamagagaling sa grupo. “Aalis ako kasama ang mga nasa dulo ng bawat grupo, aalis kami pagkalipas ng tatlong oras.” Naglakad na si Damon at sinalubong ito ng dalawang lalaking butler nila. “Nang dumating ka rito nalaman mo lang ang tungkol sa nangyari sa kanya,” sabi ni A1. Tiningnan ni Lilia si A1. Tinapik siya nito sa balikat at ngumiti ‘to nang malaki. “Si Lord Virgo ay wala nang kinatatakutan, ngumuya na ‘yan nang bubog, apatnapung araw na ‘yang nakulong para lamang i-torture, bago ‘yan makaakyat dinurog na ‘yan nang husto at pinino ng mga naunang Black Zodiac. Malalaman mo rin sa susunod kung gaano katindi ang pinagdaanan niya bago mo makitang nakatayo sa ‘yong harapan at kung bakit wala pang namamatay kahit isa sa grupong ito.” Nagulat si Lilia sa sinabi nito. Nangiti lamang si A1 at tinalikuran na siya bago nito tinawag ang grupo nito. ** UNDERWORLD BIDDING Ang sampung miyembro na lalaking nakaupo bilang bahagi ng Black Zodiac ay malalaki ang pagitan habang nasa isang malaking dining table. Sa ibaba nila ay nagaganap na ang bidding kasama ang mga partisipante sa Black Market. Lahat sila’y may maskarang itim sa kanilang mga mata. “Ang meeting na ito ay dahil nami-miss tayo ni Aries!” masaya at mapaglaro ang boses ni Pisces. Si Aries na nasa kabisera ay tahimik lang tiningnan sila isa-isa. “Huwag mo ‘kong tingnan nang ganyan baka mahalin kita,” biro ni Pisces na natatawa. “Para saan nga ito?” tanong ni Capricorn. “There’s something I need to discuss,” ani Aries. Dahil seryosong-seryoso ito ay kailangan nilang makinig. “May dalawa na tayong magiging miyembrong bago pero hindi ako sigurado kung sino sa kanila ang uupo dahil lima silang nakapasok at gusto nilang patalsikin kaagad ang iba sa ‘tin,” sabi ni Aries. “Woaaah!” Napapapalakpak si Aries. “May gano’n katangang nagsabi na mapapalitan nila tayo?” Natahimik ang lahat. “Palitan ninyo na si Virgo dahil mamamatay na ‘yan,” ani Sagitarrius na tiningnan si Damon. Iyong ngisi nito siguradong-sigurado. Nangisi si Damon. “Ouch, I’m scared,” kunwari’y nasaktan si Damon at hinawakan pa ang dibdib. “Ang pangit mong umarte, Virgo!” sigaw ni Pisces na sumimangot pa. Ito ang pinakabata sa kanila at kahit parang bata itong kumilos ay sadista ito. Ang grupo nito ang pinakamaraming insidente nang pagpatay. Nangalumbaba si Aries. “Sino sa inyo ang umubos sa Italian Mafia na Nicastro?” Walang gustong umamin. “Sino ba ang may kontrol sa kanila?” tanong ni Taurus pagkatapos humikab. Wala ring sumagot. “Ah, ah, sa ‘kin pala sila!” ani Sagitarrius na tuwang-tuwa. “Huwag kayong mag-alala, ako rin ang pumatay sa kanila!” Natahimik ang lahat. “Hindi nila nakontrol ang isang distritong sinabi ko sa kanila kaya inubos ko na sila,” natatawang sabi ni Sagitarrius. “Kung gano’n, walang lumabag sa ‘tin na hindi natin maaaring galawin ang nasa ilalim nang isa’t isa nang walang matinding dahilan,” ani Aries na nakahinga nang maluwag. Tiningnan ni Sagitarrius si Virgo at ngumisi. “Kung nanatili ka na lang sa ilalim ko, mas malaki ang maibibigay ko sa ‘yo,” may galit sa boses nito. “Hindi ka pa rin ba tapos? Samantalang pinagtatawanan mo lang si Virgo no’n, hindi ko makakalimutan kung paano mo siya dinurog nang paulit-ulit no’n. Kaso, nagbitiw ka nang salita na kung kakayanin niyang lahat pauupuin mo siya sa kulang nating miyembro,” ani Gemini. “Nang malaman mong may halimaw ka pala na inaalagaan at hindi pinapansin noon ay gusto mo siyang bawiin.” “Tama, tama, bitter ka pa rin hanggang ngayon!” akusa ni Pisces. Bumaling si Sagitarrius kay Aries. “Wala namang bigat ang sinabi ko kung hindi ka pumayag no’n, Aries!” Napabuntong-hininga si Aries. “Paanong hindi ako papayag? Isang tingin ko pa lang sa kanya alam ko na kaagad na para siya sa upuan na ‘yan,” nangisi ito. “Nagkamali ba ‘ko, Virgo?” Nangisi si Virgo. “Hindi ka kahit kailan nagkamali sa pagtingin, Aries.” Tiningnan ni Aries si Sagitarrius. “Simula nang umupo siya wala pang kahit isa sa ilalim niya ang namatay. Wala pa siyang sinasayang na sentimo sa lahat nang nakuha niya. Huwag kang kukurap baka maibagsak ka niya nang biglaan.” Nangisi si Sagitarrius sa sinabi ni Aries. May pinapanigan na ba ito? “Bakit parang ang seryoso mo ngayon, Virgo?” tanong ni Pisces kay Virgo. Nagulat naman si Damon sa naging tanong nito. Tumawa na lamang si Virgo. “Nagulat lang ako na ganito ang hitsura ng Underworld bidding,” ani Damon. Sa ibaba nila nagaganap iyon pero tanaw nila ang entablado at mayroon ding napakalaking screen na tila isa nang sinehan sa likuran ng mga ito. Nangisi si Sagitarrius. “Hindi mo masikmura na may taong katulad nila na binebenta rito? Mga walang halagang tao na bibilhin sa malaking halaga para lamang sirain din.” Pinindot ni Damon ang red button sa harapan nito. Sumunod doon ay ang paglabas sa malaking screen nang kulay pulang ’SOLD’. Nagulat rin ang mga naroon. Ang ‘SOLD’ na makikita lamang sa malaking screen ay ang bid nilang mga nasa 12 Zodiac, ibig sabihin hindi na maaaring ibenta ang sino man sa bidding kapag nabili na nila ito. Doble nang presyo nang kasalukuyang huling bidding nila bibilhin ‘yon. “Napakagandang laruan, hindi ba?” Ang tinutukoy nito ay ang babaeng kasalukuyang nasa screen. “Paano ko siya pahihirapan? May suhestiyon ba kayo kung paano ako masa-satisfy sa kanya na masasabi kong hindi ako nagsayang ng kayamanan ko?” Alam ng mga naroon kung sino ang tina-target ni Sagitarrius na inisin at mukhang epektibo iyon. Nakangiti man ay nagtiim-bagang si Damon sa ginawa nito. Sa hindi rin malamang dahilan nang tingnan niya ang babae sa screen ay nakaramdam kaagad siya nang kakaibang galit kay Sagitarrius sa plano nitong gamitin para galitin siya lalo. Nagulat din ang iba sa mga naroon nang diinan ni Damon ang red button nito kasunod ni Sagitarrius. Mas naging malaking pagkabigla ‘yon sa bidding sa ibaba dahil nagkaroon nang ‘WARNING’ sa screen at maingay na tunog. Isa iyon sa hudyat na may dalawa sa Black Zodiac ang nag-bid. Ang pinakamahirap na desisyon kung kanino mapupunta ang babaeng pinag-aagawan ng mga ito. Nangisi si Sagitarrius dahil tagumpay siya. Ang walang ginagastos sa lahat nang kayamanan nito ay nag-bid na ngayon para makipaglaban sa kanya. Hindi na tataas ang presyo ng nai-bid nila at dahil dalawa sila sa Black Zodiac na nag-agawan doon ay hahantong sa isang laban na maaaring makapagpabagsak nang isa sa kanila. Tumayo na si Damon at umalis sa lugar na ‘yon. Tumawa nang malakas si Sagitarrius. “Hindi pa rin siya nagbabago, hangga’t may kahinaan siya hinding-hindi siya tatagal sa lugar na ito.” Ang nabuong tower of cards ni Gemini ay bumagsak kaya nagsalita na rin ito. “Sagitarrius, mali ka, hindi kahinaan ni Virgo ang sinasabi mo.” Tumayo si Gemini. “Nang nabuhay siya matapos lahat nang ginawa mo sa kanya, at mamatay lahat ng kasama niya no’n, iyon ang mata niya nang tumingin sa ‘yo, humukay ka na nang libingan mo. Sa palagay ko pinakamahirap kalaban ang mga nababaliw na, at mas mahirap kapag natahimik ang baliw, hindi ba?” Nangisi si Pisces. “Kaya pala hindi tumatawa nang tumatawa si Virgo ngayon dahil iniisip niya na kung paano ka niya papatayin,”

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD