PROLOGO

1132 Words
Kasalukuyan akong nasa interrogation room, sa headquarter ng isa sa mga police station dito sa Manila. It's my second day. Oo, nasa presinto ako. I killed my stepbrother. Serves him right! The horrendous reactions on their faces keep on popping in my mind. I can clearly remember the way they evaded their gazes on me, my sister on the bed, blood all over my gown, and the silver thing on my hand. I should feel guilty for killing Ivan, right? But how come, I felt relieved? Looking at my handcuffed hands, all I can feel is justice bestowed upon me. Walong buwan na rin ang lumipas simula nang araw na 'yon. Ang araw kung saan sobrang saya ko pa. Naalala ko pa ang sunod-sunod na mga blessing ang dumating sa 'kin. I was declared as St. Nicholas University's Queen, batch valedictorian, ikinasal si Mommy kay Tito Bernard, at magkakaroon na kami ng kapatid ni CJ. But, everything messed up. In just a blink of an eye, napatay ko na pala si Ivan. In just a jiffy, kriminal na pala ako. My princess's life turned into a commoner on a street, walking without direction, hopelessly drowning in the sea of darkness. Naputol ang pagmumuni-muni ko nang bumukas ang pinto at pumasok ang isang pulis na may dalang envelope. Ibang pulis na naman. Ilang pulis na ang humarap sa 'kin at tanging iisa lamang ang tinatanong, paulit-ulit. "Bakit mo pinatay si Mr. Ivan Santos?" F*ck these idiots! "Dumating na ang laboratory results mo, Ms. Alejo," sabi n'ya habang tinitingnan ang papel na nasa loob ng envelope, "According to the results, you are positive in methamphetamine hydrochloride or shabu." Napairap ako sa narinig. Hindi ko alam bakit kailangan pa ang laboratory tests, as if naman masasagot no'n ang lahat. Kahit ilang laboratory tests pa 'yan, wala silang makukuhang sagot sa 'kin. Let them think I'm a criminal, that I killed Ivan because I was influenced by drugs. Wala namang mawawala sa 'kin kung sakaling makukulong ako. In the first place, wala nang natira sa 'kin. Walang-wala. Nakatingin lamang ako sa red gown na suot, hindi makikita ang dugo na bumabalot dito, ang dugo ng taong pinatay ko. Mapait akong napangiti. Hindi pa pala ako nakakapagbihis. Ang mga taong naging dahilan ng mga sakripisyo ko, hindi man lang ako madalhan ng damit. "So, makukulong na ako? Ilalayo n'yo na ako sa lugar na 'to?" tanong ko sa kan'ya, na ang tinutukoy sa lugar, ay sa kanilang lahat. Kay Mommy, kay CJ, sa best friend ko, kina Ayana, at sa lalakeng... Napabuga ako nang malalim na hininga. The reason of my miseries, the people I've treasured so much, hindi man lang ako matingnan. Hindi man lang nila ako pinuntahan dito. Kahit abogado, wala. Sa bilangguan siguro ako magpapasko next week. Nagsalitang muli ang pulis, taliwas sa tinanong ko, "Hindi na sana kailangan ng laboratory tests, kung sinasagot mo lang nang maayos ang mga tanong  namin," sabi n'ya na nakatayo pa rin sa may pintuan. I leaned closer to the table and rested my arms there, throwing him my deadly glare. "Bobo na pala ang mga pulis ngayon?" I said mockingly. I saw his jaw clenched and a grin plastered on my lips, "Ilang beses ko na ring sinabi, na pinatay ko s'ya dahil gusto ko lang." He crossed his arms on his chest, hindi pa rin umaalis sa kinaroroonan niya. I can sense impatience through his face. "Bakit humantong ka sa ganito, Ms. Alejo? Balita ko, isa ka sa mga ipinagmamalaki ng eskwelahan ninyo. Anak-mayaman, magandang bata---" Bago n'ya pa matuloy ang sasabihin n'ya, hinampas ko ang mesang pinagpatungan ng mga braso ko, "Pulis kang hin*yupak ka! Huwag kang mag-homily sa 'kin!" He was a bit shocked by my sudden outburst. Kalmado lang kasi ako simula nang dalhin nila ako rito. Want to know the most hilarious that happened to me on the day I've killed that son of a b*tch? Ang pulis na umaresto sa 'kin ay ang ama ng lalakeng inakala kong mahal ako. So funny right? Tsk! Ito na ba 'yong kapalit sa lahat nang magagandang nangyari sa buhay ko? Puro paghihirap? Hanggang ngayon, tinatanong ko pa rin ang sarili ko. Bakit sa 'kin pa nangyari? Wala akong maalalang ginawan ng masama o inagrabyadong tao. I was loved by everyone. Pero bakit? Bakit ako pa? "Wala ka na ba talagang planong sagutin ang mga tanong namin, Ms. Alejo?" tanong n'ya ulit. "Pakigamit naman ng utak mamang pulis," panunuya kong sabi. "Tinutulungan ka naming maresolba ang kaso mo, Ms. Alejo." "Well then, I don't need any of your help! I killed him!" I stand up and shouted while pointing my finger at him, "Hindi ni'yo ako matutulungan dahil hindi n'yo na maibabalik ang mga nawala sa 'kin!" Sobrang punong-puno na ang bigat na nararamdaman ko. I don't know if what I'm feeling right now is just a result of the drugs I've intake. Bigla na lang gusto kong magwala at manakit. So, I immediately grabbed the bottle of soft drink on the table. Hinampas ko ito at agarang dinikit sa gilid ng kanang mata ko. Nilaliman ko pa ang pagkakadikit. Nang maramdaman ko ang sakit na dulot nito, walang pag-aalinlangan kong pinadausdos iyon. Blood came rushing out and I can already feel the warmth from it. "Anak ng---" Dali-daling lumapit sa 'kin ang pulis at inagaw ang basag na parte ng boteng hawak ko. "Chief Corpuz!" sigaw ng pulis habang tinatakpan ang mukha ko gamit ang kan'yang kamay. That name. Corpuz Umagos ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Nararamdaman ko na ang hapdi sa sugat na ginawa ko sa mukha ko. Hinawakan ko 'to at naramdaman ang likidong naro'n. Tiningnan ko ang kamay kong puno ng sarili kong dugo. Ang mukhang 'to ang may kasalanan sa lahat! It deserves more than a wound! Napasalampak ako sa sahig. I can feel the strength departing from my body. Unti-unti ko nang nararamdaman ang sakit sa mukha ko. Pero mas masakit ang sugat sa puso ko, sa buo kong pagkatao. Pumasok ang isang pulis at gulat na tiningnan ako. Agad s'yang lumapit at binuhat ako. "Ihanda ang ambulansya!" sigaw n'ya at halatang natataranta. Ang ama ng lalakeng sinabing mahal n'ya ako, ngunit sa huli, pinili pa rin ang iwan ako. Palabas na kami ng Police Station. Nagkagulo na ang lahat. Pero, walang mas gugulo sa sitwasyon ng buhay na mayro'n ako. Bakit nagkaganito ang buhay ko? Bakit sa 'kin pa nangyayari ang lahat ng 'to? My life was once a fairytale. But now it's worthless and all I can feel is total darkness. Wala na akong pag-asa. Wala na akong liwanag na masusumpungan. Wala nang bukas na naghihintay sa 'kin. Bago ako mawalan ng malay, si Mommy na umiiyak at ang kapatid kong tulala ang huli kong nasilayan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD