Capitulo Uno

2208 Words
Nasa pinakadulong cubicle ng ladies washroom, tagaktak ang mga pawis, nangangalay na mga tuhod, at habol ang hiningang tinitingnan ang test tube sa kamay ko. Makikita pa rin ang usok na umiikot-ikot sa loob ng test tube. December na next month. Magwa-walong buwan na rin pala simula nang natuto ako nitong ipinagbabawal na gamot, pati na rin ang paninigarilyo. Puwede kayang humiling kay Santa Clause na ibalik ang dati kong buhay? Baliw ka na JC! Tsk! Nang kumalma na ang pakiramdam ko at humupa na ang usok sa loob ng test tube, pati na rin ang init n'yon, niligpit ko na kasama ang dalawang lighter at isang hugis karayom na foil, nilagay sa loob ng maliit na pouch at ipinasok ko sa loob ng bulsa ng uniform ko. Huminga ng malalim, pinunasan ang pawis sa noo, pinihit ang doorknob, saka lumabas sa cubicle. Kasabay nang paghakbang ko, ang siyang pagbukas din ng pinto ng ladies washroom at pumasok ang tatlong babaeng akala mo factory ng foundation ang mukha. Parang nadapa sa isang sako ng harina. "H-hi, JC," bati ng isa sa kanila, na para 'atang nasampal ng sampung beses sa sobrang kapal ng blush on. Nakangiti nga, halata namang kinakabahan. Hindi kami parehas ng sling id. Dito sa University, bawat grade or year level ay may color-coding sa sling id. Kaya hindi mahihirapan ang lahat na matukoy kung nasa anong division ang isang estudyante. I'm in Law department, wearing a black sling id. Naka-gray sling id naman sila, I think nasa Journalism Department sila. Hindi ko sila pinansin, dumiretso ako sa lababo at naghilamos. Pinagmasdan ko ang mukha sa salamin. Lihim akong napamura. Tatlong araw na akong walang tulog, pero bakit hindi halata! Girls of my age will wish to be pretty and undeniably gorgeous. Fuck! I wish I didn't have this kind of beauty! Mapatapos kong makapaghilamos, kumuha ako ng facial tissue sa nakasabit na tissue holder at pinunasan ang mukha ko. "Pauwi ka na, JC?" tanong ng babaeng make up is life. I looked at her with my signature poker face. "Hindi, rito ako matutulog." Bitbit ang bag, lumabas na ako ng ladies washroom, leaving them jaw-dropped and speechless. Rude na kung rude. I don't care. Ako lang 'ata ang rude, na every year nakakatanggap ng congeniality award. Binabagtas ko ang daan papuntang gate seven. Kung bakit kasi napakalaki ng University na 'to. Huwag tanga, JC! May maliit ba na university? Nagiging bobo na 'ata ako. May kaniya-kaniyang gate ang bawat division. Pero kapag may mga celebration dito sa university, ang main gate lang ang tanging nakabukas. As I stepped on to the covered pathway leading to gate seven, someone blocked my way. Standing in front of me, College Division Student Council (CDiSCIL) President, Vince Matteo Felizima. "What now, Felizima?" iritado kong tanong. "We need you this coming foundation," he answered me directly. I rolled my eyes in annoyance. "I already gave up my position, and here you are, still pestering me!" I fired at him. February of this year, I was elected as CDiSCIL's Vice President. Every February, nagkakaroon ng election. The same goes for the remaining divisions. After I was declared as the elected vice president, I graduated from Senior High as our batch valedictorian. Everyone predicted that I'll be the next president. But the whole divisions were shocked when I hand over my position to the opponent's party that was next in line. I'm an achiever, but that was me before. I'm a loser now. Trash that stinks and a damage can't be restored. "It's not what I meant, Miss Alejo." Kunot-noo akong lumingon sa kaniya. "You need to hand over your title to the next queen," he said calmly. Ngayon ko lang napagtanto, ang dami ko palang pinaggagawa noon. Puro pala ako pasikat dati. Kaya ito ako ngayon, lugmok at wala nang pag-asa. Last December, I was crowned as St. Nicholas' Queen. "Eh, kung ipatong niyo na lang sa ulo ng susunod na queen ang korona? Tapos ang usapan! Hindi niyo na ako kailangan!" sagot ko sa kaniya. Tatalikuran ko na sana siya, nang biglang dumating ang taong naging isa sa mga dahilan ng mga ginawa kong sakripisyo. My best friend, Jayde Amethyst Ferrer. CDiSCIL's Secretary. She also has the beauty and brains. Oh, one more thing, she's "satan's" girlfriend. I can't even pronounce the name of the "satan". "Naririnig mo ba ang sinasabi mo, gee?" Jayde asked while calling me our endearment. "Nakalimutan mo bang hindi na kita kaibigan?" I asked her mockingly. I saw her stiffened, pero dahil siya si Jayde, she immediately composed herself. Kayang-kaya niyang itago ang nararamdaman niya. At dahil ako si JC, kayang-kaya ko siyang pikunin. Alam ko ring hinding-hindi siya magpapakita ng kahit na anong ikasisira ng iniingatan niyang pangalan. Takot niya lang sa mommy at daddy niya. "Ah, ikaw na lang kaya ang mag-turn over, Ferrer? Tutal, pangarap mo na 'yan dati pa," sabi kong nanunuya kay Jayde. Pinakawalan ko ang isang ngiting tagumpay, nang makita kong namumula na ang mga pisngi niya. Ganyan nga, magalit ka. Curse me to death for shamelessly revealing your deepest secret. Dahil alam ko, sa oras na malaman mo, malaman ninyong lahat, pandidirihan ninyo ako. Kaya ngayon pa lang, gagawin ko na ang lahat para lumayo kayo sa 'kin. Nang sa gayon, hindi na masyadong masakit at mahirap tanggapin. "How dare you," mahinang sumbat ni Jayde sa 'kin, pero sapat na 'yon para marinig ko. Tahimik lamang si Felizima na nakikinig sa amin. Halatang nagulat dahil sa sagutan namin ni Jayde. Who would not? Not just by being well-known in academics and extra-curricular activities, our friendship is also known to everyone. At kung sinuman ang makakakita at makakarinig ng bangayan namin nagyon ay talagang magugulat. "Ano bang nangyayari sa 'yo?" halos bulong na lang ang maririnig kay Jayde. "Hindi ba't sinabi ko na sa 'yo, na sawa na ako sa buhay ko? I want to try something new, far from you, far from all of you," sagot ko at tinanggap ang tingin niyang nanghahamon. May mga estudyante pa na nagkalat sa quadrangle, ilan sa kanila ay nakatingin sa amin. May mga naglalakad din na napapalingon sa gawi namin. "I don't believe you," sabi ni Jayde, na ngayon ay nakayuko na. "Ows? Talaga? Kung ano man ang pinaniniwalaan mo, wala akong pakialam," I answered her. Kung ano man 'yon, mas mabuting gano'n na lang ang isipin mo. Masakit lang kasi, dapat kinukulit niya ako, like she used to do. Dapat pinilit niya akong sabihin ang dahilan kung bakit sinabi ko sa kaniya, na layuan niya na ako, na ayaw ko na siyang maging kaibigan. Pero, she just turned away without a word. Mas okay na ang gano'n. Hindi na ako mahihirapan na itaboy siya. Hahakbang na sana ako palayo, nang dumating ang satanas. "What's going on? Pinagtitinginan kayo ng mga tao," Ivan Santos said, the man behind my miserable life. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin lubos na maisip, na ang isang tulad niya na napakabait sa harap ng marami, ay mayroon palang demonyong pag-uugali. If glaring could kill, malamang nilalangaw na siya ngayon. Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa braso ni Jayde. Ang sarap hilain at baliin. Isa ako sa mga nagdiwang no'n nang maging sila. Bilib ako sa naging relasyon nila, dahil pinaglaban talaga ni Jayde si Ivan sa mga magulang niya, ganoon din si Ivan, hindi niya iniwan si Jayde sa kabila ng mga insultong natanggap niya galing sa mga magulang ni Jayde. Pero pinagsisihan ko ang araw na nagdiwang ako nang naging sila. Kung alam ko lang sana, hindi ko na tinulungan ang hinayupak na Ivan na 'yan! "Ano bang problema mo, JC? Ilang buwan ka nang ganyan. Baka gusto mong makarating ito kay Tita Faith?" sabi ni Ivan sa tonong lagi niyang ginagamit sa 'kin sa tuwing bina-black mail niya ako. Mommy Faith is pregnant, it was a menopausal pregnancy and critical as well, ka-buwanan niya na next month. Sabi ng OB ni Mommy, bawal siyang mag-isip ng kung anu-ano that will cause her stress and depression. Kaya hindi ko rin magawang makapagsumbong sa kaniya. We left Arena Fina, Tierra de Amor after Daddy passed away. I was four years old and Mommy just gave birth to my little sister, CJ. After five years, she met Tito Bernard, Ivan's father. After nine years of being in a relationship, they decided to get married last April and Tito Bernard together with Ivan moved into our house. Noong hindi pa sila nakatira sa amin, close kami ni Ivan. I even called him "kuya", ganoon din si CJ. Mabait si Tito Bernard, he treated us as his own. Kaya hindi ko alam kung saan nagmana ang hinayupak niyang anak. I can't blame Mommy for letting them live with us. No one is to blame, except Ivan! "Miss ka na rin ng banda," Ivan continued, referring to NichTwist, the official band of St. Nicholas, "At kinukulit pa rin ako ng mga kasamahan mo sa varsity." Napaka-best actor talaga ng demonyo. Bago pa kung saan mapunta ang usapan, sumagot na ako para matapos na 'to at makaalis na. "Okay, I'll cooperate," I said defeated. Nakita kong napahinga nang malalim si Felizima at umaliwalas naman ang ekspresyon ni Jayde. "We will be having a meeting tomorrow after classes in the afternoon," Felizima informed but I disagree immediately. "It's Friday tomorrow, so hindi ako p'wede," sabi ko at umiwas ng tingin sa kanila. Ayokong makita ang pagmumukha ni Ivan. And as expected, umalma sina Felizima at Jayde. "Pero next week na ang foundation, Miss Alejo," bulalas ni Felizima at nilingon si Ivan. "Kailangan ng ma-finalize ang choreography bukas at marami pang idi-discuss regarding the opening ceremony on the first day of foundation," mahabang salaysay ni Jayde. I exaggeratedly rolled my eyes to show them I'm not interested. "As if I didn't know," sarkastiko kong sabi sa kanila. "Alam mo naman pala, so alam mo rin kung bakit ka kailangan sa meeting bukas," Jayde said, and my eyes drifted to their intertwined hands. Kung dati kinikilig pa ako, ngayon nakakasuklam! Gusto kong sigawan si Ivan for touching my best friend! F*ck this life! "Then, ikaw ang mag-turn over," I answered avoiding her gaze. "Just make it on lunch break, love," sabi ni Ivan na halos gusto kong masuka. Ilang minuto pa ang lumipas nang binasag ni Felizima ang katahimikan. "Okay, lunch break. Make sure to be there." "Tsk! Papayag naman pala, ang dami pang satsat," I said dismissively. Nagsimula na akong humakbang papalayo, dala-dala ang bigat na nararamdaman. F*ck you, Ivan! Dati, sabay pa kaming tatlo pauwi. Tatambay saglit sa pinakamalapit na 7/Eleven. Minsan kasama namin si CJ. Nakita ko ang mga kasamahan ko sa varsity papasok sa main gym ng university. Nasa division namin ang main gym at ito rin ang pinakamalaki. Ganitong oras pala ang practice, lalo na't malapit na ang foundation. Nakita ko rin ang mga babaeng may bitbit na mga high heel, sila siguro ang mga contestant para sa Search for St. Nicholas next Queen. Mapakla akong napangiti sa kawalan. Naalala ko pa ang pangarap kong makatapak sa Miss Universe. Nang tumuntong ako ng grade seven, binalak kong sumali kaagad sa search for the next queen. Tinawanan lang ako ng mga staff. "Miss Alejo, you have the beauty, the body, height, and brains. And you also have the money. Pero, you need to join pageants and win more than ten times, for you to be qualified. Magpaganda ka pa. Magpa-sexy at alam kong tatangkad ka pa." Nagsimula ako mismo nang araw na 'yon. I did not expose myself from makeups, kapag may sasalihan akong pageant, light makeup lang. Prutas at gulay ang lagi kong kinakain, I barely eat meat and rice. Pumasa na ako that time sa trial match ng volleyball team, and when they heard na I want to join the pageants, they wanted me to back out. But then I refused. The love I have for pageants is like the love I have for volleyball. Ayon sa kanila, baka raw magasgasan ako o mabalian ng buto. I just laughed at their statements. Gusto kong manatili sa volleyball team because I know, I'll maintain my slender body for being an athlete. Ginawa ko ang lahat ng alam kong paraan para mapanatili ang gandang mayroon ako, iningatan ang katawan ko, pinatili ang matataas kong grado at naging mabait ako sa lahat. Pero, in just one night, I've lost everything. In just one night, I was drowned in the sea of darkness. In just one night, hell is waving at me. In just one night, my life turned into a s**t. Malayong-malayo na ako sa buhay na mayro'n ako no'n. Malayo na ako sa mga taong mahalaga sa 'kin. May sarili na akong mundo na ako lamang ang may alam. Punong-puno na ako sa mga pasakit at ako lamang ang nakakaramdam. Ang luhang kanina ko pa piniligilan, malayang umagos na walang nakakita, walang may alam at walang makakapansin. I'm all alone to the world I've created. That no one will see and no one will ever know.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD