Capitulo Dos

2067 Words
Tinatahak ko ang madilim na eskinita, limang kanto galing sa university. Mag-a-alas singko pa lang sa hapon pero madilim na sa bahaging ito, dahil na rin siguro sa liit at sikip nito. Nang marating ko na ang kabilang dulo, sumalubong sa 'kin ang kulay kahel na kalangitan na unti-unti nang sinasakop ng dilim, mga batang naglalaro sa gilid ng daan at mga tambay sa kanto. Isang lugar na mas ligtas ako kaysa sa bahay. Malaya akong nakakapunta kahit hindi naman ako residente rito. Maikukumpara ko ang lugar na ito sa isang squatter. Hindi naman as in squatter talaga. In fact, may mga malalaki at modern houses dito. Ang kaso nga lang dikit-dikit at masyadong crowded. Naalala ko pa kung anong dahilan kung bakit parang taga-rito na rin ako. Hindi ko rin inakala na sa ganito kapayapang lugar, talamak ang droga. Nasalubong ko si Kuya Badong, pinuno ng mga tambay.  Pero, hindi naman nakakatakot 'yong hitsura niya. Ang nakakatakot lang, kung malakas ang hangin, baka matangay siya. Tatalunin niya ang flag pole sa university. Hindi mo aakalaing may kaibigan akong mga tambay sa lugar na 'to. Kapag nalaman ng mga taga St. Nicholas, for sure, pagtatawanan nila ako. "Oh, JC, kina Ayana ka ulit?" tanong niya sa 'kin at nakipag-high five. Sinabayan niya ako sa paglalakad. "Yow, JC!" bati ng mga tambay na nasalubong namin, na kinawayan ko lamang. "Oo, Kuya. Tatambay saglit," sagot ko sa tanong ni Kuya Badong. "Ubos na agad?" nakangisi niyang tanong sa 'kin. "Wow! Ikaw nga dyan, parang kailangan na nang responde ah," ganti kong kantyaw sa kaniya. "Beke nemen, JC," saad niya habang marahang kinakamot ang batok. "Halatang lowbat na at kailangan nang i-charge," panunukso ko pa sa kaniya, "Kung hindi ka lang malakas sa 'kin eh." Dinukot ko ang pouch sa bulsa ng uniform ko at ibinigay sa kaniya. "Yown!" sabi niya at kulang na lang kuminang ang mga mata niya. "Ibalik mo 'yang barbie ko ah?" sabi ko na ang tinutukoy ay ang test tube na ginagamit namin. "Opkors!" masigla niyang sagot sa tonong pangkanto. "Oh, sige na, Kuya. Kina Ayana lang ako," paalam ko sa kaniya. Paalis na sana ako nang biglang may nagsalita sa likuran namin. "Ano na naman 'yan?" Nang lingunin ko ito, si John na naka-school uniform pa at ang mata niyang nawawala sa t'wing ngumingiti siya ang sumalubong sa 'min. Isa siya sa mga nakatira rito. Pero hindi siya tulad namin. Masasabi ko na mas matinong tao pa s'ya kaysa sa 'kin. Masyadong misteryoso ang lalakeng 'to. Lagi naman s'yang kinu-kwento ni Ayana sa 'kin. Third year college na raw s'ya at may kuya na graduating na sa college. Sa St. Nicholas daw nag-aaral ang kuya n'ya. "Lagi ka na lang may pasalubong kay Badong eh," sabi pa ni John. "Bakit? Gusto mo, ikaw rin?" tanong ko kay John. Bigla namang tumawa si Kuya Badong. "Hahaha!" tawang-tawa si Kuya Badong at napahawak pa sa sariling tiyan. Nakatingin lang kami ni John sa kaniya. Ilang minuto pa ang lumipas bago s'ya nahimasmasan. Pinahid n'ya ang gilid ng kan'yang mga matang may  takas na luha dahil sa matindi n'yang pagtawa. "Laptrip ka masyado, JC," sabi ni Kuya Badong at tumawa na naman ulit. "Hoy, Kuya! Umayos ka nga! Kinakabahan na ako sa 'yo ha!" sabi ko  kay Kuya Badong at marahan siyang hinampas sa balikat. Baka 'pag nilakasan ko, sa hospital siya pupulutin. "Ikaw ang umayos, JC!" sagot ni Kuya Badong sa 'kin, "Si John? Bibigyan mo? Lalanggamin na lang oy!" Bigla akong napairap. Ang babaw talaga nang kaligayahan ng taong 'to! "As if naman na lalanggamin," I said with my straight face, "Oh, alis na 'ko." Naglakad na ako palayo sa kanilang dalawa. Nadaanan ko ang tindahan ni Aling Berta at tulad ng inaasahan ko, binati niya ako. "Oh, JC! Kamusta? Hindi kita nakita kahapon ah?" tanong niyang nakangiti sa 'kin. "Ah, may tinapos lang po sa school," pagsisinungaling ko at hindi magantihan ang ngiting ibinigay niya. Mabuti pa ang mga taga-rito, naaalala akong kamustahin. Sa bahay, wala man lang nakakahalata. Kung sabagay, hindi naman ako nagpapahalata, lalo na kay Mommy. Sabi nila, ligtas ka raw sa sariling pamamahay. Sino nagpauso ng mga salitang 'yan at nang mabigwasan ko! Hindi lahat ng tahanan ay ligtas. Minsan sa sariling tahanan ka pa mapapahamak. "Ate JC!" Napalingon ako sa batang masayang tinawag ang pangalan ko. Si Jelay, kasama ang mga kaibigan niya. "Ang ganda mo talaga, Ate JC!" "Oo nga! Makinis at matangkad!" "Ang ganda pa ng buhok!" "Mabait na, matalino pa!" Sabay-sabay na sabi ng mga bata at ni Jelay. I cursed secretly! "Paglaki ko, gusto ko maging tulad mo rin, Ate JC!" sabi ni Jelay na punong-puno ng kasiyahan ang boses. Kung alam niyo lang, pupurihin niyo pa rin kaya ako? Bago pa kung ano ang masabi ko, dumukot ako ng pera sa bulsa ko at ibinigay kay Jelay. "Oh, paghatian niyo. Ibili niyo ng pagkain ha?" "Naku, JC! Sinasanay mo sila sa pera," bulalas ni Aling Berta na kanina pa pala nakikinig sa 'min. "Salamat, Ate JC!" sabay na sabi na mga bata at pumunta sa tindahan ni Aling Berta. Hindi ko na nasagot si Aling Berta dahil nagkukumahog na siya sa pag-aasikaso ng mga batang nag-uunahan sa pagpili kung anong bibilhin. Nagsimula ulit akong maglakad papunta sa bahay nina Ayana. Naalala ko pa kung kailan ang naging una kong tapak sa lugar na 'to. Pa'no ko makakalimutan ang gabing 'yon? Binuksan ko ang isang gate na gawa sa kawayan. Bumungad sa akin ang isang up and down na bahay, maliit at simple lang. Kung puwede lang akong tumira dito, matagal na akong lumayas sa 'min. Pero hindi puwede, ayokong mapahamak si Mommy, lalung-lalo na si CJ at si Jayde. Tutal, wala na namang mawawala sa 'kin, po-protektahan ko sila kahit ang kapalit ay ang sarili ko. Naisip ko, naaalala pa ba ako ng Diyos? Lagi kong tinatanong sa sarili ko, bakit sa 'kin nangyayari ang mga paghihirap na 'to? Bakit pa ako nabuhay kung ganito rin lang naman ang kahahantungan ko? I'm maybe breathing, but I am dying inside. I'm maybe alive, but I am dead inside. I can't even describe my life now. A mess? Damage? Broken? If there's one word to describe my life, well combine those words, and the outcome is me. Kumatok muna ako sa pinto at nang marinig ko ang boses ng mama ni Ayana, pinihit ko 'yon at pumasok. "Oh, JC! May pinuntahan pa si Ayana," bati sa 'kin ni Tita Analiza sabay lapit at yakap sa 'kin. Lagi siya ganito sa t'wing pupunta ako rito sa kanila. Kailan ko ba huling nayakap si Mommy? Lihim akong napabuntong-hininga. Matapos siyang kumalas sa pagkakayakap niya sa 'kin, nagmano kaagad ako. "Kaawaan ka ng Diyos, Iha," nakangiti niyang turan sa 'kin. Sana nga ho, maawa Siya sa 'kin at ayusin ang buhay ko. As if naman, maaayos pa! "Sa'n po nagpunta si Ayana?" tanong ko sa kaniya at sinundan siya papunta sa kusina. Nakita kong naghahanda siya ng pagkain. Dadalhin niya siguro sa hospital. "Hindi niya nabanggit eh," sagot niya sa 'kin habang nilalagay sa maliit na bag ang mga tupperware na may laman ng pagkain. "Oh, may pagkain sa ref, kumain ka lang, JC." "Sige po, mamaya. Tatambay lang po ako sa kwarto ni Ayana," paghingi ko ng abiso sa kaniya. "Naku! Hindi mo na kailangan magpaalam, JC! Lagi ka namang welcome dito," sabi niya at isinukbit na sa balikat ang shoulder bag at binitbit ang isa pang bag na may laman ng mga pagkain, "Oh s'ya, aalis na ako, JC." "Sige po, ingat. Ikamusta niyo na lang po ako kay Amarah," sagot ko sa kaniya na ang tinutukoy ay ang kapatid ni Ayana,  mag-iisang taon nang nasa hospital. She was confined because of leukemia. Ewan ko pero, dahil do'n nakilala ko si Ayana at si Kuya Badong. Nang makaalis na si Tita Analiza ay umakyat na ako sa kwarto ni Ayana. Simple lang din ang kwarto niya. I'm safe and sound here. Hindi katulad ng sa kwarto ko, malaki nga pero do'n pa ako mismo napahamak. Isang maliit na kama sa gitna at may maliit na study table sa kanang gilid n'yon. Sa dulo, may isang bintana at sa ilalim n'yon, may dalawang bangko na gawa sa kawayan, well furnished at maiisip mong bago pa ito dahil na rin sa naka-varnished ito. Ganito rin ang sala set nila sa ibaba. May maliit na mesa rin. Sa kaliwang gilid naman ng pinto, sa kintatayuan ko, may maliit na aparador at may mga nakapatong na mga libro. Achiever din si Ayana at parehas din kami ng grade. Nasa iisang eskwelahan sila ni John. Maganda si Ayana Michelle Perez. Tulad ko, wala na rin siyang papa. Kaya hindi ako magtataka kung bakit pinasok niya ang ganoong trabaho. Maliit lang ang kita ng karenderya nila, hindi 'yon kayang tustusan ang hospital bills at mga gamot ni Amarah. And also, we love music. Like me, marunong din siyang maggitara and she has a good quality of voice. Aside from that kind of work, kumakanta rin siya sa isang restobar. Naalala ko tuloy ang "The Alley". Official band ang NichTwist sa restobar na 'yon. Pero simula nang umalis ako sa banda, hindi na raw sila tumutugtog doon. Pumunta ako sa bintana at binuksan 'yon, like I always used to do. Uupo sa bangko na nakaharap sa bintana at malulunod na naman sa samu't saring alaala. Bago ako umupo, pumunta muna ako sa headboard ng kama ni Ayana at kinapa ang kahon sa ilalim n'yon. Nang makuha ko na ay dinala ko 'yon sa bangko na uupuan ko. Binuksan ito at kumuha ng isang stick. Sinindihan at nagsimulang humithit. Afterwards, binuga ko ang usok. Sana ang buhay parang paninigarilyo lang, matapos mong maibuga ang usok ay maglalaho na lang ito bigla sa kawalan. Sana sa isang bugahan lang, mawala lahat ng paghihirap ko. Na sana sa isang buga lang, mawala lahat ng mga bigat na pinapasan ko. Sobrang bigat na kasi na hindi ko na alam kung kaya ko pang dalhin. Sa t'wing naiisip ko ang mga nangyari sa 'kin, ang bigat ng dibdib ko na halos nahihirapan akong huminga. Kumawala ang isang butil ng luha sa 'king pisngi, na nasundan pa ng isa, hanggang sa napahagulhol na ako ng iyak. Kinapa ko ang dibdib ko, para bang tinutusok-tusok 'yon ng karayom. Kumuha ako ng tissue na nakapatong sa mesa. Nahagip ng mata ko ang picture album sa ilalim nito. Kinuha ko 'yon at litrato namin ni Ayana ang una kong nabungaran. Nasa 7 eleven ang background n'yon. Natatandaan ko pa, si Kuya Badong ang kumuha ng litratong 'to.  Nakaakbay si Ayana sa 'kin at nakangiti naman ako. Nakangiti ako. Hindi ko alam pero nami-miss ko na ang dating ako. Ang maingay at palatawang ako. Sa sobrang daming nangyari sa 'kin, kahit ang ngumiti hindi ko na magawa. Ang ngiting lagi kong binibigay sa t'wing may babati sa 'kin. Ang ngiting lagi kong pinapakita sa t'wing may pupuri sa 'kin. Ang tamis ng ngiti ko, hindi ko na alam kung maipapakita ko pa 'yon sa ibang tao. Tiningnan ko ang mukha ni Ayana sa litrato. Hindi ko alam kung magkakasundo sila ni Jayde. They were total opposite. Jayde was raised being prim and proper. While Ayana, a happy-go-lucky girl. Ako lang ang nakakakita sa mga kabaliwan side ni Jayde pero si Ayana, walang arteng pinapakita sa ibang tao ang ka-abnormal-an niya. Natatakot si Jayde makisalamuha sa iba, pero si Ayana, nagiging kaibigan niya lahat ng mga makakasalamuha niya, like what happened to us. Siguro, kung hindi ko nakilala si Ayana, hindi ko na alam anong mararamdaman, lalo na at basta na lang akong iniwan ni Jayde nang nag-iisa. Isa siya sa mga dahilan ng paghihirap ko pero basta niya na lang kinalimutan ang sumpaan namin bilang magkaibigan. Kung sabagay, wala naman siyang alam. So, I'll leave it that way. Pinagmamasdan ko ulit ang litrato na hawak. Sa mga oras na 'to, problemado na si Ayana, pero bakit nagagawa niya pa ring ngumiti? Sana tulad ko siya, kayang ngumiti kahit ang bigat-bigat ng dinadalang pasanin sa dibdib. Sana tulad ko siya, matapang na hinaharap ang problema. Eh, ako? Gusto ko ng takasan. Gusto kong bigla na lang mawala. Pagod na pagod na ako. Hindi ko alam hanggang kailan ko pa 'to makakayanan. Marahas akong napabuntong-hininga. Naalala ko na naman ang una naming pagkikita ni Ayana. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD