PLEA'S POV:
ISANG MALAKAS na putok ng baril ang siyang nakapagpagising sa aking diwa matapos ang mainit na gabi na siyang pinagsaluhan namin ni Cruel kaya naman unti-unti kong iminulat ang aking mata ngunit namutla ako nang makita ang dilat na mga mata ng lalaking binaril ni Cruel at may bakas ng tama nang bala sa noo nito.
Napabalikwas ako ng bangon at bumulaga sa akin ang hubad na katawan ni Cruel habang may hawak itong baril at umuusok pa 'yon. Hinila ko ang makapal na kumot upang takpan ang katawan ko at nanginginig ako sa takot dahil sa masamang tingin ni Cruel sa akin.
"C-Cruel..." tawag ko sa kaniya.
"Is this how you repay my kindness? Taking sh*t behind my back?" gumapang ang kilabot sa buong katawan ko.
"C-Cruel ano bang sinasabi mo?" hindi ko maiwasang matakot sa tuwing seryoso ang mukha ni Cruel dahil nasanay ako na lagi siyang nakangiti sa akin at wala akong ideya kung bakit may bangkay sa harapan ko.
Sino bang matutuwa na gigising kang may patay sa loob ng kwarto mo? Si Cruel lang dahil kilala siyang walang puso at walang awa sa kaniyang kapwa at lahat ng sumuway sa gusto niya ay mamamatay mula sa kaniyang mga kamay.
Ibinaba ni Cruel ang hawak nitong baril at naglakad palapit sa akin at saka ito sumampa sa kama at tuluyang binitawan ang baril sa bed side table at hinawakan ang mukha ko.
Napapikit pa ako dahil sa lamig ng kamay niya.
"Plea... my Plea... did I scare you?"
Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko at ang malambot na ekspresyon ng mukha ni Cruel ang sumalubong sa akin.
"B-Bakit may bangkay sa loob ng kwarto?" kinabig ako ni Cruel at niyakap niya ako habang hinahaplos ang aking buhok.
"I'm sorry, I didn't mean to scare you. I know you're tired because of what we've shared last night. And I didn't know that someone was watching us that's why I got rid of him."
Namutla ng tuluyan ang mukha ko dahil sa sinabi ni Cruel.
'M-May nanunuod sa amin habang inaangkin ni Cruel ang katawan ko?'
I can't believe this.
"W-What?"
"Hush. Don't mind him. Shall we go back to sleep?"
Naipikit ko ang mga mata ko at isinubsob ang aking mukha sa dibdib ni Cruel.
Kailan ba ako masasanay na laging may patay kahit saang sulok ng bahay na ito?
Kailan ako masasanay na hindi normal ang mundong ginagalawan ni Cruel dahil kung gaano kasama ang pangalan niya, ganun rin kasama at kabrutal mismo ang taong nagmamay-ari ng pangalang Profano Cruel De Veil?
Kailan ako makakatakas sa impyernong ito kung ilang beses ko nang isinuko kay Cruel ang sarili ko para lang maisalba ang sarili ko?
Hindi ko alam.
"H-Hindi mo ba aalisin ang bangkay ng lalaking 'yan? Hindi ako komportable na may ibang tao sa loob ng kwarto natin bukod sa'yo,"
Cruel giggled as he ran a tiny kiss on top of my hair and stroked it gently before he held my face and kissed my lips.
"Alright. I'll call someone to clean my mess."
Marahan akong tumango sa kaniya at saka ako nito binitawan at muling bumaba ng kama at tinungo ang pinto at binuksan 'yon. Akala ko ay lalabas na siya ngunit may kinausap lang ito at pumasok ang isa mga tauhan niya na kasing edad ko lamang din at kapareho kong galing sa kalsada.
"Clean that mess, Roman," utos ni Cruel na agad namang pumasok si Roman nang hindi napupunta sa gawi ko ang paningin niya kaya naman muli akong nahiga sa kama at balot na ako ng kumot habang tinitignan ang gagawin ni Roman.
Walang atubiling binuhat nito ang bangkay sa kaniyang balikat at walang isang salitang lumabas ng kwarto ni Cruel at rinig ko pang may iniutos si Cruel upang linisin ang dugo na nagkalat sa sahig dahil baka mangamoy 'yon.
Tuluyan ko nang binalot ang buong katawan ko ng kumot at marahan akong napapikit upang mawala ang kakila-kilabot na pangyayari ngayong umaga. Kagigising ko pa lang ngunit puro karahasan na agad ang aking nasisilayan.
Ito ang mundo ni Profano Cruel De Veil, ang maging marahas sa paligid niya. Na kahit ako ay natatakot sa pwedeng gawin ni Cruel sa akin kapag nakagawa ako ng mali.
Muli kong iminulat ang aking mata nang maramdaman kong lumundo ang kama at may yumakap sa aking katawan at nang ibaba ko ang kumot na nakatabing sa aking mukha, ang nakangiting si Cruel ang siyang bumungad sa akin.
"I thought you go back to sleep?"
I frown at him, "How can I go back to sleep if that dead person is lingering on my mind?"
Naging seryoso ang mukha ni Cruel nang mapagtanto kong mali ang sinabi ko.
"What did you say?"
"M-Mali ang iniisip mo--" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang halos maduling ako sa bunganga ng baril na nasa pagitan ng mata at ilong ko.
"Repeat what you said, my Plea. How many times do I have to tell you that you don't have the right to think whose bullshit it is? I should be the only one on your precious mind."
Napalunok ako dahil isang pitik lang ni Cruel ng baril niya, sasabog ang bungo ko ng wala sa oras.
"H-Hindi ganun 'yon. S-Sino bang matutuwa na gigising ako na may bangkay sa harapan ko tapos nakatingin pa sa akin?"
Lumambot ang mukha ni Cruel sa akin at muli niyang ibinaba ang baril kaya nakahinga ako ng maluwag. "Oh right. You're too weak to see this kind of world, my Plea. Hindi ko sinasadya na tutukan ka ng baril."
"O-Okay lang."
"You're not mad at me, aren't you?" tanong niya nang biglang nangilid ang luha sa kaniyang mga mata kaya nataranta ako bigla kaya napabangon ako sa kama nang hindi alintana ang kahubaran ko na puno ng kagat ni Cruel sa akin kagabi.
Hinawakan ko ang kaniyang pisngi at marahas akong umiling sa kaniya, "h-hindi. Hindi ako galit, Cruel. Please, huwag kang iiyak."
"I won't do it again, just promise me you won't leave my side."
"O-Oo. Hindi ako aalis sa tabi mo."
Kinabig ako ni Cruel at mahigpit na niyakap at saka ito sumubsob sa balikat ko. Naramdaman ko na lang ang mainit na likido sa aking balikat.
He's crying.
He may be a tyrant on the outside but he's too soft on the inside and he's afraid if I got mad at him even though he's a bit scary. Ngunit sa tagal ko nang pananatili rito sa pamamahay ni Cruel ay unti-unti na akong nasasanay sa ugali niyang pabago-bago.
SUMAPIT ANG tanghali, nagpasya si Cruel na umalis ng bahay dahil meron ito umanong transaksyon mula sa ibang grupo ng sindikato kaya naman ako na lamang ang naiwan sa kwarto nang magising ako ulit. Bumangon ako sa kama at hubo't-hubad na tinungo ang banyo upang maligo at pag tapat ko pa lamang sa salamin ay tumambad sa akin ang mga pulang marka mula sa leeg ko pababa sa aking balikat, dibdib, tyan, singit at hita.
Hindi ko alam kung ilang beses na inangkin ni Cruel ang katawan ko basta't ang alam ko lang ay humihinga pa ako at 'yon na lamang ang pinanghahawakan ko. Matapos kong pasadahan ng tingin ang buong katawan ko, agad akong pumasok sa shower room at nagsimulang maligo at inumpisahang kuskusin ang katawan ko kung saan dumaan ang haplos at halik ni Cruel.
Hindi ko ginusto ang nangyayari sa akin ngunit mula nang mapadpad ako sa poder ni Cruel ay hindi na ako nito binitawan hindi katulad ng ibang ampon niya na may iba't-ibang gawain dito sa loob ng mansyon. Ako lamang ang nanatiling walang ginagawa bukod sa paligayahin si Cruel kung kinakailangan.
Iba-iba ang trato ni Cruel sa mga ampon niya at ang ilan sa kanila ay kasama niya sa pakikipag transaksyon sa mga sindikato habang ang iba ay may iba't-ibang misyon.
Ang mga lalaking ampon ay inatasang maging bantay ni Cruel kahit saan ito magpunta at batak din ang mga ito sa training tungkol sa paghawak ng iba't-ibang sandata tulad ng baril, kutsilyo at kung anu-ano pang kagamitang pwedeng kumitil sa buhay ng tao habang ang mga babae naman ay ginagawang katulong at kung minsan ay ginagawang parausan ng bantay ni Cruel.
Ang hirap isipin hindi ba? Na ang mga tulad namin ay walang laban kay Cruel dahil buhay namin ang nakasalalay dito at wala kaming ibang pagpipilian kundi ang sumunod sa kanilang gusto. Swerte ko na lang na napunta ako kay Cruel ngunit naaawa rin ako sa kapwa kong babae na narito.
Nang matapos akong maligo, agad na akong nagbihis at tinuyo ang buhok ko bago ako tuluyang lumabas ng kwarto. Nakasalubong ko pa ang ibang bantay ngunit para lamang akong hangin na dumaan sa kanilang harapan. Ayon kasi sa narinig kong patakaran ni Cruel, walang sinuman ang pwedeng tumitig o kumausap sa akin unless isa kang babae.
Cruel is too possessive to the point he's controlling my life. Hindi ako pwedeng lumabas nang hindi siya kasama at hindi ako pwedeng tumingin sa ibang lalaki kung hindi si Cruel ang nasa harapan ko.
"Gising na ang mahal na reyna," nahinto ako sa paglalakad patungo sa hagdan nang harangan ako si Suzy; isa sa mga ampon ni Cruel tulad ko.
"Anong kailangan mo sa akin?" malamig na tugon ko sa kaniya. Wala akong ka-close o kaibigan kahit isa sa kanila dahil iba-iba ang turing sa amin ni Cruel.
"Ang tapang mo yata ngayon Plea porket pabor sa'yo si Ninong Profano. Masarap bang bumukaka sa harapan ni Ninong?" may halong pambubuska at pangmamaliit sa boses ni Suzy ngunit isinawalang bahala ko na lamang 'yon.
Hindi ko naman kailangang gamitin ang pangalan ni Cruel upang parusahan ang isang ito.
"Oo naman. Lalo na kung kasing sarap ng katawan ni Cruel ang siyang kasiping ko sa kama." ganting sagot ko rito dahilan para mamula ang mukha ni Suzy.
"Ang kapal din naman talaga ng mukha mo!"
Humalukipkip ako sa aking kinatatayuan at tinignan ng pailalim si Suzy, "makapal talaga ang mukha ko lalo na kung pabor sa akin ang mahal mong Ninong at nakahiga ako sa pera samantalang ikaw ay ginagawang alipin at parausan ng mga tauhan ni Cruel. Gusto mo palit na lang tayo?"
Nanggigigil na nilayasan ako ni Suzy at nauna itong humakbang patungo sa hagdan ngunit bago pa man ito makarating sa ikalawang baitang, sinipa ko ang likuran nito dahilan para gumulong siya pababa ng hagdan at nawalan ng malay.
"Ops! My bad." tatawa-tawang wika ko at saka ako marahang naglakad pababa ng hagdan at nang marating ko ang dulo kung saan nakadapa ang katawan ni Suzy, sinilip ko pa ito kung humihinga pa ba o hindi na. "Kilalanin mo muna kung sino ang babanggain mo, Suzy. Sa susunod na bastusin mo ako sa pamamahay na 'to, baka hindi mo na makita ang sikat ng araw."
Sinipa ko pa ang katawan ni Suzy at saka ako tuluyang dumiretso sa kusina at hinayaan ang katawan ng babaeng 'yon kung madatnan man ni Cruel na mayroong bangkay sa paanan ng hagdan.