PLEA'S POV:
"PLEA? PLEA!?" nabalik ako sa huwisyo nang tapikin ni Neon ang balikat ko at hinila nito ang kinauupuan ko palayo kay Frost. Talk about being jealous? Hindi nga siya namamatay sa misyon pero sa selos, isang bala lang si Neon.
"Bakit ba?" I hissed at her as I crossed my arms on top of my chest and looked at Neon.
"I am asking you what would you do with Madrigal?" tanong nito habang nakapamewang sa akin.
"I am done with her without a sweat. I told you she's inside Cruel's territory with the guards having her time for her life."
"What do you mean by that?"
Umangat lang ang isang kilay ko kay Neon, "kailangan ko bang idetalye sa'yo?"
"Why not? She's your mission."
"Fine. Pinagpapasa-pasahan si Sophia sa bahay ni Cruel at mukhang tuwang-tuwa naman ang babae sa ginawa ko at hindi ko naman aakalain na siya ang misyon ko. I told the guards to get rid of her and break her limbs into pieces and scattered it all over the city. Masaya ka na?"
Napangiwi si Neon sa akin habang si Frost ay napadpad sa akin ang atensyon ng ilang segundo bago muling ibinalik ang atensyon sa pinakamamahal nitong computer at si Mega naman ay napapailing na lang.
"Ang brutal mo talaga eh, no?"
"Psh! What can I do? Hindi pwedeng hindi ako makipagsabayan sa pagiging demonyo ni Cruel dahil sa pangalan pa lang ng lalaking 'yon ay kinikilabutan na ako,"
"But you choose to stay?"
"Because he's my mission. Hindi pa rin nasasagot ang tanong ko kung bakit baliw siya sa isang tulad ko. I am just a nobody unlike Sophia Madrigal can give him anything he wants. Samantalang ako ay galing lamang sa tambakan ng basura."
"Baka dating basurero si Profano kaya kinuha ka niya--" hindi natuloy ang pang-aasar ni Neon sa akin nang umigkas ang paa ko para sipain siya ngunit agad itong nasangga ng kaniyang kamay at tinapik lamang 'yon pabalik sa sahig. "Chill, ang haba ng bias mo!"
"Masasaktan ka talaga sa akin kapag hindi mo ako tinigilan!" Neon zip her mouth as if she's done arguing me kaya naman muli kong hinarap si Frost, "may balak pa bang bumalik si Nyebe sa hideout natin at gampanan niya ang pagiging number 2?"
"I don't know. I didn't ask her about it since her husband had already thrown his position." sagot ni Frost sa akin.
Bumusangot ang mukha ko.
Agent Nyebe is my idol when I arrive here at isa si Nyebe sa mga nagturo sa akin kung ano ang kahihinatnan ko sa mundong pinasok ko at lahat ng alam niya ay itinuro niya sa amin at sobrang paghanga ang nararamdaman ko kay Agent Nyebe.
Sa pagkakaalam ko, bestfriend silang dalawa ni Frost at balita ko ay umamin ang lalaki kay Agent Nyebe ngunit bigo naman itong mapaibig ang kaniyang bestfriend dahil kaibigan lang naman ang tingin nito kay Frost habang si Neon ay lantaran na ang nararamdaman nito kay Frost ngunit hindi naman siya nakikita ng lalaki.
"Why are you so obssess with Nyebe?" takang tanong ni Mega nang makalapit ito sa amin. Sumandal ito sa mesa kung saan abala si Frost at pinagsalikop nito ang kaniyang braso sa ibabaw ng kaniyang dibdib.
"Why not? I need to learn more about combats and handling weapons. Si Nyebe lang ang pinagkakatiwalaan ko,"
"Wow? Na-touch naman kami sa'yo? Parang hindi mo kami katrabaho ah?" mapaklang wika ni Neon sa akin na tila nasaktan sa sinabi ko.
Sino bang magtitiwala sa isang ito kung ang atensyon lang nito ay na kay Frost na wala ring pakialam sa kaniya bukod sa computer at trabaho?
"Dapat lang ma-touch ka dahil hindi ka katiwa-tiwala. Wala ka bang misyon ngayon? May gusto pa akong itanong kay Frost ngunit labas na ito sa inyong dalawa."
"Kung aakitin mo lang si Frost, sumuko ka na. Loyal kay Nyebe 'yan," ani ni Mega dahilan para mapairap si Neon sa kawalan.
Lantaran talaga ang sakit pag si Mega ang kaharap dahil walang filter ang bibig nito pagdating kay Frost at Neon.
Binalingan ko si Neon at ngumisi ako sa kaniya, "kulang pa yata ang Operation: Akitin si Agent Frost sa listahan mo? Tsk! Ayusin mo naman Neon!"
"The hell are you saying?" singhal naman ng isa.
"Sus! Magde-deny ka pa, alam ng lahat kung gaano mo kagusto si Frost pero wala namang pakialam sa'yo 'yang katabi mo."
Namula ang mukha ni Neon at dala ng inis nito, nagmartsa ito palabas ng intel department kaya naman nagkatinginan kami ni Mega.
"Bullseye!" Nag-apir pa kaming dalawa at tatawa-tawa akong pinaikot ang swivel chair at sinundan naman ni Mega si Neon dahil baka pasabugin nito ang hideout ng wala sa oras.
"Speak now, Santré," biglang sambit ni Frost kaya naman itinigil ko ang paglalaro sa swivel chair at hinarap ang lalaki.
"Handa na ba ang kakailanganin ko kasama ang isla na pinabili ko sa'yo?" sambit ko.
"Yes. Everything is settled, Santré, signal mo na lang ang hinihintay ko. Kailan mo ba balak na umalis sa poder ni De Veil?"
"The earlier, the better but I will wait for Cruel's birthday before I vanish from his sight. I'm too tired of babysitting him and I had enough."
"De Veil needs medical attention, Santré, and you know that. Hindi magiging maayos ang lagay niya kung hindi mo siya ipapasok sa rehab. Lumalala lang ang sitwasyon niya."
Tama si Frost ngunit hindi ko hawak ang buhay ng baliw na si Cruel.
"Yeah, right. As if he will listen to me? Mabanggit ko lang ang salitang rehab, butas agad ang bungo ko kapag nangyari 'yan. Ilang beses na akong tinutukan ng baril non at kung hindi lang sa misyon na ito ay baka matagal ko nang kinitil ang buhay niya,"
"But Bloodfist needs De Veil for their transactions since he has a wide connection from the underground society. It's too complicated for us to deal with those monsters but what can we do? All we have to do is to take care of our lives and leave those demons with their scheme."
Minsan nalilito talaga ako sa trabaho ng HuPoFEL at Bloodfist although iisang organisasyon lang sila pero dalawa ang pangalan. I already met their Boss but I don't wanna see him again because he's giving me creeps.
Kung kay Cruel ay mild, kay Bloodfist, red alert na ang kilabot na dala nito sa buong pagkatao ko kaya ayaw ko na itong makadaupang palad ulit. Kung magkakaroon man ng pagtitipon ay lumalayo ako at si Frost na lamang ang hinahayaan namin na kausapin ang bago naming Boss.
"I know that that's why I am enduring those times with Cruel. Gusto ko na lang masuka."
Natigil sa ere ang mga kamay ni Frost at akala ko ay magpapahinga siya ngunit biglang lumabas sa screen ang isang mensahe mula sa intel department ng HuPoFEL.
'A message from the HuPoFEL headquarters.
Calling the attention of all the free agents, go to this XXX Location with full gears.'
Agad na minanipula ni Frost ang kaniyang computer at rinig ko ang emergency tune sa buong underground facility.
"Looks like they need our presence there," sambit ni Frost at agad na pinuntahan nito ang address na binigay at natutop ko ang sarili kong bibig nang kumawala ang singhap sa akin nang makita ang mga bangkay sa isang abandonadong pabrika at nakita ko roon ang ilang HuPoFEL members na nagmamasid lang at hinahayaan ang dalawang babae sa gitna ng mga bangkay.
"Uhm, why aren't they moving?" takang tanong ko kay Frost.
"Who?" balik na tanong nito.
"Those guys! Why aren't they moving? Hahayaan nilang mamatay ang mga babaeng 'yan?" turo ko pa sa screen.
"Relax. HuPoFEL's rule is only women can have a license to kill that's why those aren't moving. One of their forbidden rules is those guys cannot kill someone if it's not needed but if the situation is too tight, they can't do anything but pull their triggers and face the consequence after. That's what Martin told me,"
Laglag ang panga ko sa sinabi ni Frost dahil hindi ko aakalain na hahayaan nilang ang babae lamang ang may karapatang kumitil ng buhay, kalaban man o inosente hindi katulad sa amin na walang sinasanto -- bata o matanda man.
"Seriously? Kaya ba pakiramdam ko ay walang pakialam ang mga lalaking 'yan dahil wala silang karapatang kumitil ng buhay kung hindi babae ang gagawa niyon?"
"Uh, not all women can do that since they only have five woman members inside the HuPoFEL, and all of them are called as part of the Elite Class. Kaysa tanungin mo ako ng tanungin tungkol sa kanilang organisasyon, why don't you move your ass out and let's talk your problem after this mission?"
Napakamot na lang ako sa aking ulo at saka ako marahas na tumayo mula sa kinauupuan ko at saka busangot ang mukha na lumabas ng intel department at nadatnan ko ang ibang agents na naghahanda na para sa gagawin naming pagtulong sa HuPoFEL.
I can't believe we will fall under the supervision from that organization. Si Agent Nyebe lang sapat na ngunit wala kaming magagawa dahil isinuko ng asawa niya sa kamay ng Bloodfist ang Blizzard.
Lumapit ako kay Mega at Neon bago ako kumuha ng hand gun at isinuksok ko 'yon sa aking bewang kasama ang ilang granada at bala ng baril na pwedeng kong magamit sa engkwentro mamaya.
"I should transfer myself inside the HuPoFEL!" rinig kong bulong ni Neon sa tabi ko.
"Hindi tumatanggap ng martir at broken hearted sa HuPoFEL kaya manahimik ka riyan!" pang-aasar ko kay Neon.
"Excuse me? Hindi ako broken hearted!"
"Broken brain lang, ganun? Alam mo, Neon? Wala kang mapapala kay Frost dahil walking ice 'yon kaya kung ako sa'yo, si Mega na lang ang papatulan ko,"
"Kaso hindi tayo magkapareho kaya manahimik ka rin! Huwag mo nga akong binubugaw kay Mega dahil magkaibigan lang kaming dalawa!"
Napahawak ako sa aking dibdib at tila gulat na gulat sa sinabi ni Neon, "oh my god! Friendzone si Mega sa'yo samantalang hindi ka pinapansin ni Frost? Ang tanga mo sa part na 'yan."
Nanggagalaiting nilayasan ako ni Neon kaya naman napangisi na lang ako at nakipag-high five kay Mega bago ako sumunod kay Neon papunta sa labas ng abandonadong gusali kung saan naroon ang motor at sasakyan namin na naghihintay.
'Adventure time!'