PLEA'S POV:
SAKAY NG aking motor kasunod si Neon, tinahak namin ang lokasyon na ibinigay ng HuPoFEL at pagdating namin sa pabrika, nagkalat ang bangkay sa daraanan namin at halos mapangiwi ako dahil hindi bala ng baril ang ikinamatay ng mga ito kundi espada.
Sa modernong mundo na aming ginagalawan, hindi ko inaasahan na gumagamit pa rin sila ng katana sa pakikipaglaban gayong mas madaling gamitin ang baril kaysa sa mahabang espada.
"Damn, what a mess?" bulong ni Neon habang naglalakad kami papasok ng pabrika at pagliko namin sa isang pasilyo, bumulaga sa amin ang dagat ng mga taong wala nang buhay.
"Ano bang nangyari rito?" bulong ko rin sa aking sarili at lumapit kami sa isa sa mga myembro ng HuPoFEL na nanunuod lang sa paligid.
"They are the group of syndicate that Nyebe's drop since they are too powerful bago pa man tayo inilipat sa pangangalaga ng HuPoFEL," rinig kong sambit ni Frost mula sa earpiece na suot namin.
Muntik ko nang makalimutan na nakikita at naririnig ni Frost ang lahat ng nangyayari sa paligid namin.
"Sindikato? Bakit ang HuPoFEL ang sumugod dito kung kay Nyebe pala ang misyon na 'to?" mapaklang tanong ni Neon bago ito humalukipkip sa kaniyang kinatatayuan.
"Nyebe asked their help. Wala namang problema dahil HuPoFEL ang malakas sa ganitong larangan at ang nakikita ninyo sa inyong harapan ay si Kastiel Devoncourt at Alanis Gracen Cohen. Asawa sila ni Reiden Grei at Doc Gun na Elite members ng Bloodfist,"
Sa pagkakaalam ko, ang Bloodfist mafia ang siyang namumuno sa underground society ngunit hindi gaanong matunog ang pamumuno nila dahil mas gusto ng mga ito na manatili sa dilim at bilang anino habang ang HuPoFEL naman ay tila katulad namin na gumagawa ng misyon sa kung paanong kondisyon ang gusto ng aming mga kliyente ngunit isa sa mga ipinagtataka ko ay kung bakit babae lamang ang may karapatang kumitil ng buhay sa loob ng kanilang organisasyon.
"Ang mabuti pa, tumulong na lang tayo sa paglilinis," wika ko kay Neon na agad naman sumunod kaya naman naglakad kami palapit kay Cohen at Devoncourt na abala sa pakikipaglaban.
"Looks like you are having a hard time?" untag ni Neon sa dalawang babae dahilan para mapalingon sila sa amin. Ibinaba ni Devoncourt ang hawak niyang katana at umayos ito ng tayo at saka kami hinarap.
"Mabuti naman at narito na kayo, baka pwedeng kayo na ang pumalit sa amin?"
Napangiwi ako dahil sa tono ng boses ni Devoncourt, "ang angas mo naman yata, Devoncourt? Yan ba ang dahilan kaya pinapunta ninyo kami rito?"
"Psh, in the first place, they are your missions. We're just here to help you clean this mess. Just get rid of them and let's talk later,"
Inirapan ko na lang si Devoncourt at saka ako kumilos upang iligpit ang ilan pang mga tauhan ng sindikato na siyang gumagawa ng gamot upang ibenta sa mga inosenteng tao.
Halos tatlumpu pa ang humihinga kaya naman tumulong na si Neon sa akin at isa-isa naming pinaputukan ng baril sa kani-kanilang ulo ang mga kalaban at bullseye lahat sa noo at walang kahit sinong humihinga ang itinira namin sa loob ng pabrika at lumipas lamang ang ilang minuto ay natapos na kami ni Neon.
Pinagpagan ko ang kamay ko matapos kong isilid sa holster ang handgun na hawak ko at muling hinarap si Devoncourt at Cohen ngunit ang atensyon ng mga ito ay nasa kasamahan nila sa HuPoFEL kaya naman, lumapit ako at naki-usyuso.
"Bring those men who are still breathing to Iceland--"
"What do you mean they are still breathing?" sabat ko kay Devoncourt dahilan para maputol ang sinasabi nito.
"It's our policy, Agent Santré," tipid na sagot naman nito.
"Policy my ass, edi sana tinuluyan na lang namin lahat, bakit nagtira pa kayo ng buhay?"
"Dahil magiging pagkain sila ng mga hyena na alaga ng aming Boss. Might as well go with us so that you should know why we are doing this."
Laglag ang aking panga sa sinabi ni Devoncourt at saka ito nagpatuloy sa pakikipag-usap sa mga kasamahan nila na agad namang kumilos at dinala palabas ng pabrika ang mga nailigpit nila.
Lumipas lamang ang ilang minuto, namalayan ko na lamang ang sarili ko sa labas ng pabrikang 'yon na siyang nilusob namin at nagulat ako nang makita ang isang eroplano na pinaghalong kulay ng pilak at pula.
"What the? Bakit may eroplano rito?" bulong ni Neon sa akin na maging siya ay nagulat din sa aming nakikita.
Isinasakay ng HuPoFEL members ang mga nailigpit ni Devoncourt at Cohen sa loob ng maliit na eroplano kasama ang mga nailigpit namin ni Neon at ang ilan nga sa mga nadaanan ng katana ni Cohen at Devoncourt ay humihinga pa.
"Hop on, girls. We're going to Iceland," ani sa amin ng isang lalaki na hindi namin kilala at mukhang ito ang piloto ng eroplano. Hindi ko alam kung paano nitong napagkasya ang ganitong sasakyang pang himpapawid sa harapan ng abandonadong pabrika.
"Thud, ready na ba lahat?" napalingon kami ni Neon sa aming likuran at nakita namin si Devoncourt at Cohen at ang atensyon ng mga ito ay nasa lalaki na siyang kumakausap sa amin ni Neon.
"Yeah. We should go since Aqueros is waiting for us,"
Nagulat pa ako nang yakapin ni Devoncourt ang braso ko at hinila ako papunta sa eroplano maging si Neon ay akay-akay ni Cohen hanggang sa makapasok kami sa loob ng eroplano.
Namangha pa ako dahil maluwag ang loob nito at karamihan sa myembro ng HuPoFEL ay nakapwesto na sa kani-kanilang upuan.
"Sit down, fasten your seat belt and if ever mahilo man kayo sa byahe, may plastic, tubig at tissue riyan sa compartment. Maiwan na namin kayo."
Magtatanong pa sana ako kay Devoncourt ngunit hinila na nito si Cohen at ang lalaking kumausap sa amin patungo sa control room ng eroplano na nasa harapan kaya sinunod ko na lang ang sinabi ni Devoncourt at tahimik akong naupo habang nasa tabi ko si Neon.
Ito ang unang beses na mapapadpad ako sa Iceland at sana hindi malaman ni Cruel na wala ako sa bahay niya.
Makalipas lamang ang ilang segundo, unti-unti nang umangat ang eroplano at akala ko ay magiging matiwasay ang byahe namin ngayong araw nang biglang pumitik ang sintido ko at bumaliktad ang aking sikmura. At hindi lang ako ang nag-iisa, maging si Neon ay abala na sa paghalungkat ng compartment at kumuha ng plastic upang doon ilabas ang lahat ng kinain niya sa loob ng isang linggo.
"Welcome to Iceland everyone. Prepare yourselves for our landing and if you feel dizzy, feel free to use those plastic bags and water,"
Hindi ko na pinansin pa ang sinasabi sa speaker dahil naging abala ako sa pagsusuka at hindi ko inaasahan na ganito kabilis ang sasakyang panghimpapawid na gamit nila.
Lupaypay akong naupo matapos kong mailabas lahat ng kinain ko maging si Neon ay ganun din, pareho kaming namumutla at hindi ko alam kung kaya kong lumabas mula sa eroplanong ito.
“Kaya niyo pa?” sumalubong sa amin si Devoncourt at Cohen na galing sa control room kasunod si Thud na nakatingin lang sa amin.
“What the hell is this air vehicle of yours? Bakit ang bilis ng takbo nito?” iritableng tanong ni Neon bago ito tumayo mula sa kaniyang kinauupuan habang ako ay nilalaghok ang huling laman ng bottled water na hawak ko.
“Her name is Homare and this is one of my inventions as we used it as our escape plane if we want to. May after shock talaga si Homare sa mga tulad ninyong first timer so bear with it.”
“Ayoko nang sumakay sa lintik na ito at baka isumpa ko kayong lahat!”
“Why naman Agent Neon? Makakabuo na kayo ng kulto dahil diyan sa pagsusumpa ninyo kay Homare, kawawa naman ang baby ko,” inismiran lamang ni Neon si Thud at saka ito naglakad palabas ng eroplano at isa-isa na ring ibinababa ng iba pa naming kasama ang mga bihag na dinala namin mula sa pabrika.
“Bakit ang sungit ng isang ‘yon?” baling sa akin ni Thud.
“Broken hearted kay Agent Frost, hayaan mo na.” Nagkibit-balikat lang sa akin si Thud at saka sila naglakad palabas ng eroplano kaya naman itinapon ko na sa trash bin ang bottled water na hawak ko kasama ang sama ng loob ko na halos mapuno yata ang dalawang plastic. Ang sakit rin ng ulo ko pumipintig pa ‘yon ngunit kaya pa namang tiisin.
Paglabas ko ng eroplano, nagulat ako nang makitang nasa rooftop kami ng isang building at namataan ko ang mga kasama ko na isa-isang itinatapon ang katawan ng mga bihag namin kaya naman lumapit ako sa kanila at laglag ang panga ko nang makita kung gaano katas ang lugar na kinaroroonan namin.
“Bakit hinuhulog sila?” takang tanong ko.
“For better access. Nagkalat sa loob ng building na ‘to ang mga hyena ni Bossing at ang ground lang ang tanging paraan upang makaligtas tayo mula sa mga hayop na ‘yon,” sagot ni Thud sa akin.
Masisiraan yata ako ng bait dahil sa dami ng surpresa na inilalatag ng HuPoFEL at hindi ko inaasahan na hyena ang bantay nila sa bansang ito.