KABANATA 3: MR. AND MS. INTRAMURALS
Ngayong araw ang selection ng pambato namin para sa nalalapit na Mr. And Ms. Intramurals ng aming campus.
As expected si Kier ang napili sa lalaki dahil malakas daw ang s*x appeal sa madla at si Athena naman ang napili sa babae dahil halos magkasing tangkad sila ni Kier.
"Oh, pangit bakit mukhang biyernes santo ang mukha mo? Hindi ka napili kasi ang pangit mo," pang-aasar sa akin ni Kier.
Ano na naman kaya ang nakain ng lalaking ito at nag-uumpisa na namang mambuwesit.
"Alam kong hindi ako maganda, okay!" sagot ko sa kanya na hindi mapigilang uminit ang ulo.
"Kung ako sa iyo manghihiram ako ng mukha, kaso bagay sa iyo ang mukha ng aso namin sa bahay, haha!" ang malakas na hagikhik na pambubully sa akin ni Kier.
"Ang yabang mo!" inis kong tinapakan ang kanyang paa ng matigas kong sapatos. Ikinahiyaw niya nang malakas ang ginawa kong pagtapak sa kanyang paa. "Buti nga sa iyo!" sabi ko pa.
Nasa canteen ako at nag-iisang kumakain ng lunch nang biglang tamaan ako ng bola. Tumilapon sa damit ko ang sabaw ng adobong pusit. Kaya't nadungisan ang suot kong uniporme.
"Anak ng—" malakas kong bulalas at hinagilap ang taong may gawa noon sa akin. Nagulat ako nang lumapit sa aking tabi si Athena, ang kaklase kong ubod ng kaartehan sa sarili. Akala mo kung sinong seksi at maganda.
"I'm so sorry b***h," nakangiti niyang paghingi ng tawad na ikinainis ko.
"What the hell!" halos masampal ko siya nang mapagtantong siya ang bumato ng bola sa akin.
"You deserve it girl," sabi pa niya at pinulot ang bola sa ilalim ng mesa kung saan ako nakapuwesto.
"Who are you to do that?" Sinabunutan ko siya at halos ingudngod ang mukha sa kinakain kong adobo.
"Ouch! Ouch! Somebody help me!" tili niyang iyon na ikinarindi ko pa.
"Sa susunod huwag mo akong subukan at sabihin mo sa partner mong feeling pogi na huwag siyang gumamit nang iba para saktan ako!" gigil na gigil kong sambit dito.
Binitiwan ko ang kanyang buhok at patakbo siyang umalis sa harapan ko.
Tatlong araw bago magsimula ang intrams ay may balitang nakarating sa amin. Si Athena raw ay hindi makakapasok ng apat na araw sapagkat nagkaroon ito ng lagnat.
"We have to find someone na magiging kapalit ni Athena na kasing ganda niya," bakas ang tensyon sa boses ng aming adviser na si Mrs. Delgado.
Nagtaas ng kamay si Kier at itinuro ang kanyang kamay sa direksyon ko.
"Ms. Dela Fuente, maganda ka, kaya lang kailangan mong mag-ayos ayos," sabi sa akin ni Mrs. Delgado.
"Ganiyan na talaga siya," singit na sabi ni Kier na ikinatawa nilang lahat. "Pero puwede nang pagtiyagaan, kaysa wala," pahabol pang sabi ni Kier.
"You have the point, Mr. De Castro. Dahil wala na tayong panahon, Ms. Dela Fuente will replace Athena," anunsyo niya sa aming klase. Umani naman ng samu't saring reaksyon ang aming buong klase ng ako ang napiling kapalit ni Athena. May natuwa, may nainis at hindi makapaniwala. Ayaw ko talaga subalit wala akong choice. Hindi na ako nakaimik ng mga sandaling iyon.
INTRAMS DAY
Ginulat ko ang lahat nang makita nila ako na magandang-maganda ng araw na iyon. Pinaghandaan ko talaga ang araw na ito dahil gusto kong ipamukha sa mga bashers ko na maganda ako, magandang-maganda.
"You look so pretty and fresh, Ms. Dela Fuente!" nagagalak na papuring iyon ni Mrs. Delgado sa akin.
"Thank you, ma'am," ngiti kong sagot sa kanya.
"Oh, basta galingan mong rumampa. Huwag kakabahan at isipin mo ang mga tinuro ko sa iyo," paalala pa niya sa akin na ikinatawa ko na lang.
Sa isang saglit pa'y nagsimula na ang aming pagrampa. Napakapogi talaga ni Kier dahil halos lahat ng mga estudyanteng nanunuod ay sinisigaw ang kanyang pangalan. Totoo naman kasi ang bansag sa kanya na, "Crush ng bayan".
"My name is Kier De Castro, from section Magalion!" confident niyang pakilala sa madla.
"My name is Claire Dela Fuente, from section Magalion!" todo ngiti kong pakilala. Nagsipalakpakan naman ang bawat isa na gandang-ganda sa akin.
Next na inirampa namin ang sports wear at formal attire. Tumingkad ang taglay na kaguwapuhan ni Kier na lalo nagpakilig sa mga babae pati na rin sa mga nagfefeeling babae.
Ilang sandali pa ay inanunsiyo na ang Mr. And Ms. Intrams. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko dahil dalawa na lang kami ni candidate number 1 ang pagpipilian, ganoon din si Kier dalawa na lang sila ni candidate number 2.
"Who will be our newest Mr. And Ms. Intramurals 2019, sino ang bet ninyo!" anang emcee sa mga estudyanteng naroroon.
"Excited na ba ang lahat?" dagdag pang tanong ng isa pang emcee sa mga estudyante.
"Ma'am Cabigla, please do the honor," tinawag ng emcee ang aming butihing hurado upang anunsyo ang tatanghaling Mr. And Ms. Intramurals 2019.
"Okay, our Mr. And Ms. Intramurals 2019, kayo ay walang iba kundi sina candidate number 4, Kier De Castro at candidate number…." Huminga munang malalim ang taga pag-announce bago muling nagpatuloy, "You are, candidate number 4, Claire Dela Fuente, congratulations!"
Hindi pa rin ako makapaniwala na masusungkit ko ang titulong Ms. Intramurals 2019. Kaya naman nag-uumapaw sa tuwa ang aking puso. Dahil napatunayan ko sa lahat na kaya kong maging maganda kung kinakailangan.