KABANATA 2: Outreach Program

1320 Words
Ang section namin ang napili para sa gaganaping outreach program ng aming paaralan kung saan dadayo kami sa ibang lugar upang magpakain, magbigay ng school supplies at mag-alaga ng mga bata sa loob ng tatlong araw. Taon-taon ay ito na ang naging proyekto ng aming school para sa mga batang may mahirap na pamumuhay roon. Sa Gumaca, Quezon Province ang lugar na aming pupuntahan upang simulan ang nasabing outreach program. 4 hours and 24 mins. Ang itinagal ng aming biyahe bago kami nakarating ng Bagong Buhay(Poblacion), Gumaca, Quezon Province. Pagbaba namin sa van ay sinalubong kaagad kami ng mga barangay officials at mga batang naninirahan doon. Kitang-kita ko ang kasiyahan sa kanilang mga mata. Niyakap ko kaagad ang isang batang babae na ang pangalan ay Nicole na edad walo. "Sus, pakitang tao talaga!" sambit ni Kier nang makita niya akong yakap-yakap ang batang si Nicole. Umiiral na naman ang kanyang pagiging hambog. Minabuti kong huwag na lang pansinin ang sinabi ni Kier dahil wala naman katuturan ang mga lumalabas sa bibig niya. Pinapila kami sa labas ng barangay hall, isang pila para sa mga kalalakihan at isang pila para sa aming mga kababaihan. Hinati kami sa dalawang pares upang maging kapareha sa proyektong ito. Sa kasamaang palad ay kaming dalawa ni Kier ang nagka partner para sa outreach program at ngayon pa lang ay kinakabahan na ako para sa aming magiging grado. Nakasalalay sa magiging partner namin ang makukuhang marka at kapag mababa ang nakuhang puntos sa tatlong araw na pamamalagi namin dito ay magkakaroon ng special project. "Ang malas ko naman! Napunta ako sa isang pangit na babae," singhal niyang iyon sa akin. "Kung puwede lang makipagpalitan ng kapareha ay ginawa ko na. Sino ka ba para gustuhin kong maging kapareha para sa outreach program na ito?" sagot ko naman sa kanya. "Baka natatandaan mo—" "Wala tayo sa loob ng ating paaralan kaya huwag mo akong takutin Kier," mataray kong pambabara sa kanya. "Let's see. Okay lang sa akin na bumagsak para sa proyektong ito, tingnan natin kung hindi ka humagulgol na parang aso!" galit niyang sambit. Sasagot pa sana ako ngunit biglang nagbigay ng pamantayan ang aming punong guro. "Okay, kumpleto na ang bawat pares. Ngayon ay sisimulan na natin ang ating tasks para sa proyektong ito. Ngayon araw ay magluluto tayo ng tanghalian upang pakainin ang tatlumput' isang mga bata!" nakangiting anunsyo na iyon ng aming adviser. Nagsipalakpakan naman ang bawat estudyante at talaga namang excited ang lahat. Tinipon ko ang magkapatid na sina Nicole at Andrei upang pakain sila kasi ang napuntang mga bata sa amin ni Kier. "Kier, patulong naman ako oh," pakiusap ko sa kanya. "Manigas ka riyan! Alam mo bagay sa ’yong maging maid. Siguro dapat maging tagapag-alaga ka na lang," sabi niyang iyon bago lumisan sa aking harapan. "Kumag! Bumalik ka rito!" sigaw kong iyon. Naiinis na talaga ako sa taong iyon dahil simula pa lang ng aming task ay susuluhin ko na yata ang mga gawain. "Ayos lang po ba kayo, ate?" tanong ni Nicole sa akin nang mapansing napabuntonghininga ako. Ngumiti naman ako sa kanya at sinabing, "Ayos na ayos lang si ate. Huwag mo na lang pansinin ang kuya n'yong kumag!" sabi ko pa kay Nicole. "Ano po ba iyong ibig sabihin ng kumag?" wala sa isip na tanong pa niya sa akin. Napaisip naman ako kung paano ko ba ipapaliwanag ang bansag kong iyon kay Kier. "Ah, huwag mo na lang pansinin ang sinabi ko. Mabuti pa maghugas na kayo ng kamay," pag-aaya kong sabi at sinamahan na silang tumungo sa poso upang maghinaw ng kamay. Nakahanda na sa lamesa ang pagkain at masaya akong nakitang kumakain ng gulay at karne sina Nicole at Andrei. Sarap na sarap sila. "Hoy, pangit!" tawag sa akin ni Kier. "Ano na naman ba?" inis kong sagot sa kanya. "Maghugas ka ng pinggan!" halos pasigaw na sambit ni Kier sa akin. "Ano bang sinasabi mong maghugas ng pinggan? Ikaw ang gagawa no'n," pasimple kong tugon sa kanya. "Aba, paghuhugasin mo ako? E, lalaki ako!" atungal niyang sabi na para bang batang paslit na ayaw sumunod sa pinag-uutos ng kanyang nanay. "Sige, ganito na lang. Ako ang maghuhugas ng pinggan at ikaw ang bahalang magpaligo sa dalawang bata, ano deal?" nakangiti kong sabi sa kanya at kitang-kita ko ang pagkagulat ng mukha ni Kier. Inabot ko ang listahan ng aming mga nakatokang gawain para sa araw na iyon. Kinakailangang lagyan ng check ang papel kung ginawa ba ng ka partner mo ang task na naka assign sa kanya. Ekis naman ang ilalagay kung walang ambag. "Fine! Ako ang bahala sa hugasin. Ikaw na sa mga batang yagit na iyan!" Napakamot pa sa ulong sagot niya sa akin. Haha! Hindi uoobra sa akin ang pagiging hambog mo ngayon, tuwang nasa isip ko nang makita ang kanyang reaction. Bago magdilim ay nagkanya-kanya kaming tayo ng tent. Dito kami pansamantalang magpapalipas ng gabi. "Paano ba iyan, tapos na ang isang araw. Humanda ka pagbalik nating school," mahinang bulong sa akin ni Kier at ngumisi pa siya. "Ahaha! Natakot ako," pang-aasar kong sambit kay Kier. "Mr. De Castro and Ms. Dela Fuente, maari ko ba kayong makausap?" tanong na iyon ng aming adviser. Bigla akong kinabahan nang marinig ko ang boses na iyon ni Mrs. Delgado. Sabay kaming nagkatinginan ni Kier dahil baka mayroon kaming violation na nagawa. Pagpanhik namin sa loob ng barangay hall ay kinausap kaagad kami ni Mrs. Delgado. "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Sino sa inyong dalawa ang naka-assigned para sa paghuhugas ng pinggan?" seryosong tanong niya sa aming dalawa ni Kier. Napatingin ako kay Kier at saka bumaling ng sagot kay Mrs. Delgado. "Si Kier po, ma'am ang dapat na gagawa ng paghuhugas ng pinggan. Ang buong akala ko po ay ginawa niya ang part po niya," tugon ko kay Mrs. Delgado. "Is that true, Mr. De Castro?" baling niyang tanong kay Kier. Marahan namang tumango si Kier kay Mrs. Delgado. "Napaka iresponsable mo, Mr. De Castro at ikaw Ms. Dela Fuente, hindi mo man lang chineck kung ginagawa ba ni Mr. De Castro ang kanyang assigned task. I'm warning the two of you! Kung akala ninyo na hindi namin minomonitor ang mga kilos ninyo, mali kayo ng inaakala. Sige na, matulog na kayong dalawa!" galit niyang pahayag sa aming dalawa ni Kier. Lumabas kami ni Kier sa barangay hall na nakasimangot. "Sa susunod naman makipag cooperate ka! Gusto mo pa yata na magkaroon tayo ng special project e! inis kong sabi nang makalayo kami sa barangay hall. "I don't want to do this! Bakit kasi may ganito pa?" inis niyang pahayag sa akin. "Hindi mo pa rin ba nagegets bakit tayo nandito? Ang sagot ay para turuan ka!" Hinampas ko siya sa balikat na ikinagulat niya. "Aray! Masakit iyon ah!" "Ooppss, so-sorry napalakas," hinging paumanhin ko sa kanya. Kinabukasan ay maaga akong nagising upang maligo at ihanda ang mga gagamitin ng dalawang bata. Ibibigay ko na rin sa kanila ang mga school supplies. Mahaba-haba ang lakarin bago makarating sa palikuran. Nagmamadali akong pumasok na hindi man lang kumatok. Ikinagulat ko ang aking nakita na siyang nagpapikit sa mapungay kong mga mata. "Oh no!" bulalas kong iyon. Nakita ko ang hindi ko dapat makita na pagmamay-ari ni Kier. "Hindi ka ba marunong kumatok!" Napahawak niyang gawi sa kaniyang maselang bahagi ng katawan. "So-sorry!" tanging nasambit ko at lumabas na sa loob ng palikuran. Hindi mawaglit sa aking isipan ang aking nakita kanina, napapangiti na lamang ako sa bagay na iyon. "Para kang baliw riyan!" punang iyong ni Kier habang pinaliliguan ko sina Nicole at Andrei. "Bilisan mo na lang ang pagbomba para maraming tubig ang lumabas," nakangiti kong sagot. "Oo na!" pagmamaktol ni Kier na ikinatawa ko pati na rin ng mga bata. Natapos ang outreach program na panandalian kaming nagkaayos ni Kier. Hindi niya muna ako masyadong binubully. How I wish na palagi siyang ganito, mabait at hindi hambog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD