Episode 14

1261 Words
Kabuwanan na ni Sarah ngayon at medyo hirap na siya. Sobrang laki kasi ng tiyan niya dahil nga kambal. Nalaman na rin nila ni Harvey ang gender ng mga ito at sobrang natuwa si Harvey ng araw na 'yun. Sa sobrang excited niya, after namin sa clinic agad niya ako niyaya na mamili sa mall ng mga gamit ng bata. "Let's buy the clothes that you like for them, Hon. I like how you choose clothes. It doesn't matter if it's expensive." wika nito sa kanya na sobrang tuwa. Dahil mahilig siya sa shopping noon. Tumango siya rito. Siya ang mag-de-decide kung anong magandang damit para sa kambal. Na-miss niya rin mamili. Medyo matagal na nang huli siyang mapadpad sa mall para mamili ng gusto niya. Madalas kasi si Harvey ang namimili. Ayaw siya nitong masyadong naglalabas dahil baka mapaano raw siya. Walang pagsidlan ng tuwa sa mukha ni Harvey mula ng malaman niya ang gender. Halos gabi-gabi bago sila matulog hinahaplos n'ya palagi ang tiyan ng dalaga. At na-uuwi sa pag iisa nila. Simula ng may nangyari sa kanila, madalas na nilang gawin 'yun. Para talagang mag-asawa sila na hindi. Hay! Minsan ang dalaga, nag-i-initiate kapag umatake ang hormones nito. Kaya walang magawa ang binata kundi pagbigyan siya. Super gentleman talaga nito sa kanya. Lahat ng hinihiling ni Sarah ay binibigay nito. Puwera na lamang kapag magpapa-alam itong bisitahin ang mama niya sa hospital. Madalas silang magtalo dahil nga iniisip nito ang kalagayan ng dalaga. Baka raw makasagap ng virus o anuman sakit ang dalaga. Sensitive pa naman ito sa amoy. Nasa living room si Harvey ngayon dahil busy siya sa online work niya. Kaya nag-prisinta na ang dalaga na magluto ng lunch nilang dalawa. Natuto na rin ito magluto lalo kapag 'yung gusto niyang kainin. Search niya lang sa website at follow the steps, so far nagugustuhan ng binata ang hinahanda ng dalaga para rito. But this time she wants him to taste adobo. Since wala ito sa bansa nila. Try lang kung kakainin ng binata. "Ayan tapos na rin ang aking adobo con kanin. Sana magustuhan ng mahal ko." bulong ng dalaga sa sarili. Masaya siyang inihain ito. Excited ang dalaga na ipatikim kay Harvey ang niluto nitong adobo con kanin. Habang abala siya paghahain ay biglang nag-ring ang phone niya. Nagmadali agad ang dalaga na sagutin ang tawag na hindi tinitingnan kung ano ang pangalan na nakarehistro sa phone niya basta sinagot na lang agad nito. Sa pag-aakala na isa sa dalawang best friend niya ang tumatawag ngunit hindi pala. “Hello?” Sagot niya na abala sa pag-sandok ng pagkain, inipit niya kasi ang telepono niya sa pagitan ng kanyang pisngi at balikat. “Hello, Ma'am Sarah, private nurse po ito ng mama n’yo. Gusto ko lang pong sabihin na gising na po siya.” Agad na tumulo ang luha ng dalaga sa narinig na balita. Ang mama n’ya gising na! She survive! Sunod-sunod ang pagtulo ng luha n’ya na hindi na naintindihan ang sinasabi sa kabilang linya. Hanggang sa mahinto siya sa pag-iyak ng sabihin nitong.. “Ma'am hinahanap po kayo ng mama ninyo, ‘di ko po alam ano isasagot ko. Sabi ko lang po umuwi kayo saglit.” muling imporma ng nurse sa kanya. “G-ganun ba? Pakisabi nasa work ako ngayon kaya ‘di pa ako makakabisita ulit sa kanya.” tugon niya rito na medyo natataranta. Gusto niyang bumisita sa ina pero hindi maaaring makita nito ang itsura niya na napakalaki ng tiyan. After n’ya sabihin ‘yun agad niyang pinatay ang tawag. Nanghihina siyang umupo sa upuan. Hindi niya alam ang gagawin kung pupunta ba sa hospital o huwag muna. Sigurado magugulat ang mama niya kapag nakitang buntis siya. Naguguluhan siya anong ida-dahilan niya sa rito, kung bakit siya buntis? Ayaw niyang mag-alala ang ito sa kanya dahil baka atakihin ulit ito at tuluyan na siyang iwan. Nasa gano’n siyang pag-iisip ng biglang pumasok ng kusina si Harvey. “Hey, Hon, what happened? Are you okay? Is it your tummy aches?” may pag-aalalang anito sa kanya. Tulala kasi siya at nakahawak siya sa tiyan niya habang lumuluha. “What happened, Hon, talk to me. Are the babies ready to come out?” muling tanong nito sa kanya ngunit hindi pa rin siya sumasagot. Chineck siya nito sa ibabang parte niya baka may dugo na tumulo or she broke her water bag. Pero wala naman itong nakita. Nag-aalalang mukha na nakatitig ito sa kanya. “My mom is awake. She's looking for me.” usal niya habang tulala pa rin. Napa-oh si Harvey sa narinig. “Glad to hear she's awake now. She has recovered already. Right?” tanong nito na kinukumpirma kung tama ba ang hinala nito. “Y-yes. But I don't know how to show up to her. She doesn't know I'm pregnant. She might be shocked once she learned about my pregnancy.” Nakayuko niyang sabi rito. “I don't know what to do. I don't know what excuse her nurse told her why I'm not showing up, yet.” “Don't think too much,Hon. Let's find a way, how to tell your mom, to avoid stress on her. But for now let's eat first. I know you’re starving as I am. I smell delicious food. What did you prepare for, Hon?” Biglang divert nito sa topic para maiwasan siyang mag-isip at ma-stress. Ito na ang naghain ng pagkain nila at hindi niya halos malasahan ang kinakain dahil iniisip niya pa rin ang mama niya. Miss na miss n’ya na ito. Isa at kalahating taon din itong comatose at bihira niyang mabisita dahil nga rin sa sitwasyon niya. Ngayon kailangan niyang mag-isip kung ano ang pwede niyang sabihin dito. Sigurado siyang hindi ito titigil na kakatanong sa nurse nito kung nasaan siya. Sa lalim ng iniisip niya bigla siyang napaigik sa sakit. Nasapo n’ya ang gilid ng tiyan niya. Pinakiramdaman muna niya kung sumipa lang ba ang babies o hindi kaso nasundan pa ito ng sumisigid na sakit. “Hon, are you alright?” “I think the babies want to come out now. Aahhh!” sagot niya sabay napasigaw dahil sa matinding sakit na nararamdaman. At agad na may tubig na umaagos mula sa pwerta niya. Bigla namang nataranta si Harvey kung ano ang gagawin. Kaya agad nag-dial sa telepono at tinawagan si Niccolo. Sinabi niya rito ang nangyayari kay Sarah, kaya ilang minuto lang ang nakalipas humahangos na pumasok ng unit ito. At agad na nilapitan silang dalawa. “Carry her, Lord and bring her to the car. I will take the bag. I'll follow you. Hurry up, Harvey!” may pagmamadaling ani ng kaibigan Pati si Niccolo natataranta at hindi niya mapigilan sigawan ang ang amo niya. Well, sanay na ito sa kanya kapag alam niyang nawawala sa konsentrasyon ito at natataranta. Sinisigawan niya para bumalik sa normal ang utak nito. Ganito minsan ang kaibigan s***h amo niya kapag nag-aalala. Agad binuhat ni Harvey si Sarah at dinala sa basement sa may parking lot kung saan naka-park ang kotse nila. Nang makarating sa kotse agad niyang isinakay ang dalaga at sumunod na pumasok si Niccolo sa driver seat. “Hold on, Hon, we're on the way to the hospital. I'm here, Hon, I'm sorry.” bulong nito sa dalaga. Natatakot siya sa nakikita nitong nasasaktan. Kaya nga ginagawa niya ang lahat habang magkasama sila na huwag itong masaktan kahit magalusan man lamang dahil mahal niya na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD