Agad silang nakarating sa hospital. Hindi pa man nai-pa-park ni Niccolo, ang assistant n'ya ang kotse, bigla agad binuksan ni Harvey ang pinto sa backseat. Hindi siya magkandaugaga sa pag-aalala para kay Sarah. Nakikita niya itong nasasaktan at masakit para sa kanya ang makita 'yun.
Pagkababa ng binata sa sasakyan agad niyang binuhat ang dalaga at isinakay sa naghihintay na stretcher na dala ng mga nurse at doctor. Doctor Zanches is already waiting for them. Niccolo called her a while ago.
"Tsk, he really fell in love with that woman." ani na lamang ni Niccolo nang maiwan siyang mag-isa sa kotse.
Bigla naman napahinto ang doctor ng makita Kung sino ang may karga sa dalaga pero hindi na pinansin iyon ng binata dahil abala siya para kay Sarah.
Pagkalapag niya kay Sarah sa stretcher bed, umangat ang tingin niya sa mga ito. Naguguluhan man pero hindi muna niya pinansin 'yun, kailangan maipasok agad ang dalaga sa ER.
"What are you waiting for doc? Aren't you bring her to the ER?" masungit na ani ng ni Harvey. Worried s'ya kaya ganoon ang ugali niya ngayon. .
Agad naman natauhan ang doctor. Lingid sa kaalaman ni Harvey na hindi pala siya nakapag-suot ng disguise kaya ganoon na lamang siya tingnan ng mga tao sa hospital.
Napapatitig ang lahat sa kanya. Sino nga bang hindi? Isang guwapong nilalang na kahit naka-pambahay lang, eh, akala mo modelong rumarampa sa hallway ng hospital patungo sa ER. Naka-alalay siya sa mga nurse at doctor.
Pagdating sa bungad ng ER, agad siyang hinarangan ng nurse.
"Sir, you can stay here outside. You're not allowed to enter, Sir. It's for patience only. Don't worry we will take care of her while giving birth." imporma ng nurse sa binata.
Pero hindi ito pumayag.
"No, I need to be with her side. She's in pain. She's alone, I need to be with her. She needs me." angil niya sa nurse.
Agad naman dumating si Niccolo.
"Let him in, if it's okay? I already asked Dr. Zanches about it." wika ng binata sa nurse.
Walang nagawa ang nurse kun'di pinapasok si Harvey. Pinag-suot ito ng hospital gown at pinag-mask at gloves din ito. Hindi siya puwedeng wala noon dahil baka may dala siyang bacteria at ma-apektuhan ang mag-ina niya.
Dali-dali siyang lumapit sa dalaga pagpasok at hinawakan ang kamay nito ng mahigpit. Wala siyang pakialam sa mga nakatingin sa kanya, ang focus niya lamang ay ang dalaga.
"Hon, you can do it, okay. Bare the pain for a while. Later you will be fine. I'm here beside you." Malambing na wika niya sabay halik sa noo nito.
"Harvey, it's painful!" lumuluhang sabi ng dalaga. Dasal niya lang na sana makayanan niyang ilabas ang kambal n'ya ng normal.
"I can now see the head of the baby. Okay, Miss Sarah, when I say push, then you should push it, okay? instruction ng doctor.
"Ready nang lumabas ang baby."
"PUSH!"
"Aaahhh! Ho-ho-ho!"
"Ire pa, Miss Sarah!"
"Aahh!"
Ilang pagire niya pa, narinig na niyang biglang pag-iyak ng sanggol.
Naiiyak ang dalaga na makita ito.
"It's a baby boy." Ani ng doctor habang iniaabot sa nurse para linisan ito.
"Aaahhh! May isa pa, Doc!" malakas na imporma ng dalaga sa doctor. Mabilis na sumigid ang sakit at parang hinihiwa na hindi maintindihan ng dalaga ang sakit.
Agad humilab ang tiyan niya, kaya nagmamadali ng binigay ng doctor ang baby sa nurse para muling paanakin ang dalaga.
Si Harvey naman hjndi maampat ang mga luha dahil sa sayang nararamdaman ng marinig niya ang pag-iyak ng mga babies niya. Walang pagsidlan nang saya ang puso niya sa nakikita ng mga anak niya.
"It's a girl." Imporma ng doctor at agad na itinsbi ito sa dalaga. Sabay na tinititigan nila Sarah at Harvey ang bagong labas na sanggol na babae. Kamukha ng-kamukha ito ng ama. Parang wala man lang naku sa sa dalaga, maliban sa kasarian nito.
Agad itong nilinisan ng nurse at sabay na inilapit sa kanilang dalawa ni Sarah.
Puro kamukha ng binata!
Samantala, dahil sa pagod sa panganganak biglang napapikit ng mata si Sarah at hindi na masyadong nasilayan ang mga anak.
Nag-alala bigla si Harvey, ngunit agad sinabi ng doctor na nakatulog lamang ito dahil sa pagod. After linisan si Sarah at dinala na rin sa nursery room ang babies nila, lumabas na si Harvey ng ER.
Agad siyang sinalubong ng assistant niya.
"How's the babies? How's Sarah? Is she Okay?" worried na ani nito.
"They're fine, Bud. Finally!
We will go to the private room, they will bring, Sarah, there. If you want to see the babies they were in the nursery room. Did you prepare the room for her?" paninigurado ni Harvey. Baka kasi hindi pa naayos ang kuwarto na paglalagakan ng dalaga.
"Yes, Buddy. Everything is ready. CONGRATULATIONS. You are certified father now." proud na wika nito sa kanya.
Ngumiti ng malawak ang binata, patunay na success ang plano niyang maging ama, dagdagan pang mahal niya na ang ina ng mga anak niya.
Agad silang napalingon nang mag-bukas ang ER, nakita nilang tulog, si Sarah. Dinala ito sa private room na pinahanda ni Niccolo.
"Ang gu-guwapo nila, ano? Kaya lang taken na si Lord Harvey. Doon na lang tayo sa kasama nya, mukhang fresh at yummy pa." malanding wika ng isang nurse na naririnig nilang dalawa. Hindi man buo na naintindihan pero napangiti na lamang sila sa mga ito.
Akmang lalapit ang isang nurse na bakla para humingi ng autograph dahil dala rin nito ang magazine kung saan featured si Harvey.
Pero pinigilan ito ng kasamahan.
"Oi, baks, huwag mo nang gawin iyan, be professional, baka mamaya sitahin tayo, eh. Royal person pa naman iyan, baka hindi basta-basta at mai-report tayo sa admin. Hanggang tingin na lang tayo mga besh." asik ng isang nurse na naroroon sa may information.
Rinig ng dalawang binata ang pinag-usapan ng mga ito. Pero binalewala na lamang nila. Mahirap na, baka pagkaguluhan si Harvey.
Sumunod na lamang sila sa nurse na maghahatid kay Sarah sa designated room nito.
Pagka-pasok sa room. Agad umupo si Harvey sa gilid ng kama at hinawakan ang kamay ni Sarah.
"Rest well, Honey. I love you!" ani ng binata at agad ibinulong ang huling salita. Nasa paligid lamang kasi si Niccolo at baka marinig nito. Katakot-takot na pang-aasa na naman ang aabutin niya.
Napatitig na lamang dito si Niccolo. Ramdam niyang malalim na ang pagtingin ng kaibigan s***h amo niya sa dalaga.
Well, wala siyang reklamo doon, dahil mabait naman ang dalaga. Sa ilang buwan nila itong nakasama, kilala niya na ito. Kaya lang worried siya baka masaktan na naman si Harvey, kapag nagmahal muli. "Sana si Sarah na ang babae para sa matalik niyang kaibigan." piping dasal niya.
Dahil nakita niya kung paano ito nasaktan nang hiwalayan ng dating girlfriend nito. Buti nga ngayon at nakapag-move on na ito.
Agad nag-ring ang phone ni Niccolo at tawag iyon mula sa palasyo.
Nagtatakang sinagot iyon ng binata. Dahil hindi tumatawag sa kanya ang palasyo, direct ito kung tumawag sa amo niya.
"Hello, Niccolo, speaking?"
"Hello, Sir Niccolo. We need, Lord Harvey, here now, his father was rush to the hospital. We don't know yet what happen. His two brothers wasn't here, yet. But we already informed them. Hurry, Niccolo!" may pagmamadali at pag-aalala sa boses ng tumawag. Butler iyon ng ama ni Harvey.