Episode 16

1206 Words
FIVE YEARS LATER “Dela Vega, Sarah, c*m laude of Bachelor of Fine Arts major in designing.” anunsyo ng emcee sa kanilang graduation remarks. Umakyat ng stage si Sarah para kunin ang kanyang diploma at medalya gano’n na rin para sa speech niya. Sa wakas after ng maraming pagsubok nakapag-tapos din siya ng pag-aaral. Mahalaga nga pala ang edukasyon, hindi lang pera. Dahil pera nawawala pero ang karunungan mo ay mananatiling intact. Na-iiyak siya dahil napagtagumpayan niya ang hirap sa pagsusunog ng kilay sa loob ng apat na taon. Nakikita niya din ang mama niya mula sa stage na nagpupunas ng luha maging ang dalawa niyang best friends. Ano mang unos dumating sa kanya hindi siya iniwan ng mga ito. Nanatiling kasama niya magpa-hanggang ngayon. Sila ang naging sandalan niya noong time na nalugmok siya sa pangungulila sa ama, maging na rin noong, taong akala niya mahal siya, pero scam pala. “Magandang araw, Batchmates, Parents and of course to all our Professors and Deans of our university. Una sa lahat nagpapasalamat ako sa Diyos dahil hindi niya ako iniwan sa mga unos ng problema na dumating sa akin. Pinanatili niya akong maging matatag. Salamat din sa Mama at Papa ko sa pagbibigay buhay sa akin dito sa mundo. I found my worth in this world. Thank you sa dalawang best friend ko na hindi ako iniwan mula noon hanggang ngayon. And also to all our professors and deans thank you for believing in me and supporting my passion to accomplish my bachelor's degree. And to all of us batchmates, Goodluck for the next journey of our lives. Congratulations to all of us. Finally we did it and I, myself was very proud of us to finish our studies. Have a nice day to all of you.” mahabang speech ni Sarah sa harap ng kanyang batchmates. Walang pagsidlan ang kasiyahan niya dahil sa nakamit na tagumpay. After ng speech niya bumaba na siya ng stage at sinalubong siya ng tatlong taong mahal niya. Ang dalawa niyang best friends na si Nica at Jenny gano’n na rin ang Mama niya. “Congratulations girl! Finally may degree kana, hindi kana patapon.” birong ani ni Jenny. Ito lagi ang sumasampal sa kanya ng katotohanan na hindi lahat ng mayroon siya ay magtatagal. Kailangan niya ring magsikap upang huwag mawala ang anumang mayroon siya sa kasalukuyan. Naka-recover agad ang mama niya that day na magising ito mula sa pagka-coma. Salamat sa Diyos dahil hindi nagka-komplikasyon ang anumang sa organs nito. Nakabalik na rin sila ng mansyon nila. Kanila na ulit ito. At hanggang ngayon hindi niya alam kung paano naibalik at nabayaran ang kanilang utang sa banko. Alam niya mareremata na ang mansyon nila, pero tila napakabait ng Diyos at hindi sila pinabayaan na mag-ina. After mangyari ang lahat five years ago, nagbago na rin ang takbo ng buhay niya. Isang taon siyang nagluksa dahil sa paglisan ng mga taong naging parte ng buhay niya. Pero gano’n talaga ang buhay, may aalis at may mananatili. Alam niya naman ang role niya noon, kaya kahit masakit tanggapin ginawa niya, para na rin sa sarili at sa mama niya. Nalaman na rin ng mama niya about sa ginawa niyang desisyon five years ago. Ang maging Babymaker. Pero imbes na magalit ang mama niya, inunawa siya nito. “Alam kong nahirapan ka sa pagharap ng pagsubok mo,mag-isa,at hindi kita huhusgahan, anak ko kung ano man ang iyong pinasok na trabaho noon para lamang maipagamot ako. Proud ako sa iyo dahil natuto ka rin sa wakas kung paano balansenhin ang sitwasyon sa buhay. Hindi lamang pera ang dapat na pairalin natin, bagkus magpursige tayo na makamit ang ating pangarap. Walang nabubuhay sa mundo na walang pangarap na naabot. Saludo ako sa iyo, anak. Kahit siguro ako ang nasa sitwasyon mo ay gagawin ko rin iyon kung ‘yon lamang ang paraan para ma-dugtungan ang buhay ng aking mahal sa buhay.” mapang-unawa saad ng kanyang ina nang ipinagtapat niya rito ang lahat. Tunay ngang kahit na anong mali mo, may isang tao na kaya kang tanggapin kahit gaano ka pa kadumi o gaano ka kababang tao para sa iba. Ang natatangi mong ina. At mas lalong minahal n’ya ang mama niya kasi hindi siya hinusgahan at itinakwil. Sabi nga ng mama niya... “Anak kahit sino ang nasa posisyon mo kung talaga kailangan para sa pamilya gagawin ang lahat makatulong lamang at proud ako sa’yo dahil ginawa mong lumaban sa buhay. Salamat anak.” Ginamit niya ang natirang pera na ibinayad sa kanya noon para makapag-simula muli. Nagpatayo siya ng maliit munang boutique habang nag-aaral siya. Siya ang nag-dedesign ng mga damit pambata. Gumagawa rin siya ng mga party gowns na talaga namang dinadagsa ng mga mayayaman na kababaihan. Maganda kasi ang designs niya, kaya kahit small time designer pa lamang at nag-aaral that time hindi siya pinanghinaan ng loob na sumuko bagkus nagpatuloy siya kaya ngayon bago siya matapos sa college, eh, nakapag-bukas pa siya ng another branch ng boutique. Siya ang nagma-manage katuwang niya ang dalawang best friend niya minsan. At ngayon tapos na siya sa pag-aaral makakapag-focus na siya sa business niya. Target niya kasi mag-open ng branch, abroad. Alam niyang risky ang sumugal ng business sa abroad dahil permit pa lang napaka-mahal na pati establishments,rerentahan pa, pero alam niyang kakayanin niya ‘yun. Minsan kahit na busy ang schedule niya hindi pa rin maalis sa isip niya ang mga anak. Hindi man lamang niya ito nasilayan ng matagal noong iniluwal niya ang mga ito. At kahit pangalan ay hindi niya alam. Matapos niya kasing manganak, after three days umalis na ang mga ito pabalik sa bansa ng lalaking minsan niyang minahal. “Goodbye, my heart. Goodbye, Honey. I love you. Hindi ko man lamang nasabi iyon sa iyo bago ka umalis.” usal niya sa sarili habang paalis ang mga ito noon. Tanging pagtangis lamang ang kanyang nagawa nang hindi niya na makita ang mga ito. Mula ng masaktan siya noon, hindi niya na ulit binuksan ang puso niya para sa iba. Nag-focus na lang siya sa buhay nilang mag-ina. Anyway, erase, erase, erase. Ayaw niya ng balikan ang nakaraan, kailangan focus siya sa future. Habang abala silang magbatian ng mga kaklase niya bigla naman sumingit ang napakamasugid niyang manliligaw na kahit ilang beses niyang tanggihan nandito pa rin at nanliligaw sa kanya. Si Joseph Magbanua. “Congrats, Sarah. Finally tapos kana at with flying colors pa. Nakaka-proud ka naman. Kaya lalong nahuhulog ang puso ko sa’yo.” Ani nito at bigla siyang niyakap na ikinagulat niya. “Naku tigilan mo ‘yan, Joseph, kahit tatlong taon ka nang nanliligaw r’yan kay Sarah never kang sasagutin niyan. Man-hater kaya ‘yan.” Sabay tawanan ng mga kaklase n’ya. Lagi silang inaasar ng mga ito lalo kapag bumabanat na ng pick up lines si Joseph sa kanya. Pero wala talagang epekto ang binata sa kanya. Siguro nga totoo ang sinasabi ng mga kaklase n’ya na Man-hater na siya. Hindi kasi talaga siya tumatanggap ng mga manliligaw. Tama na ang isang heartbreak. Mahirap ma-fall kung wala rin namang sasalo sa iyo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD