Pagpasok sa boutique ng dalaga, naririnig n'yang nagbubulungan ang mga staff sa may corner. Mukhang may meeting agenda ang mga ito.
"Grabe ang gwapo niya pa rin no, kahit may dalawang anak na siya?" bulong na malakas ng isa niyang staff.
"Oo nga, eh, swerte naman ng mother noong babies niya." sagot naman ng pangalawa.
"Kailan kaya sila ikakasal?" wika naman ng isa pa niyang staff.
Mga bulungan na narinig niya naman. Hindi niya matukoy sino ang pinag-uusapan ng mga ito.
Lumapit siya rito at tumikhim, mukhang hindi napapansin ng mga ito ang presensya niya.
"Hhmm, mukhang busy ata kayo? Ano ba pinagkakaabalahan ninyo r'yan? Puwede ba akong makisali?" pambubulabog niya sa nag-kumpulang staff.
"Ay, Ma'am! Ikaw pala sorry po."Sabay tungo ng mga ulo nila. Biglang nahiya sa kanya.
"Next time don't gossip while working. Baka isipin ng mga client natin unprofessional tayo." medyo mataray niyang sabi sa mga ito.
Actually hindi naman siya istriktong amo, sadyang ayaw lang talaga niya gawin ang ipinagbabawal sa oras ng trabaho. Rules are rules, ika nga.
After niyang sabihin 'yon umalis na siya at pumasok sa office. May mga bagong design siyang gustong gawin kaya she doesn't want to waste her time in something else. Hindi naman siya istriktang boss, hindi naman niya ito pinag-hihigpitan.
Pagpasok sa office nadatnan niya roon ang dalawang best friend na Sina Nica at Jenny. Binati siya ng mga ito.
"Good morning, Madam CEO." ani ni Jenny.
"Good morning, Ma'am," wika naman ni Nica.
Ayaw niyang tinatawag siya ng dalawa na kahit ano roon sa binanggit, pero talagang maloko itong mga kaibigan niya. Kaya natawa na lamang siya. Sasakyan niya na lamang ang mga ito, tutal maganda rin ang mood niya dahil nga kakatapos lamang ng graduation at kasama ang mga ito sa naging tagumpay n'ya.
"Good morning, pipz." Sabay ngiti n'ya rito.
"Ano ang balita at bakit kayo nandito na dalawa? Napaka-aga pa, ah? Mamaya pa ang time ninyo roon sa branch natin? May problema ba?"
"Wala naman girl. Ku-kumustahin ka lang naman namin." ani ni Nica
"Magkasama lang tayo kahapon sa event ko at na-miss n'yo ako agad?"
"Hindi naman sa ganoon girl. Ah, may news lang kami." sabat naman ni Jenny.
"News? Ano iyon?" tanong niya
Bakit bigla siyang kinabahan?
"Unang news ay… may jowa na ang ating pangalawang diyosa, si Nica. Aba, girl, hindi natin alam, lumalandutay pala ito sa chat room. Naku, naku, kapag ako nakahanap ng papa, who you kayong dalawa talaga sa akin. Pareho pa kayong mga banyaga ang nabingwit. Ako kaya kailan?" imporma ni Jenny.
Napabaling naman ng tingin si Sarah sa kaibigan na si Nica. Nagtatanong look ang ibinigay niya rito.
"Eh, hindi naman mga girls, ang totoo n'yan hindi ko pa kilala ang chatmate ko. Ako kilala niya na, kasi totoong picture pinadala ko, kaya lang sa kanya, wala pa rin, eh. Blanko lamang iyong profile picture niya. Pero ang sabi naman, magpapakita siya sa akin, soon. Hintayin ko raw siya makabalik dito sa Pilipinas. Galing na raw siya rito noon, kaso hindi kami nagkita or nagkita na kami pero hindi kilala ang isa't isa. Ganoon." Mahabang salaysay ni Nica at napayuko na lamang ng ulo. Nahihiya siya sa mga kaibigan dahil may jowa na nga siyang bago, kaso no face. Ano raw iyon? Pero feeling niya, mahal at kilala na ito nang matagal. Feeling lang naman. Kasi sa way ng pag-uusap nila, kilala siya nito.
"Sigurado ka ba riyan, ha, Nica? Baka mamaya scammer iyan at hingan ka lang ng pera. Naku, ka talaga, sasabunutan ka namin ni Jenny." gigil na ani ni Sarah dito.
"Teka nga lang, hindi naman talaga ako ang topic dito, eh, ikaw, Sarah, ikaw! Ito naman kasi si Juancho makasegwey ako talaga ang intro. Hmp!" asik ni Nica sa kaibigan si Jenny.
"Hoy, hoy, babaitang may bangs, huwag mo akong ma-Juancho, Juancho riyan, ah, baka samain ka sa akin. Jenny pangalan ko, Jenny! Maliwanag? Nagka-jowa ka lang sa chat, mapangbuska ka na ng beautiful name ko. Sampalin kita ng right and left, eh. Gigil mo ako, ah!" medyo asar na wika ni Jenny.
Nagagalit kasi ito kapag tinawag na Juancho. Eh, iyon naman talaga ang totoo nitong pangalan. Pero nagbabalak itong papalitan ang pangalan, mag-iipon daw muna siya. Ayaw kasi nito sa totoong pangalan at ang lakas raw maka-antique name at isa pa, panlalaki, eh, girly raw siya. Nakakahiya nga naman na putok sa makeup ang mukha niya tapos tatawagin siyang Juancho. Ang sagwa lang.
"Pero sige, change topic na tayo. Ang totoo talaga girl, para sa iyo ang balita namin ni Nica the chatter,"
"Nakita mo na ba iyong bagong post sa NCC news about kay Lord Harvey?" sunod na wika ni Jenny.
"Ano ba kayo girls, hindi ba sabi ko naman sa inyo hindi na ako interesado roon. Alam ko masaya na siya, at huwag na natin siyang guluhin. Move on na tayo, okay? Naka-move on na nga ako, kayo hindi pa?" wika niya sa dalawa.
Iyon na lamang ang sinagot niya. Hindi siya interesado sa mga sasabihin nito tungkol doon sa taong iniwan siya ng walang sapat na dahilan. Sabi babalik pero hindi naman pala. Huling nabalitaan niya mukhang engage na ito. Kaya nawalan na siya ng pag-asa na babalikan siya nito.
Natahimik na lamang ang dalawa niyang kaibigan at nagpaalam na lang ang mga ito na pupunta na sa branch nila. Katuwang ng dalaga ang mga ito sa business boutique niya. Dito niya na lamang ibinubuhos ang pangungulila sa kanyang nakaraan.
Gumagawa siya ng mga damit pambata, inspired by her twins, five years ago. Ito ang mga iniisip niya sa tuwing may bago siyang likha. Kung ilang taon na ito ay sinusunod niya iyon.
Si Jenny, medyo pinaglaylo niya sa kaka-vlog dahil nagkaroon ng issue. Ewan anong issue iyon basta may issue siya. Hindi niya na masyadong inintindi 'yon basta agad niyang kinuha ang kaibigan para maging katuwang sa negosyo.
Sila ang mga taong mapagkakatiwalaan n'ya kaya hindi siya nagpatumpik-tumpik na alukin ito ng trabaho. Ganoon na rin si Nica. Tapos ng business administration ang dalawa kaya easy lang sa kanila ang pasikot-sikot sa boutique niya.
Ito ang mga advisers n'ya pagdating sa marketing plan at kung ano pang dapat gawin sa boutique. Mga strategy paano niya maaakit ang bawat client nila.
Masaya siya at hindi sila naghihiwalay na magkakaibigan. One for all, all for one nga sila, sabi ng iba.
They support each other. At isa na roon ang suportahan siyang huwag babanggitin ang guwapong lord sa kanya. Mas lalo lang siyang nalulungkot kapag naririnig n'ya ang pangalan nito. Sa totoo lang miss na miss niya na ito at ang kambal nila. Pero ganoon talaga. Wala siyang karapatan maghabol kaya tahimik na lamang siya.
Samantala….
"Daddy, when can we visit mummy? We missed her so much!" ani ng princess nya. Si Princess Elaine, ang isa sa kambal.
"Just wait for sometime, my Princess Elaine, just let daddy finish the work here and we will visit her soon." sagot ng binata
"You kept saying that, Dad, but still we're not going to visit mummy, yet!" angil ni Prince Edmark. Ito ang panganay sa kambal.
Natahimik na lamang ang binata. Hindi nito alam kungkailan nila mabibisita ang ina ng kambal dahil sa dami niyang trabaho. Hindi pa kasi nakaka-recover ang Duke. Ang daddy niya mula sa aksidente nangyari five years ago. Kaya sila napauwi agad sa bansa n'ya.
Aksidente raw na may nagpainum ng gamot sa kanyang ama, na dahilan ng pag-atake nito sa puso, mabuti na lamang at naagapan iyon ng mga doctor. Magagaling ang doctor nila sa palasyo. At ayon sa imbestigasyon nila , mukhang sinadya ang pagpapainum sa ama niya ng gamot na sanhi para atakehin sa puso ang tao. At kung hindi maagapan, marahil ikamatay nito.
Plano niya noon hindi na muna aalis ng bansang Pilipinas dahil ayaw niyang iwan si Sarah, pero dahil kailangan siya ng kaharian at hindi kayang i-handle ng Queen at dalawa niyang kapatid ang tambak na obligasyon sa kingdom nila kaya umuwi sila bigla.
Miss na miss niya na ang dalaga, na nagpabago ng pananaw niya sa buhay.
"I miss you so much, Honey." bulong niya sa sarili. Bigla siyang nalungkot dahil sa mga anak niya. Madalas ng mga itong hanapin at kulitin siya na puntahan nila ang ina ng mga ito, pero dahil sa loaded job, hindi pa niya magawa. Dagdag pa na ginugulo siyang muli ni Margarrete.
Tapos na sila pero, hindi niya alam kung ano ang nakain nito at ipinagsisiksikan ang sarili sa kanya. Ipinapalabas pa nito na engage na sila, which is hindi totoo, kaya nagagalit madalas sa kanya ang mga anak niya. Dahil bakit daw papalitan ang mummy nila.
Pero alam niyang hindi genuine iyon, kaya hindi na siya magpapaloko pa rito. At ipinaliwanag niya rin sa kambal na hindi siya magpapakasal unless sa mommy ng mga ito.
Medyo nakaka-recover na ng konti ang daddy niya dahil na rin sa presensya ng kambal. Ito ang attentive na magbigay saya sa palasyo nila. Tahimik kasi ang mga anak ng mga kuya niya.
Alam na rin ng mga ito kung saan galing ang kambal. At kinausap niya na ang magulang na babalikan nila soon ang nanay ng mga ito.
"Wait for us my Queen, we're coming back to you. I miss you so much. I'm sorry for leaving you without explaining, but soon I will." ani ni Harvey sa isip.
"I wish grand-dad will be well soon, so we can go and visit mummy in her country. I really miss her, Daddy." muling usal ni Princess Elaine.
"Me, too, Daddy, I miss mummy, so, so much! I want to hug her. I will protect my mummy from bad guys." sambit ni Prince Edmark.
Madalas nitong sabihin iyon nitong mga nakaraang linggo, hindi alam ni Harvey
kung bakit sinasabi ito ng anak. Bakit "I will protect my mummy" lagi ang sambit nito? At tila nanggigil pa kapag sinabi ang mga katagang iyon. Tinatanong niya naman ito, pero laging ang sagot ay..
"Nothing, Daddy, I just want to protect her in the future. I want to be a big guy now, so I can punch someone who will hurt my mummy."