Pumunta silang mag-anak sa isang exclusive restaurant para kumain. Dahil agaw eksena ang tatlong kasama ni Sarah. Pumayag na lamang siya na sa mamamahaling restaurant sila kumain. Kung siya ang masusunod gusto niya sa simpleng restaurant na lamang kaso hindi basta-basta ang mga kasama, puro royal blood at siya lamang ang naiiba. Mula nang maranasan ng dalaga ang mawalan noon nang kahit isang sentimo, natuto na itong mamuhay nang simple. Kung noon hilig niya puro branded na damit, fancy resto at kung ano-ano pa, pero ngayon masaya na siya sa simple lang. Agad silang sinalubong ng manager nang resto. Napaisip ang dalaga alam na siguro nito na darating si Harvey kaya agad silang in-assist sa designated table nila. “Hello, welcome to our restaurant Lord Harvey, Ma'am and Kids.”bati nito s

