CHAPTER 20
"Hon, speak up please?" tanong ni Harvey
Hindi pa talaga siya nakaka-recover sa nangyayari. Humugot s'ya ng malalim na hininga bago nagsalita.
"Ahm, how.... How are you, your Highness?" nauutal niyang sabi.
Nahihiya siya kasi ngayon niya na lang nakita ito, muli after five years.
"I'm good, Hon. I'm happy, I see you again. The twins and I missed you so much." Sagot nito at muli hinalikan s'ya nito sa sentinido. Nakayakap pa rin ito sa kanya.
Bigla siyang nahiya sa ginawa ng binata, kaya medyo umurong siya palayo rito.
"I miss you too. I mean I miss you and the twins." agad na sagot ni Sarah.
Nadudulas ang dila niya, na-miss n'ya kasi ang binata. Kahit gustuhin niyang magkayakap pa rin sila ng matagal, eh, nakakahiya na. Baka ano isipin ng makakakita sa kanila.Lalo at nasa opisina pa sila ng boutique n'ya.
Teka speaking of boutique paano nalaman nito na nandito siya?
"How did you know that I'm here in my boutique, your Highness?" tanong niya rito habang kunot noo.
Awkward kasi kapag pinag-usapan ang tungkol sa kanila. Teka may tungkol ba sa kanila? Alam niya na wala, eh. Sadyang assuming lamang siya.
"You know I have a source, Hon. And please don't call me your highness. I'm your boyfriend, let's say fiance to be exact." Confident na saad nito sa kanya.
Bigla naman siyang nasamid sa sariling laway ng marinig ang sinabi nito.
"What do you mean fiancé?"
"Yes my fiancé, Hon, you're my fiance. The mother of my twins. The soon to be my queen," nakangiti nitong sagot
Gulong-gulo ang utak niya sa mga pinagsasabi nito sa kanya. Siya fiancé nito at soon to be his queen? Ano ba nakain nito?
"What are you talking about? Wait. I'm thankful your high- I mean Harvey that you visited me with the twins but about your revelations, I don't get it at all. As far as I know you are engaged to your girlfriend in your palace," medyo naiinis na sabi niya.
Hindi naman porket mahal n'ya ito, eh, bibiglain siya sa revelations nito. Aba kailangan niya rin magpakipot, mahirap na. At saka totoo naman sinasabi n'ya, balitang-balita at narinig niya sa mga staff na engage na siya. Siya pa ba? Sa guwapo niyang 'yan, kahit sino papatol kahit na sabihin may anak na ito. Masaya s'ya dahil nakita niya ang mga ito. Kaso may agreement sila noon na pinirmahan n'ya.
Hindi puwedeng baliin' yon. Naku, buti sana kung simpleng tao lang itong kaharap niya, eh, ginagawang itong lord ng bansa nila. Paano niya ipagtatanggol ang sarili kapag kumagat siya sa sinasabi nito. Mahal n'ya oo, pero hanggang lihim na lang 'yun.
Hindi nga n'ya alam kung bakit tinatawag pa rin siyang, hon, nito, Samantalang may fiancé ito sa bansa nila. Naku, ano tingin nitong guwapong lord na ito sa kanya, cheap. Huh! Sa isip niya pa.
Sa totoo lang ayaw niya na ang pabigla-biglang magdesisyon kasi baka masaktan siyang muli.
Gusto niya makasama ang binata lalo na ang kambal kaso nga lang complicated ang sitwasyon. Baka husgahan siya ng tao kapag nalaman na isa lamang Babymaker ang pinatos nito.
Ayaw niyang mahusgahan, ayaw niyang malaman ng iba na minsan siyang naging bayarang babae or nagpa-upa ng sinapupunan para lamang kumita ng pera. Kahit pa sabihin, dala ng pangangailangan niya noon kaya nagawa iyon, iba pa rin kasi mag-isip ang tao.
"At saka hindi ba ito nahihiya na isang katulad ko ang gusto niya na mapangasawa?" bulong niya sa sarili.
Haist ang gulo sa isip. Nailing niyang sambit sa sarili.
"Why, Hon, don't you like me? As far as I heard before, you love me. So why change your mind now? You already found someone? You don't want us to be a complete family?" nagsusumamong tanong nito sa kanya.
Sa totoo lang pagkasabi ng binata na fiancé siya at gustong maging reyna, natuwa ang puso niya, kaso bumagsak agad ang tuwa niya ng maisip na baka isa lamang siyang kahihiyan sa palasyo nito, pag-nagkataon.
"I might be the shame of your palace. If believe and accept what you are saying, Harvey. I can't stand what other people would say about me. I'm just a nobody and a womb for rent." insecure niyang saad.
Hindi niya kakayanin iyon, ang husgahan ng ibang tao.
"don't say that, Honey. I don't care what other people say. For me, you are the perfect woman in my eyes." malambing na ani nito.
Umiling siya. Hindi siya makapaniwala. At saka ano na lang sasabihin ng mga magulang ng binata kapag nakita s'ya? Balita niya pa naman medyo strikto ang duke at ang asawa nito sa bansa nila. Nakakatakot pag-nagkataon.
"Hon!" untag nito sa kanya.
Nagulat siya napalalim na ata ang iniisip niya at kung saan na siya nakarating.
"Ahm, ah, I don't know what to say Harvey. I'm still in shock." sabi niya.
"Okay, let's talk about this some other time. For now let's enjoy and celebrate, because finally you and the twins are with me. I've been dreaming about this, Hon. I want us to be complete." Paglalambing nitong sabi at bigla siyang hinigit nito at hinalikan sa mga labi.
Nagulat siya, oo, gusto niyang pumalag pero agad nanghina ang katawan ng mas idiin pa nito ang paghalik sa kanya.
Hindi kalaunan, namalayan n'ya na lang tumutugon na siya sa mga halik ng binata.
Nararamdaman ng dalaga na humahaplos sa ibat-ibang bahagi ng katawan niya ang mga kamay ng binata at nag-iinit na ang pakiramdam niya. Pakiramdam na para siyang sinisilaban sa init.
Miss na miss niya ito, ang mga halik, ang pagpapa-ligaya nito sa kanya.
Ngunit.......
"Mommy! Daddy!"
Bigla niyang naitulak ang binata ng marinig nila ang tili ng kambal.
"What are you two doing Daddy, Mommy? Why are you eating each other? Are they yummy?" tanong ng makulit na prinsesa.
Namumula siyang napayuko, hindi siya makasagot. Hindi niya matingnan ang munting prinsesa na nagtatanong tungkol sa ginagawa nila ng binata.
Agad naman naramdaman ng binata na nahihiya ang dalaga kaya siya na lamang ang sumagot.
"My princess, mommy and I only miss each other. I just kissed your mom to let her know I missed her." paliwanag ng binata.
Gusto niyang kaltukan ito sa mga pinagsasabi, baka mamaya ano isipin ng munting utak ng prinsesa nila?
"Ahm, baby forget what you see, it's for adult things only." ani niya.
"Are you hungry baby? Do you want to eat?" pag-iiba niya ng topic sa bata.
"Yes, Mommy, me and Edmark are hungry. Are we not going to eat, yet?" naka-pout na sagot nito sa dalaga.
"Oooppss! It's my fault, Daddy forgot about food. I'm sorry my princess. We're going to eat. Where is your brother?"
"He's outside Daddy, he's talking to the ladies outside. He said they are pretty not like me." nakabusangot na sagot ng munting bata.
Natawa naman sila sa sagot nito.
"Why did he say that?" tanong ng binata.
"Because I'm not big, yet, that's why I'm not pretty, that's what my brother told me." parang maiiyak na nitong sambit.
"Oh my Baby, don't think like that. You're still our baby so don't think about what your brother told you. You're very beautiful, my Baby. And beauty is not only for adults but also for babies like you." sagot ng dalaga at niyakap ito. Natutuwa siya sa kadaldalan ng munting prinsesa niya.
Kahit wala pa siyang alam sa mga ugali nito pero ramdam na niya, madali lang pakiusapan at paliwanagan ang mga ito.
Kinarga niya ito at biglang tumayo para lumabas na sila at makakain na ang mga anak. Mamaya niya na lang kakausapin ulit itong ama ng mga bata kung ano ba talaga plano nila. Sa ngayon e-enjoy-in niya muna ang moment bilang mommy ng kambal.
Paglabas ng opisina, natagpuan nilang nakikipag-usap ang munting prinsipe sa mga staff n'ya. Tila alia na aliw ang mga ito sa batang lalaki.
"Ay, Ma'am, ang bibo naman pala nitong bata itong. Abay kaliit, eh, nanliligaw na."
Natatawa na salubong ng isang staff niya. Maganda itong babae, at mabait din. Mahilig mag-joke kaya vibes niya rin ito. Halos naman lahat ng staff kasundo n'ya. Hindi kasi siya striktong amo para pagbawalan ang staff n'ya makipagbiruan sa kanya. Basta ang rules lamang niya kapag trabaho, trabaho, at kapag chikahan go lang lalo kung breaktime naman. Pero ngayon medyo okay lang makipag-kwentuhan muna ang staff, dahil nakikita niyang starstruck pa ang mga ito sa mga bisita nila lalo na sa lalaking katabi niya na sa kanya lang nakatingin pero ang mga staff niya nagpu-puso na ang mga mata.
Hindi niya masisi ang mga ito, guwapo, eh.
"OH, siya huwag na kayong magpabola riyan sa maliit na guwapong nilalang. Aalis muna kami at kakain. Kayo na muna bahala rito sa boutique, ah. Tawagan ninyo ako kapag may kailangan o importante." wika niya.
Agad lumapit ang munting prinsipe sa kanila ng marinig ang boses niya.
" Mommy! Carry me too. Why only Elaine you're carrying, you don't love me?" may panghihinampong saad nito.
Naku ano ba ang gagawin niya? maliit lamang ang katawan niya at ang kambal ay medyo malulusog. Kayanin niya kayang sabay kargahin?
Bago pa niya magawa, binuhat na ito ng binata.
"My prince, Mommy is too tiny to carry both of you. So Daddy will carry you and Mommy will carry your sister. Mommy loves you, you know that." ani ng binata.
Buti na lang to the rescue itong guwapong lalaki. Hay, ang sarap naman ng feeling na kasama ko sila. Sambit sa isip niya. Bago lumulan palabas ng boutique.
"Careful on your step, Honey," bulong ng binata.
Pababa sila ng hagdan, nag-aalala ito na baka mahulog ang mag-ina kapag na-miss step ang dalaga.
"Thank you, Harvey." sagot niya.
"It's Honey, don't forget that. Don't ever call me by my name. You are not allowed. Call me in our endearment, Hon. I missed you calling me that. I'm sorry if I left without proper explanation and didn't call, either. I will explain it to you later at night." ani nito bago sumakay sa loob ng kotse.
Marami na ang nakakapansin sa binata, kaya nag-madali silang pumasok sa sasakyan.