CHAPTER 19
Nagulat sila Sarah sa biglang pumasok sa boutique niya. Dalawang cute na cute na bata na tumatakbo at sumisigaw ng Mommy. Nakangiti siyang pinapanood ito ngunit ganoon na lang ang gulat n’ya ng sa mga hita niya ito yumakap at halatang sabik na sabik sa kanya.
“Mommy! Mommy! We miss you Mommy!” Sabayan bigkas ng dalawang bata habang mahigpit na nakayakap sa mga binti niya.
Hindi siya nakahuma agad dahil sa gulat. Nag-aalangan siyang mag-response sa mga ito dahil baka namis-interpret lamang ng mga ito na siya ang Mommy nila. Napalingon s’ya sa mga staff n’ya na bakas ang pagtatanong sa mga mukha, pinaparating niya sa mga ito kung kaninong anak ba itong dalawang cute na nilalang. Ngunit wala s’yang nakuhang sagot dahil kahit ang mga ito ay nagulat din.
Magsasalita na sana siya nang bigla silang napalingon sa pinto ng boutique na muling magbukas ito. Nakangiti siya na bumaling dito handa nang batiin ang bagong pasok sa pag-aakala na magulang ng mga batang nakalambitin sa mga hita niya. Ngunit ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata niya at nakalimutan ang magbuga ng hininga mula sa paghigop ng malalim na dahil sa gulat na nabungarang bulto sa harap niya.
“Harvey?” bulong niya. Nangingilid ang mga luha niya habang naglalakad ito palapit sa kanya at nakangiti. Rinig n’ya naman na nag-singhapan ang mga staff at nagtitili ng makita ang taong papalapit sa kanya na tila siya lamang ang nakikita nito.
“Daddy!” sabay na tawag ng dalawang bata rito ng makalapit na ang binata.
Napabalik siya sa huwisyo ng marinig ang mga bata na kanina lang ay nakayakap sa mga binti niya ng sumigaw ang mga ito ng Daddy.
Nalipat ang mga mata n’ya sa mga cute na nilalang at sinundan ng mga mata niya kung saan ito tutungo. Gulat s’yang nakatakip sa bibig ang mga kamay, ng makitang yumakap din ang mga ito sa binti ng taong nasa harap niya na ngayon.
Walang maapuhap na salita ang mabibigkas sa mga labi n’ya sa sobrang gulat. Na-surprise s’ya, alright. Ganito pala ang feeling ng unprepared ka sa surpresa. Speechless lang siya na palipat-lipat ang tingin sa tatlong nilalang na nasa harap n’ya.
Hindi niya alam, kung ano ang sasabihin at gagawin. Narinig niya na tinanong ng lalaki sa mga staff niya kung nasaan ang office at dinala siya roon sa loob.
Pinaupo ang dalaga sa sofa habang hindi pa rin nag-sisink in sa utak niya ang mga nagaganap sa harap niya.
“Hon, speak up. How are you? What happened to you?” rinig niyang sambit ng lalaki sa harapan niya pero ang mga mata ay nakapako sa dalawang bata. Naramdaman niya na pinupunasan ng dalawang maliliit na kamay ang kanyang mga pisngi.
“Mommy, don't cry. We are here now, Mommy. Don't you miss us? ani ng munting prinsesa.
Niyakap siya ng maliliit na mga braso nito. At ganoon din ang ginawa ng munting prinsipe.
Doon na siya napahagulgol nang iyak ng maramdaman niya ang mga yakap ng magkapatid.
“I miss you so much,” Wika niya at niyakap niya rin ng mahigpit ang dalawang bata.
Alam niya na, damang-dama ng dalaga na sa kanya galing ang mga ito. Lukso ng dugo,sabi nga ng karamihan.. Limang taon siyang nawalay sa mga ito at hindi man lang nasilayan ng buo mula ng ipanganak niya ang mga ito. Hindi na siya makahinga sa pag-iyak. Napapalakas din ang tunog ng pag-iyak niya. Naramdaman niyang may isang makisig na braso ang yumakap sa kanilang tatlo ng mga bata.
Si Harvey! Na-miss niya rin ang warm hug nito. Mula noon hanggang ngayon hinahanap niya pa rin ang mga yakap nito at ngayon nga ay nangyayari na, muli.
Si Harvey, ang taong iniwan siya matapos niyang manganak. Ang taong mahal na mahal niya mula pa noon. Ang taong pangarap lamang na sana makita niyang muli. Ang taong inaasahan niyang masusuklian din ang kanyang pagmamahal. Ang taong naging mystery sponsor niya.
Nandito sa harap at yakap silang mag-ina.
Yumakap na rin siya ng mahigpit sa mga ito. Sobrang na-miss n’ya ang mga ito lalo na ang mga anak na sa wakas nasilayan din ng buo. Walang paglagyan ng kasiyahan sa puso niya sa mga oras na iyon. Ilang minuto rin silang magkayakap ng biglang narinig nilang may maliit na boses na nagsalita.
“Ouch! Mommy, Daddy, I can't breathe. You’re hugging us tight.” reklamo ng prinsesa nila.
Napabaklas siya agad ng yakap sa mga ito.
Hinawakan niya ang pisngi ng kanyang prinsesa at hinalikan ito sa noo. Nakatitig lang siya sa mukha nito. Tila kinakabisado ang bawat hugis ng mukha ng maliit na prinsesa. Ganoon din ang ginawa niya sa munting prinsipe. At muli niyakap niya ulit ang mga ito.
“Hhmmm!”
Narinig niyang tumikhim ang binata sa tabi niya.
“Hon, speak up. You’re quiet for sometime now.”
Tila nanuyo ang lalamunan n”ya at hindi siya makapagsalita. Nagulat siyang bigla, inabutan sa kanya ng binata ang tubig na ibingay ni Niccolo rito.
“Ahm, wh-what is your name, babies?” nauutal niyang tanong sa mga bata. Hindi niyaparin pinapansin si Harvey. Napasipol naman si Niccolo. Nang-aasar na naman sa amo nito dahil hindi ito kinakausap ng dalaga. Nakatutok kasi ang mga mata ng dalaga sa dalawang bata.
“I’m Elaine, Mommy and this is Edmark, my twin brother. Did you forget our names, Mommy?” wika ng batang babae. Napabaling bigla ang mga tingin niya sa binata. Hindi niya kasi alam ang mga pangalan ng mga ito noong umalis sila at iwan siya. Ngayon niya lamang nalaman.
“I’m sorry, Baby, I forgot.” sagot niya sa anak. Ngumiti naman ng malawak ang batang babae.
“It’s okay, Mommy. We already knew that you dont know our names,yet. Uncle Niccolo informed us a while ago that you dont have idea about our names and about our arrival today. Surprise, Mommy. I love you so much!” masiglang salaysay ni Princess Elaine.
“I love you , too, Mommy. I really miss you, Mommy. And now, we are here, i will protect you, Mommy. I promise!” sagot naman ni Prince Edmark.
“I love you, too, so much, my babies. I love you very much. Forgive me if I’m not with you, while growing up.” Wika niya at agad bumaling ng tingin sa binata.
Hindi na mapigilan ang mga luha niya na tumulo dahil sa mga nakikita sa harapan. Miss na miss niya rin ang mga ito. Miss na miss niya ring kayakap ang binata. Nakatingin lang siya sa mukha nito. Gaya ng ginawa niya sa dalawang bata, kina-kabisado niyang mabuti ang hugis ng mukha. Baka kasi panaginip lamang ito, kung oo, sana huwag na siyang magising kahit sa panaginip man lang makasama niya ang mag-ama, masaya na siya roon. Alam niyang malabo silang maging pamilya pero kahit sa panaginip at pangarap gusto niyang mabuo sila bilang isang pamilya.
Ngunit hindi maaari dahil isa lamang siyang Baby Maker. Ganun pa man nagpapasalamat siya na dinala nito ang mga bata at nakita niya in flesh.
“Thank you.” bulong niya sa binata na nakatitig lamang sa kanya.
Madalas palihim niyang sinusubaybayan ang ganap ng binata at walang palya na kasama niya palagi sa mga stolen shots ang mga bata. Kanina hindi niya namukhaan ang mga ito dahil kahit ni sa hinagap hindi niya akalain na makikita pa ang kambal.
Kaya kahit ngayon lang. Mangangarap muna siyang buo sila at nandito ang mag-ama niya.
“What’s the thank you for, Honey?” tanong nito sa dalaga. Naguguluhan ito sa sinabi ni Sarah.
Tinaas ng dalaga ang kanang kamay niya at hinaplos ang mukha ng binata. Titig na titig naman sa kanya ang binata. Hindi rin gumagalaw at tila sila na lamang tao sa loob ng opisina.
Hindi niya rin naririnig ang dalawang bata, siguro nilabas muna ni Niccolo at binigyan silang dalawa ng binata ng oras para makapag-usap.
“Thank you!” iyon lang ang nasambit niya, muli.
“Huh? Thank you for what, Hon?” muling tanong ng binata na naguguluhan bakit nagpapasalamat ito sa kanya.
“Thank you for letting me see the twins. If this is a dream , I don't want to wake up anymore. So thank you so much. I've been dreaming of this day, to see you again. And now it's happening, I'm so happy. My heart almost exploded because I’m overwhelmed.” mahabang litanya niya.
Hindi niya alam saan galing ang mga sinabi sa kausap. Ang alam niya lang mangangarap siya ngayon sa harap ng binata.
Niyakap siya nito ng mahigpit at hinagkan ang sentido niya.