Chapter - 7

1008 Words
"Wow, what a beautiful name, Aila, bagay na bagay sa iyo ang pangalan mo," nakangiting saad sa kanya ng lalake na nagpakilalang Jeremiah. Sa pagpasok niya sa De La Cerna University ngayon pa lang literal na may lalaking nagpakilala sa kanya, at tila napakaswerte pa niya dahil sobrang gwapo nito walang duda na maraming babaing naghahabol rito sa University. "Salamat," pasalamat niya sa lalake at nahihiyang tinignan ito. Hindi pa siya masyadong sanay sa tamang pag approach sa lalake lalo na't gwapo, pero sana hindi mapansin ni Jeremiah na probinsyana siya at medyo wala pang alam. "Jeremiah,' narinig niyang may tumawag sa lalake at kapwa nalipat ang atensyon nila sa tumawag rito. Sabay pa silang napatingin sa grupong papalapit sa kanila. Napakunot ang noo niya nang una niyang mapansin sa grupo ng mga kalalakihan si Kenzo. Nakatingin ito sa kanya. "Hey, guys, Kenzo," bati ni Jeremiah sa grupo at ni mention nito si Kenzo. Ibig sabihin kilala nito si Kenzo. "May bago ka na naman yatang biktima?' Tanong ng isang lalake na familiar na sa kanya, marahil isa sa kasama ni Kenzo noong isang araw sa mansyon. Sinulyapan pa siya ng lalake at nag iwas siya ng tingin at baka makilala siya nito. "What? No,' tanggi ni Jeremiah at sinulyapan siya at sumenyas pa sa kanya na hindi totoo ang sinabi ng lalake rito. "Aila, what are you doing here?' Tanong ni Kenzo na kinagulat pa niya at nalipat ang tingin niya rito. "You know her?" Tanong ni Jeremiah na hindi maitago ang pagkagulat. "Yeah, I know her," sulpladong tugon ni Kenzo kay Jeremiah habang sa kanya ito nakatingin. Hindi naman niya magawang umiwas rito ng tingin. "Oh... Mali ka yata ng bibiktimahin Jeremiah," saad ng isa pang lalaking naroon at nagtawanan ang tatlong lalake kasama ni Kenzo, tanging si Kenzo lang ang hindi tumawa sa grupo. "Ah..," Jeremiah said at sinulyapan siya. Hindi naman siya kumibo. "Sige na mauna na kayo kakausapin ko lang si Aila,' saad ni Kenzo sa mga kasama nito at mabilis na kumilos palayo sa kanila. Niyaya na rin ng tatlo si Jeremiah. Aayaw pa sana si Jeremiah nang halos hilahin na siya ng tatlo kaya nagpaalam na lang ito sa kanya. Sa kilos pa lang ng mga kasama ni Kenzo ay mukhang mas mataas ito kesa sa mga kasama nito, dahil isang salita lang nito ay sumusunod na agad ang mag ito rito. "Sumunod ka sa akin, Aila," maotoridad na saad ni Kenzo sa kanya. Bago pa siya makatutol sana tumalikod na ito at lumakad palayo sa kanya. Kaya naman wala siyang nagawa kundi sundan ito. Bumuntong hininga na lang din siya at sumunod rito, kailangan din naman niya itong makausap dahil sa bago niyang trabaho. "Sir Kenzo, saan po tayo pupunta?' Tanong niya rito habang sumusunod pa rin siya rito paakyat ng building. May mga nakakasalubong sila na halos bumabati kay Kenzo at kinikilig pa ang mga babae rito. "Sumunod ka na lang Aila," tugon nito sa kanya. Malayo ang kanilang pagitan kaya halos hindi man siya napapansin ng mga babaing nagpapa cute kay Kenzo. Hindi tuloy halata ng mga ito na sumusunod siya kay Kenzo. Magtatanong pa sana siya ulit nang mahulaan na niya kung saan sila paakyat nito. Mukhang sa rooftop ng building sila nito pupunta. Bago pa lang siya sa University at hindi pa niya nalilibot ang buong University, marami pa siyang lugar na hindi napuputahan, lalo na ang mga rooftop ng building. "Wow," bulalas niya nang makita kung gaano kaganda sa rooftop ng Business Management building. Malinis at maayos malayo sa naiisip niyang itsura ng rooftop. May swing pa nga table at chair. Mukhang pinagtatambayan ang lugar kaya maayos. "Ang ganda naman po rito, Sir Kenzo,' puri niya. Sakto na huminto sa paglalakad si Kenzo at sinulyapan siya. Agad na nabura ang excitement na nakapinta sa mukha niya. "Paano kayo nagkakilala ni Jeremiah?' Seryosong tanong sa kanya ni Kenzo. Hindi niya alam kung bakit kailangan pang seryoso ito sa tanong niya. "Ah.. Iyon po ba Sir. Kanina po kase nang papasok po ako nakabungguan ko po siya," tugon niya rito. "Hindi ba nakita mo iyon kanina," patuloy niya habang walang ekspresyon ang mukha ni Kenzo. "Bakit nasa Business Building ka?" Sunod na tanong nito at hindi man pinansin ang paliwanag niya. "Ah.. Eh...," hindi niya malaman kung paano sisimulan na sadya siyang nagpunta roon para makausap ito. "Anong pinag-uusapan niyo ni Jeremiah?" Tanong nito nang hindi pa rin siya makasagot rito. "Ah.. Wala naman. Nagpakilala lang kame sa isat-isa,' tugon niya. Nanatili ang pag galang niya sa amo kahit sa labas ng mansyon. Iyon din kasi ang bilin sa kanya ng Don, na huwag kaibiganin si Kenzo at dapat lagi niya itong igalang kahit saan man sila, kahit wala sila sa mansyon. Sinusunod lang niya ang nais ng Don. "So, hindi mo siya kilala?' Tanong nito. Iniling niya ang ulo at nagpaliwanag na ngayon lang niya nakilala si Jeremiah at dahil lang iyon sa nakabunggo niya ito kaninang papasok siya. "Don't tell me sinundan mo siya sa Business building,' may pagdududa sa tinig ni Kenzo. "Hindi po Sir!" Agad niyang depensa rito. "Nagkataon po na nakasalubong ko lang po siya sa lobby,' paliwanag pa niya. "Eh bakit ka naroon?' Usisa ni Kenzo na para bang detective ito. "Ano po kase.. Hinahanap ko po kayo Sir Kenzo," tugon niya. Oras na para sabihin rito ang utos ng Don. Iyon naman talaga ang sadya niya kung bakit naroon siya. "Bakit mo ko hinahanap?" Kunot noong tanong nito. "May pinasasabi po kasi sa akin ang Lolo niyo po," tugon niya. "Bakit hindi na lang niya ko tinawagan at kailangan ikaw pa ang magsabi," Kenzo said. "Ano po kase Sir Kenzo," saad niya. Hindi malaman kung paano sisimulan ang nais sabihin sa amo. "Ano?' Kunot noong tanong nito. "Pinag-uutos po ng Don na bantayan ko po kayo dito sa University at sa bawat lakad niyo po Sir Kenzo,' paliwanag niya sa amo na lalong lumalim ang kunot sa noo habang nakatingin sa kanya. "Anong pinagsasasabi mo!" Inis nitong saad sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD