Chaptet - 4

1526 Words
Hating gabi na at hindi pa siya makatulog sa kanyang higaan sa maids room kung saan magkakasama silang lahat na kasambahay sa iisang malaking silid na kumpleto sa kagamitan para sa kanilang limang kasambahay na babae. Malaki at maaliwalas ang silid at kanya-kanya sila ng kamang inihigaan para nga siyang nasa dorm lang at bukod don may aircon pa sila na sa tuwing gabi ay malaya nilang buksan hanggang alas kwatro ng madaling araw, dahil karamihan sa kanila at ganoong oras pa lang bumabangon pa para asikasuhin ang mga gawain sa mansyon. Nakaramdam siya ng uhaw kaya naman maingat siyang bumangon sa kanya kama na katabi ng kama ng kanyang Tiyahin na masarap na ang tulog. Masarap na rin ang tulog pa ng ibang kasama nila sa maids room. Dahan-dahan siyang lumakad patungo sa pintuan para hindi makalikha ng ingay na makaistorbo pa sa mga kasama niya. Maingat din ang ginawa niyang pagsara sa pintuan ng kanilang silid. Kahit isang buwan pa lamang siya sa mansyon kabisado na niya ang malaking bahay, kahit katamtaman lang ang liwanag sa bahay ay alam na alam na niya kung saan maglalakad patungo sa pupuntahan. Dumeretso siya sa may kusina nang matigilan siya bigla nang makita tila may bukas na ilaw pa sa kusina. Sa pagkakaalam naman niya napatay na nilang lahat ang ilaw bago sila pumasok sa kanilang silid. "May ilaw pa palang nakalimutan," bulong niya at nagtuloy sa kusina nang bigla na lang magulat at mapatili nang bigla siyang bumungo sa kung anong matigas na bagay. Muntikan siyang ma out of balance at bumagsak paupo sa sahig kung hini maagap ang kamay ng taong nakabunggo niya. Nanlaki ang kanyang mga mata nang mapatitig sa lalaking nakatingin sa kanya habang halos yakap na nito ang kanyang bewang. "Sir... Kenzo...,' bulong niya sa pangalan ng amo nang makilala ito. "You again," saad ng amo sa kanya na tila wala itong balak itayo siya ng maayos, nanatili pa rin kasi siyang nakapahiga habang salo nito ang kanyang bewang at nakakapit naman siya sa braso nito. Para nga siyang nakakaramdam ng kuryente o ano sa pagkakahawak niya sa braso nito. Hindi lang siya makabitaw dahil baka bigla siyang bumagsak sa sahig. Naamoy niya ang alak sa hininga ni Kenzo, walang duda na kung sana man ito galing nakipag inuman ito. Halata rin na kararating pa lang nito dahil bihis na bihis pa ito. "Sir.... Kenzo," tawag niya sa pangalan nito at pasimpleng sinulyapan ang kanyang posisyon. Nakuha naman nito ang nais niya kaya agad siya nitong inayos ng tayo. "Madaling araw na bakit gising ka pa?" Tanong nito sa kanya nang lumayo ito sa kanya at ito na mismo ang nagbukas ng maliwanag na ilaw sa kusina. Napalunok naman siya nang makita kung gaano kagwapo ang amo niya kahit mukhang lasing na ito at pagod na pagod. Wala naman yata itong kapaguran basta alak ang usapan pupuntahan nito at uuwi kahit lasing. "Iinom lang po sana ako ng tubig,' tugon niya sa amo. "Kayo po Sir Kenzo, bakit po andito kayo sa kusina?" Tanong niya rito. Nakita niyang tila nahihiya itong ngumiti at napakamot pa sa batok nito. Ang cute tuloy nitong tignan na para bang nahihiya ito sa kanya. Sino ba siya para mahiya ang isang Kenzo Fisher sa kanya. "Medyo naparami kasi ang inom ko kanina sa party, gusto ko sanang magkape,' tugon nito sa kanya. "Ah.. Kape. Gusto niyo po Sir timplan ko kayo?' Alok niya sa amo at mabilis siyang kumilos palapit may lababo kung saan naroon ang kape at mainit na tubig. "Ok lang ba sa iyo? What's your name again?" Tanong nito sa kanya. Medyo nakaramdam siya ng kirot, dahil hindi pa pala nito alam ang pangalan niya, kahit na nagpakilala na siya kanina rito. "Aila po Sir Kenzo,' tugon niya rito. Tumango naman ito sa kanya. "Ipagtitimpla ko na po kayo Sir Kenzo," saad niya. "Salamat, Aila," pasalamat nito sa kanya. "Ok lang ba na pakidala na lang sa may pool area, doon muna ako tatambay habang nagpapababa ng amats," saad pa nito. "Sige po Sir, dalhin ko na lang po," tugon naman niya. Tumango ito at lumakad na palabas ng kusina. Agad na siyang kumilos para timplan ng kape ang amo niya. Ito ang unang pagkakataon na pagsisilbihan niya ang amo at nais niyang magpakitang gilas rito, nais niyang timplan ito ng masarap na kape, iyung tipong ang timpla niya ang hahanap-hanapin ng amo. Napansin nga niyang nakangiti siya habang pinagtitimplan ng kape si Kenzo na para bang iyon ang pinaka masaya niyang gagawin sa buong buhay niya. Matapos matimpla agad na siyang lumakad palabas ng kusina bitbit ang kape para kay Kenzo. Sa pool area daw ito marahil nagpapahangin dahil nga may amats daw ito, nasobrahan marahil sa alak. Nadatnan niya si Kenzo na nakaupo sa tabi ng swimming pool, nakababad ang mga paa nito. Lumapit siya rito dala ang mainit na kape para rito. "Sir Kenzo heto na po ang kape niyo," saad niya nang lumapit rito. Agad naman itong lumingon sa kanya at iniabot rito ang kape. Nagpasalamat ito sa kanya at akmang tatalikod na siya para muling pumasok sa loob nang magsalita si Kenzo. "Aila, pwede mo ba kong samahan saglit,' saad nito sa kanya na nagpatigil sa kanyang pag hakbang. Natulala pa nga siya at saglit na nag loading dahil nagulat siya sa request ng amo niya na samahan ito. "Pero kung magpapahinga ka na, sige ok na ko," saad nito nang hindi siya kumikibo. "Ah. Eh.. Sige po Sir sasamahan ko po kayo," utal niyang tugon dahil medyo alanganin din siya sa nais ng amo. "Halika maupo ka at nang makapag relax ka muna. Napakaganda ng buwan bilog at napakaraming star sa langit,' saad nito sa kanya na para bang hindi ito ang nagsasalita. Wala kasi ang aura ng amo ang mga ganoong salita. Naupo siya malapit sa kinauupuan ng amo pero hindi na niya binabad ang kanyang mga paa sa swimming pool, nahihiya siya dahil nga katulong lang siya at amo niya ito. Dapat lang na huwag niyang kakalimutan i lugar ang kanyang sarili sa lahat ng pagkakataon. "How old are you, Aila?' Tanong sa kanya ni Kenzo bago ito humigop sa kapeng gawa niya para rito. "Eighteen po Sir Kenzo," nahihiyang tugon niya rito. Ni hindi nga niya ito magawang tignan sa mga mata. Nahihiya siya rito. "Oh.. Hindi naman pala tayo nagkakalayo ng edad. I'm twenty-one," saad nito sa kanya. "Student ka rin sa De La Cerna University?" Tanong nito sa kanya. Tumango siya rito. "Ang Don po ang nagpapa-aral sa akin sa university," saad niya para alam na rin nito na ang lolo nito ang nagpapa-aral sa kanya. "Wow.. Bait talaga ni lolo," saad niti at nasilayan niya ang ngiti sa magandang labi nito. "Napakabait po ng lolo niyo Sir Kenzo,' saad niya rito. "Yeah, anong kurso mo?' Tanong nito. Panay tanong nito about sa kanya, hindi naman niya makayang magtanong ng tungkol rito. Alam naman niyang hindi ito interesado sa buhay niya, sadyang wala lang silang mapag usapan habang nagpapalipas ito ng oras. Alam niyang baka bukas lang wala na itong maalala sa napag usapan nila. "Nursing po, nasa 2nd year na po ako," tugon niya rito. Sasagutin pa rin niya ang bawat tanong nito sa kanya. Kahit pa na hindi siya makapag tanong rito. "Oh.. Nice, magaling talaga si Lolo. Instant may personal nurse na siya pagka graduate mo, Aila,' saad nito. Natahimik siya sa sinabi nito. Wala kasi siyang planong mag stay ng bansa kung sakaling makapagtapos siya ng kanyang pag-aaral at makapasa. Ang nais niya sa ibang bansa siya magtatrabaho at doon na rin namumuhay ng tahimik at nais kalimutan ang lahat ng hirap na pinagdaanan niya. "Masarap ang kape mo, by the way,' saad ni Kenzo nang tahimik na siya at hindi sinagot ang sinabi nito. "Mabuti naman po at nagustuhan niyo Sir Kenzo," saad niya. "Paniniguradong mawawala ang hangover ko sa tapang nito," saad nito sa kanya. Bahagya siyang ngumiti sa amo. "I know medyo personal ito Aila, tanong lang naman para lang may ma topic tayo at hindi ma bored," saad nito sa kanya. "Ano po ba iyon Sir Kenzo?" Tanong niya. "May boyfriend ka ba?" Tanong nito. Agad niyang iniling ang kanyang ulo. "Bata pa po ako para sa ganyan," tugon niya sa amo. "Eighteen ka na, nasa legal age ka na. Marami pang mas bata sa iyo ang in relationship ngayon. Isa pa you are beautiful, Aila malakas ang dating mo," saad ng amo sa kanya. Naramdaman niya ang pag init ng kanyang magkabilang pisngi sa papuring natanggap mula sa amo, hindi tuloy niya malaman kung paano ito sasagutin. "No doubt marami ang lumalapit at nagpaparamdam sa iyo sa De La Cerna University," saad ng amo. Iniling niya ang ulo. "Imposible po iyan Sir Kenzo. Isa lang po akong katulong dito sa mansyon," nahihiya niyang tugon sa amo. Kahit siya mismo nahihirapan siyang banggitin ang salitang katulong lalo na't iyon ang trabaho niya sa ngayon. "Hindi naman nila alam iyon Aila, at hindi na nila dapat malaman pa na dito ka sa mansyon nagtatrabaho. Na ang lolo ang nagpapa-aral sa iyo," saad nito sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD