"Ano ba ang pag-uusapan natin?' Tanong niya kay Jake nang nasa loob na sila ng silid sa ibaba na siyang ginagamit nilang meeting room sa tuwing may pagbabago at kailangan gawin sa kanilang fraternity. "Hindi na ko magpapaliguy-ligoy pa, Kenzo," saad ni Jake at inalok pa siya nito ng sigarilyo. Tumanggi siya dahil nakaisa na siya kanina sa silid niya. "Tungkol ito sa P.A mo si Aiza," saad pa ni Jake sa kanya. Kumunot ang noo niya sa maling pangalang binanggit nito kay Aila. "Kung ang P.A ko ang tinutukoy mo Aila ang pangalan niya hindi Aiza,' pagtatama niya rito. Tumawa naman si Jake sabay buga ng usok sa harapan niya. "Tama si Aila nga,' Jake said with a creepy smile. "Ano ba iyon?' He asked although may kutob na siya at hindi maganda ang kanyang kutob. "Maganda kasi iyang P. A mo

