"Mommy, ang yaman yaman pala ni daddy no? Look, laki ng house niya, marami siya car at may swimming pool. Mommy, swimming tayo?" masiglang saad ni Alexa ng makalapit ako.
"No baby, gumagabi na kasi eh. Baka kasi magkasakit ka kapag nag swimming tayo ngayon ahmm maybe next time?" Hinaplos haplos ko ang pisngi ni Alexa at niyakap ng mahigpit.
"Okey po. Basta huwag mo akong iiwan dito ha."
Hindi ko alam kung anong isasagot ko kay Alexa dahil sa sinabi nito kaya mas hinigpitan ko na lang ang yakap ko at napapikit, alam ko na balang araw maiintindihan din ako ni Alexa kung bakit hindi kami pwede magsama sama sa iisang bubong ng papa niya. Ngayon, naiintindihan ko ang sitwasyon ni Alexis kaya mas gugustuhin ko na iwan sa kanya si Alexa hindi lang dahil karapatan niya iyon kundi dahil sa mga ilang detalye na nalaman ko tungkol sa kanya na naekwento ni manang Jing.
Dahil sa pagod sa event sa school at paglalaro sa malawak na garden ni Alexis, pagkatapos kumain ni Alexa agad ko itong dinala sa kan'yang silid upang matulog, noong una ayaw pa ngang humiga sa kama dahil hindi raw siya sanay matulog dahil malawak at malaki ito sinabihan ko na lang na masasanay ka rin at upang makatulog siya kukwentuhan ko muna siya upang makatulog ayon, hindi pa ako nakakatapos sa ikalawang pahina tulog na tulog na si Alexa. Nang naramdaman kung mahimbing na ang pagkakatulog ni Alexa, agad na akong lumabas ng kwarto nito at expected ko na naroroon si Alexis sa labas ng kwarto naghihintay sa akin.
"Nakatulog na si Alexa, huwag mong papatayin ang ilaw niya sa kaniyang silid dahil hindi sanay ang bata sa madilim na paligid. Aalis na ako, ikaw na bahala kay Alexa," saad ko kay Alexis.
Tumingin lang ito sa akin at wala akong kahit anong narinig na tugon buhat dito.
"Ahmm.. 8:30 pasok ni Alexa bukas ng umaga, exsaktong 11:00 naman ang out nito kaya sana huwag kang mala-late kung ayaw mong malakad iyan pauwi sa bahay. Hindi sanay si Alexa ng hindi nag be-breakfast sa umaga, at nasabi ko na ito kay manang Jing at kung pwede isama mo si manang Jing sa paghatid at pagsundo kay Alexa. Matalinong bata si Alexa, maaring hindi pa niya maiintindihan ang sitwasyon ngayon, pero alam ko utay utay niya rin maiitindihan soon at masasanay sa ganitong set up natin sa kanya. Sige alis na ako," mahabang paliwanag ko muli kay Alexis.
Ngunit wala pa rin akong narinig na tugon mula kay Alexis at nanatili lang itong seryoso kaya tumalikod na ako dito at diri-diretsong tumungo sa maindoor at nang bubuksan ko na ang pinto tinawag nito ang pangalan ko at mabilis na humakbang palapit sa akin.
"Salamat.. Ahm.. Ipapahatid na kita kay mang Damian, malalim na ang gabi."
Hindi ko alam para saan ang pasasalamat ni Alexis sa akin kaya ngumiti na lang ako sa kanya.
"Hindi na Alexis, ayaw ko nang maka storbo. Sure naman ako na may taxi sa labas ng subdivision na ito kaya makakauwi ako ng safe, ikaw na bahala sa anak natin ha. Parang ikaw lang din iyan si Alexa, kaya I'm sure makukuha mo agad ang loob niya at kung ano mang maging problema tawagan mo lang ako." Muli akong ngumiti kay Alexis bago tuluyang lumabas ng pinto.
Pinipigilan kong tumulo ang luha ko, ngayon pa nga lang para na akong sinasaksak ng paulit ulit sa puso dahil unang gabi na hindi ko makakasama ang anak ko, at iniisip ko na lang na ito iyong tama dahil ilang taon ko rin naman na pinag kait kay Alexis ang anak niya na ngayon pa ay nakakaranas ito ng matinding kalungkutan dahil sa ginawa ng kinakasama niya.
**
Para akong lantang gulay pagkauwi ko sa amin dahil kakaisip kay Alexa nadatnan ko pang hinihintay ako sa labas ng bahay ni manang Fely, kaya ayon na-e-kwento ko ang lahat sa kanya dahil alam kong marami itong tanong dahil sa biglang pagsulpot sa buhay namin ni Alexis. Masarap rin pala sa pakiramdam na nagkukuwento ka sa taong may malaking agwat na edad sa iyo, pakiramdam ko may nanay na nakikinig sa akin. Sa tagal na naming nakakasama si manang Fely mula pagka sanggol ni Alexa, at ngayon malaki na si Alexa ngayon lang ako nag o-open sa kanya ng saloobin at masaya naman ako at para siyang ina na hindi umalis sa tabi ko at puro pagpapayo lang ang aking naririnig masaya ako na nariyan siya, nangako pa si manang Fely na kahit mabawasan ko raw sahod niya dahil weekend na lang namin makakasama si Alexa hindi raw niya kami iiwan.
Hindi ako nakatulog ng gabing iyon, at patuloy ang pag iisip ko kay Alexa kahit alam ko naman na hindi iyon pababayaan ni Alexis.
*********
"Alexis pov"
"Mommy.. Mommy... "
Napabalikwas ako sa aking pagkakatulog sa sofa dahil sa boses ni Alexa, pagka alis na pagka alis kasi ni Nina dito ko na naisipang matulog sa maliit na sofa sa loob ng kwarto ni Alexa upang mabantayan ko ito.
"Baby... I'm here na kaya stop crying." Pinunasan ko ang mga luha sa pisngi ni Alexa nang agad ko itong nalapitan.
"Nasaan ang mommy ko daddy? I want mommy daddy please.. "
Patuloy ang pag iyak ni Alexa kaya hindi ko alam ang aking gagawin upang tumigil ito sa pag iyak.
"Wala si mommy umuwi sa inyong dating house, pero babalik iyon dito sa weekend para sunduin ka. Baby, try to understand me ha-"
"No!!"
Hindi ko na naituloy ang pagpapaliwanag kay Alexa dahil mas lalong sumigaw at lumakas ang kanyang pag iiyak.
"I want my mommy now daddy!! Please I want my mommy now!!"
"Andito naman si daddy baby eh, diba ito gusto mo ang makasama ako? Kaya ito I'm here na. So stop crying anak." Pilit kong pinapakalma si Alexa na mas lalo pa yatang umiiyak.
"Gusto ko andito ka at makasama, pero gusto ko andito rin ang mommy ko. Ayaw ko na hindi siya makikita eh, ayaw ko.. I want my mommy now please daddy."
Napabuntong hininga na lang ako at napakamot sa ulo bago muling kausapin si Alexa.
"Baby i know na gusto mo makasama si mommy, pero hindi pa sa ngayon okey? Sa weekend makikita mo siya at makakasama pero for now ako muna. Gusto mo sa kitchen na tayo dahil mag be-breakfast ka pa at papasok sa school, ako maghahatid sa iyo gusto mo ba iyon?"
"No!!! I want mommy!! I want mommy!! Gusto ko andito siya at palagi natin siyang kasama. Please daddy!! Ayaw matagal pa siyang hindi makikita, gusto ko araw-araw siyang makikita. Mommy promise me na hindi niya ako iiwan dito eh."
Patuloy ang pag iyak ni Alexa, at hindi ko inaasahan ang gagawin nito sa aking harapan.
"Daddy please.. Call mommy na bumalik dito. I'm begging you daddy, please call my mom, I'm begging you daddy.. I want my mommy now.."
"Alexa stop!" Napasigaw ako kay Alexa dahil hindi ko inaasahan na luluhod ito sa aking harapan at nakatikop pa ang dalawang kamay habang nagmamakaawa sa akin. Ito pa naman ang pinaka ayaw ko, ang luluhuran ako ng isang babae at nakikiusap pa sa akin at nag mamakaawa.
"Please daddy i want mommy.. Hindi ako mag be-breakfast, hindi ako pupunta sa school hangga't wala si mommy."
"Okey... Okey.. I call your mom right now. Please tumigil ka na sa kakaiyak mo, at huwag ka nang lumuhod diyan."
Kung hindi ko pa dinukot sa bulsa ko ang cellphone ko at tinawagan si Nina hindi pa tatayo sa pagkakaluhod at titigil sa kakaiyak si Alexa.
Pakiramdam ko sasakit ang ulo ko dahil kay Alexa, at naiintindihan ko naman ito dahil unang araw ito na mahiwalay sa ina. Mabuti na lang at agad sumagot sa tawag ko si Nina kaya agad ko itong nasabihan na tumungo dito. Hindi ko maintindihan, sabi ni Nina para raw ako si Alexa, eh hindi naman ako iyakin at matigas ang ulo noong bata pa ako.
Tulad ng sinabi ni Alexa, hindi ito aalis ng kwarto ng hindi nakikita ang ina kaya nang dumating si Nina saka lamang ito napaliguan at nadala sa kitchen upang mag almusal.
Sinunod ko muna ang sinasabi ni Nina na huwag munang pilitin si Alexa sa bagong set up namin kaya hindi na muna namin pinapasok sa school upang makausap ng masinsinan.
May nabuo na rin na plano sa isip ko habang pinagmamasdan kong umiiyak ang anak ko, naiintindihan ko naman ito kung bakit hindi pa agad agad mahihiwalay sa ina gayong hindi naman ako nito nakasama ng matagal, kaya ang plano ko pakikiusapan ko na maaaring manatili pansamantala si Nina sa mansyon hangga't hindi pa nauunawaan ni Alexa ang totoo naming sitwasyon ng ina niya at sana pumayag si Nina.
Sa ngayon, dagdag problema ko pa si Aliyah dahil wala pa itong ka alam alam sa nangyayari lalo na kay Alexa, siguradong makikipaghiwalay ito sa akin at hindi naman ako papayag doon kahit naman may nagawang kasalanan sa akin si Aliyah mahal na mahal ko pa rin ito at handa ko pa rin ituloy ang naudlot naming pagpapakasal. Basta sa ngayon ang poproblemahin ko muna ang anak ko, at hindi muna si Aliyah dahil nasa ibang bansa pa naman ito at nagbabakasyon.