*Nina pov*
"Nakatulog na muli si Alexa, pwede na akong umalis. Basta pag may kailangan ka tawagan mo lang ako, darating ako," tanging saad ko kay Alexis na tahimik lang pala kaming pinagmamasdan habang pinapatulog ko sa hapon si Alexa.
"Can we talk?" seryusong tanong ni Alexis na agad naman akong tumango.
Humakbang si Alexis patungo sa veranda ng mansyon at agad namang akong sumunod dito.
"Naiintindihan ko kung bakit ganyan na lang ang reaksyon ni Alexa kapag hindi ka niya nakikita kaya napag disisyonan kong kung maaari dumito ka muna sa mansyon hangga't maging okey na kay Alexa ang ating set up."
Napalunok ako ng laway at hindi ko inaasahan ang hiling ni Alexis, noong gabi ito rin ang tumatakbo sa aking isipan ang humiling sa kanya na kung maari dumito muna ako pansamantala habang naninibago pa si Alexa sa pangyayari.
"Pero paano ang pagtatrabaho ko? Papayag ako na mananatili dito hangga't maging okey si Alexa pero patuloy ako sa pagtatrabaho ko," tugon ko kay Alexis. Ayaw kong maging pabigat sa kanya lalo na wala namang kaming relasyon dahilan para buhayin niya ako.
Kumunot ang noo ni Alexis," Babalik ka sa pagsasayaw mo? Gosh!! Hindi ka ba nahihiya sa trabahong pinasok mo?"
Inaasahan ko na ganito ang sasabihin sa akin ni Alexis kaya tinatatagan ko ang loob ko.
"Wala naman akong dapat ikahiya sa trabaho ko lalo na wala naman akong inaargabyadong tao. Sa pagsasayaw ko binuhay ang sarili ko at si Alexa kaya kahit papano proud ako doon, wala tayong relasyon Alexis kaya wala kang karapatan na pakialaman ang trabahong gusto ko."
Ngumisi ng nakakainsulto si Alexis dahilan upang mainis ako dito ng palihim.
"I know, at wala naman akong balak na makipag relasyon sa iyo tandaan mo iyan. Hindi ikaw ang concern ko dito kundi si Alexa, sa tingin mo magandang example iyon sa anak mo lalo na babae siya?"
"Wait lang? Bakit sa tingin mo magandang example rin iyang trabaho mo? Huwag mo akong maliitin Alexis dahil parehas lang madumi ang trabahong pinasok natin ang lamang ko lang sa iyo legal ang trabaho ko, ikaw anong klaseng trabaho mayroon ka? Legal ba?"
Kitang kita ko ang paggalaw ng bagang ni Alexis na halatang na bwisit sa sinabi ko.
"Tskkk... Okey fine, bahala ka na sa buhay mo kung mananatili ka diyan sa trabaho mo. Basta ang gusto ko lang, maging okey si Alexa at hindi niya malaman kung anong klaseng trabaho mayroon ka."
Pinakalma ko ang sarili ko dahil ayaw ko naman na mayroong kumusyon lagi sa pagitan namin ni Alexis, ayaw ko rin naman na masaksihan mismo ni Alexa na hindi kami magkasundo ni Alexis, gusto ko rin naman kahit papano lalaking masaya si Alexa kahit hindi kami okey ni Alexis.
"Isasama ko dito si manang Fely, mula pagka sanggol si Alexa ito na ang nag alaga sa kanya habang nagtatrabaho ako kaya alam kong makakatulong ito sa pag a-adjust na gagawin ni Alexa, don't worry ako magpapasahod ng serbisyo ni manang Fely, kaya mag pupursige ako sa pagtatrabaho. Alis muna ako, susunduin ko si manang Fely."
Hindi ko na hinintay ang tugon ni Alexis, bahala siya sa buhay niya kung papayag ba siya o hindi ang gusto ko lang naman maging okey ang kalagayan ni Alexa.
******
"Mommy!!!" sigaw ni Alexa nang magising ito.
"Baby I'm here, don't cry. May surpresa ako sa iyo, hmm.. Manang .."
"Manang Fely!!"
Napasigaw muli si Alexa nang makita si manang Fely at tuwang tuwa kaya agad napayakap kay manang Fely.
"Dito na titira si manang Fely, at tulad ng dati siya makakasama mo palagi okey ba iyon baby?" nakangiting tanong ko sa anak ko.
"Yes naman mommy, ahmm.. How about you?" Biglang sumeryuso ang mukha ni Alexa.
"Ahmmm... Yes, dito na rin ako titira para araw-araw kitang kasama." Pinisil ko ng pinisil ang pisngi ni Alexa.
"Totoo po ba iyon daddy?"
Napalingon ako sa pinto at hindi ko alam kung kanina pa ba naroroon si Alexis at pinagmamasdan lang kami. Nakita ko rin kung paano ngumiti at tumango si Alexis kaya naman tuwang tuwa si Alexa at pa talon talon pa itong tumakbo kay Alexis.
"Thank you so much daddy."
Nagpabuhat si Alexa sa ama nito at pinaghahagkan sa magkabilang pisngi ang ama kaya kitang kita ko ang saya ni Alexis. Ngayon ko lang nakitang ganoon ka saya si Alexa, maging si Alexis kaya napapangiti na lang ako dahil sa nakikita ko.
Matapos ang hapunan hindi mawala wala ang ngiti sa labi ni Alexa lalo na nang dalhin ko ito sa kaniyang kwarto.
"Mukhang ang saya saya yata ng anak ko?" Pinisil ko ang pisngi ni Alexa saka inayos ang kanyang kumot.
"Yes mommy, kasi buo tayo ngayon. Na sa-sad kasi ako pag nag aaway kayo ni daddy. Sana hindi na kayo mag away ha?"
"Anak, hindi naman kami nag aaway ng daddy mo eh. Okey na okey kami." Hindi ko alam paanong nasabi ni Alexa na nag aaway kami ni Alexis gayong wala naman ito sa tuwing nagtatalo kami ni Alexis.
"Kasi sabi ng classmate ko, kapag daw ang parents hindi palagi magkasama sa house magka away. Diba sabi n'yo ni daddy hindi na kayo pwedeng magsama sa bahay so magka away kayo? Ayaw ko ng ganoon mommy nalulungkot ako," diritsahang tugon ni Alexa.
Hinaplos ko ang pisngi ni Alexa at niyakap ng mahigpit.
"I'm sorry anak ha. Pero balang araw maiintindihan mo rin kung bakit hindi kami pwedeng magsama sa iisang bahay but for now I'm glad dahil magkakasama tayo, pero don't expect to much ha? Soon maiintindihan mo rin kung bakit na kami pwedeng magsama muli. Basta ito ang tandaan mo, mahal ka ni daddy at mahal na mahal ka ni mommy okey?" Hindi ko alam kung tama ba ang pinaliliwanag ko sa anak ko dahil sa murang edad niya alam kung hindi pa rin niya mauunawan ang sitwasyon na mayroon kami.
"Okey mommy, I'll sleep na."
Tulad ng nakaraang gabi binasahan ko ng mga kuwentong pangbata upang makatulog muli ng mahimbing.
"Hi... Kanina ka pa diyan?" tanong ko kay Alexis nang makita ko ito na nakasandal sa may pinto.
"No, ahmm.. Dito ka ba matutulog? Kung hindi nakahanda na itong kabilang kwarto para sa iyo," tugon ni Alexis.
"Salamat, ahmm... Sanay si Alexa na wala ako sa tabi niya, basta naroroon sa paggising niya si manang Fely, kaya si manang Fely na lang ang matutulog dito pansamantala sa kwarto ni Alexa dito na ako." Itinuro ko ang sinasabing silid ni Alexis na katabing kwarto ni Alexa. Binuksan ko ang kwarto upang iparating kay Alexis na gusto ko nang magpahinga dahil antok na antok na ako dahil hindi nga ako nakatulog last night.
"Ahm... Nina, mabuti malapit pa rin sa iyo si Alexa kahit nagtatrabaho ka sa gabi, eh sure ako wala ka nang time sa umaga dahil puyat ka."
Napalingon ako kay Alexis sa tanong nito.
"Oo naman. Understanding naman si Alexa, siguro ngayon hindi pa niya naiintindihan ang sitwasyon dahil masyado pang sariwa ang sitwasyon. Saka hindi porke panggabi ang trabaho ko wala na akong time sa anak ko, sa loob ng isang linggo kasi nagbibigay ako ng araw sa kanya para makasama ko siya, I hope na ganoon ang gawin mo rin kahit busy ka sa trabaho. Ahmm.. Sige tutulog na muna ako, inaantok na kasi talaga ako eh. Don't worry bukas na bukas ituturo ko sa iyo ang sikreto paano mapalapit kay Alexa. Good night."
"Thank you.."
Hindi ko maintindihan ang biglang paglakas ng t***k ng puso ko dahil sa pagpapasalamat ni Alexis sa akin kasabay ng paghawak niya sa braso ko. Pakiramdam ko tuloy biglang nag init ang katawan ko dahil sa simpleng ginawa na iyon ni Alexis.
Hindi pwede! Hindi pwedeng naapektuhan pa rin ako sa presensya ni Alexis gayong wala naman akong karapatan na magustuhan muli siya katulad ng dati.