"Nina Pov"
Buhat ng nakaramdan muli ako ng malakas ng t***k ng puso dahil sa paghawak sa aking braso ni Alexis, ang antok na antok na mata ko tila bigla itong naglaho. Tiningnan ko ang orasan sa aking pulsuhan, pasado alas dos na pala ng madaling araw kaya naisipan kong magpahangin muna sa veranda baka sakaling dalawin ng antok. Malawak at maliwanag ang buong paligid sa mansyon at napayakap ako sa aking sarili nang maramdaman ko ang simoy ng hangin mula sa labas habang patungo sa veranda. Ibang ibang ang mansyon na pinagawa ni Alexis compare sa dating mansyon nila kung saan ako lumaki at nagsilbi sa kanilang magkapatid na si Jacob, moderno ang structures at halatang pinagkagastusan ng husto.
"Hindi ka makatulog?"
Nagulat ako sa boses ng lalaki buhat sa likod ko.
"Hi.. Ahm.. Pasensya ka na kung andito ako nagpapahangin sa veranda mo, naninibago siguro itong katawan ko kaya hindi ako makatulog," paliwanag ko kay Alexis na papalapit sa akin at may dala dala itong ilang bote ng beer.
Hindi pinansin ni Alexis ang paliwanag ko, sa halip inabutan niya ako ng isang bote ng beer at agad ko naman itong tinanggap.
"Marunong ka na talaga uminom no?" Napangiti ng bahagya si Alexis.
"Oo, kailangan eh. Alam mo naman sa trabaho ko, kailangan mong pakibagayan ang mga kustumer," mabilis na tugon ko.
Umiinom na ako ng alak noong nagtatrabaho pa ako sa kanila, ngunit hindi hard tulad ng iniinom namin sa bar at totoong sa trabaho lang ako natuto mag inom upang makibagay lalo na sa aming mga kustumer.
"Kailan ka pa nag umpisang sumayaw sa bar?"
Hindi ko inaasahan ang unang tanong sa akin ni Alexis.
"Siguro mag one year old noon si Alexa, kailangan eh," mabilis na tugon ko.
"Bakit hindi ka nagpakita sa papa mo noong umalis ka sa mansyon? Ang paalam mo sa amin uuwi ka ng probinsya, pero kahit noong namatay ang ama mo wala ka?"
Alam kong itatanong ito sa akin ni Alexis kaya nakahanda akong sagutin ito.
"Kasi nalaman kong buntis na ako bago pa ako umalis sa mansyon, hindi totoong wala ako noong namatay si tatay, andon ako hindi lang ako nagpakita kasi nakikita kong naroroon kayo. Malaki na ang tiyan ko noon kaya natakot akong malaman n'yong buntis ako." Ininom ko ang beer na hawak ko.
"Nasa mansyon ka pa pala alam mong nabuntis kita pero bakit hindi mo man lang sinabi sa akin?" Kumunot ang noo ni Alexis na humarap sa akin.
"Kasi, alam kong hindi mo ako pananagutan. Saka masyadong magulo ang sitwasyon noon kaya mas pinili ko na lang manahimik at mag isa," mabilis na tugon ko.
Hindi agad nakatugon si Alexis sa mga sinabi ko at napatitig lang ito sa akin bago uminom ng alak.
"Buti kinaya mo mag isa?"
"Oo naman, anak yata ako ng isang mahusay na pinagkakatiwalaan na tauhan ng mafia gang." Natawa ako ng bahagya kaya napatingin sa akin si Alexis.
"Masaya ka ba sa trabahong pinasok mo?" Biglang iniba ni Alexis ang topic ng aming pinag uusapan.
"Oo naman. Noong una nahihirapan ako, kasi hindi naman ako sanay sa ganoong trabaho pero kalaunan nasanay na rin," tugon ko at muli akong uminom ng alak.
"Kaya ba nagsusuot ka ng maskara?"
"Oo, kahit naman ganito ako at tulad ng nasabi ko sa iyo dati noong naging kustumer kita may dignidad pa rin akong iniingatan at saka kaya ako nagsusuot ng maskara dahil ayaw kong malaman din ng lahat na ganoon kababa lang ang trabaho ko at dahil na rin kay Alexa lalo na babae siya ayaw kong balang araw iyon ang maging dahilan para maliitin siya."
"Bakit hindi ka sumubok ng ibang trabaho kung sa tingin mo magiging mababa ang tingin sa iyo ng mga tao?" Masyadong seryuso ang awra ni Alexis habang nagsasalita.
"Wala naman akong alam na ibang trabaho kundi iyon lang na alam kong malaki ang kikitain ko, gusto ko maging komportable, nakakain ng sapat na pagkain si Alexa habang lumalaki kaya kumapit ako sa patalim." Tumingin ako kay Alexis, nanatili lang itong seryoso at sa malayo nakatingin.
"Bakit hindi ka lumapit sa akin? Di sana nasa mas maayos siyang buhay tulad ngayon." Doon lamang tumingin sa akin si Alexis kaya napaiwas ako ng tingin.
"Natakot ako sa klase ng trabahong mayroon ka at saka ayaw ko rin mahiwalay sa akin ang anak ko kaya ni minsan hindi ko pinaalam ang tungkol kay Alexa sa iyo. At hindi ko inaasahan na dito rin pala tutungo ang lahat, malalaman mo at kukunin mo pa rin siya sa akin." Nakakaramdam na ako ng init na dulot ng alak, at kahit beer lang iyon madali lang talaga ako talaban ng alcohol kaya sa bar bihira lang akong uminom ng hard.
"Eh kung natatakot ka sa klase ng trabahong pinasok ko eh bakit ngayon pumayag ka na?" Alam kong nakatingin sa akin si Alexis kaya nanatili akong nakatingin sa malayo.
"Kasi wala naman akong choice eh, saka alam kong kailangan mo ngayon ng anak." Napangiti ako kay Alexis at saglit na napatingin.
"What? Anong ibig mong sabihin?" Kumunot ang noo ni Alexis at lalo pa siyang lumapit sa akin.
"Na-e-kwento na sa akin ni manang Jing ang lahat noong nakaraan na andito kami at kakarating lang. Na kwento niya sa akin ang tungkol sa kinakasama mo at doon sa pagkawala na dapat anak n'yo," diritsahang saad ko.
Natawa si Alexis at umiling-iling," Napaka daldal talaga ni manang Jing."
"Kumusta ka ngayon? Iyon ba ang dahilan kung bakit nakarating ka sa bar kung saan ako nagtatrabaho?" Hindi ko alam kong bakit natanong ko iyon kay Alexis, piling ko tuloy parang nag pipiling close ako kay Alexis.
"Okey na ako." maikling tugon ni Alexis.
"Eh iyong kinakasama mo okey na ba siya? Mahirap makunan ha sabi nila para na rin daw nanganak iyon." Natapik ko ang sarili ko, grabi hindi ko na naman na control ang bibig ko kaya ayon kung ano anong personal na natatanong ko kay Alexis.
"She's okey. Babalik na rin siya soon dito, medyo palalamigin lang namin ang sitwasyon at saka namin itutuloy ang naantalang pagpapakasal this year," mabilis na tugon ni Alexis.
Parang nagbagting ang aking tenga dahil sa tugon ni Alexis at hindi ko iyon inasahan mula sa kan'ya. Hindi ko alam sa sarili ko, parang biglang sumikip ang puso ko dahil sa nalaman kong malapit ng ikasal si Alexis sa kinakasama nito.
"Bakit natahimik ka? Iniisip mo ba si Alexa? Don't worry, mabait at matinong babae si Aliyah kaya sure akong mamahalin din niya si Alexa tulad ng pagmamahal mo."
"Bakit siya nagpalaglag kung mabuti at matino siyang babae?" tanging tugon ko sa aking isipan saka ngumiti kay Alexa nang naghihintay siya ng aking kasagutan.
"Sa ngayon ang inaalala ko hindi si Aliyah, kundi si Alexa. Sana lang maintindihan niya ang lahat kung sakaling bumalik na dito sa mansyon si Aliyah at magkakasama na tayong lahat dito."
Kitang kita ko na bakas na bakas sa mukha ni Alexis ang pag aalala.
"Tulad ng sinasabi ko, matalinong bata si Alexa kaya sure akong mauunawaan niya ang mga bagay na nangyayari. Siguro bigyan muna natin siya ng kunting oras pa para sa pag a-adjust. Kilala ko si Alexa, nauunawaan niya agad ang lahat basta maging totoo ka lang sa kanya at huwag magsisinungaling. Ahmm.. Sige nakakaramdam na ako ng antok, siguro makakatulog na ako nito kahit ilang oras na lang sasapit na ang umaga." Ibinababa ko sa maliit na mesa ang dala kong isang bote ng beer.
Tumango tango si Alexis kaya agad akong tumalikod ngunit hindi pa man ako nakakalayo muli itong nagsalita at tinawag ang pangalan ko kaya napalingon ako.
"Tulungan mo ako ha, tulungan mo akong mapalapit sa akin si Alexa lalo na kay Aliyah para naman maging maayos ang aming pagsasama bilang pamilya."
Walang ni anong salitang gustong lumabas sa bibig ko kaya tanging tango at thumbs up na may kasamang ngiti ang naging tugon ko kay Alexis, para kasing may nakabarang tinik sa lalamunan ko dahil sa narinig kong kahilingan ni Alexis sa akin ewan ko ba parang tinutusok tusok ng pinong pino ang puso at alam kong subra akong nasasaktan.
Nang makarating ako sa kwarto, inaasahan ko nang tutulo ang mga luha ko kaya napaupo na lang ako sa sahig ng kwarto at hinayaan na dumaloy ang mga luha ko.
"Ano ba ito? Bakit ba ako nasasaktan? Eh, wala naman akong karapatan ah. Sh!t!! Ano ba Nina, matagal na panahon na wala kang feelings sa lalaking iyon diba? So, ano itong iniiyak iyak mo? Eh, ano naman kung ikakasal na siya sa Aliyang iyon? Tanga mo! Nagka anak lang siya sa iyo pero wala kayong relasyon kaya huwag kang tanga! Wala ka naman magagawa kundi ang tulungan maging maayos silang pamilya diba? Para sa anak mo iyon!" Alam kong kahit lakasan ko ang pakikipag usap sa sarili ko walang makakarinig sa akin kaya halos masaktan ko na ang sarili dahil kakahampas ko sa aking dibdib habang patuloy na ngumangawa na may kasamang iyak.