Kasabay ng pag agos ng tubig sa katawan ko, ay ang pag agos ng mga luha buhat sa dalawang mata ko. Ganito ang kadalasang nangyayari kapag nagbababad ang katawan ko sa shower room, pakiramdam ko kasi ang dumi dumi ko, kahit alam ko naman na walang nakakahawak sa katawan ko sa tuwing nag sasayaw ako. Apat na taon na akong nagtitiis, at hindi ko alam kung hanggang kailan ako mananatili sa mundong ibabaw na madilim na tinatahak ko, lumalaki na si Alexa, at kasabay ng paglaki niya ay ang paglaki rin ng mga gastusin ko sa araw-araw kaya wala akong ibang choice kundi ang pagpatuloy sa nasimulan ko.
Pagkatapos kong maligo, pinatuyo ko ang aking katawan ng tuyong towel at humarap sa salamin.
"Kaya mo 'to, at dapat kayanin mo. Ngayon ka pa ba aayaw? Marami ka nang napagdaanan at lahat iyon napagtagumpayan mo," bulong ko sa aking sarili habang nakaharap sa maliit na salamin.
Muli kong naalala ang mga taon na nagdadalang tao ako, at kung paano ko nakayang mabuhay ng mag isa, sa kabila ng sitwasyon ko. Mahigit isang buwan noon ang tiyan ko ng umalis ako sa mansyon kung saan naging katulong ako ni Alexis Santiago na ama ng anak ko, tandang tanda ko pa at hinding hindi ko makakalimutan ang isang gabing maituturing kong pagkakamali sa pagitan naming dalawa. Malaki ang pagkakagusto ko kay Alexis, at hayagan kong isinabi iyon sa kanya noong panahon na ako ang nag aalaga sa kanya dahil sa nagkaroon siya ng amnesya dahil sa trahedya, muntik pa kaming magpakasal ng peke at walang katotohanan dahil sa pagtago namin ng sekreto ni Stella na aming naging kaibigan at naging babae ni Jacob na kapatid ni Alexis, una pa lang ramdam ko na si Stella ang gusto ni Alexis at hindi ako, halos matunaw ako sa kinatatayuan ko sa tuwing naririnig ko ang hayagang pagtatapat ni Alexis kay Stella, ngunit bigo ito dahil ang gusto ni Stella ang kapatid nitong si Jacob. Hindi ako nawalan ng pag, asa, pinipilit ko pa rin ang sarili ko kay Alexis, hanggang sa isang gabi dahil sa kalasingan ni Alexis at pangungulit ko may nangyari sa amin dalawa at doon nabuo si Alexa.
Naging magulo ang sitwasyon nila, at ayaw ko ng makadagdag pa kaya ng nalaman kong nagdadalang tao na ako umalis ako at sinabing umuwi sa amin, ngunit ang totoo nagpalaboy laboy ako sa lansangan ng ilang buwan dahil ayaw kong umuwi at sumalubong sa ama ko na buntis ako. At doon ko nakilala si Monica, si Monica ang tumulong sa akin ng makita akong puro dungis at hirap na hirap sa pagbubuntis habang nagmamalimos sa lansangan, dinala niya ako sa maliit niyang inuupahang babay, malaki ang utang na loob ko kay Monica bukod sa pinatira niya ako sa bahay niya, siya ang sumalo sa lahat ng pangangailangan ko sa panganganak ko hanggang sa maging okey ako.
"Magda, are you ready? Galingan mo ha dahil may bago tayong custumer, at sa tingin ko mayaman at ma impluwensya itong tao na ito kaya goodluck dear, sa iyo nakasalalay ang bagong custumer natin na ito," saad ni mamang Fiona nang pumasok sa maliit na dressing room namin ni Monica.
Napabuntong-hininga ako, at taimtim na nagdasal bago tumuntong ng intablado, ganito lagi ako ewan ko ba sa tagal ng panahon ng pagsasayaw ko kinakabahan pa rin ako.
Dumagundong ang palakpakan at hiyawan ng mga tao sa paligid kasabay ng magandang awit at pagpapakilala sa akin bilang isang star ng bar. Napangiti ako, sinabayan ang mapang akit na awit suot ng itim na undies at katulad ng inaasahan ng lahat suot ko ang maskara na kulay itim din na hugis batman. Napansin ko sa gilid si mamang Fiona at inginuso ang nasa center table sa tapat ko ang sinasabi nitong bigatin na bagong custumer namin, isa lang ang ibig sabihin ni mamang Fiona dapat maging regular na customer namin ito, kaya dapat galingan sa pag sasayaw upang balik balikan ang bar na ito.
Humigpit ang hawak ko sa kadina na nakabitay na hinahawakan sa intablado dahil nakilala ko ang lalaking tinutukoy ni mamang Fiona.
"Alexis?" bulong ko sa aking isipan habang halos hindi na makagalaw ang aking tuhod at pinagpapawisan ako ng sobra.
Hindi ako pwedeng magkamali, si Alexis Santiago ang nasa harapan ko, si Alexis Santiago na tatay ng anak ko na matagal na panahon kong hindi nakikita at wala na kahit anong balita.
Napatalikod ako, upang hindi ako ma distract dahil lalo akong nakakaramdam ng tensyon lalo na pag nagtatama ang aming mga mata. Napasulyap ako kay mamang Fiona, napakunot ang noo nito ibig sabihin lamang ay hindi nito nagugustuhan ang performance ko kaya muli akong humarap at ibinaling sa iba ang direksyon ng mata ko, dahil pakiramdam ko matutumba ako at mawawalan ng balance sa pagsasayaw dahil sa mga matang nakatitig sa akin ni Alexis. Bukod sa tensyon at kabang nararamdaman ko na muling makita si Alexis makalipas ang limang taon dumadagundong din ang ang aking dibdib sa takot na baka makilala ako ng lalaking kaharap ko.
"Anong nangyari? Mukhang tensyonado ang pagsasayaw mo kanina ah, ano na love at first sight ka doon sa bagong gwapito at mabangong new customer natin? Sabagay hindi kita masisi kahit ako halos malaglag ang panty dahil sa kagwapuhan ng lalaking iyon. Hayyy... Sa tagal kong nagtatrabaho sa bar na ito, ngayon lang ako nakakita ng ganoong ka gwapong mukha ng lalaki parang artista," saad ni Monica ng pumasok sa dressing room namin at nagpapalit ng damit.
Nanatili akong nakatulala sa harap ng salamin, at hindi pinapansin ang sinasabi ni Monica.
"Uyyy!! Tulala pa rin? Hellow.. Marami tayong custumer tonight, hindi ka pa magpapalit ng damit? Unless, iyan pa rin ang susuotin mo sa pagtatable." Nabalik ako sa ulirat nang hampasin ako sa balikat ni Monica.
"Sorry," tipid na tugon ko.
Kaya napalapit sa akin si Monica, at pinagmamasdan ako ng husto," May problema ba?"
Napabuntong-hininga ako ng malalim at napapikit at hinubad ang maskara ko, at humarap kay Monica," Iyong tinutukoy ni mamang Fiona na new custumer natin ay si Alexis."
"Alexis?" Kumunot ang noo ni Monica.
Napatungo ako at napahawak sa ulo dahil pakiramdam ko nabibiyak sa tensyon na nararamdaman ko.
"Ay p*cha!!! Alexis Santiago? Ang ama ng inaanak ko?" Napamura ng malakas si Monica nang napagtanto nito kung sinong Alexis ang tinutukoy ko.
Kaya napatango tango lang ako at malamyang tumingin sa kanya.
"Kaya naman pala bumukaka ka agad at nagpaanak ang yummy naman pala talaga ng lalaling iyon. Infairness, sa kanya pala namana ni Alexa ang maputing balat at asul na mata. Anong plano mo magpapakilala ka sa kanya ngayon?" tanong ni Monica ng seryuso.
Umiling iling ako," Hindi niya ako pwedeng makilala. Sigurado kapag nakilala niyan ako, iinsultuhin lang ako at pagtatawanan."
Magsasalita pa sana si Monica nang pumasok sa dressing room namin si mamang Fiona na nakakunot ang noo.
"Anong petsa na Monica, hindi ka pa lalabas? Maraming naghihintay na custumer mo doon. Kupad." Kaya agad inayos ni Monica ang kanyang sarili at lumabas ng dressing room.
"Hoy!! Ikaw namang babaita ka ang pangit ng performance mo, pasalamat ka nagka interest pa rin sa iyo si Mr. Santiago, hinihintay ka niya sa vip room sa taas don't worry hindi ka niya e-take out at sinabi ko na rin ang mga kondisyones mo. Magmadali ka, hihintayin kita sa taas upang ipakilala personal sa kanya," saad ni mamang Fiona na lalong kinatensyon ko.
"Mamang, sumama pakiramdam ko ngayon kaya nga hindi maganda ang performance ko kanina eh," pagsisinungaling ko dahil para akong apoy na lalong nagliyab dahil sa tensyon na nararamdaman dahil gusto ako makatable ni Alexis sa vip room pa. Hindi ko na nga makaya ang mga titig noon habang nagsasayaw ako, makausap pa parang gusto ko na lang lamunin ako ng lupa ura mismo.
"Wala kang ibang choice Magda, uminom ka na lang ng gamot upang maging okey ang pakiramdam mo. Malaking halaga ang pinaunang bayad sa akin ni Mr. Santiago, dahil nagka interest siya sa iyo. Sige na, ngayon lang ulit ako hihiling sa iyo, dahil ngayon lang ulit ako nakatagpo ng galanting custumer sana naman pagbigyan mo ako." Lumabas ng dressing room si mamang Fiona na walang hintay na tugon ko kaya tulad ng sinabi niya wala akong choice kundi ang sumunod sa utos ng manager namin.
Lahat na yata ng alam kong dasal, nadasal ko na habang patungo ako sa vip room na kinaroroonan ni Alexis kasama si mamang Fiona upang ipakilala ako.
"Katulad ng promise ko, ibibigay ko sa iyo ngayon si Magda. Mr. Santiago, ito si Magda ang star ng bar na ito." Agad na pagpapakilala ni mamang Fiona sa akin pagpasok ko sa silid.
Napangiti na lang ako, kahit halos mabingi ako sa kaba ng dibdib ko. Umaasa pa naman ako, na maraming kasama si Alexis sa kwartong iyon pero lalo ata akong kinabahan dahil ito lang mag isa.
"Bweno, maiwan ko na kayo. Mr. Santiago, tumawag ka lang sa akin kapag kailangan mo nang kahit ano. Magda, galingan mo ha. Dapat mapasaya mo si Mr. Santiago, upang bumalik balik iyan dito," saad ni mamang Fiona bago lumabas ng silid.
"Maupo ka na Magda, don't worry wala akong gagawin sa iyo nasabi na sa akin ng manager mo kung anong kondisyones mo para makatable. Malungkot lang ako ngayon gabi, kaya napunta ako sa bar na ito sakto may nag suggest sa akin na okey dito. Samahan mo lang akong uminom sapat na sa akin iyon, kahit ang mahal mahal ng bayad sa iyo," saad ni Alexis habang napapangiti itong hawak hawak ang wineglass.
Umupo ako at dumistansya ng kunti kay Alexis dahil kahit may suot ako ng maskara kinakabahan pa rin ako, na baka makilala ako nito.
"Ganyan ka ba talaga? Nakapahalaga ng kalidad mo, magkano ba ang bayad sa iyo matanggal lang iyang takip sa mukha mo." Sumeryoso si Alexis at napatitig pa ng husto sa aking mga mata na siya namang kinaiwas ko.
"Kahit kaninong custumer, hindi ako nagtatanggal ng maskara at walang halaga ito. Akala ko ba alam mo na ang mga kondisyones ko, bakit pinipresyohan mo makita mo lang ang mukha ko?" Lakas loob kong tugon at pinaparamdam na hindi ako kinakabahan.
"Really? Are you sure na walang halaga iyang mukha mo? Hindi mo pa ata ako kilala baka nga kaya kitang bilhin uramismo eh." Ngumiti pa si Alexis nang nakakainsulto.
"Hinding hindi ko binibinta ang sarili ko Mr. Alexis Santiago, lalo na sa mga taong katulad mo." Mas lalo ko pang tinaasan ang boses ko, dahil naiinis ako sa tono ng pananalita ni Alexis lalo pa yatang yumabang.
"Ohhh you know me pala Ms. Magda, nakakatuwa naman. Kilala mo pala ako? How?" Tumitig ng husto lalo si Alexis sa akin na lalong kinataranta ko kaya umiwas ako ng tingin.
"Lahat naman ng nagiging customer namin, baguhan man ito kinakilala namin ng husto," mabilis na tugon ko at napangiti ako upang hindi na magtanong ng magtanong si Alexis.
"Talaga lang ha? Alam mo, pamilyar sa akin iyang mga mata at boses mo. Nagkakilala na ba tayo?"
Napakagat ako sa aking pang ibabang labi dahil sa tanong ni Alexis sa akin at mas tila lumalala ang kabang nararamdaman ko.
"No, ngayon lang tayo nagkita Mr. Santiago," tipid na tugon ko at napainom ako ng alak at ramdam na ramdam ko ang gumuhit na init sa lalamunan ko.
"Baka nga katulad lang ng mga mata mo at boses mo ang nakilala kong babae." Nagsalin ng alak si Alexis at agad itong ininom.
"Babae? Girlfriend?" Hindi ko alam bakit naitanong ko iyon kay Alexis eh umiiwas nga ako dito.
"Yes, pero hindi ko siya naging girlfriend, never," mabilis na naging tugon nito.
Hindi ko alam bakit nasaktan ako sa naging tugon ni Alexis kahit hindi naman ako sigurado na ako ang tinutukoy nito.
"Siguro marami ka nang napaiyak na babae Mr. Santiago, sabi mo kanina malungkot ka kaya ka narito. Nag away ba kayo ng kasintahan mo, or asawa?" diritsahang tanong ko kay Alexis.
"Napaka personal naman ng tanong mo. Wala pa akong napapaiyak na babae, hindi ako babaero tulad ng nasa isip mo. At kung malungkot man ako, iyon ang hindi ko masasagot sa iyo. Tungkol naman sa kasintahan at asawa, wala ako nun." Nagsindi ng isang stick ng sigarilyo si Alexis habang nagsasalita na nakaharap sa akin.
Hindi ko alam bakit may tuwa akong naramdaman nang marinig ko buhat sa kanya na wala pa itong asawa kahit kasintahan man lang. Ewan ko ba, pakiramdam ko nagkaroon ako ng pag asa about sa kanya kahit hindi ako sigurado.