Chapter 3

1518 Words
"Wine?" Inabot ni Alexis ang baso sa akin at dumikit ng bahagya. Para akong biglang nawala sa ulirat at lumutang saglit dahil sa pagdikit ng balat ni Alexis sa aking balat. "Why?" nakakunot noong tanong ni Alexis dahil napansin nitong bigla akong dumistansya. "Wala po sir, hindi lang po talaga ako sanay na may dumidikit sa akin na lalaki. Humalakhak ng tawa si Alexis na parang hindi makapaniwala sa sinasabi ko. "You know, i like you. Nakakatuwa nga namang marinig na ngayon lang ako makaka encounter ng babaeng entertainer pero pag umasta parang birhen. Strategy mo ba iyan, para magka interest sa iyo lalo ang mga nagiging customer mo? Tskkk.." Hindi nawala wala ang ngiti ni Alexis sa kanyang mga labi. "Hindi ko ito strategy sir, nagsasabi lang po ako ng totoo. Pasensya na kung iniisip mong nagpapanggap akong birhen. Alam ko po ang ibig n'yong sabihin, iniisip n'yo po ano na kapag ang babae nagtatrabaho sa bar at nagbebenta ng aliw mababang uri na ito, at walang karapatang maging conservative sa kanyang katawan," iritableng sagot ko kay Alexis. "Conservative sa katawan? Tsskk... Kung conservative ka sa katawan mo, sana hindi ka nagsusuot ng mahalay na damit at sumasayaw nang mga pang akit sa aming mga kalalakihan." Tinapik tapik ni Alexis ang aking balikat habang hindi mawala wala ang ngiti nito sa labi. Sasagot na sana ako sa mga salita nitong nakaka insulto pero biglang nag ring ang cellphone nito at agad sinagot ang tawag. Nakilala ko ang boses ng tumawag, at siguradong si Jacob Jones iyong ang dati kong amo. May sinabing mahalagang bagay, at rinig na rinig ko rin na may mahalaga itong sinabi tungkol kay Stella na masayang binalita na buntis raw ito sa pangalawang pagkakataon. Gustong gusto ko magpakilala, upang makausap si Stella at batiin ito dahil sobra kong na mimiss ang itinuring kong best friend noon pero hindi ko magawa dahil ayaw kong makilala ako ni Alexis. Ngayon pa nga lang iniinsulto na niya ako, paano pa kaya pagnakilala na niya ako kaya pinigilan ko ang aking sarili. Saka isa pa, ayaw ko rin na makilala ako talaga ni Alexis, dahil iniisip ko pa lang na malaman nitong may anak siya sa akin at agad nitong kukunin parang mababaliw na ako kaya nanatili na lang akong kalmado at parang walang naririnig. "Aalis na ako, salamat sa oras kahit hindi ako na satisfied. Hmmm.. Hindi ko alam kung bakit ituring kang star ng bar na ito kung hindi ka naman marunong magpaligaya ng costumer. Anyway, makinis ka at sexy, sayang lang kung laging nakatakip ang mukha mo. Malaking halaga ang binitawan ko makatable ka lang, pero parang wala namang nangyari. Siguro pag iisipan ko pa kung babalik pa ako dito, maybe hahanap na lang ako ng bar na mas deserve ng pera ko or, pwede naman akong mag rent ng babae para aliwin ako, at iyong totoong birhen, hindi tulad mo na parang alergy sa lalaki pero malaki ang halaga na hindi naman nasulsulyapan ang mukha." Hindi ko inaasahan na hahagkan ako ni Alexis sa labi bago ito tuluyang lumabas ng room. Masasakit ang salitang binitawan niya, pero totoo naman. Hindi ko alam kong ipagpapasalamat ko na hindi na siya babalik dahil sa paghaharap namin pero may panghihinayang akong nararamdaman dahil sa malaking halaga na ibinayad niya, dahil alam kong pag may malaking bayad malaki rin ang kikitain ko sa magiging sahod ko. "Kumusta nakilala ka? Nagpakilala ka? Anong nangyari?" sunod sunod na tanong ni Monica nang pumasok ito sa dressing room namin. "Wala, ayon tulad ng inaasahan ko insultuhan lang. Bahala siya, kung hindi na siya babalik sa bar na ito maganda nga eh. Dahil ayaw na ayaw ko na magkaharap kami muli, malaman pa niya na may anak siya sa akin di nasira na ang buhay ko," seryusong tugon ko kay Monica. Hmmm.." Walang ibang naging tugon si Monica, at tumititig lang ito sa akin. Alam ko na may gusto pa itong sabihin ngunit pinipigilan lang dahil pinapakiramdaman ang saloobin ko. Wala na akong naging costumer ng gabing iyon, kaya nakapagpahinga ako sa dressing room bago kami umuwi at natapos ang buong magdamag na trabaho. "Magda!?" Parang binayo ang dibdib ko nang marinig ko ang boses ng lalaki sa likuran ko bago kami sumakay sa taxi ni Monica. "Mr. Santiago? Akala ko ba aalis ka na? Bakit naririto ka pa?" Pinilit kong ikalma ang aking boses at ang aking sarili na humarap kay Alexis. "Napadaan lang muli, at napansin kong nagsisiuwian na ang mga tao sa bar kaya naisip kong tumambay saglit para makita ka sa liwanag," seryusong saad ni Alexis na napapatitig pa sa aking mga mata. Mabuti na lang at naka sumbrero ako, naka shade ng makapal at facemask upang hindi makilala nang sinuman. "Then?" mataray na saad ko. "At hindi ko inaasahan na mananatili kang ganyan, na curius tuloy ako sa mukha mo. Para bang may tinatago ka sa mukha mo kaya ang tanging panlaban mo lang ay ang makinis at maganda mong katawan. Infairness, hindi ko inaasahan na lalabas ka ng bar ng naka jacket at pantalon. Tell me, magkano ba ang halaga ng revealing face mo?" Ngumisi ng nakaka insulto si Alexis. "Walang halaga ang face ko Mr. Santiago, mukhang lasing ka pa ata. Sige aalis na po kami," tugon ko at agad akong sumakay ng taxi at hinila ang kaibigan kong ngiting ngiti habang nakaharap kay Alexis. Parang may bombang nakabaon sa dibdib ko at iniisip na baka sundan ako ni Alexis kaya panay ang lingon ko sa likuran ko. At napapa buntong hininga na lang ako nang napapansin kong wala namang nakasunod sa amin na kahit anong sasakyan. "Uyyy girl, mukhang nagka interest sa iyo si Alexis, I mean si Mr. Santiago, isipin mo siya lang ang bukod tanging customer na inabangan ang paglabas mo ng bar. Infairness din sa kanya, at agad ka niyang nakilala kahit nagbago ang awra mo. Pakilala ka na kasi," nakangiting saad ni Monica. "Hindi pwede, kilala ko si Alexis at gagawin nun ang lahat para makuha ang pagkakakilanlan ko. Kaya ngayon pa lang magpapaalam na ako kay mamang Fiona, liliban muna ako ng ilang araw at lilipat na rin ako ng tinirtirhan. Mahirap na, makapangyarihan si Alexis at aasahan ko na kapag nalaman niya kung sino ako malalaman din niya ang tungkol kay Alexa at iyon ang ayaw kong mangyari," seryusong saad ko kay Monica. Tulad ng sinabi ko kay Monica nagpaalam ako kay mamang Fiona at nagdahilan na masama ang aking pakiramdam. Sinabi ko rin na lilipat kami ng tinitirahan kapag gumaling na ako, kaya mahigit isang linggo akong mawawala. Mabuti naman at pumayag si mamang Fiona, nabigla naman si Aling Fely, dahil sa agarang disisyon ko. Ibininta ko sa mababang halaga ang bahay at lupa ko, at bumili ng panibagong bahay. Dinahilan ko na lang kay Alexa na gusto ko ang bahay namin malapit sa paaralan niya, kaya wala nang maraming tanong na sakto naman na may binibintang bahay at lupa malapit sa eskwelahan ni Alexa at pinagpapasalamat ko iyon. Tanging si Monica lang ang nakakaalam ng bagong tinitirhan ko, kaya alam kong safe kami at kung mag iimbistiga man si Alexis sa pagkatao ko sure akong hindi ako matutunton nito. "Magda my dear, nakadalawang balik na dito si Mr. Santiago at hinahanap ka. Alam mo bang nag offer pa siya ng malaking halaga makita lang niya ang mukha mo. Panay nga ang tanong sa totoong pagkatao mo, syempre wala naman akong naisasagot kundi kung ano lang ang alam ko. Patulan mo na kaya si Mr. Santiago, tutal gwapo naman ito at batang bata. Galante pa," paglalambing sa akin ni mamang Fiona nang makabalik ako sa bar matapos ang halos isang linggo. "Mamang Fiona naman, alam mo naman na hindi ako ganoong klaseng babae diba. Sige pilitin n'yo pa ako sa Mr. Santiago na iyan, mag reresign na talaga ako. Mas gugustuhin ko pang mamalimos sa lansangan kesa ipilit ang aking sarili sa lalaking iyon. Hindi n'yo ba napapansin na parang masamang tao ang lalaking iyon? Isipin n'yo, batang bata pero mapera at halatang ma impluwensiya siya katakot takot pa ang mga awra ng mga kasamang tauhan na parang kakain ng buhay. Alam n'yo mamang, gwapo lang ang Mr. Santiago na iyon, pero pakiramdam ko may masamang gawain iyon. Feeling ko nga malaking sindikato iyan eh," pananakot ko kay mamang Fiona upang hindi na ako kulitin na magpakilala kay Alexis. "Oo nga no? Kaya dapat pala mag ingat tayo," mabilis na tugon ni mamang Fiona. "Opo, kaya h'wag tayo basta basta magpapadala sa magandang mukha," pagdudugtong ko. Pero alam ko at sariwa pa sa isip ko kung anong klaseng trabaho mayroon sila Alexis at lahat ng sinabi ko kay mamang Fiona ay totoo. Sa tagal kong nagtatrabaho, at nang ama ko sa poder nila Alexis alam ko kung paano sila nabuhay sa masamang gawain katulad ng pagbebenta ng mga ilegal na kargamento at ang pangunahin ay ang mga ilegal na baril. Nagpapasalamat naman ako sa muling pagsasayaw ko sa bar walang kahit anino ni Alexis na nakita ko kaya napanatag ang isip ko sa muling pagtatrabaho ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD