Chapter 4

1587 Words
"Magda, may naghihintay sa iyo sa vip room. I'm so much happy bumalik ang isang Alexis Santiago, upang makatable ka kaya huwag ka nang mag aksaya ng oras go na, bayad na siya kaya huwag ka nang tumanggi," masayang saad ni mamang Fiona nang pumasok sa dressing room ko. Hindi ako makapagsalita, dahil gusto ko man tumanggi na humarap kay Alexis ngunit hindi na ito mangyayari dahil bayad na pala ang oras ko para aliwin ang lalaking iniiwasan ko. Napabuntong-hininga na lang ako, nang umalis si mamang Fiona, ang akala ko magiging matiwasay ang aking pag iisip sa ilang linggo na hindi nagpakita si Alexis sa bar ngunit ito na naman siya at ginugulo ang sistema ko. Isinuot ko ang aking kulay gold na synthetic hair na medyo curly, kinapalan ko rin ang aking make up lalo na ang aking labi na pulang pula, inayos ko ang pagkakalagay ko ng aking maskara na kulay red na may kulay gold sa gilid sinugurado ko itong hindi maalis dahil baka mamaya dayain ako ng Alexis na iyon. At nang masiguro ko na hindi na ako makikilala ni Alexis, agad akong tumungo sa vip room upang samahan siya. "Mr. Santiago, naligaw ka ata? I think malungkot ka na naman kaya ka naririto?" masiglang bati ko kay Alexis na nag iisang naka upo sa couch ng vip room. Binitawan nito ang kanyang hawak na wine glass at ngumiti sa akin, itinuro pa nito ang spasyo sa kan'yang tabi at sinasabing doon raw ako maupo. "I like your dress now, sexy," puna sa akin ni Alexis at agad itong nagsindi ng isang pirasong stick ng sigarilyo. Malamlam ang ilaw ng paligid, ngunit kitang kita ko ang kabuunan ng mukha ni Alexis, tingin ko ay naka inom na ito dahil namumula na ang pisngi nito maging ang dibdib nitong naka expose dahil nakatanggal ang tatlong botones ng kanyang long sleaves. Pulang pula na rin ang labi nito, na animoy naka lipstick. Namumungay na rin ang mga mata nito, kaya naging aware ako sa sarili ko dahil ramdam kong nakainom na ito. "Thank you," mahinang tugon ko at bahagya ko pang ibinababa ang aking tube dress na kulay red na hanggang kalagitnaan ng hita ko. "Magkwento ka nga sa akin Magda." Nagsalin ng alak si Alexis at iniabot sa akin. "Ano naman ang ekukwento ko sa iyo Mr. Santiago?" Napainom ako ng wine dahil sa titig sa akin ni Alexis. Grabi, pakiramdam ko tuloy natutunaw ako, ito na naman kasi nadadala ako sa kung paano niya ako tingnan kaya napaiwas ako ng tingin kaya ramdam na ramdam ko tuloy ang daloy ng alak sa aking lalamunan nang inumin ko ang alak na inabot sa akin ni Alexis. "May boyfriend ka na?" Napalunok ako ng laway sa tanong ni Alexis, hindi ko maisip na itatanong niya ito sa akin. "Bakit mo naman na tanong sa akin iyan Mr. Santiago?" Umusod ako ng bahagya nang maglapat ang aking balat sa braso niya. "I'm just wondering, na kung bakit hinahayaan kang magtrabaho sa ganitong lugar dahil nakikita ko naman sa awra mo na hindi ka ganoon ka babang uri ng babae. Kung ako magiging boyfriend mo, I assure you na hindi kita hahayaan na magtrabaho dito," paliwanag ni Alexis. Lihim tuloy na natuwa ang puso ko, dahil sa sinabi ni Alexis. Nakita ko kasi muli ang Alexis na sobrang hinangaan ko noon. "Wala akong boyfriend, Mr. Santiago. May lalaki akong sobrang minahal dati, minahal ko siya ng sobra ng higit pa sa sarili ko kaya lang hindi niya ako gusto at may iba na siyang gusto. Masakit, pero kailangan tanggapin, at mula noon natakot na akong umibig muli." Hindi ko inaasahan sa sarili ko na maikukwento ko iyon kay Alexis. "Kaya ba palagi kang naka maskara dahil takot ka sa lalaki? Sayang naman kung palagi mo na lang itatago iyang mukha mo sa lahat, hindi naman sa lahat ng pagkakataon hindi ka gusto ng taong gusto mo." Muling nagsindi ng isang stick ng sigarilyo si Alexis. Kaya napatingin na lang ako sa mga mata nito, at bakas na bakas ang kalungkutan, natanong ko tuloy sa isip ko na may problema kaya ito dahil nakakaganito lang naman ito kapag may problema halos sunugin ang baga kakasigarilyo. "Bakit ganyan ka makatingin sa akin?" nakangiting tanong nito kaya napangiti ako at umiling. "May nagustuhan din akong babae dati, gustong gusto at handa ko na sanang gawin ang lahat mapa sa akin lang siya kaso ang hirap eh, dahil kapatid ko mismo ang karibal ko bukod pa doon hindi rin ako ang gusto ng babae kundi ang kapatid ko, kaya wala akong nagawa kundi ang magparaya," muling pagkukwento ni Alexis. Muli tuloy gumuhit ang sakit sa puso ko dahil sa kwento ni Alexis, matagal na panahon na ang nakalipas pero biglang sumariwa dahil pagkukwento ni Alexis, alam ko at kung sino ang tinutukoy nitong babae walang iba kundi si Stella. "Kaya ba naririto ka muli ngayon at nag iinom sa bar?" tanong ko kay Alexis. "No, I'm here dahil gusto ko lang mag relax. Gusto ko rin maka kwentuhan ka, masaya na ako sa babaeng iyon dahil masayang masaya na ito sa piling ng kapatid ko. Na kwento ko lang sa iyo, para ipa intindi na ganoon talaga ang buhay, may mga bagay tayong gustong makuha ngunit hindi talaga nakatadhana sa atin pero hindi ibig sabihin nun, sasarhan na natin ang ating puso para sa iba. Malawak ang mundo, at huwag tayong dumipindi sa iisang tao." Sumilay ang ngiti sa labi ni Alexis kaya napangiti na rin ako. Isa ito sa hinahangaan ko sa kanya dati, ang pagkakaroon ng pusong handang umintindi at nagpapa unawa sa lahat ng bagay. Tumunog ang cellphone ni Alexis, kaya agad niya itong dinampot at binasa ang mensahe. "Aalis na ako, thank you sa time." Tatayo na sana si Alexis, ngunit bigla itong umupo muli at mabilis na hinawakan ang aking pisngi at hinagkan ang aking nakaawang na labi. Ang akala ko madaliang halik lang iyon, pero bakit tila lumalalim dahil halos hindi ako makagalaw dahil sa mainit na dilang umiilalim sa aking bibig kaya gumanti ako ng halik sa kanya. Nadala ako sa mainit at malambot na labi ni Alexis, lalo na kapag sinisipsip nito ang aking mga labi kaya hindi ko alam kung ilang segundo rin na nasa ganoon kaming sitwasyon. "I like your lips, thank you," bulong ni Alexis sa akin at iyon ang nagpabalik sa aking ulirat. Habol habol ko tuloy ang aking hininga nang makita siyang lumabas na sa pinto ng vip room. s**t! Bakit nadala ako sa halik ni Alexis? Bakit napapayag akong magpahalik gayo'y wala sa kondisyones ko ang magpahalik sa mga kustumer kundi pag tatable lang kaya nasampal ko ang aking sarili dahil sa nangyari. "Ano ba Nina! Mapapahamak ka sa ginagawa mo eh, nahagkan ka lang muli ni Alexis nawala ka na sa sarili mo," saad ko sa aking sarili habang nakahawak sa aking labi dahil tila nararamdaman ko pa ang labi ni Alexis sa aking labi. **** "Ohhhh.. Hindi ka pa ba magpapalit? Pasikat na ang araw?" tanong ni Monica sa akin ng pumasok ito sa aming dressing room. "Ha? Ah oo, tapos ka na ba?" Agad kong tinanggal ang maskara ko at muling tumingin sa maliit na salamin. "Ay kaloka, kaya pala pagpasok ko nakatulala sa harap ng salamin malalim pala ang iniisip, ano ba iyan?" muling tanong ni Monica. "Wala, Hmm... Si Alexis kasi, muli ko na naman nakasama sa vip room," saad ko habang pinagmamasdan ang sarili sa salamin at tinatanghal ang makapal na make-up. "Oh tapos? Sigurado naman akong hindi ka nun makikilala sa kapal ng make-up mo dagdagan pa ng maskara mo. Oh anong pinoproblema mo diyan?" muling pagtatanong ni Monica habang nagpapalit ito ng kanyang damit. "Hinalikan niya kasi ako sa labi," mahinang saad ko pero alam kong maririnig iyon ni Monica. "Ay bakla!! Masarap ba? Anong pakiramdam ng muling lapat ng labi niya sa labi mo?" Napasigaw pa si Monica at agad lumapit sa akin. "Wala, nanibago lang ako. Alam mo naman na hindi ako nagpapahalik diba? Tapos ewan ko ba bakit hinayaan ko lang na angkinin niya ang labi ko. Tanga tanga ko." Sandali akong napatigil sa pagtatanggal ng make-up ko at napapikit at nasampal muli ang sarili dahil parang bumabalik ako sa oras sa pangyayari. "Eyyyy... Gaga! Kahit naman sinong babaeng hahagkan ng isang Alexis Santiago papayag talaga. At saka baka naman may nararamdaman ka pa rin sa kanya kaya ganyan ka, uyyy bakla alalahanin mo dahil sa pagkabaliw mo sa kanya nabigyan ka niya ng anak." Bahagyang kinurot ang tagiliran ko ni Monica kaya tumayo ako at nagpalit ng damit. "Wala noh, wala na akong nararamdaman sa kanya kaya tumigil ka diyan. Ang tagal tagal na nun, at ayaw ko nang mabaliw muli sa isang katulad niyang matigas pa ang puso sa bato." Inikutan ko ng aking mata si Monica grabi kasi ito kung makangisi. "Talaga lang ha? Eh bakit simpleng halik lang apektadong apektado ka na?" Tumaas ang kilay ni Monica na humarap sa akin. "Hindi nga ako naapektuhan sa halik niya, ang inaalala ko baka dahil sa simpleng halik na iyon, alamin niya ang pagkatao ko at tuluyan na niyang malaman ang pagkatao ko. Ayaw kong malaman niyang may anak siya sa akin period." Inayos ko ang aking sarili bago lumabas ng dressing room. At katulad ng dati, suot suot ko muli ang makapal na eyeglass face mask at sumbrero paglabas ng bar dahil alam kong maraming tao na sa paligid dahil magliliwanag na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD