*Nina*
"May hinahanap ka Magda?" tanong ni Monica sa akin habang halos tumingkayad na ako kakasilip ng harap ng stage.
"Wala, tinitingnan ko lang kung maraming kustumer ngayon alam mo na weekend," tugon ko kay Monica. Ngunit ang totoo may hinahanap talaga akong tao.
Ewan ko ba, bakit tuwing gabi gabi na lang sinisilip ko kung naroroon si Alexis naghihintay sa kan'yang table upang panoorin akong sumayaw ngunit matapos ang huling tagpo namin sa vip room ay hindi na muli siya nagpakita ng ilang linggo. Exactly four weeks na. Hindi ko rin alam sa sarili ko, kung bakit hinahanap hanap ko siya gayong ayaw ko naman ito muling makausap dahil ayaw kong makilala niya ako pero bakit iba ang dinidikta ng puso ko dahil bigla kong na miss ang presensya niya at lalo na ang kaniyang halik muli sa aking labi na nakakaakit.
Laglag ang aking balikat ng walang Alexis na nagparamdam sa akin, sa loob ng apat na linggo at isang buwan na kung maituturing.
"Magda, may good news ako sa iyo. Finally! Andito ulit si Mr. Santiago at hinihintay ka sa vip room kaya magbihis ka na diyan at puntahan sila," excited na saad ni mamang Fiona sa akin at napapasayaw sayaw pa ito habang kinakausap ako. At alam ko na ang kilos na ito ni mamang Fiona dahil sigurado may malaking bayad na na naman na nagaganap.
Ayon na nga, ang buong akala ko wala si Alexis kaya tumamlay ang aking katawan ngunit hindi pala dahil nasa vip room na ito naghihintay sa akin. Kaya dali dali akong nagbihis ng damit at inayos ang sarili, hindi na ako nagsuot ng synthetic hair, inulugay ko na lang ang aking black long hair na medyo curly at isinuot ang aking black maskara, sinuot ko rin ang aking bagong bilis dress na black na hanggang hita na maganda ang pagkaka fit sa akin.
"Hi..." Bahagyang naputol ang aking paghakbang pagbukas ko ng pinto dahil ang inaakala kong si Alexis lang ang madadatnan ko doon ay hindi pala.
Nagtama ang aming mata ni Jacob, si Jacob Jones na dati kong amo kaya halos gusto ko nang umalis at umiwas dahil baka mamaya makilala ako nito at posibleng mangyari dahil mas madalas akong nakakasama ito sa mansyon at pinagsisilbihan ng personal mula pa pagkabata ko.
"Come Magda, come and join us." Kumaway sa akin si Alexis at itinuro ang bakanteng upaan sa kanyang tabi.
Kaya agad akong lumapit at tumabi kay Alexis. Mabuti naman at matapos magtama ang aming mata ni Jacob, ay hindi na ito nag abala na pagmasdan ako at kausapin.
"Hi sir Jacob, kumusta po kayo?" Hindi ko mapigilan na tanungin ang dati kong amo dahil mukhang malungkot ito.
Napakunot ang noo ni Jacob na tumingin sa akin kaya kinabahan tuloy ako at umiwas ng tignin.
"Paano mo ako nakilala? Gayong ngayon lang tayo nagkita at hindi man lang ako pinapakilala ng kapatid kong ito?" seryosong saad ni Jacob sa akin na lalong kina taranta ko.
Ang tanga tanga ko talaga, bakit ko nga naman binati si Jacob gayong hindi pa pinapakilala ni Alexis ang kasama niya, kaya napahigpit tuloy ako ng hawak sa aking palad dahil sa padalos dalos na pagbati ko.
"Miss.. Paano mo ako nakilala? Magkakilala ba tayo?" muling tanong ni Jacob at pilit pang sinisilip ang mata ko.
"No sir, im mean hindi po tayo magkakilala. Pero, kilala ko po kayo, madalas ko po kasing nakikita ang mukha n'yo sa mga magazine alam n'yo na mahilig akong magbasa ng magazines." Pagsisinungaling ko.
Kahit napakalamig ng vip room na iyon pakiramdam ko namumuo na ang pawis sa noo ko dahil sa tensyonadong nararamdaman ko.
"Ah ganun? Pero matagal na na panahon hindi nailalagay ang mukha ko sa magazine. I'm so happy naman na until now nakilala mo pa ako," nakangiting tugon ni Jacob.
"Opo sir Jacob, wala po kasing nagbago sa mukha n'yo kahit lumipas ang mahabang panahon kahit may asawa at anak na kayo. Sobrang saya ko lang po talaga ngayon nakikilala at na meet ko kayo sa personal," pagdagdag ko. Pero totoong sumaya ang puso ko na nakita muli si Jacob matapos ang ilang taon dahil malaki ang naging utang na loob ko dito lalo na sa pagtulong nito sa ama ko.
"So, enjoy natin ang gabi na ito. By the way, talaga bang hindi pwedeng tanggalin iyang maskara Mo?" Kumunot ang noo ni Jacob.
"Hindi raw eh, ewan ko ba bakit ganyan siya. Pero, okey naman dahil totoong kapag andito ako nawawala ang pagod ko at lungkot. Kaya enjoy mo lang ang gabing ito bro," si Alexis na ang tumugon sa tanong ni Jacob.
"Bakit sir, malungkot din po ba kayo kaya naririto kayo? Nag away ba kayo ni Stella?" diri diritsong tanong ko na hindi ko man lang naisip na baka kakatanong ko makilala nila ako.
"Ikaw ha, nahihiwagan na ako sa iyo. Kanina, ako nakilala mo ngayon mrs ko naman. Tell me, magkakilala ba talaga tayo?" nakangising tanong ni Jacob sa akin sabay lagok ng isang basong alak.
"No, sir. Tulad po kanina nakita ko lang po kayo sa magazines maging si ma'am Stella. I'm sorry sir, pero sobra lang po talaga akong nasisiyahan na makita kayong muli sa personal," muling pagsisinungaling ko dahil tila nagigisa na ako sa aking sariling mantika.
Ngumiti si Jacob at itinaas ang kanyang hawak na wineglass habang si Alexis naman ay seryusong nakikinig lang.
"Hindi naman ako malungkot ngayon gabi kaya ako naririto kasama ni Alexis, siguro nagtatampo sa asawa ko. Paano ba naman, napakaselan niya maglihi ayaw ako makita at maamoy man lang dahil naiinis raw siya sa akin." Umiling iling pa si Jacob habang nagsasalita.
"Naku!! Ganoon po talaga pag nalilihi, nagbabago ang hormones ng babae. Lilipas din po iyan, kaya huwag na kayong magtampo kay Stella I mean ma'am Stella," mabilis na tugon ko kay Jacob.
"Totoo Alexis ha, masarap nga itong kausap. Alam mo may naalala ako sa iyo, kung paano ka magsalita at higit sa lahat ang boses mo. Sino nga iyon Alexis?"
Halos mabingi ako sa aking t***k ng puso dahil sa kaba dahil mukhang nakilala na nga ako ni Jacob.
"Sino bro? Wala naman akong kilalang babaeng nagtatago sa maskara." Natawang saad ni Alexis.
"Si Nina. Si Nina Almirante, hindi ba? Iyong matagal na panahon na naging katulong natin anak ng dati nating tauhan. The way she talk, the way she smile at ang boses grabi!! Para ka talagang si Nina," masiglang saad ni Jacob.
Kung kanina halos mabingi ako sa tindi ng tensyon ngayon, halos hindi na ako makahinga dahil sa tensyon na nararamdaman. Lintik na kadaldalan kong ito, napapahamak talaga ako. Paano ko ito malulusutan, nakilala nga ako ng dati kong amo.
"Imposible, I remember Nina. Kahit naman ganoon iyon, alam kong hindi papasukin nun ang ganitong klaseng trabaho. No offend Magda ha, pero sa pagkakakilala ko kay Nina hindi siya ganoon kababang klaseng babae na nag aaliw ng panandalian sa mga lalaki, saka manang iyon at hindi pa sexy kung magsuot," seryosong saad ni Alexis.
Hindi ko alam kong matutuwa ba ako o maiinis at masasaktan sa kung paano manalita ngayon si Alexis kaya ang tanging tugon ko ay ngumiti na lang ng pilit.
"Na miss mo si Nina ano? Limang taon na rin na walang paramdam ang babaeng iyon mula ng umalis sa mansyon. Kumusta na kaya siya? Ang laki ng pagkakagusto nun sa iyo, pero binaliwala mo kaya ayon umalis ng mansyon at wala ng paramdam hanggang ngayon," muling saad ni Jacob.
"Tssk.. Good to her, mas okey na iyong walang paramdam hanggang katapusan ng mundo. She okey naman, pero wala talaga akong katiting na damdamin sa kanya at sorry sa kan'ya dahil kahit anong gawin niya hinding hindi ko siya magugustuhan." Natawa si Alexis at ibinababa ang wineglass at nagsindi ng isang stick ng sigarilyo.
Pakiramdan ko pinupunit ang puso ko, dahil sa sinabi ni Alexis. Naramdaman ko na naman ang pakiramdam ng rejection, na huling naramdaman ko makalipas ang ilang taon. Grabi! Grabi talaga manakit ang isang Alexis Santiago sa akin.
"Grabi ka naman Mr. Santiago makapagsalita ng tapos, baka mamaya niyan iyong nilalait mong babae baka iyon pa ang makatuluyan mo. Pero, kung ako tatanungin sasabihin ko sa Nina na iyon, sunga sunga mo at e uumpog pa sa pader para matauhan dahil hello.. Wala namang special sa iyo, para magustuhan ng todo." Gustong gusto kong sampalin si Alexis dahil sa asal nito at nagpapasalamat naman ako dahil napipigilan ko pa ang aking sarili.
"Talaga bang walang special sa akin para hindi magustuhan? I remember nagustuhan mo ang kiss ko last meet natin dito sa vip room na ito. Dahil sabi mo nga sa mga kondisyones mo, hindi ka nagpapahalik sa mga kustumer mo. Pero bakit hinayaan mo na hagkan ko ang mga labi mo?" nakangising saad ni Alexis kaya nagbagting ang aking tenga at sinampal ito kaya lang agad nitong nasanga ang kamay ko at tumawa ng nakakainsulto.
Lihim naman napangiti si Jacob nang sulyapan ko ito kaya napa walk out ako sa vip na room na iyon. Wala na akong pakialam kong magalit sila sa akin, at magalit si mamang Fiona sa akin.