"Saan ka pupunta?"
Lalong napakunot ang noo ko dahil sa boses na narinig ko buwat sa aking likuran. Kaya agad ko itong nilingon, ngumiti sa akin si Jacob kaya napangiti na lang ako dito at napawi ang inis kay Alexis.
"Alis na ako Magda, nice to meet you."
Nakipagkamay sa akin si Jacob bago ito umalis, ngunit nanatili naman ang mayabang na si Alexis sa aking tagiliran at napapangiti pa na akala mo ay nanalo sa lotto.
"Hindi ka pa ba aalis?" nakakunot kong tanong kay Alexis.
"Bakit gusto mo na akong umalis? Hmmm... Next time ayaw ko ng nag wa-walk out ka ha sa oras na kailangan ko ang oras mo. Huwag kang umasta na parang special na babae sa paningin ko, tandaan mo binabayaran ko ang oras mo para pagsilbihan at samahan ako. So, be professional. Nainis ka dahil sa sinabi kong totoo? No offense pero, kung hindi mo nagustuhan kung paano kita hagkan sana hindi ka tumugon man lang. Aalis na ako, thank you."
Hindi ko maibuka ang aking bibig, at walang kahit anong salitang gustong lumabas dito kaya nanatili akong nakatayo at walang kibo at nakatingin lang kay Alexis, muling hinagkan ang labi ko ni Alexis bago ito tuluyang umalis pero mabilis lang iyon. Grabi, kaba ng dibdib ko kasabay nun ang disapointment sa sarili ko dahil nga sa unpropesyonal na ginawa ko. Yari ako nito kay mamang Fiona kung sakaling malaman nito ang nagawa kong pag iwan sa mga kustumer ng walang sapat na dahilan.
"Anong problema? Bakit parang pinagbaksakan ka ng langit at lupa?"
Ngumiti lang ako kay Monica at hindi tumugon sa tanong nito. Mabuti na lang at hindi nangulit sa akin si Monica kaya maayos kong inayos ang aking sarili saka lumabas ng bar ng araw na iyon.
"Mommy.... I miss you," salubong na bati sa akin ng aking anak at agad itong yumakap ng mahigpit sa akin.
Nag day off ako ngayon sa trabaho, hindi ako papasok kinabihan dahil nangako ako sa aking anak na mamasyal kami sa mall mabuti na lang at pumayag si mamang Fiona kahit araw ng linggo, at maraming kustumer ang bar.
"I miss you my baby girl. So, excited ka na ba mamaya sa ating pamamasyal?" masiglang tanong ko sa aking anak at pinisil pisil ko pa ang pisngi nito.
"Yes, yes..."
Napangiti na lang ako dahil bakas na bakas sa mukha nito ang kasiyahan at excitement dahil sa napagbigyan ko ang kan'yang hiling.
Pagod ako sa buong magdamag na trabaho, pero hindi ko iyon pwedeng ipakita kay Alexa dahil gustong gusto kong sulitin ang mga oras na kasama siya. Pilit kong sinasama sa pamamasyal si manang Fely, pero tumanggi ito dahil wala raw siyang hilig sa pamamasyal at mas gusto niyang manatili sa bahay kaya hindi ko na ito pinilit pang sumasama.
Dinala ko si Alexa sa mall, kumain kami sa isa sa favorite food niya sa isang chinese resturants na fast food. Ewan ko ba sa anak kong ito, siya lang ata ang naiibang bata na iba ang gustong gusto kainin na chicken, kung ang ibang bata gustong gusto ang Jollibee chicken joy, siya gustong gusto niya ang chicken sa chowking lalo na ang chowpan ang topings ay fried siomai. Hindi mawala wala ang ngiti sa labi ni Alexa nang dinala ko siya sa toy kingdom upang bumili ng favorite toys niya ang mga toys story, kakaiba rin kasi itong anak ko talaga dahil hindi siya mahilig sa mga Barbie toys kundi toys story ang kinahiligan niya.
"Thank you so much mommy, may collection ulit ako ng toys. Gusto kong pumunta sa baywalk mommy, pwede po ba?" muling request ng aking anak.
"Oo naman basta ikaw, " tugon ko. Bago ako kumuha ng taxi, muli akong dumaan sa fast food at bumili ng aming babaunin na pagkain dahil alam kong magugutom ang anak ko sa pagtambay sa dalampasigan ng Manila bay.
"Bakit ba gustong gusto mo dito tayo tumatambay anak pagkatapos natin mag mall?" Inayos ko ang aking mga dala dalang paper bag na may lamang mga damit at laruan pinili ni Alexa maging ang aming pagkain na baon sa tabi ko.
"Kasi, nakakakita ako dito ng mga barko. Tingnan mo iyon mommy." Tinuro ng anak ko ang nasa kalayuan na malaking bangka na dumadaan.
"Then? Bakit gusto mong makakita ng ganyan? Gusto mo ba someday magiging seawomen ka sa isang barko?" nakangiting tanong ko kay Alexa.
"No, i want to be doctor someday kasi gusto kitang aalagaan pag may sakit ka. Gusto kong makakita ng barko kasi para makita ko rin si daddy, pag kasi nakakakita ako ng barko para na rin nakita ko si daddy. Tagal naman umuwi ni daddy," seryosong tugon ni Alexa.
Nalunok ko ang aking laway dahil sa sinabi ng anak ko. Ngayon naiintindihan ko na bakit palagi niya akong niyayang pumunta dito at manatili ng ilang oras pagkatapos mag mall hindi ko rin kasi natatanong dati bakit gustong gusto niya pumunta dito iyon pala ang reason niya.
"Mommy, pogi ba si daddy ko?" muling tanong ng anak ko.
"Oo naman. Alam mo bang magkamukhang magkamukha kayo, kaya ang ganda ganda mo eh, kasi napaka gwapo ni daddy mo." Pilit kong pinapakalma ang aking sarili dahil ito na naman nangungulit ang aking anak sa akin.
"Mommy... Sana sa family day umuwi na si daddy para kumpleto tayo, lagi ko iyon pinag pe-pray kay Jesus para happy ako."
Halos madurog ang dugo na pinagmamasdan ang anak ko, dahil nababanaag sa mukha nito ang kalungkutan.
"Kailan ba iyang family day na iyan anak?" mahinang tanong ko sa aking anak.
"Don't worry mommy, next month pa naman kaya marami pa akong time mag pray na makauwi na si daddy," tugon ni Alexa.
Ngumiti lang ako sa aking anak bilang tugon, pero sa puso ko gustong gusto ko nang umiyak dahil sa pangarap nitong mangyari na hindi matutupad kahit kailan. Gustong gusto kong sabihin na may isang buwan ko nang nakikita ang ama niya sa trabaho ko, at nakakasama ko pa ito ngunit hindi ko masabi dahil ayaw ko ng magulo ang sitwasyon lalo na wala namang alam si Alexis sa totoong pagkatao ko lalo na sa anak ko. Kaya nagpapanggap na lang ako, na wala akong alam kung kailan uuwi ang kanyang ama, at pinangatawanan na nasa barko pa ito at naglalayag sa malayong lugar.