*Nina*
Lumipas muli ang dalawang linggo, walang Alexis ang nagpakita sa akin sa bar. At inaasahan ko na iyon, kaya hindi na ako nag expect nang kung ano sa lalaking patuloy akong sinasaktan kahit hindi nito nakikita ang mukha ko.
"Sige na Monica pwede ka nang umuna umuwi, may dadaanan pa kasi akong tindahan para bilhin ang isa sa hiling ni Alexa," saad ko kay Monica nang yayain na akong lumabas ng bar.
Napangiti na lang ang kaibigan ko sa akin, at hinagkan ang aking pisngi bago excited na lumabas ng dressing room. Ilang araw na itong palaging sabik umuwi dahil mayroon na itong ka live in partner na foriengner.
Mag isa akong nag abang ng taxi, medyo madilim pa ang paligid kaya madalang dumaan ang taxi, kaya nakakainip maghintay. Biglang sumibol ang kaba ng dibdib ko nang may pumarada sa harap ko ang isang magandang kotse, ilang segundo rin itong nakaparada sa harap ko kaya napaatras ako ng bahagya. Hindi ko inaasahan na lalabas sa magarang sasakyan sa harap ko ang lalaking kinaiinisan ko si Alexis.
"Mr. Santiago kayo po pala, mukhang inumaga kayo. Sarado na po ang bar," nakangiting saad ko sa lalaking nakasalubong ang kilay at seryuso ang awra na humarap sa akin.
"I'm not here para mag enjoy sa cheap na bar ito. I'm here para kausapin kita ng maayos," seryosong tugon ni Alexis at bakas na bakas sa mukha nito ang pagka seryoso ng mga oras na iyon.
"Then?" muling tanong ko.
"Hanggang kailan ka magtatago sa mask, sa maskara at make up na iyan?"
Hindi agad ako nakatugon sa seryosong pagkakasaad ni Alexis at napatitig na lang ako sa mga mata nito.
"None of your business. Kung narito ka para asarin at pilitin na tanggalin ko ang takip sa mukha ko nag sasayang ka lang ng oras. Umalis ka na, tandaan mo hindi mo binili ngayon ang oras ko kaya pwede kitang iwasan ngayon at hindi kausapin." Humakbang ako, at tumalikod sa kay Alexis.
Narinig ko pa ang mahinang pagtawa nito, kaya na pa bulong ako sa isip ko na lintik na ito nagawa pa akong pagtawanan.
"Really Magna? Magda, Magda.. Do you think na hindi kita makikilala kahit ilang maskara pa ang itahob mo diyan sa mukha mo. Nina Almirante, tsskkk.."
Parang gusto kong maglaho ng mga oras na iyon, dahil sa sinabi ni Alexis at parang pinupumyang ang puso ko sa tindi ng kaba.
"Anong sabi mo?" Lumingon ako kay Alexis at hinarap siya.
"Matagal ko nang alam na sa likod ng maskara mo ikaw iyan Nina. Tssk... Last two weeks pa. Nina Almirante, tsssk.. Matapos ang limang taon, atlast nagpakita ka rin sa amin at hindi ko inaasahan na dito pa kita matatagpuan."
Napangiti ako kay Alexis at patuloy akong nagpapanggap na hindi kinakabahan," Hindi ko alam ang pinagsasabi mo Mr. Santiago, at hindi ko kilala kung sino man iyong tinutukoy mo." Muli akong tumalikod kay Alexis at nagmadaling lumayo.
Ngunit hindi ko inaasahan na nakasunod pala siya sa akin.
"Sige magpanggap ka pa ng magpanggap na hindi ikaw si Nina baka nalilimutan mo, nagagawa ko na ngayon ang lahat para malaman ang totoo. Nina, huwag mo akong pagluruan dahil baka gumising ka na lang isang araw, wala na sa tabi mo ang nag iisa mong anak na babae na anak ko."
Para akong nawalan ng lakas ng marinig ko iyon kay Alexis. Hindi ko ma imagine sa iaang iglap lang nalaman na niya ang pagkatao maging ang pagkatao ng anak ko. Kaya mabilis ko siyang nilingon at sinampal ng malakas.
"Ang kapal ng mukha mo para sabihin iyan sa akin. Oo, ako si Nina pero huwag mong ankinina ang batang hindi naman sa iyo!"
Inalis ko ang facemask ko, at salamin at hinarap ng husto si Alexis.
"Ano 'to? Kasinungalingan ba ang lahat ng ito? Tskk.."
Hinagis sa mukha ko ang kopya ng birth certificate ni Alexa, maging ang isinagawang DNA test ni Alexis.
"Birth certificate ng isang bata na apat na taong gulang? At ang nakalagay na pangalan ng ama ay Alexis Santiago? Alam mo noong una ayaw kong maniwala eh, at dahil nasabi ko sa iyo na lahat nagagawa ko ngayon, kaya walang ka hirap hirap na ipa test ko ang batang babaeng iyon, kung mag match nga siya sa akin. s**t!! Sa isang idlap lang, nalaman ko na may anak pala akong babaeng apat na taong gulang na wala akong kaalam alam. 99.9%? Paano mo nagawang itago sa akin iyan ng mahabang panahon?"
Wala akong naging tugon kay Alexis, ang nagawa ko na lang sumakay ako ng taxi at iniwan si Alexis. Doon ko binuhos ang akong mga luha sa loob ng kotse, at wala akong paki alam kong nagmukha na akong katawa katawa sa taxi driver.
Sino ba naman hindi maiiyak kung, ang matagal mo nang iniingat ingatan na lihim ay mabubulgar ng wala pa sa oras.
"Mommy, what wrong with you? Umiiyak ka ba?" salubong ni Alexa sa akin. Naka uniporme na ito at ready na pumasok sa eskwelahan.
"Nothing baby, masakit lang itong mata ko kaya ito parang umiiyak. Enjoy ka sa pagpasok mo sa school ha, ingat palagi i love you." Hinagkan ko ng paulit ulit si Alexa hanggang sa maka alis na ito patungo sa kanyang eskwelahan.
Magpapalit na sana ako ng aking damit ng may biglang pumasok sa aming tahanan na walang pasabi kaya nagulat ako sa pagsulpot ni Alexis sa likuran ko. Mabuti na lang at hindi ko pa naiingat ang aking pang itaas na damit.
"Ano ba! Sino ka para bigla bigla na lang papasok sa bahay ko ng walang pahintulot!?"
Gusto kong maging matapang sa harap ni Alexis, dahil ayaw kong maging kaaawa awa sa paningin niya.
"Natitiis mong itira sa maliit na bahay na ito si Alexa?" Umikot ang mata ni Alexis sa buong kabahayan.
"At bakit? Kasing yaman mo ba ako para itira sa mansyon? Wala kang paki alam kung dito kami nakatira ng anak ko. Umalis ka na, ayaw kong makita ka na naririto ng anak ko," mahinahon na saad ko nang makita kong kumunot ang noo ni Alexis.
"Bakit? Bakit mo ako pinapaalis? Natatakot kang malaman ng anak mo na may ama siya? Tsskk.. Anong klase kang ina? Sabagay sino ba naman iisipin na ama ni Alexis kung sino-sinong lalaki ang kasama mo gabi gabi."
Akmang sasampalin ko si Alexis nang madampot niya ang kamay ko.
"Walang alam si Alexa sa totoong trabaho ko, kaya please lang erespeto mo ang lihim ko dahil inaalala ko rin ang anak ko. Walang ibang laman ang isip ni Alexa kundi ang iisang ama lang niya kung hindi ikaw lang. Mula nang magkaisip si Alexa, hindi ko pinag kait sa kanya na ikaw ang ama niya, kahit wala kang alam na nagka anak ka sa akin. Buong buhay niya, wala siyang ibang hiniling kundi ang makita ka, wala akong ibang madadahilan kundi ang sabihin nag tatrabaho ka sa barko kaya hindi ka namin nakukuntak at hindi namin nakakasama-"
Hindi pa man ako tapos magsalita nang magsalita si Alexis.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin na may anak ako? Alam mo kung saan ako nakatira diba?" Matalim ang matang nakatitig sa akin ni Alexis.
"Dahil ayaw ko ng magulong buhay. Magulo ang buhay na mayroon ka, sa tingin mo iyon ang pangarap ko sa kanya? No-"
Hindi ko na naman maituloy tuloy ang aking sasabihin ng biglang hinawakan ang baba ko ni Alexis.
"Ito na ang buhay ko, kaya huwag mo akong tingnan na para bang masamang tao. Parehas lang tayong madumi ang trabaho, ang kaibahan ko lang sa iyo mapera ako. Babalik ako mamaya, at kukunin ko si Alexa sa ayaw at sa gusto mo. Kung nagbabalak kang takasan ako, huwag mo nang subukan dahil kaya kong gawin ang lahat makita lang ang anak ko!" Madiin ang pagkakahawak ni Alexis sa baba ko.
At wala akong naging tugon sa mga huling sinabi niya bago ito tuluyang umalis ng bahay namin.