"Pagkikita "

1608 Words
*Nina* Hindi ko alam ang gagawin ko matapos umalis ng aming tahanan si Alexis, alam kong hindi siya nagbibiro kaya naisip kong puntahan ito sa mansyon at kausapin ng maayos tungkol kay Alexa. Hindi ko na mabilang kung nakailang dasal na ako habang tahimik na nakaupo at hinihintay si Alexis na lumabas ng kanyang opisina, mabuti na lang kahit limang taon na akong wala sa mansyon ay nakilala pa rin ako ng mga tauhan kaya agad akong nakapasok. "What are you doing here?" seryosong tanong ni Alexis habang walang ka bakas na bakas na emosyon ang mukhang nakatingin sa akin. Hindi ako tumugon, agad akong lumuhod sa kanyang harapan," Nagmamakaawa ako sa iyo Alexis, huwag mo naman kunin sa akin ang anak ko. Si Alexa na lang ang pamilya ko, siya ang buhay ko. Baka ikamatay ko pag nawalay siya sa akin. Parang awa mo na." Garalgal ang boses ko, habang nagsasalita dahil hindi ko na mapigilan ang aking luha na kusang tumutulo dahil sa nararamdaman ko. Matagal bago tumugon si Alexis, at dinig na dinig ng dalawang tenga ko ang pagbuntong-hininga nito. "Tumayo ka diyan, ayaw ko pa naman sa lahat may nagmamakaawa at lumuluhod sa harap ko lalo na pag babae. Kung ayaw mong kunin ko sa iyo si Alexa, ipakilala mo ako ng maayos sa kanya. Umalis ka na," saad ni Alexis at agad itong tumalikod. Hindi pa man nagkakalayo si Alexis agad akong tumayo at muling nagsalita. "May event sa school ni Alexa sa susunod na araw, sana makarating ka. Aasahan kita, para kay Alexa." Tumigil sa paghakbang si Alexis ngunit hindi ito lumingon at kahit magsalita man lang kaya hindi ko alam kong naintindihan ba niya ako kaya umalis akong dala dala ang positibong sana magkaroon ng chance na ma surpresa ko si Alexa sa family day para matupad na ang matagal nitong hiniling sa akin. Hindi ako pumasok sa bar kinakabihan, tumabi lang ako sa pagtulog ng anak ko. Wala akong nagawa ng gabing iyon kundi ang mag overthink ng kung ano-ano ukol sa sitwasyon namin ni Alexis gayong alam na niya ang sekreto ko hindi ko pa rin lubos maisip na kung paano nito nagawang malaman sino ako at ang pagkakaroon namin ng anak agad agad. Bigla tuloy tumulo ang luha ko, habang muling naaala ang inihagis na papel sa akin ni Alexis ang DNA test result nila ni Alexa, ganoon kabilis trumabaho si Alexis ibig sabihin lang nun nalapitan na niya ang anak ko, ang pinagtataka ko lang paano? Kung nalapitan niya ang anak ko at kumuha ng sample bakit hindi siya nakilala ni Alexa gayong, laging nasa wallpaper ng cellphone nito at tinitingnan palagi ang larawan ni Alexis na matagal kong iningatan noong panahon na magkasama pa kami sa mansyon at inalagaan ko pa siya ang larawan na yun. "Mommy... Bakit hindi ka pa natutulog?" mahinang tanong ni Alexa. "Wala anak, excited lang ako sa family day sa school mo. Matulog ka na," tanging tugon ko. Tumango at ngumiti ang anak ko, yumakap pa ito ng mahigpit sa akin kahit nanatiling nakapikit ang mata. Muli akong nakaramdam ng kalungkutan dahil sa anak ko, iniisip ko pa lang na malalayo siya sa akin para na akong mababaliw. Nagpaalam ako kay mamang Fiona na muli akong hindi papasok sa bar kinabukasan dahil nga may event sa school si Alexa mabuti na lang at pinayagan ako ni mamang Fiona kaya tuwang tuwa ako. Nag mall kami ng anak ko, bumili ako ng mga bagong damit niya at sapatos na gagamitin sa family day kaya napapangiti na lang ako ng makita ang ngiti sa labi ni Alexa na tuwang tuwa ito. "Mommy thank you so much sa bago kong dress at shoes," saad ni Alexa na napayakap pa sa akin ng mahigpit ng makauwi na kami sa aming maliit na tahanan. "Welcome baby, love na love ka na mommy kaya gagawin niya ang lahat mapasaya ka lang. Excited ka na ba bukas?" nakangiting tanong ko kay Alexa habang pisil pisil ang pisngi nito. "Opo! Pero, mas masaya sana mommy, kung uuwi si daddy at kasama natin bukas. Iyon po kasi talaga ang meaning ng family day eh, diba mommy? Sana umuwi na si daddy." Nanatiling nakangiti si Alexa pero bakas na bakas sa mata nito ang kalungkutan. Wala akong naging tugon sa saad ni Alexa, niyakap ko lang ito ng mahigpit habang haplos haplos ang kanyang buhok. Hindi ko alam ang sasabihin sa anak ko, gusto ko man sabihin na nagkita at nagkausap na kami ni Alexis ang kan'yang ama ngunit hindi ko magawa dahil baka mamaya ma disapoint lang ito at ang tanging pinanghahawakan ko lang ang salitang surpresa at sana tubuan ng mabuting kaisipan at puso si Alexis upang tumungo ito sa event sa school. ***** Inagahan namin ang tumungo sa school upang umiwas sa trapik kaya pagdating namin sa school kukunting pamilya pa lang ang naroroon. Halos hindi ako makagalaw sa akin kinauupuan nang halos lahat ng mga magulang at studyante naroroon na, naaawa ako sa sitwasyon ko lalo na ni Alexa, mukhang bukod tanging siya lang ang walang ama na naroroon dahil kung ang iba, wala man ang ama nila mayroon itong representative at iyon ang hindi ko naisip. Pero, saan naman ako kukuha ng representative kung wala rin naman akong kilalang lalaki na pwedeng sumama sa amin mag ina kaya kinain ko na lang ang hiya ko hanggang sa mag umpisa ang programa. Tahimik lang ako sa isang tabi, habang pinapanood si Alexa at panaka nakang kinukuhanan ng larawan habang umaawit sa stage. Iyon ang kanilang pinaka performance bilang section daycare. "Miss Nina, Excuse me po, pinapatawag po kayo ni boss." Nagulat ako sa lalaking biglang tumapik sa akin, kilala ko ang lalaking ito at isa ito sa mga pinagkakatiwalaan tauhan nila Alexis kaya napangiti ako at nabuhayan ng sigla dahil nalaman kong naririyan si Alexis. Agad akong tumango at sumama sa lalaki, pagdating ko sa labas ng cover court ng school nakita ko agad si Alexis na nakatayo sa gilid ng kotse nito at may kausap sa cellphone, at nang makita na nito akong palapit sa kanya agad nitong binababa ang kanyang cellphone at seryusong hinarap ako. "Nasaan si Alexa?" "Nasa stage, umaawit sila ng buong kaklase niya. Gusto mo mapanood?" agad kong tugon kay Alexis. Tumango naman ito kaya agad kaming pumasok sa loob ng court, ngunit pagdating namin doon tapos na pala silang umawit kaya sinabihan ko na lang si Alexis na tumungo kami sa back stage at naroroon sila Alexa. Agad kong hinanap si Alexa, at abala itong nagpapalit ng damit kasama si manang Fely. "Alexa.. Come here, may surpresa ako sa iyo. Hope you like it," masiglang saad ko. "What is that mommy? Surprise mo ba iyan sa akin dahil magaling akong mag sing?" nakangiting tanong ni Alexa. Nanatili namang nasa likod ko si Alexis, at hindi napapansin ni Alexa dahil naka sunglasses pa ito. Tumango tango ako at dumikit ng bahagya kay Alexis. Siniko ko pa ito ng bahagya, at binulungan na tanggalin ang kanyang sunglasses. Napakunot ang noo ni Alexa, nang tumingin sa akin at tumingin sa lalaking katabi ko. Ilang sigundo rin niya itong tinitigan ng husto bago niya nakilala. "Daddy!!" Napahiyaw si Alexa at agad lumapit kay Alexis. "Bakit ngayon ka lang? Tagal tagal kitang hinihintay eh, ngayon lang ba dumating ang barkong sinasakyan mo? Miss na miss po kita daddy, at saya saya ko nakita na kita at hindi sa larawan lang. Huwag ka nang umalis ha? Huwag na po ha?" Hindi ko namamalayan na napaluha na rin ako habang tanong ng tanong si Alexa sa ama nito nang kinarga siya at niyakap habang umiiyak. Wala akong narinig na kahit anong tugon kay Alexis, pero ramdam ko na natuwa ito ng makilala siya bilang ama ni Alexa. Pinupunasan ko ang aking mga luha kasabay ng pag buntong hininga dahil pinipigilan ko ang humagulhol. Grabi! Sobrang saya ni Alexa, wala itong ibang ginawa kundi sabihin sa lahat ng kaklase niya, kamag aral at mga co-parents at teacher na iyon ang papa niya si Alexis Santiago. Mabuti na lang at nasa mood si Alexis, kaya panay ang ngiti na lang nito at nakikipag kamay sa lahat. "Mommy!! Ang saya saya ko po. Buo po tayo ngayon, at ngayon pa na family day dito sa school. Ang saya ng puso ko mommy." masiglang saad ni Alexa ng lumapit ito sa akin at hindi bumibitaw sa pagkakahawak sa palad ni Alexis. "Pasensya ka na kay Alexa, makulit talaga siya masyado," mahinang saad ko kay Alexis. Hindi tumugon si Alexis at tumabi lang siya sa pagkakaupo habang si Alexa ay nakikipagkulitan sa mga classmate niya nang binibigyan sila ng mga give away dahil sa pagkanta nila sa stage. "Nagulat ako, dahil kilala niya ako bilang ama. Samantalang ako, hindi ko man lang nalaman." Napatingin ako kay Alexis, dahil sa sinabi nito habang nakatitig kay Alexa. "I'm sorry. Kilala ka niya, dahil sa nag iisang larawan natin na magkasama. Walang araw na hindi iyon pinagmamasdan ni Alexa, nang nagka isip na siya at hinahanap na niya ang kanyang ama. Mabuti na lang kahit lumipas man ang ilang taon, hindi nagbago ang awra mo kaya agad ka niyang nakilala," paliwanag ko kay Alexis. Muling hindi tumugon si Alexis, kaya nanahimik na lang ako at pinagmamasdan si Alexa na walang pagsidlan ang kasiyahan. Hindi ko tuloy alam kong hanggang kailan ko makikita ang anak ko na masaya gayong, hindi pa naman kami nakakapag usap ni Alexis tungkol sa sitwasyon nito. Basta sa ngayon, susulitin ko ang oras na kasama ko ang anak ko, at masaya rin ako sa tuwing makikita kong masaya rin ang anak ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD