16 -Salawahan-

1469 Words
*Nina pov* Lalong idiniin ni Alexis ang kanyang katawan sa akin, kaya nararamdaman ko ang kanyang naghuhurimintadong p*********i. Umakyat ang kanyang dila at labi sa aking pisngi hanggang sa muli niyang sinakop ang aking mga labi. Para akong nawawala sa katinuan, dahil utay utay nang bumibigay ang aking katawan sa kung paano ako painitin ng husto ni Alexis. "Ahmm..." Nakagat ko ang aking ibabang labi, nang bitawan ni Alexis ang aking mga kamay at dahan dahan nitong hinawakan ang aking pang upo. Habang patuloy naming ninanamnam ang labi ng isa't isa hindi ko namalayan na nabuhat na pala ako ni Alexis, at mabilis akong naihiga sa kama. Mabilis na niya rin natanggal ang aking mga saplot, kitang kita ko ang mga mapupungay na mata ni Alexis na sandaling pinagmasdan nito ang hubad na kabuunan ko. "Alexis... " Napaliyad ako nang nag umpisa muli si Alexis na paligayahin ako, ramdam na ramdam ko ang init ng labi at dila ni Alexis habang pinagsasawaan nito ng husto ang magkabilang umbok sa dibdib ko. Napakapit ako sa kan'yang balikat ng bumababa sa tiyan patungong puson ko ang kaniyang mga labi at dila. "Ughh.." pigil na daing ko nang matagpuan na ni Alexis ang namamasang bahagi ng katawan ko sa pagitan ng hita ko. Ramdam ko ang gigil ni Alexis sa hiwa ko, dahil halos kagatin na nito ang bawat pisngi nito. Napasambunot tuloy ako sa buhok ni Alexis, nang pinanggigilan ng husto ni Alexis ang kuntil ko. Pakiramdam ko hingal na hingal ako, kakahabol sa hininga ko dahil sa kakaibang nararamdaman ko na ngayon ko lang naramdaman sa buong buhay ko. Oo, may nangyari na sa amin dati ni Alexis, pero hindi tulad ngayon kakaibang pagpapaligaya ang ginagawa niya sa akin. "Please.." Hindi ko alam kung anong hinihiling ko kay Alexis, ang gusto ko lang huwag niyang tigilan ng kanyang dila ang kuntil ko sa paglalaro nito dahil pakiramdam ko may sasabog na sa loob ko. "Ugghh.. Ahmm.." Napakapit ako sa headboard ng kama dahil nanginig ang katawan ko kasabay nang kung anong likido na lumabas sa katawan ko. Nakakahiya man aminin, pero iyon ang unang beses na nakaramdam ako ng kakaibang sarap habang patuloy na sinasamba ni Alexis ang p********e ko. Palibahasa noong may nangyari sa amin ni Alexis dati, hindi ganito ka romantic dahil basta na lang pinasok niya ang kanyang p*********i sa loob ko dahil sa kakulitan ko, napapikit na lang ako at minamanmanan ang bawat sandali dahil ganito pala kasarap sa pakiramdam parang kinikiliti at kinukuryente ng pinong pino ang iyong puso sa saya. Pawis na pawis na ako, kahit malamig ang paligid dahil nakabukas ang aircon. "Do you miss me?" Hindi ko nasagot ang tanong na pabulong sa akin ni Alexis nang bahagyang kinagat nito ang aking tenga. Alam kong tulad ko, nag iinit na ito ng husto dahil nang umangat ito at pumantay sa akin ramdam na ramdam ko ang matigas na kahabaan niyang nabundol sa hita ko. "Uggh..." mahinang ungol ni Alexis, nang maipasok niya sa loob ko ang kanyang sandata at nag umpisa na itong umulos sa ibabaw ko. Kusang pumulupot ang kamay ko sa balikat ni Alexis dahil muli na naman akong nakakaramdam ng paninigas ng katawan ko dahil ramdam na ramdam ko ang paglabas masok ni Alexis sa akin. Medyo masakit, pero mas nangingibabaw ang kiliti sa tuwing bumubulusok si Alexis. Hindi ko na mabilang kung nakailang liyad na ako, at ilang likido na lumabas sa katawan ko dahil sa patuloy na pagpapaligaya sa akin ni Alexis. Pakiramdam ko basang basa na ako, lalo na ang gitna ko dahil sunod sunod at mabilis na paglabas masok ni Alexis, at sabay pa kaming napaungol nang marating namin parehas ang rurok ng kaligayahan. Dahil sa pagod, hindi ko na nagawang magdamit muli at kusang pumikit ang aking dalawang mata at mabilis akong nakatulog. ******** *Alexis pov.* Kinuha ko ang aking pantalon na naihagis ko sa sahig, hindi para suotin kundi para kumuha ng isang stick ng sigarilyo na nakalagay sa bulsa ng pantalon ko. Nagsuot lang ako ng boxer, at bumalik sa kama isinandal ko ang aking likod sa headboard saka ko hinithit ang isang stick na sigarilyo na sinindihan ko. Malamlam ang ilaw ng buong paligid sa silid ni Nina, ngunit kitang kita ko pa rin ang maamong mukha niya na mahimbing na natutulog sa tabi ko. Napabuntong-hininga ako bago muling sinulyapan ang mukha niya, may bahagi sa isip ko na nagsisi ako nang pilitin kong may mangyari muli sa amin, pero may bahagi rin sa isip ko na masaya ako dahil muli ko siyang naangkin. Mabait, sexy, at hindi maipagkakailang maganda si Nina kaya sino ba naman ang lalaking hindi maakit sa kanya. Noong unang gabi pa lang na natulog siya dito sa silid na ito, gustong gusto ko na siyang sunggaban pero pinipigilan ko lang ang sarili ko, dahil hindi pwede pero kanina mula pa lang sa bar pigil na pigil na ako sa sarili ko kaya nang makarating kami sa silid na ito hindi ko na napigilan ang sarili ko. Hindi ako lasing, dahil naka dalawang bote lang ako ng beer pero para akong pinapaso sa tuwing nakikita ko si Nina. Kung bakit ba kasi, nakita ko pa siyang nagsasayaw sa intablado na tanging undies lang ang saplot ito tuloy para na akong baliw sa kanya. Muli ko tuloy naalala ang una naming pagkikita, hinding hindi ko malilimutan ang gabing iyon dahil nagulat ako ng makita siyang tanging manipis na undies ang suot. Kahit lumipas ang mahabang panahon, hinding hindi ko malilimutan ang kanyang mga mata at labi kahit natatakpan ito ng maskara kaya kahit napaka mahal ng singil ng manager nito agad akong naglabas ng pera makatable lang ito. Mas lalo kong na confirm na si Nina nga ang nakita ko ng lumapit na ito sa akin, at makita ang tatlong nunal sa dibdib nito maging ang boses nito, pinipilit ko siyang hulihin at paaminin ngunit patuloy itong tumatanggi, ilang beses ko rin siyang tinititigan ng husto pero umiiwas ito kaya hinayaan ko na lang. Noong gabi na umalis ako ng bar, agad akong nag utos sa mga tauhan ko na imbistigahan ang babaeng tinable ko at alamin ang totoong pagkatao nito. Kaya nang mabilis na na confirm ng tao ko na si Nina Almirante nga ito, agad akong bumalik sa bar pero katakot takot na pag iiwas ang ginawa nito kaya hinayaan ko na lang. Napawi ang lungkot ko ng gabing iyon dahil sa ginawa sa akin ni Aliyah, nang sapilitan niyang ipalaglag ang dapat na anak namin. Kung nagkataon, masayang masaya sana ako dahil sabay pa lang nagbuntis si Aliyah at Stella. Hindi ako nakatahimik ng araw na iyon buhat ng nalaman ko na si Magda ay si Nina, kaya muli akong nagpatawag ng private imbistigador para alamin kung bakit pinasok ni Nina ang madilim na mundo sa pagsasayaw sa club gayong hindi naman ito ganoon na babae ayon sa pagkakakilala ko. Parang may bombang sumabog sa dibdib ko nang nalaman kong may anak ito, at walang ama. Doon pa lang nagduda na ako, at inisip na baka ako ang ama dahil sumariwa sa isip ko ang tagpong may nangyari sa amin dahil sa kalasingan ko kaya agad akong gumawa ng hakbang at muling alamin kung sino ang ama ng nag iisang anak na babae ni Nina. Naputol ang muling pag aalala ko sa nagawa ko ng biglang dumantay sa hita ko ang kamay ni Nina. Napahaplos tuloy ako sa pisngi nito, na mahimbing pa rin na natutulog. Nagsinungaling ako kay Nina, na isang linggo na lang babalik na muli dito sa mansyon si Aliyah, pero ang totoo hindi ko pa rin ito nakakausap mula ng umalis sa mansyon ko. Hindi ko pinaalis si Aliyah dahil kusa itong umalis dahil nauumay na raw siyang pagpaliwanag sa tuwing magtatalo kami tungkol sa pinagbubuntis nito na wala man lang pasabing pinalaglag nito, at babalik na lang daw siya sa mansyon kapag okey na ako at mula noon hindi ki na ito nakuntak pa at nakausap. Hindi ko alam kung anong tumakbo sa isip ko, bakit nakapag sinungaling akong babalik sa akin si Aliyah kahit hindi naman ako sigurado na babalik ito. Kung tutuusin nga, pwede na akong bumuo ng sarili kong pamilya dahil naririto na kasama ko si Nina at Alexa, lalo na sariwa pa sa pandinig ko nang nakaraang gabi na mahal na mahal pa rin ako ni Nina kahit mahabang panahon din na hindi kami nagkita. Pero, ayaw ko naman na gamitin iyon para gamutin ang sugat ng puso ko na dulot ni Aliyah. Napapapikit ako, at napapabuntong-hininga dahil maging ang sarili ko hindi ko na maintindihan, nagawa kong kunin muli at angkinin si Nina ng walang kahirap hirap gayong wala akong kasiguraduhan kung gusto ko ba talaga si Nina gayong naiisip ko pa rin si Aliyah.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD