*Nina pov.*
"Mommy..."
Parehas kaming naalimpungatan ni Alexis nang malakas na katok at boses ni Alexa ang aming narinig.
"Nina... Ako na, lalabas ka ng silid mo nang walang kahit anong saplot?"
Napatakip ako sa aking katawan ng napagtanto ko na hubo't hubad nga pala ako, mabuti na lang at hinagis agad sa akin ni Alexis ang kanyang t-shirts at sinuot ko ito. Dahil malaking lalaki at matangkad si Alexis, kaya nagmukhang dress ko ito na umabot pa hanggang hita. Mabilis kong inayos ang aking kama, maging ang mga damit namin na nagkalat sa sahig at baka makita ni Alexa pagpumasok ito sa aking silid.
"Daddy?? Nasaan si mommy?" tanong agad ni Alexa na nakakunot pa ang noo nito na pumasok sa silid ko.
"I'm here baby?" agad na tugon ko. At inayos ko ng bahagya ang buhok ko.
"Daddy... Dito ka natulog? Magkasama kayo ni mommy?" nakangiting tanong ni Alexa nang pumasok ito sa silid ko.
"Daldal mo... Good morning my princess," tugon naman agad ni Alexis na mabilis na kinarga si Alexa at hinagkan sa pisngi.
Kaya naman ngiting ngiti si Alexa.
"Mommy.. Bakit suot mo damit ni daddy? Wala ka na bang dress?" seryusong tanong ni Alexa na diriktang nakatingin sa suot ko.
"Wala na, tinanggal kasi ni daddy kagabi-"
"Alexis!!!" sinigawan ko si Alexis, at pinigilan ang pilyong sagot nito sa tanong ng anak namin.
"Maligo na kayong dalawa, asim n'yo na eh tapos bumababa agad kayo ha, dahil magpapahanda ako ng breakfast kay manang Jing," saad muli ni Alexis bago ito lumabas bg kwarto.
Napatingin naman ako kay Alexa na nakangiti kaya agad ko itong kinarga at dinala sa shower room. Minadali ko ang pagligo kay Alexa dahil papasok pa nga pala ito sa eskwelahan.
Pagkababa namin sa kitchen nakahain na ang almusal, naroon na si Alexis na bagong ligo na rin at mukhang may pupuntahan dahil naka bihis ito.
"Daddy.. Mommy... Hatid n'yo po ako ulit?" tanong ni Alexa. Nang sumampa ito sa upuan.
"Oo naman ikaw pa ba. Ihahatid ka namin ng mommy mo." Napatingin pa sa akin si Alexis kaya napatango ako.
Grabing akward ang nararamdaman ko tuwing tumitingin sa akin si Alexis, nahihiya ako sa sarili ko dahil sa pagbibigay ko sa aking sarili ng walang kahirap hirap sa kanya tapos siya parang wala lang.
"Yeheeyy..." tuwang tuwa si Alexa nagpapalakpak pa ito habang nakangiti.
Matapos ngang mag breakfast namin lalo na si Alexa ay agad naming inihatid sa skwelahan ito, marami siyang kwento maraming bida keso pinagmamalaki raw niya na may mommy at daddy siya na naghahatid at rich pa.
Pero bago pa man kami nakarating sa skwelahan, ay biglang pinaputukan ang aming sasakyan mabuti na lang at hindi ito tinalban at naging mabilis din ang kilos ni Alexis kaya hindi kami napahamak sa loob ng sasakyan.
"Mommy..." Takot na takot si Alexa, na yumakap sa akin ng husto.
Naging alerto naman ang mga tauhan ni Alexis, na agad sa aming pumalibot alam kong sa bawat alis ni Alexis nariyan lang ang mga iyan sa palibot. Lumabas si Alexis at inalam ang sitwasyon, at dahil sa nangyari tinawagan ko ang titser ni Alexa at sinabing hindi ito makakapasok ngayon dahil may nangyari.
Umuwi kami sa mansyon, at pagka uwi namin sa mansyon naging alerto ang nasa paligid namin lalo na si Alexis na hindi ko pa nakakausap.
"Mommy.. Bakit may mga badguy na ayaw sa atin? Baril nila tayo eh," saad ni Alexa na ramdam ko pa ang panginginig nito ng pumasok kami sa kwarto nito.
"Huwag mo muna isipin iyon ha? Para hindi ka matakot." Niyakap ko ng mahigpit si Alexa.
Nasa ganoong sitwasyon kami ng pumasok sa kwarto si Alexis.
"Baby are you okey?" Hinawakan ni Alexis ang magkabilang pisngi ni Alexa.
At nang tumango tango ito tumingin sa akin si Alexis.
"Pwede tayo mag usap, ahmm.. Manang Fely, kayo muna bahala kay Alexa. Baby, labas muna kami ha mag uusap lang kami ni mommy mo," seryusong saad ni Alexis.
Paglabas ng kwarto ni Alexis agad akong sumunod dito upang kausapin alam ko naman na tungkol ito sa aming anak.
"Tukoy na ng mahigpit namin kaaway ang katauhan ninyong dalawa at kung ano ang koneksiyon n'yo sa akin. Nina, alam mo kung anong mayroon trabaho ako diba? At hindi ka na siguro magtatanong pa kung bakit, at anong nangyari kanina. Pinaayos ko na sa mga tauhan ko ang papers ni Alexa, pansamantala hindi muna siya papasok sa eskwela at dito muna siya mag aaral sa bahay. Huwag kang mag alala dahil kukuha ako ng maayos na tagapagturo kay Alexa. At maging ikaw, mananatili ka muna dito sa bahay at huwag muna lalabas ng mansyon dahil dilikado," pagpapaliwanag ni Alexis.
Nagulat ako sa huling sinabi nito, dahil maging ako naisip niya ang kaligtasan ko.
"Bakit maging ako damay? Eh, si Alexa lang naman ang may koneksyon sa iyo dito," mahinang saad ko.
"Pwede ba, huwag nang maraming tanong. Malamang nalaman nila na may anak ako, at ikaw ang ina kaya ngayon tukoy na nila kahinaan ko. Warning shot pa lang iyong ginawa sa amin kanina, at pina parating pa lang ng mahigpit naming kaaway na alam na nila ang kahinaan ko. Sige na, puntahan mo muna si Alexa, remember walang lalabas ng mansyon ha," muling saad ni Alexis na agad itong tumalikod sa akin.
"Haysss oo na. Paano trabaho ko nito?"
"E di sa akin ka magtrabaho, ayaw mo nun ako lang makakikita ng mga giling mo."
Narinig pala ni Alexis ang huling sinabi ko kahit medyo malayo na ito.
"Hindi ka nakakatuwa, nagawa mo pang magbiro ngayon ha," inirapan ko siya.
Natawa naman ito at muling lumapit sa akin.
"Hindi ako nagbibiro seryuso ako, dahil dilikado hindi ka muna magtatrabaho, at dahil gustong gusto mo magtrabaho papayagan kita pero dito pa rin sa mansyon. Syempre selfish ako, kaya ako lang magiging customer mo," nakangiting saad ni Alexis.
"Ewan ko sa iyo manyakis.. Umalis ka na nga." Pakiramdam ko namumula na ang pisngi ko dahil sa sinabi ni Alexis.
"Manyakis pala ha, pero enjoy na enjoy ka. Manyakin kita lagi eh, para lagi kang masaya," muli nitong hirit bago umalis sa harap ko.
"Alexis!! Bwisit ka talaga..." Napatingin ako sa paligid, mabuti na lang at kami lang dalawa kaya walang nakarinig sa mga huling sinabi nito.
Para tuloy akong kandilang natutunaw sa hiya dahil sa mga hirit ni Alexis.