I. Hate At First Sight
"ARE you okay?" pang-siyam na beses na niyang narinig ang tanong iyon simula nang dumating siya sa dance school. Sinasagot na lamang niya ng tango at pilit na ngiti. Everybody is treating her like she's fatally ill. Lahat ng co-instructors niya ay napapahinto kapag nakikita siya. Napapa-iling ang mga ito't binibigyan siya ng nakaka-simpatiyang tingin. May ilang tumapik ng balikat niya at nagsasabi ng pampalakas-loob. Habang tumatagal, pakiramdam niya'y nasasakal na siya. Hindi siya makapag-concentrate sa pagtuturo ng sayaw dahil palaging may sumisilip sa kanya na kung hindi napapabuntong-hininga'y napapangiti ng malungkot.
Nang muling bumukas ang silid ay tuluyan ng naubos ang pasensiya niya. Pinatay niya ang music at hinintay kung sino ang papasok. Takang napatingin sa kanya ang mga batang tinuturuan.
"Yes?" aniyang nakatikwas ang kilay.
"Oh, you're really back," ani Maricar pagkasilip.
"Pati ba naman ikaw?" aniyang hindi napigil ang inis sa boses. Hinila niya ang bestfriend palabas ng silid.
"Please, Maricar, all of you, stop treating me like... like a loser!"
Bahagya itong napaatras sa biglang pagtaas ng tinig niya pagkuwa'y nag-aalalang napatitig ito sa kanya. "Are you sure you're okay? We're just concerned about you, Jane. Matagal ka ring nawala."
Dama niya ang sinseridad nito pero pinatigas niya ang tinig. Tatlong buwan din siyang nawala at alam niyang siya ang tampulan ng tsismis sa nakaraang tatlong buwan dahil pinagpalit siya ng magaling niyang kasintahan sa malanding boss nila. Huminga siya ng malalim para kontrolin ang galit sa dibdib. She came back to show she's not the one on the losing end. Pero sa nakikita niyang simpatiya sa mga kasama ay daig pa niya ang talunan. "I am back to work. It means I'm okay. I'm moving on. Kaya kung pwede lang, kung totoong concerned kayo, stop checking on me. And for goodness' sake, stop looking at me like I'm the most pathetic person in the world because it doesn't help. It's freaking me out!"
Tila naumid ang dila nito. "I'll tell them. It's just," tumikhim ito para maalis ang bara sa lalamunan.
Iniwasan niyang tingnan ang mga mata nito dahil ayaw na niya ng kahit na anong drama. She's done crying. Maricar of all people would understand. Dahil ito ang iniyakan niya sa loob ng tatlong buwan.
"I'm just happy you're back!" anitong pinasigla ang tinig. "Don't worry, ako na ang bahala sa kanila." anito't nginitian siya. Nang umalis na ito'y pumasok siya pabalik ng silid.
"Okay, class, back to your original position," aniya saka pinatugtog ang music. Nang magsimula siyang sumayaw, tuluyan na niyang nakalimutan ang lahat ng alalahaning bumabagabag sa isipan niya nang nagdaang mga araw. Sa bawat pag-ikot, pag-kembot at pag-indak, nakadama siya ng kasiyahang ngayon lang niya ulit naramdaman.
"One, two. One, two, three. And turn. One, two. One, two, three. One, two." aniyang sinabayan ng pagpalakpak ang pagbilang. Napangiti siya sa ipinakitang liksi ng mga bata. She just realized how much she missed them. Sinabayan niya ang liksi ng mga ito. Pinahid ni Jane ang pawis na namuo sa noo. "One last turn and bow." They all turned and gracefully ended the dance. "Very good, kids!" aniyang napapalakpak. Nakangiting nagsilapitan ang bata at niyakap siya.
"Miss Jane, na-miss ka po namin," ani Ella.
"Na-miss ko rin kayong lahat." aniyang niyakap ang mga ito ng mahigpit. "Bukas ulit ha. Walang male-late."
"Opo, Miss Jane!" halos sabay-sabay na sabi ng mga ito saka tumakbo patungo sa mga sundo na naghihintay sa mga ito. Kinawayan niya ang mga ito. Alas-dos na ng hapon. Habang paalis ang mga bata, nagsidatingan naman ang mga teen-agers na tuturuan niya ng hip-hop. Ilang beses pa'y pumuwesto na ang mga ito. Kita niya ang excitement sa mga mukha ng mga estudyante niya. "Everybody ready?"
"Yes, Miss Jane!" halos panabay na sagot ng mga ito. They all settled in and she played the music. When the beat started, all her thoughts vanished and nothing mattered to her except the dance. The only thing that makes her want to move right now is this. She needed this to distract her from all the pains that is building up inside her.
Kapag ganitong sinasabayan niya ang ritmo ng musika'y tila tinatangay siya sa ibang dimensiyon. Nawawala lahat ng problema at masasakit na alaala. Nararamdaman niya ang saya sa puso niya sa tuwing umiindak at gumagalaw ayon sa musika ang katawan niya. Hindi niya namalayan ang paglipas ng oras lalo pa't bakas sa mga mukha ng mga dalagitang tinuturuan niya ang saya sa pagsasayaw. Tinapos nila ang tatlong set at nagpaalam na ang mga ito. Pawisang tinunton niya ang locker room.
Dancing was a hobby that had become her life. Simula pa pagkabata hilig na niya ang pagsasayaw. Kaya naman sa lahat ng kompetisyong sinasalihan niya, palagi siyang nananalo. She even won international dancing competitions. Nang magbukas ang The Flap, ang pinakamalaki at pinakatanyag na dance school sa buong rehiyon nila, kinuha siya kaagad bilang primary dance instructor.
She enjoyed doing her work because it is her passion. The Flap has become her home, her comfort zone. But it took her a while to come back. It took her a lot of courage to step inside the school again because she's afraid she might feel tortured when she sees her ex-boyfriend kissing her boss from the locker room just like today.
Kung hindi pa tinapik ni Maricar ang balikat niya'y mananatili siyang nakatunganga roon. Sinundan nito ng tingin ang tinitingnan niya.
"Jane..."
"I'm okay," mabilis na sagot niya.
"Bakit ka pa ba bumalik dito?"
"This is my life, Maricar. You know that. And I'm over Lemuel. Wynona can have all of him. It's never my loss." Pinilit niyang ininda ang kirot sa dibdib. Hindi na siya iiyak. He is not worthy of her tears.
"I know you're strong, Jane. But your best option now is to resign. They will fire you anyway. Hindi papayag si Wynona na manatili ka rito."
"I want to stay," mariing sabi niya. Hindi siya basta-basta mapapasuko. Wynona owed her. Sa kahit na anong paraan, ipaparamdam niya rito kung ano ang pakiramdam ng naagawan. At ipapakita niya kay Lemuel na nagkamali ito ng babaeng pinili. She won't stop until they get even.
"You're still here," anang maarteng boses sa likuran niya. Hindi na niya kailangang lumingon para makilala kung sino iyon. The self-proclaimed great Wynona Mondragon, the manager-owner of The Flap. Naglapat ang mga labi niya't sinara ang locker.
"I am hoping this is your last day," dagdag nito.
Naka-taas noo na hinarap niya si Wynona. "I see no reason why I should leave."
"I don't want you here. Actually, we, Lemuel and l, don't want you here. This place has become too small for us," anitong diniinan ang pangalan ng dating nobyo.
"I have no problem with space. Gusto ko ang trabaho ko dito kaya mananatili ako rito."
"I'm not giving you a choice! I am firing you! Get the hell out of my school!" anito sabay hatak sa buhok niya palabas. Nagulat siya sa ginawa nito. Napahiyaw siya sa sakit. Mabilis na kumilos ang kamay niya't hinatak din ang buhok nito. Sumigaw ito sa sakit. And she felt so good hearing her scream in pain. Hindi niya alintana ang sakit sa anit sa pagkakasabunot nito sa buhok niya. Gusto niyang kalbuhin ang babaeng ito. Nanlaki ang mata ni Maricar at mabilis silang inawat. Kung hindi pa dumating ang iba nilang mga kasamahan, hindi sila mapaghihiwalay.
"You're dead! You're really dead!" banta ni Wynona.
"You can't just fire me!" sigaw niya. Gusto niyang kalmutin ang mukha ng kaharap pero mahigpit ang pagkakahawak sa kanya mga kaibigan.
"I own this school! And when I say you're fired, you're fired!" nanggagalaiting sigaw nito.
"Hindi naman po yata makatarungan iyan, Ma'am," ani Donnie na isa sa mga instructors.
"Wala naman pong ginagawang masama si Jane," dagdag ni Troy .
"Well whoever is not in favor of my decision is free to go. Magsama-sama kayo! Tingnan natin kung saan kayo pupulutin!" Wala nang nagkomento sa narinig. Siyang pagdating ni Lemuel. Napatingin ang binata sa kanya at akmang lalapitan siya. Pero nang makita si Wynona'y kaagad nitong niyakap ang bagong kasintahan. Lalo niyang nakuyom ang kamao.
"What happened, pumpkin?" buong pag-aalalang tanong nito muntik na niyang ikasuka.
"That girl is making trouble. I don't want her here ever again."
Hinarap siya ni Lemuel. "Jane... please, just leave."
Hindi niya napigilan ang pag-igkas ng palad. Sinadya niyang kumapit ang kuko niya sa balat nito kaya napahiyaw ito sa sakit.
"Ang kapal ng mukha mo! Ang kapal-kapal ng mukha mo!" sigaw niya. Hindi niya napigilan ang paghulagpos ng kinikimkim na galit. "You both deserve each other. Pareho kayong mga gahaman at walang kwenta!"
Kita niyang nanlaki ang mata ni Wynona at akmang susugurin siya pero pinigilan ito ng mga kasama niya. "You're gonna pay for this b***h!" sigaw ni Wynona. Gusto niyang kalbuhin ito pero pinigilan siya ni Maricar.
"You really have the guts to call me b***h when all along you have been sneaking at my back to get my boyfriend!"
"Jane, let's go home," ani Maricar sabay hila sa kanya dahil tuluyang nagwala si Wynona.
"How dare you! Get the hell out of here! All of you!" anito na awat-awat ni Lemuel.
Nakagat niya ang pang-ibabang labi. Wala siyang pakialam kung dumugo man iyon. Hindi siya iiyak. Tapos na siyang masaktan, naiiyak na niya lahat. Kailangan niyang maging matapang para hindi siya maapakan ng mga ito. Nahilamos niya ang mukha. Hindi siya papayag na tuluyang mawalan ng trabaho.
Pinisil ni Maricar ang kamay niya. "Everything will be well." paulit-ulit na sabi nito. Napabuga siya ng hininga. Pumara ito ng traysikel at sinabayan siyang makauwi.
KABABABA lang niya ng sinsakyang traysikel nang makitang may nakaparadang dalawang magagarang sasakyan sa harapan ng bahay nila. Kumunot ang noo niya. Alam niya kung sino ang nagmamay-ari ng mga sasakyang iyon dahil walang ibang may BMW at Land Rover sa lugar nila. Nagtatakang pumanhik siya ng bahay para lamang matigilan. Ano'ng ginagawa ng mga Mondragon sa bahay nila? May kinalaman kaya ito sa nangyari kanina? Ganoon ba kabilis ang balita at nalaman na ng mga ito ang nangyaring gulo kanina? Bigla'y gusto niyang mapaatras.
"Nandito na pala ang aking unica hija," anang Mama niya na plantsado ang ngiti. Nagtatakang tiningnan ang ina. Sinulyapan siya nito ng makahulugan kaya pinilit niyang magmukhang pormal.
"H-Hello po. Good evening," aniya sabay pilit na ngiti. Handa siyang ipaliwanag ang side niya sa nangyari. Pero nagulat siya nang tumayo and mag-asawa at binigyan siya ng mahigpit na yakap. Nanlalaki ang matang tiningnan niya ang Mama niya pero hindi nagbabago ang ekspresyon ng mukha nito. Plastado pa rin ang ngiti nito.
"We are so glad for your decision, hija." ani Mr. Mondragon.
"We can't wait for you to be a part of our family." anaman ni Mrs. Mondragon na tila naiiyak. "My son will surely love you."
"P-Part of your f-family?" nagugulumihang tanong niya.
Nakangiting tumango ang ginang. "Yes, hija. Our Hercules just arrived from London yesterday. He was so eager to meet you, kaya narito kami ngayon." Hinaplos nito ang buhok niya. "Our son will be very lucky to have you, hija. You knew I like you so much to be my daughter. We'll talk about wedding preparations next time we're here. For now, get to know each other muna."
Tiningnan niya ng masama ang Mama niya. Wedding preparations? Pakiramdam niya'y mabibiyak ang ulo niya. She needs an explanation! Naglapat ng mariin ang ngipin niya. Ano ba ang iniisip ng ina niya at ipinagkasundo siya sa mukhang halimaw na iyon? Ni hindi niya kayang harapin ito na hindi nananayo ang balahibo niya. Kahit pa malaki ang utang na loob nila sa mga Mondragon, hinding-hindi siya papayag na magpakasal kay Hercules!
May tumikhim sa likuran niya't napalingon siya. At mula sa kaba, binalot ng takot at kilabot ang dibdib. Napatingala siya dahil sa tangkad nito. Nang masilayan niya ang mukha nito'y napangiwi siya at gustong mapapikit ulit. Baka bangungutin siya mamaya sa pagtulog niya. God forgive her but she finds him exceptionally ugly. He looked uglier than the last time she saw him.
"Hello," tanging sabi nito't walang kangiti-ngiting inilahad ang kamay habang nakatitig sa kanya na para bang tagos hanggang kaluluwa. Umangat ang kilay niya. His presence commands authority but she could care less about it. Napilitan siyang tanggapin ang kamay nito. May gana pa itong magsungit? Kung siya ang may ganyang mukha, gagawin niya lahat para lang magmukhang kanais-nais.
"Bakit hindi muna kayo mag-usap, hijo? Maganda sa may veranda," sabat ng Mama niya. Umasim ang mukha niya at wala siyang pakialam kung makita man iyon ng kaharap dahil talagang hindi siya natutuwa sa mga nangyayari. Pagkatapos ng nangyari kanina, hindi niya kailangan ng ganito! What is her mother thinking? Alam niyang nag-aalala ito sa kanya dahil sa break-up nila ni Lemuel pero hindi ito ang kailangan niya! Gusto niyang pumadyak sa inis pero nagtimpi siya para hindi mapahiya ang ina.
"Yeah, do that," nakangiting sang-ayon ni Mrs. Mondragon.
Wala siyang nagawa kundi magpatianod sa pangyayari. She could show her annoyance to Hercules but not to his parents. Lalong-lalo na kay Mrs. Mondragon dahil simula pa noong bata siya'y sadyang mabait at magiliw ito sa kanya. Nagpatiuna na siya sa veranda at siniguradong sarado ang pinto para hindi sila marinig ng mga ito.
Napahalukipkip siya nang hinarap ito. "What is this?" aniyang pigil ang pagtaas ng boses.
Matiim siyang tiningnan nito na tila ba pinag-aaralan ang buong pagkatao niya. "You look mad," balewalang komento nito .
"Oh, should I be happy?" sarkastikong sagot niya. "Save your time, Mr. Mondragon. Hindi ako magpapakasal sa'yo."
"Call me Hercules. Let's talk about this somewhere else," anitong ibinaba ang tinig. "They're looking at us."
Sa sulok ng mga mata'y nakita niyang pasulyap-sulyap ang mga magulang nito sa kanila. Pasimpleng itinago niya ang mukha sa buhok.
"Now, do I need to pretend that I like you?" aniyang hindi itinago ang iritasyon sa tinig.
"Just civil. For my mom. Please. She really likes you." Subalit hindi tunog pakiusap ang naririnig niyang tono nito.
"I'm being civil!" asik niya.
"No, you're being hostile."
"Dahil hindi ako natutuwa," aniya sa pagitan ng mga ngipin. Tiningnan niya ito ng masama na sinalubong naman ng titig nito. Umiwas siya ng tingin dahil talagang naaalibadbaran siya sa pagmumukha nito.
"I understand how you're feeling, but there's no need to be mad. Hindi kita pipilitin kung ayaw mo."
Nagdududang tiningnan niya ito. Hindi natuloy ang pagsabog ng galit niya. Iyon lang ang gusto niyang marinig. Humupa ang galit niya pero hindi maalis-alis ang inis niya. "Then why did you bring your parents here?"
"I did not. They brought me here," paglilinaw nito.
Napabuga siya ng hininga. Ang Mama niya ang may pakana ng lahat. Hindi niya alam na magiging ganito ito kaseryoso makalimutan lang niya si Lemuel. She appreciates her effort. But this is just too much!
"Can we talk about this somewhere, some time?" tanong ng binata.
Nalukot ang mukha niya. Hindi pa ba sapat ang pagtanggi niya? "It's not about the place nor the time, Mr. Mondragon. My answer will still be no." Masyado ng malaki ang atraso ng pamilya n'yo sa'kin, gusto niyang idagdag. "I'd be happy if you leave."
Tumango ito. "I will talk to you tomorrow."
Hindi siya sumagot. Hindi siya makapaniwalang hindi nito maintindihang ayaw niya rito. Ayaw niya. Period. Nang muli niyang tingnan ito'y nabanaagan niya ang lungkot sa mga mata nito. No. Never. Hindi magbabago ang desisyon niya kahit pa magmukha itong kaawa-awa. She isn't risking her lifetime happiness. Not with this man. Never!