"Dad, what are we going to do?" ang umiiyak pa rin at nanlulumong si Alpha.
Nandoon pa rin sila at nakatingin lang sa mala tore na nakapalibot sa Sta. Rama.
Maya-maya ay may mga helicopter silang nakita sa himpapawid.
Nakita nila nang pababa ito sa loob ng Sta. Rama. Hindi nila alam kung bumaba nga ang helicopter sa loob ng Sta. Rama dahil hindi na nila ito makita gawa ng mataas na pader na nakapalibot sa Sta. Rama.
Samantala, napalingon naman sa itaas ang mga tao sa Sta. Rama nang marinig ang ingay ng mga helicopter.
May nagsalita mula sa helicopter gamit ang isang mikropono, sapat ang lakas ng boses ng nagsalita para marinig ito ng mga tao.
"Tutulungan namin kayo! Narito kami para ialis kayo dito! Kailangan lang namin ang kooperasyon ninyo, hindi namin kayo maisasakay dito lahat! Ang pakiusap namin, magbigayan kayo!" sigaw ng lalaki sa helicopter.
Bigla namang lumapit si Kennedy sa sundalong nakabangga niya.
"Tell me soldier, what are they planning to do?" ang seryoso nitong tanong sa sundalo.
"Helping them out," walang emosyon nitong sagot kay Kennedy.
Natigilan naman ang matanda. Ibig sabihin, hindi naman pala totoong pinabayaan ang mga taga Sta. Rama.
"The presidents, it is also their duty to protect the people. They planned carefully and decided what is right. Hindi nila ipinain o pinabayaan ang mga taga Sta. Rama, kinailangan lang nilang 'wag hayaang makalayo ang mga infected earthworms para wala ng ibang bayan at mga tao ang magbuwis pa ng buhay. And now that their plan is going well, kukunin na nila ang mga taga Sta. Rama. After that, saka pa sila gagawa ng hakbang kung paano mawawala ang mga infected earthworms. Kailangan lang nila itong maikulong upang hindi na makapinsala pa ng iba," biglang paliwanag ng sundalo.
Siya namang lapit ni Alpha.
"Pero paano kayo nakasisiguradong makakaligtas ang lahat? Aminin man ninyo o hindi, ipinain pa rin sila. At ang matitirang makakaligtas, sila lang ang matutulungan! Paano ang iba? Gaya ng anak ko? Paano siya maililigtas kung kasalukuyan niya pang hinahanap ang ama niya!" lumuluhang kinuwestiyon ni Alpha ang sundalo.
"They will make sure to help the people who survived, so your son will be saved if he survived. Wala naman ho tayong magagawa kung may mga nawala na. Ang tanging magagawa na lang natin ay umasa na maililigtas silang lahat. Ang importante, ginagawa ng mga presidente ang-"
"How did you know the presidents' plan?" putol ni Kennedy.
"Kinausap nila kami. Sa tingin niyo ba papayag kami na gawin ito kung alam naming hindi na maaaring maisalba ang mga pamilya namin? They convinced us," sagot nito.
"Sana nga ay tama ang naging desisyon ninyo..." ang mahinang usal ni Alpha.
"You won't understand them, or us. They're just doing what is right. Hindi nila pwedeng isugal ang sangkatauhan para sa mga taga Sta. Rama. Sa tingin niyo ba, kung inuna nila ang kapakanan ng mga taga Sta. Rama ay matatapos na ang lahat? Hindi ba't maaari pang mas lumala ang sitwasyon dahil maaaring magsunuran ang mga infected earthworms? Mas malalagay sa alanganin ang lahat," muling paliwanag nito.
Sa puntong iyon ay hindi na nga umimik pa sina Alpha.
Samantala, si Harvey ay tuluyang nakalayo sa malaking earthworm na pasalakay sana sa kanya kanina.
Nagtataka pa rin siya, pangalawang pagkakataon na kasi siyang hindi ginagalaw ng earthworm.
Naguguluhan man ay ipinagpasalamat na rin ni Harvey ang nangyari. Nagpatuloy siya sa paghahanap sa ama.
Gumawa ito ng paraan para makababa sa bangin kung saan nahulog ang daddy niya ayon sa sinabi ng mommy niya.
Naglakad siya paikot sa bangin na iyon nang nasa baba na siya. Nakita niya kanina ang isang tsinelas ng ama at sa di-kalayuan pa ay napulot niya rin ang relo ng ama. Marahil ay nahulog ito ng daddy niya. Dali-dali niyang tinumbok ang daan kung saan malakas ang hinala niyang dinaanan ng ama.
At nang makarating sa ilalim ng tulay, hindi nito magawang makaakyat dahil may mga kakapalang earthworms na naroon. Nagkataon pang may nakita siyang lalaki na naksalampak at tila hirap ng makatayo. May mga pamumula sa braso ng lalaki.
"Halina po kayo, bilis," tinulungan niya itong makatayo at tinuloy na lang nila ang paglalakad paikot. Nasa isipan na ni Harvey na ganoon din ang ginawa marahil ng daddy niya dahil hindi makaakyat mula sa ilalim ng tulay gawa ng mga earthworm na naroon.
Hanggang madaanan na nila ang k'weba. At sa hindi malamang dahilan, parang may p'wersang nagtulak sa kanya para sumilip sa loob. Nasindak pa siya nang may makitang mga earthworm doon, at nakita rin niya ang malaking earthworm na natatandaan niyang itinapon niya na patay na!
Kita niyang biyak ang bandang tiyan nito. At doon, nahulaan na ni Harvey kung saan nanggaling ang mga infected earthworms. Amoy pa niya ang mabahong amoy na marahil ay mula sa namatay na malaking earthworm na matagal na doon.
"Harvey..." mahina ang boses nguni't kilalang kilala ni Harvey ang boses na tumawag sa kanya.
At dahil maliwanag pa noon, aninag niya na agad ang daddy niya. Tatakbuhin niya sana ito nang magulat siya dahil sa pagbunggo ng lalaki sa likod niya.
"Ha! Huwag kang lalapit!" ang nahihintakutang lalaki.
Nang lingunin ito ni Harvey ay isang malaking earthworm pala ang pilit nilalayuan ng lalaki.
Tila nagwawala ang malaking earthworm. Nagtaka pa si Harvey kung bakit parang mas nagiging wild ang mga earthworm hindi tulad noon aksidente lang kung may nagagapangan silang mga tao. Ngayon ay tila tumutugis na ng sadya ang mga ito.
"Harvey, anak," rinig niyang sabi ng daddy niya.
Hindi naman ganoon kalayo ang kinaroroonan ng daddy niya. Maliit lang ang k'weba. Nasa bungad siya ng k'weba kasama ang lalaki at ang daddy niya ay nasa dulo naman ng k'weba sa loob. Duda niya ay mga sampung metro lang ang layo nila sa isa't-isa ng daddy niya.
"Daddy! Huwag na po kayong kumilos, baka mapaano kayo," pigil ni Harvey sa ama nang makitang nagtangka itong lumapit.
Lalo pa siyang naalarma nang makitang maggalawan ang mga earthworm na maliliit na parang nais harangin ang daddy niya.
"Ahhhh!!!"
Napalingon siya sa lalaki nang marinig ang sigaw nito. Sinalakay na pala ito ng malaking earthworm.
Napaatras siya nang parang lumingon naman sa kanya ngayon ang earthworm. Pero muli, pinabayaan siya nito.
Kitang-kita niya nang daganan ng malaking earthworm ang lalaki. Pati maliliit na earthworm na naroon ay naglapitan rin dito.
Sinamantala iyon ng daddy niya, nakalapit na pala ito sa kanya at mabilis na siyang hinila palabas kahit hinang-hina na ang ama.
Agad siyang tinulungang maisampa ng ama sa tuktok o nakalabas na ulo ng k'weba. Sa ginawa nito, nakuha na ni Harvey ang nais mangyari ng ama.
Nang makaakyat ang ama ay muli siya nitong binuhat at pinilit ni Harvey na makaakyat sa itaas ng bangin na iyon. Pagkatapos ay inabot niya ang kamay ng ama para matulungan itong makasampa.
At dali-dali silang lumayo doon. Nilagpasan nila ang bahay nila hanggang makarating sa kalsada.
Hinang-hina ang ama niya. Wala siyang ano mang nakita na pamumula o sugat-sugat na dala ng earthworm kaya naisip niyang ang panghihina ng ama ay dala ng matagal nitong pagkakalagi sa k'weba at doon ay siguradong hindi ito nakakakain kaya nanghina ng ganito.
"Daddy, mabuti po at hindi kayo ginalaw ng mga infected earthworms. Kahit ako daddy, hindi rin nila ako ginagalaw," sabi ni Harvey habang tinutulungang makalakad nang ayos ang ama.
"Oo. At kanina,nalaman ko ang dahilan kung bakit," sagot ni Gerardo.
"Ano pong dahilan dad?" agad na tanong ni Harvey.
***