2 Chapter 2: Harvey's Birthday

1371 Words
"Happy birthday to you, happy birthday to you, happy birthday, happy birthday, happy birthday Harvey." Napamulat ng mata si Harvey nang marinig ang kantang iyon. Namulatan nito ang mommy at lolo niya na siyang may dala-dala ng cake. Kinantahan siya ng mga ito at parang gustong mainis ni Harvey na nagising pa siya. "Happy birthday!" pagmulat niya ay magkapanabay namang bati ng dalawa. Pero imbes na matuwa ay padabog pang tumalikod si Harvey at itinabon ang unan niya sa kanyang ulo. Nagkatinginan naman sina Alpha at Kennedy. Umupo si Alpha sa gilid ng kama ni Harvey at ipinatong nito ang kaliwang kamay kay Harvey. Alam nilang nabanggit na ni Harvey na ayaw nitong gunitain o i-celebrate ang birthday nito. "Anak, alam mo, kung nandito ang daddy mo, hindi niya gugustuhing makita kang ganyan...sigurado ako na kung nakikita ka niya ngayon kung nasaan man siya, tiyak nalulungkot siya na nagkakaganyan ka," masuyong sabi ni Alpha habang humahaplos ang kamay nito sa nakatalikod na si Harvey. Sumenyas naman si Kennedy na lumabas na sila nang wala silang narinig na kahit ano kay Harvey. Ibinababa ni Kennnedy ang cake sa mini-drawer na nasa bandang ulunan ng kama ni Harvey. Pinahid naman ni Alpha ang luha nito bago tumayo. "We love you, Harvey..." sabi naman ni Kennedy bago tuluyang sumunod kay Alpha sa paglabas. Nang marinig ni Harvey na sumara ng muli ang pintuan ng silid niya ay lumuwag ang pagkakahawak nito sa unan na itinabon nito sa ulo niya. Pagkatapos ay malayang kumawala ang mga luha nito. 'Bakit ba lagi nilang sinasabi na 'we love you'? Eh alam ko namang hindi kasama sa 'we' ang mga kapatid ko... Hindi naiwasan ni Harvey na maalala ang nangyari noong pagdating nila rito sa Germany. Flashback "I-it's your fault kuya Harvey! Kaya namatay si Daddy dahil sa'yo!" umiiyak at may galit na sigaw ni Kisses kay Harvey. "Kisses!" nagulat naman si Alpha sa inakto ng bata. Lalapitan niya dapat ito pero nagtatakbo na papasok sa silid nito ang bata. Maririnig naman ang iyak ng kambal. Hindi tuloy malaman ni Alpha kung sino ba ang unang lalapitan. Kung ang kambal ba na umiiyak o si Harvey na tila napako na sa kinatatayuan dahil sa sinabi ni Kisses. Nang makita ni Alpha na nilapitan ni Kennedy si Harvey ay nilapitan na rin ni Alpha ang mga kambal. Nang mga sumunod na araw ay hindi na nagtangka pa si Kisses na kausapin si Harvey. Maging ang kambal ay tila naging mailap na rin sa kanya... Bumangon si Harvey pagkatapos maalala ang nakaraan. Nakita nito ang cake na iniwan sa silid niya. Sa mga ganoong pangyayari, hindi maiwasan ni Harvey na tila nakikita nito ang imahe ng ama. Kinagabihan... Hindi pa rin lumalabas ng silid si Harvey kaya naman muli itong pinasok ni Kennedy. Dinalhan niya na rin ito ng makakain. Napangiti si Lolo Kennedy nang makitang halos nangalahati na pala ang cake na iniwan nila kanina. Nakita nito si Harvey na nakatayo sa bintana ng silid nito at nakadungaw sa labas. "Sa tingin mo lolo, kung hindi nangyari lahat ng iyon, may chance kayang makilala pa rin kita?" tanong bigla ni Harvey habang nakatanaw sa labas mula sa bintana nito. Nagulat naman si Kennedy sa tanong ng apo. Maya-maya ay inilapag nito ang dala-dalang pagkain bago nagsalita. "Honestly, I'm not really sure...your dad wished to live with me when he got married. I refused, even if your late grandma want to. Until the day you came out of this world, your grandma went to Philippines to see you without me because I dont want to. It's because...I hate my son that time...he's our only child. And I want him to become scientist just like me but he wants to become a bussinessman instead. Then the day came when my wife passed away. She asked me to grant Gerardo's wish...to live with me. I just nod...but I don't have any plan to fulfill it. Then Kisses and the twins came out into this world. But I did not give Gerardo any chance to be with me...I want him to become scientist, I told him to change his profession then I'll grant his wish...his only wish to live with me...I-I was a selfish father to him...I've been rude to him...if only I gave him a chance...if I did, maybe I was able to discover that my first grandson is the one who had the dream to become a scientist..." napahagulgol na lang bigla si Kennedy at tahimik lang itong pinakikinggan ni Harvey. "Now I feel like I was the one who ruined your dreams, Harvey..." dagdag pa nito. Hindi pa rin umiimik si Harvey. Marahil ay iniisip ng lolo niya na kung pinagbigyan lang nito ang kahilingan ng daddy niya ay malaki siguro ang tyansang hindi nangyari ang trahedyang iyon. At marahil ay sinisisi naman ngayon ng lolo niya ang sarili nito sa biglang pagkawala ng interes niya na maging scientist. Pero sino nga ba ang may kasalanan ng lahat? Siya na ineksperimento ang isang earthworm? Ang mommy niya na kasama niya naman lagi sa bahay nila noon pero ni minsan hindi nagawang samahan siya sa mga ginagawa niya? Ang daddy niya na kinukunsinti o pinagbibigyan siya sa lahat ng ginagawa niya? O ang lolo niya nga ba na hindi nagawang pagbigyan o pakinggan ang kanyang nag-iisang anak? Ahh.... bakit niya ba iniisip ang mga iyon? Kahit ano pang mga nangyari noon, malinaw namang siya ang may kasalanan ng lahat. "Dad!" Napukaw ang atensiyon ni Harvey ng marinig ang tila histerikal na sigaw ng mommy niya. Sabay halos na napalabas sina Harvey at Kennedy. Naabutan nila sa sala si Alpha at ang mga kapatid ni Harvey. "Mom, ano pong nangyari sa inyo?" Nagtatakang tanong ni Harvey dahil wala namang kakaiba nang dumating sila kundi nakatutok lang naman ang mga ito sa telebisyon. "This can't be..." boses ni Kennedy na nakatingin din sa telebisyon. Napatingin na lang din si Harvey sa pinapanood ng mga ito. News break ang nakita ni Harvey, at nang mabasa nito ang headline sa ibaba ng telebisyon ay hindi na rin ito halos makapagsalita pa. A huge earthworm spotted at the middle of a mountain in Philippines. At mula doon ay isang kuha ng video ang pinapakita sa balita. Ang video ay tila nakalagay sa isang de remote na laruang eroplano na pinalilipad at maaring nagawi sa taas ng isang bundok ang laruang eroplano. Kitang-kita doon na may isang malaking cage sa loob ng bundok na iyon, at ang cage ay naglalaman ng isang mahaba at matabang earthworm. Ayon pa sa ipinakitang interview mula sa binatilyong may ari ng de remote na eroplano, nakaugalian na raw nilang laruin ng mga kapatid nito ang eroplanong iyon pero kanina nga lang daw ay naisipan nilang kabitan ng video recorder ang eroplanong de remote para lang daw maging kakaiba at makita rin nila ang kabuuan ng bundok na iyon dahil wala naman daw kahit sinong nagagawi doon at tanging sila lang naman daw ang nakatira sa paanan ng bundok na iyon. "After three years, another earthworm appears and it really frightens the...." -news anchor "W-who did that?" tila naguguluhang sambit ni Harvey na hindi na inintinding pakinggan ang buong balita. "Dad, ibig bang sabihin, three years ago, may kumuha ng isang earthworm noon na nakamamatay at...at inalagaan niya kaya ito?" nahihintakutan namang baling ni Alpha kay Kennedy. "Another earthworm huh? Well, magaling pala talaga si kuya, nakapag-iwan pa pala siya ng lahi nila," sabi naman ni Kisses sa sarkastikong tinig na tila hindi man lang nasindak sa balita. "Kisses! Stop it, will you?!" galit na nasigawan ni Alpha ang anak. "Go to your room, NOW!" makapangyarihan pa nitong utos sa anak. Sumunod naman si Kisses na tinapunan pa ng masamang tingin si Harvey. Nagsunuran din ang mga kambal sa ate nila. Tinitigan naman ni Alpha si Harvey na waring inihihingi ng paumanhin ang inasal ni Kisses. Pero si Harvey, hindi na pala nito inintindi ang inasta ni Kisses ng mga oras na iyon dahil okupado ang isip niya kung sino ang taong maaaring umaruga sa malaking earthworm na iyon...at tila binibiro pa talaga siya ng tadhana na sa mismong araw ng kaarawan niya ay ganitong balita ang pagtatapusan ng kaarawang iyon... ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD