Three years later...
"Harvey," mahihinang katok sa pintuan ng silid ni Harvey ang nagpalingon sa kanya.
Alas siyete na ng umaga. Kanina pa siya gising pero hindi pa rin ito bumabangon.
"Harvey?" muling tawag ng kumakatok.
Alam na ni Harvey na ang mommy niya iyon. Boses pa lang kilala niya na.
At isa pa, ang mommy niya lang naman o 'di kaya'y ang Lolo Kennedy niya ang madalas kumatok o tumawag sa kanya kapag hindi pa siya lumalabas ng silid nito.
Maya-maya ay hindi na ata nakatiis ang mommy ni Harvey, binuksan na nito ang pintuan. Nakita ni Harvey na may hawak na kumpol ng mga susi ang mommy niya. At tama nga ang hinala niya, kinuha ng mommy niya ang duplicate key ng k'warto niya para mabuksan ito.
Marahang buntung-hininga ang narinig ni Harvey mula sa ina habang nakatingin ito sa kanya.
"I'll just take a shower mom," sabi agad ni Harvey na hindi na hinintay pang magsalita ang ina.
Bumangon ito at kinuha ang salamin nitong nakapatong sa mini-drawer nitong nasa ulunan ng kama niya.
"Harvey..." tila may gustong sabihin ang mommy niya pero nagsalita na agad si Harvey.
"I'm okay mom. Don't worry about me. Just give me an hour, lalabas na po ako after," sabi nito at saka kinuha na ang t'walya sa kinasasabitan nito at tinungo na ang pintuan ng sarili nitong banyo sa loob ng silid niya mismo.
Pero hindi pa rin tumitinag si Alpha kaya naman nilingon itong muli ni Harvey at saka nginitian at bahagya pang tumaas ang isang kilay nito.
"Mom," natatawa nitong sabi.
Napatawa na lang din si Alpha sa inakto ng anak. Nilapitan niya ito at bahagyang ginulo ang buhok nito.
"Okay. Bilisan mo lang. Baka mainip nanaman ang teacher mo," anito habang ginugulo ang buhok ni Harvey.
"Okay mom," sagot lang ni Harvey.
Humakbang na si Alpha para lumabas. Pero bago nito tuluyang ipinid ang pinto nang nasa labas na ito, nagsalita pa itong muli.
"Always remember Harvey, we love you," huling turan ni Alpha sa anak at saka na nito muling isinara ang pinto.
Bahagya namang natigilan si Harvey. Napabuntung-hininga ito nang malalim na tila ba pinapalaya ang sakit ng kalooban na nararamdaman.
Pumasok na ito sa banyo at nagsimula ng magtanggal ng kasuotan. Itinapat nito ang katawan sa dutsa. Habang naliligo ay tila ba may umagos na luha sa mga mata nito. Inayos nito ang salamin sa mata. Suot pa rin nito ang salamin kahit naliligo dahil malabo na talaga ang mga mata niya. Kapag matutulog lang siya niya ito hindi suot.
Kahit na iniaagos din ng tubig ang luha nito ay napapahid pa rin siya sa kanyang mata.
"....we love you,"
Napailing siya nang maalala ang sinabing iyon ng mommy niya.
Yes, maybe mom and grandpa loves me. But my sisters, I don't think so.
Matapos maligo ay lumabas na nga ito.
"Harvey, kumain ka na muna bago kayo mag-umpisa ni Teacher Chloe," tawag ni Alpha sa anak mula sa kusina.
Nang mapalingon naman si Harvey sa kusina nila ay nakita nito ang mga kapatid na kumakain na rin.
"No thanks mom! Mamaya na lang po ako pagkatapos namin ni Teacher Chloe," sagot ni Harvey nang mapansing magtinginan ang tatlo niyang kapatid.
Dumeretso naman sa balkonahe sa labas si Harvey at inabutan niya roon si Teacher Chloe na nagkakape at may tinapay din sa harapan nito.
"Goodmorning Mr. Carters, shall we begin?" nakangiting turan ng babaeng mas bata lang ng kaunti sa mommy nito.
Ngumiti si Harvey bilang sagot at saka nito hinila ang upuang bakal na may pinturang puti na kaharapan ni Teacher Chloe.
Maya-maya ay nag-umpisa na sila.
Si Teacher Chloe ay personal tutor ni Harvey. Ito ang nagtuturo sa kanya buong taon mula pa ng mga nakaraang taon. Hindi na kasi ginusto ni Harvey na pumasok pa sa kahit saang eskwelahan sa bago nilang tahanan sa Germany. Ang dahilan, hindi pa rin kasi nakaligtas o nakawala si Harvey sa mga mapanuring mata ng mga tao kahit nasa Germany na sila. Hindi pa rin kasi nakakalimutan ng mga tao ang katotohanang si Harvey ang dahilan ng pagkamatay ng daan-daan o marahil ay libong katao tatlong taon na ang nakararaan. At ang higit pa, kalat din ang katotohanang siya raw ang dahilan kung bakit namatay ang daddy nito. Saan mang lupalop ng bansa, mainit pa rin sa mata ng ilang mga tao si Harvey. Mapa bata man o matanda. Tila nagpasalin-salin pa ang k'wento tungkol sa nangyari noon. Akala mo ay isa itong alamat na pinakakalat at binabalik-balikan ng mga tao. Ang katotohanang si Harvey ay nakalikha noon ng mga nakamamatay na earthworm, ay tila hindi na kailanman makakalimutan ng mga tao. At dahil doon, kaya hindi makapamuhay nang normal si Harvey. Kahit saang eskwelahan siya ipasok noon ay walang makaibigan si Harvey at madalas pa siyang awayin ng mga kaklase. Ang mga magulang ng bawat bata ay pinagbawalang makipagkaibigan kay Harvey dahil baka mapahamak lang daw ang mga anak nila rito. Dahil doon kaya nagpasya sina Alpha at Kennedy na sa bahay na lang mag-aral si Harvey. Nasa highschool na dapat ngayon si Harvey. Mabuti na lang at nahanap nila si Teacher Chloe na pumayag maging personal na guro nito. Kahit paano naman ay may mga tao pa ring kinalimutan na ang trahedyang nangyari noon. At isa na roon si Teacher Chloe.
"Harvey, you're not listening again," untag ni Teacher Chloe nang mapansing hindi nakikinig si Harvey at nakatingin lang sa malayo.
Nilingon ito ni Harvey at yumuko bago nagsalita.
"Teacher Chloe, I.....I don't want to learn or talk about science..." sambit ni Harvey na hindi na yata ikinagulat pa ng guro. Nagkataon kasing science ang subject na itinuturo ngayon sa kanya ni Teacher Chloe.
Napalingon naman si Teacher Chloe kina Alpha at Kennedy na nakasilip pala sa kanila sa balkonahe.
Maya-maya ay lumapit si Kennedy. Tinanguhan nito si Teacher Chloe na tila ba sinasabing hayaan na lang kung ano ang gustong mangyari ni Harvey.
Nang tuluyang makalapit kay Harvey...
"Do you want to rest, Harvey? Besides, tomorrow is your thirteenth birthday. I want you to relax so you can enjoy tomorrow," sabi ni Kennedy dito na ikinaangat ng ulo ni Harvey.
Tumango ito at umiling.
"Yes...I want to rest...but I dont want to celebrate my birthday tomorrow," sagot ni Harvey bago tumayo at bumaling kay Teacher Chloe.
"Excuse me teacher, sorry for not listening again...I think you should go home now," sabi dito ni Harvey at umalis na.
Nilagpasan nito ang mommy niyang nakasilip sa kanila sa balkonahe. Saktong pagbungad niya sa sala mula sa balkonahe, nakita niya naman ang tatlong kapatid na sina Kisses at ang kambal na sina Yhella at Yhanna. Naka uniporme ang mga ito at nakahanda na para umalis.
"Let's go yaya," matigas na sabi ni Kisses na hindi iniaalis ang tingin kay Harvey.
Si Harvey ang nag-iwas ng tingin at dumeretso na ito sa silid niya.
Pagkarating doon ay inihiga ni Harvey ang katawan sa kama at saka mariing pumikit.
Sa loob ng tatlong taon, ganoon lang siya palagi. Kahit kay Teacher Chloe, bihira talaga siyang makinig. At ang dating paborito niyang science, ngayon ay kinamumuhian niya na.
Bakit nga ba hindi? Dahil sa sobrang pagka-interesado niya noon sa science, kaya siya nakagawa ng isang nakamamatay na earthworm. Maraming tao ang namatay dahil sa kanya. Pati ang daddy niya namatay dahil sa kanya. Hindi niya masisisi ang mga kapatid lalo na si Kisses kung magalit ang mga ito sa kanya. Kung tutuusin, eleven years old pa lamang si Kisses pero may itinanim na itong galit sa kanya. Ang kambal naman ay siyam na taong gulang pa lamang, pero pakiramdam niya ay may galit din ang mga ito sa kanya. Siya kasi ang sinisisi ng mga ito kung bakit nawalan sila ng ama. Tanging ang mommy niya at lolo na lang niya ata ang tanging kakampi niya sa mundong ito...wala ng iba...ang dating magulo at masayang pamilya nila noon ngayon ay nagbago na...at dahil pa rin iyon sa kanya...
Napadilat si Harvey at nanatiling nakatitig sa kisame at napaluha nang tila mabuo ang imahe ng kanyang ama sa kisame. Tila malungkot din ang nakikita niya sa ama.
'Dad...I'm sorry...Please, isama mo na rin ako kung nasaan ka dad...this world is not for me anymore...'