"Tuluyan na po ngayong binobomba o winawasak ang buong Sta. Rama. Inaasahan na kasama na ang mga kakaibang earthworm na mawawala kasabay ng Sta. Rama."
Isang babaeng reporter ang nagsasalita habang nakasakay sa chopper at sa camera ay ipinakita ang tuluyang pagkatupok ng bayan ng Sta. Rama. Kita rito na ang mga pader na ang unti-unting nagigiba dala ng pagsabog.
"Daddy..." usal ni Harvey habang pinapanood sa telebisyon ang nangyayari.
"...mommy...lolo.." at napaiyak na ang bata.
Naaawa namang nakatingin lang ang doktora kay Harvey.
Maya-maya ay nilapitan ito ng anak ng doktora.
Hinawakan nito sa balikat si Harvey at nilingon naman siya nito.
"Huwag ka ng umiyak. Babalikan ka rin ng daddy, mommy at lolo mo," nakangiti nitong sabi kay Harvey.
Isang pilit na ngiti ang itinugon ni Harvey. Sa isip nito ay umaasa rin siyang hindi napahamak ang mga magulang at lolo niya.
"
Ibaba mo!" sigaw ni Alpha kay Sandoval nang mahulog si Gerardo.
"Pero hindi na tayo p'wedeng bumaba pa! Wala na tayong malalapagan! Pag ibinaba ko ito, siguradong kasama tayo sa sasabog!" hiyaw ni Sandoval bilang sagot kay Alpha.
"No! Bababa ako!" pagwawala ni Alpha at akmang tatalon ito nguni't pinigilan siya ng umiiyak ng si Kennedy.
"Dad! Bitiwan niyo ako please...kailangan kong balikan si Gerardo!" pagpupumiglas ni Alpha.
Walang namutawi sa labi ni Kennedy nguni't patuloy ang pag-agos ng luha sa mga mata nito habang nakatingin din sa kabuuan ng Sta. Rama na unti-unting tinutupok ng apoy.
"Gerardooo!!" sa pagkakataong iyon ay mas malakas ang naging pagsigaw ni Alpha.
Si Sandoval naman ay nadala rin ng emosyon at may tumulo ring luha sa mga mata nito.
Ang lalaki namang dahilan ng pagkakahulog ni Gerardo ay tahimik lang ng mga sandaling iyon at nakamasid lang sa pumapalahaw na si Alpha.
"Mrs. Carters, ano hong masasabi ninyo sa nangyari sa asawa ninyo?" salubong ng reporter kina Alpha nang makalapag sila.
Sadyang mabilis ang balita dahil nasa ere pa lamang sina Alpha ay may isa pa lang chopper na naglalaman ng media ang nakuhanan ang insidenteng nangyari kay Gerardo.
Blangko lang ng mga sandaling iyon ang mukha ni Alpha.
"Pwede ba?! Patahimikin niyo muna sila! Ilayo niyo muna 'yang mga camera niyo!" sigaw ng galit na si Sandoval sa mga ito at pilit hinaharangan ang mga camera na nagfla-flash.
Subali't 'di nagpatinag ang mga reporter na naroon at si Kennedy naman ang pilit nilang nilapitan.
"Dr. Kennedy Carters, may galit po ba kayo sa lalaking dahilan ng pagkakahulog ng anak ninyo? Ano pong masasabi ninyo?"
Pero may mga ilang sundalo at mga pulis ang lumapit at pilit inilayo sina Alpha at Kennedy doon. Pinasakay sila sa isang puti na van at tuluyan silang nakaalis at nakaiwas sa tanong ng media.
Sa loob ng sasakyan habang nasa biyahe, maririnig ang sunod-sunod na sinok ni Alpha at mahinang pag-iyak nito.
Kuyom naman ang kamao ni Kennedy ng mga oras na iyon at tahimik lang sa pag-iyak.
Gumimbal naman kay Harvey ang balitang napapanood nito sa telebisyong nasa pribadong opisina ng doktora.
Sa camera ay pinakita ang pangyayaring naganap kung saan ay hinila ng isang lalaking nakasabit sa labas ng chopper si Gerardo kaya dere-deretsong nahulog si Gerardo mula sa loob ng chopper at saka naman pumasok ang lalaki.
"Diyan ay makikita ninyong mababa pa ang pagitan ng chopper mula sa lupa nguni't hindi na nagawa pang balikan si Gerardo Carters nina Alpha Carters, asawa ng biktima, at Dr. Kennedy Carters, ama ng biktima sa kadahilanang wala na silang mabababaan pa ng chopper at maliit ang tyansang makalipad pa silang muli. Marami ang nagsasabing "karma" o iyon daw ang naging kabayaran sa kaguluhang nilikha ng pamilya Carters. Narito po ang ilang reaksiyon ng mamamayan."
At lumipat ang camera sa isang ginang.
"Dapat lang 'yon sa kanila! Dapat nga ang buong pamilya nila ay hindi na nakaligtas pa! Baka kung anong salot nanaman ang gawin nila!"
Lumipat sa isa pang ginang na umiiyak naman.
"Kulang pa 'yon! Nang dahil sa kanila namatay ang mga anak at mga magulang ko! Sana namatay na rin ang pamilyang 'yon!" sigaw ng ginang sa camera habang umiiyak.
Ang sumunod naman ay isang lalaki na kasalukuyang nilalapatan ng lunas ang mga pamumula sa katawan nito.
"Tama lang ang ginawa ng lalaki! Kung ako iyon, pati ang asawa at ang Dr. Carters na iyon ihuhulog ko rin! Dapat nga ay kasama pa doon ang anak nila!" nagpupuyos naman ang kaloobang sabi ng lalaki.
At bigla namang may sumingit na isa pang lalaki.
"Dapat sa kanila - "
Pinatay na ng doktora ang telebisyon dahil sa mga negatibong opinyon ng mga tao tungkol sa balita. Naaawa niyang tinitigan ang batang si Harvey na tulala at tila 'di makapaniwalang patay na ang ama niya.
Nilapitan ito ng doktora at mahigpit na niyakap.
Doon na tuluyang pumalahaw ng iyak si Harvey. Lumapit din ang anak ng doktora at niyakap din si Harvey mula sa likuran nito habang nakayakap pa rito si doktora.
"Sssshhhh....everything will be ok," pang-aalo ng doktora kay Harvey.
"I-I wish I was the one who died...n-not m-my d-dad," ang umiiyak na daing ni Harvey.
Sakay na ng eroplano sina Kennedy, Alpha at Harvey ng mga oras na iyon.
Sa Germany na sila maninirahan kasama si Kennedy lalo pa at naroon ding naghihintay ang tatlo pang anak nina Gerardo at Alpha na sina Kisses at ang kambal na sina Yhella at Yhanna.
Maya-maya ay biglang humikbi si Harvey. Katabi nito ang mommy niya at sa kabilang bahagi ng upuan ay doon naman nakaupo si Kennedy.
"Harvey...stop crying," ani Alpha at niyakap ang uluhan ng anak.
"I - I'm s-sorry m-mom," ang pahikbing sambit ni Harvey.
"Sssshhhhh...it's not your fault okay," pang-aalo ni Alpha na nagbabadya na rin ang luha sa mga mata.
Kita naman ni Kennedy ang nangyayari sa mag-ina at pumatak din ang luha nito.
Tumanaw siya sa labas mula sa bintana ng eroplano at tila nakikita pa ni Kennedy ang mukha ng anak niya sa mga ulap na nasa labas.
"Son, wherever you are, forgive me...forgive me for not treating you like a child before...I wish I could turn back time and change what happened...I wish I let you join me and your family in Germany...If I did so, maybe it did not happen to your family...I'm sorry son... I regret everything...If only I could..."
Iyon ang mga inusal ni Kennedy sa isipan nito...
Pupunta sila ng Germany dahil mainit na sila sa mga mata ng mga tao sa pinanggalingan nila. Pupunta sila ng Germany para makapag-umpisa ng panibagong buhay. Susubukang kalimutan ang mga nangyari...alam nilang mahirap pero kailangan....kailangan para sa mga bata. Para kina Harvey, Kisses, Yhella at Yhanna.
At sana ay hindi mahirapan si Harvey na kalimutan ang lahat ng nangyari...
* * * * * * * *
End of Part I