Nagtatakbo lang nang takbo sina Kennedy at Alpha para matakasan ang mga earthworm na papunta sana sa kanila.
Muli silang napabalik sa pinaka sentro ng Sta. Rama at basang-basa sila dala ng malakas na pag-ulan.
Kita nilang hindi tuluyang natupok ng apoy ang mga bahay na sinunog nila kanina. At napatingala din sila ng makita ang mga sasakyang pamhimpapawid na siyang nagpasabog sa ilang parte ng Sta. Rama kanina.
"Dad, mamamatay na lang ba tayo dito? Wala na silang pakialam sa ating mga natitira dito. Sana man lang magkita-kita muna kami ng mag-ama ko," ani Alpha at sumasama sa patak ng ulan ang pagluha nito habang sinasabi iyon.
Napayuko na lang din si Kennedy na tila nawalan na rin ng pag-asa.
Samantala, dahil naman sa ulan ay naglabasan lalo ang mga earthworm.
Makikita ngayong marami ng mga iba't ibang haba ng earthworm ang nag aakyatan sa pader na kumulong sa buong Sta. Rama.
At dahil nga rin sa malakas na pag-ulan, nahahaluan lang ang kumukulong tubig na nakapaligid naman sa pader na pumalibot sa Sta. Rama.
Dahil doon ay naalarma ang mga nagbabantay sa labas. Hindi na kasi nila mapapakinabangan ngayon ang kumukulong tubig na sasalo sana sa mga nag-aakyatang earthworm sa pader sa sandaling tuluyang makababa ang mga ito palabas ng Sta. Rama.
Maririnig ang mga putok ng b***l ng mga sundalo roon upang asintahin ang mga earthworm na nagbababaan.
Halos magdikit-dikit na rin ang mga sundalo sa dami nilang umaasinta sa mga earthworm dahil likas ngang madami ang mga nagbababaang earthworms.
Samantala, ang mga sakay ng nagliliparang jet sa itaas ay nakatanggap ng mensahe mula presidente na may basbas din ng mga president sa iba't-ibang bansa.
"Pasabugin niyo na ang mga iba't-ibang parte ng Sta. Rama bago pa tuluyang may mga makababang earthworm sa atin! Pagkatapos ay pader na ang isunod ninyong patamaan!" utos ng presidente.
Dahil doon ay agad ngang sunod-sunod na pagsabog ang pinakawalan nila sa bayan ng Sta. Rama...
"Daddy! Pinapatay na nila tayo! Daddy!" ang malakas na iyak ni Harvey habang yakap-yakap ang daddy nito.
Mahigpit naman itong niyakap ni Gerardo at halos manggalaiti rin ito sa nangyayari.
Malabo na nga silang makaligtas pa sa ginagawang pagpapasabog...
Anumang sandali ay kasama na sa sasabog ang kinapup'westuhan nila...
Sa kabilang dako naman ay nagkakagulo ang mga ilan pang tao dahil sa pagpapasabog na nakikita nila sa iba't-ibang parte ng bayan nila. Sila ang mga ilan sa natitira sa Sta. Rama at hindi na alintana ang malakas na pag-ulan...
Kanya-kanyang takbo...
Kanya-kanyang sigaw...
Kanya-kanyang buhat sa mga anak o apo ng bawat isa sa kanila...
Ang iyakan ng mga bata ay tunay na nakakapangilabot sa pandinig...
Napahalo na rin sina Kennedy at Alpha sa mga nagkakagulong tao.
"Gerardo! Harvey!" ang malakas na sigaw ni Alpha habang luhaan sa pagbabakasakaling makita pa niya ang mag-ama niya bago sila tuluyang mamaalam sa mundo.
"Please save us..." ang mahinang usal naman ni Kennedy na nakatingala sa kalangitan habang sinasalo ng mukha niya ang malalaking patak ng ulan.
Ng mga oras na iyon ay tila ang Lumikha na lamang ang kinakapitan ni Kennedy ng pag-asa...
Samantala, sa kinapup'westuhan naman ng presidente kung saan kita nito sa mga monitor na naroon ang nangyayari, napapa-pikit na lang siya sa unos na kinahaharap ng mga taong dapat sana ay naililigtas niya...
"I'm sorry...we have to do this...we can't save you all," anito na napapakuyom na lang ang kamao.
Ang mga kasamahan nitong naroon din ay mga nakayuko na lamang dahil wala na rin nga silang magawa...
Kailangan na iyong gawin upang hindi na umabot pa sa lugar nila ang mga earthworm na patuloy na pinipigilan ng mga sundalo na makababa sa pader na inaakyatan ng mga earthworms.
"Mr. President..." ang tila nababahalang boses ng isa sa mga naroon ang nagpa-angat ng tingin ng presidente.
Tinignan nito ang monitor na tinititigan ng isa.
"This can't be..." anas ng presidente at dali-daling umalis doon.
Makikita kasi sa isang monitor na may mga nahuhulog na na mga earthworm mula sa pader. Sinasalo ito ng tubig na nasa loob ng isang pabilog na pader na nakapalibot sa pader na nakapalibot naman sa Sta. Rama na ginawa nila. Pero dahil nga nahaluan iyon ng tubig mula sa malakas na ulan, hindi na iyon kumukulo dahilan upang hindi mamatay ang mga earthworm na bumabagsak dito.
Pinuntahan ng presidente ang lugar at may mga ilang sumama sa kanya.
Nang makarating doon ay agad itong nakaisip ng paraan.
May mga inutusan siya para lagyan ng live wire ang tubig doon na umaapaw dahil sa patuloy na pag-ulan.
Paraan iyon para magkaroon ng kuryente ang tubig at makuryente ang mga earthworm na nagbabagsakan dito.
Sa loob ng Sta. Rama...
Isang pagsabog muli...
Malapit sa kinaroroonan nina Gerardo at Harvey...
Kahit na hindi iyon sa mismong kinapup'westuhan ng mag-ama, nagkaroon ng impact iyon sa p'westo nila.
May isang gusali ang gumuho di-kalayuan sa kanila.
Isang malaking tipak ng semento mula sa gusali ang pabagsak sa kanila.
Itinulak na lang ni Gerardo nang malakas si Harvey palayo sa kanya...
At ang tipak ng semento ay bumagsak sa kanang hita ni Gerardo nang mapaupo siya dahil sa bahagyang lindol na dala ng pagsabog.
"Ahhhhhh!" sigaw-daing nito dahil ang dulo ng tipak ng semento na matulis ay bahagyang tumusok sa kanang hita nito.
"Daddy!" sigaw naman ni Harvey.
Nguni't hindi pa man tuluyang nakakalapit si Harvey sa daddy nito ay isa nanamang pagsabog ang nangyari di-kalayuan pa rin sa kanila...
Bahagyang tumilamsik si Harvey dahil dito.
"Harvey!!" sigaw ni Gerardo pero hindi rin ito makaalis sa kinalalagyan lalo pa at nakabaon nang bahagya sa hita niya ang tulis ng tipak ng semento na bumagsak sa kanya.
Si Harvey naman ay bahagyang gumalaw...
Pero tila nanghihina ito kaya hindi rin tuluyang makabangon.
Maya-maya ay may gumalaw na earthworm mula sa ilalim ng isang tipak ng semento malapit sa kinaroroonan ni Harvey.
Isang hindi kalakihang eathworm...
"Harvey!!" sigaw pa rin ni Gerardo.
Kita kasi nitong wala na ang salamin sa mata ni Harvey. Maaaring naalis iyon nang tumilapon si Harvey kanina.
At nangangahulugan iyon ng panganib para sa anak niya...
***