Chapter XXII: Anger

1362 Words
"Harvey!" sigaw pa rin ni Gerardo at saka p'wersang hinugot ang dulo ng tipak ng sementong tumusok sa hita nito. Gusto sana ni Gerardong ihagis na lang kay Harvey ang suot nitong salamin para hindi ito tuluyang lapitan o salakayin ng earthworm na unti-unti ng nakakalabas sa ilalim ng mga tipak ng sementong nahulog doon. "Ahhh!" napasigaw sa sakit si Gerardo nang mahugot nito ang nakatusok sa hita niya. Si Harvey naman ay hindi pa rin tuluyang nakakatayo dahil sa panghihinang nararamdaman nito dala ng pagkakatilamsik niya sa nangyaring pagsabog kanina. Sa nanlalabo nitong paningin ay kita niya na may kalakihang earthworm ang unti-unting gumagapang palapit sa kanya. Tuluyan namang natanggal ni Gerardo ang sementong nakadagan sa hita niya at pinilit makatayo. Pero nanginginig ang paa nito dahil sa kirot ng hita niyang natusok. Paika-ika sa paglalakad at minsa'y natutumba pa ito. "Daddy...." mahinang anas ni Harvey at napapikit na lang dahil nasa harapan na nito ang nakaliyad na earthworm. "H-harvey! A-ahh..." natumba lang muli si Gerardo at napakalayo pa ng agwat nito sa kinaroroonan ng anak. "Huwag!" sigaw ni Gerardo nang makita nitong lumiyad ang earthworm kay Harvey. Nasa harapan na ito ng anak niya. Napaiyak at napasigaw si Gerardo nang makita niyang mula sa katawan ng earthworm ay nahulog ang malagkit at tila laway na nakadikit dito. Nahulog kasi iyon sa braso ni Harvey. At alam niyang hindi na aabot pa ng isang minuto at tuluyan ng ibabagsak ng earthworm na iyon ang kabuuan nito sa anak niyang nakahiga pa rin sa harapan ng earthworm. "Harvey!!" ang sigaw na iyon ni Gerardo ay halos sumabay sa lakas ng isa nanamang pagsabog. Patuloy naman ang mga sundalo sa pagbaril sa mga earthworm na naggagapangan mula sa pader, pababa. Ang mga earthworm naman na nangahulog sa tubig na naghihintay sa ibaba ay namamatay rin naman dahil sa kuryenteng dala ng malaking kable ng kuryente na may live wire na inilagay ng presidente sa tubig na iyon. Ang kableng iyon ay mula pa sa poste ng kuryenteng naroon. Tila lalo pang nagkaroon ng pag-asa ang mga tao roon nang huminto na ang ulan. Sina Kennedy at Alpha naman na nasa loob pa ng Sta. Rama ay halos hindi na kakikitaan ng pag-asa. Pareho sila ngayong nakasalampak sa lupang naroon habang nagtatakbuhan naman ang iba pang mga tao. Kahit huminto na ang ulan ay wala ni isa sa kanila ang tumatayo. Waring hinihintay na lang din nila na mapasama silang mamatay sakaling ang kinalalagyan na nila ang sunod na pasasabugin. Sunod-sunod na pagbaril sa earthworm na nasa harapan ni Harvey ang muling nagbigay pag-asa kay Gerardo. Nagmulat naman ng mata si Harvey at nang mapagtanto nitong may bumabaril sa earthworm ay nabuhayan rin ito ng pag-asa at agad gumulong pakaliwa ang bata upang iwasan ang pagbagsak ng earthworm sa kanya. Mabilis na tumakbo palapit kay Harvey ang taong tumulong sa kanya. "Ayos ka lang ba bata?" tanong ng lalaki na walang iba kundi si Sandoval. Ngumiti lang si Harvey bilang pagsang-ayon. At saka nito nilingon ang ama. "Siya ba ang ama mo?" tanong dito muli ni Sandoval. Tumango si Harvey. Tila natuwa naman si Sandoval sa isiping nahanap niya ang ka-pamilyang hinahanap nina Kennedy. Agad niyang binuhat si Harvey dahil nahulaan niya ng hindi pa kayang tumayo ng bata. At saka niya ito ibinaba sa isang safe na p'westo bago binalikan si Gerardo at inalalayang makatayo. "May sugat ka," puna ni Sandoval nang makita nitong dumudugo ang kanang hita ni Gerardo. "Wala ito. Ayos lang ako," sagot naman ni Gerardo. "Halina kayo. Kailangan ko kayong maialis dito," ani Sandoval. "Salamat," anas ni Gerardo. "Kaya mo pa bang maglakad?" Pagkuwa'y tanong ni Gerardo. "Oo, sige na. Ang anak ko na lang ang tulungan mo, kakayanin ko na ito," sagot ni Gerardo nang mapagtantong iniisip din ni Sandoval ang batang si Harvey. Naglakad nga si Gerardo kahit paika-ika ito. At binuhat naman muli ni Sandoval si Harvey. Dahil nga hirap ang lakad ni Gerardo dahil sa pinsala sa hita nito, medyo natagalan ang paglalakad nila. Hanggang matanaw nila ang isang chopper na naghihintay. Napatingin si Gerardo kay Sandoval. Ngumiti lang si Sandoval dito. Nang makapasok sila sa loob ng chopper ay si Sandoval ang nagpalipad nito. Wala naman kasing kasama si Sandoval nang magpasya itong bumalik doon upang balikan sina Kennedy at Alpha pero ang mag-ama namang sina Gerardo at Harvey ang natagpuan nito. Mabilis nga silang nakaangat at inialis na nga doon ni Sandoval ang mag-ama. Nang maibaba niya ang mga ito sa labas ng Sta. Rama ay may mga medical team na sumalubong sa kanila. May mga reporter din na sumalubong. "Maaari po ba naming makuhaan ng pahayag ang bata?" tanong agad ng babaeng reporter. Namataan naman ng presidente ang nangyayari at nakita nito si Harvey. Lumapit siya sa mga ito at sinubukang itaboy ang media. "Pakiusap po, hayaan muna nating makapagpahinga ang bata. Nakita niyo namang hindi maayos ang kundisyon nila," awat dito ng presidente. "Pero Mr. President - " Bago pa matapos ng reporter ang sasabihin sana ay may mga sinenyasan na ang presidente at may mga naglapitan para itaboy ang reporter at mga kasamahan nito. Narinig naman ng presidente ang sinabi ni Sandoval sa mag-ama nang ma-ip'westo na ang mga ito sa kasama ng medical team. "Ligtas na kayo dito. Babalikan ko lang ang asawa at tatay mo," sabi ni Sandoval kay Gerardo. Tila nagulat naman si Gerardo sa sinabi ni Sandoval. "Ha? Pero, ang sabi ng anak ko ay nandito ang asawa at ang ama ko?" Naguguluhan pang tumingin si Gerardo kay Harvey habang ginagamot ng medical team ang sugat niya sa hita. "Kasama ko ang asawa at ama mo na nagbalik sa Sta. Rama para hanapin ang nanay ko, at sila naman ay para hanapin kayo. Pero nang mahanap ko na ang nanay ko, pinauna nila akong bumalik dito dahil nagkasugat ako dala ng earthworm. Pero dahil sa ginawa nila, kaya napagpasyahan kong balikan din sila at hindi lang sinasadyang kayo ng anak mo ang nakita ko," mahabang paliwanag ni Sandoval. "Kung ganoon ay sasama ako," ani Gerardo at tumayo na ito. "Sir, hindi pa po tapos gamutin ang sugat ninyo," pigil ng isa sa mga gumagamot sa sugat ni Gerardo. Pero tuloy-tuloy lang sa paglakad si Gerardo papunta sa chopper. Hindi na rin naman ito pinigilan ni Sandoval at sumunod na lang din dito. Nakaangat na sa ere ang chopper nang mapansin ni Harvey na nandoon ang ama niya. "Daddy!" sigaw ni Harvey at humabol pa dito. "Hintayin mo kami riyan Harvey! Susunduin ko lang ang mommy at lolo mo!" sigaw naman ni Gerardo sa anak. Napasunod na lang din ng tingin ang presidente sa mga ito. Nang makabalik naman sa Sta. Rama sina Sandoval at Gerardo ay mabilis silang bumaba na. "Dito ko sila iniwan. Natitiyak kong andito lang din sila sa malapit," sabi ni Sandoval habang tumatakbo sila. At nagsimula nga silang maghanap. Hanggang makarating sila sa lugar kung saan may mga nagtatakbuhan at nagkakagulong mga tao. "Alpha..." anas ni Gerardo at napatigil pa ito. "Alpha!" sigaw na niya ng masiguradong ang asawa ang nakikita niyang nakasalampak sa kalagitnaan. Tumakbo si Gerardo para makalapit dito at nakita na rin siya ni Alpha kaya napatayo na rin ang babae. Sinundan naman ng tingin ni Sandoval si Gerardo at natuwa ito sa nakita. Nakita niya rin na di-kalayuan kay Alpha ay nadoon si Kennedy kaya kumilos na rin siya para puntahan ito. Pero hindi pa tuluyang nakakalapit si Gerardo kay Alpha, isang bala ang umalingawngaw. At bumagsak si Gerardo sapo-sapo ang balikat nitong tinamaan ng bala. "Gerardo!" magkapanabay pang sigaw nina Kennedy at Alpha. Nagulat naman si Sandoval sa nangyari. At nang sundan nito ng tingin ang pinanggalingan ng bala, isang lalaki ang may hawak ng b***l at bakas ang galit sa mukha nitong nakatingin kay Gerardo. Makikita ring may mga sugat at pamumula ito sa katawan na siguradong nakuha nito sa earthworm. Ang lalaking may hawak ng b***l ay ang lalaking humabol noon kina Gerardo at Harvey na sinisisi ang pamilya nina Gerardo sa kaguluhang nangyayari. Isa ang lalaki sa namatayan ng pamilya dahil sa mga earthworm, at isinisisi ito ng lalaki sa pamilya ni Gerardo. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD