"Hija, puwede ka nang lumabas wala na sila," patawag sa akin ng matanda. 'Kaya nagmadali akong umalis sa loob ng kariton. Maraming salamat po lola," wika ko rito. ''Saan ka ba pupunta hija?" tanong nito. "Hindi ko nga po alam kung saan ako pupunta lola. Ang gusto ko lang po ay makalayo sa mga humahabol sa akin," pag-amin ko rito. "Kung gusto mo ay sumama ka na lang sa akin, malapit lang naman ang bahay ko rito saka baka makasalubong mo ang mga humahabol sa 'yo." "Naku! Maraming salamat po lola." ''Bilisan mo hija at baka bumalik na sila at ka na makatakas pa mula sa mga taong iyon." "Sige po," pagsagot ko sa matanda. Ako na ang nagtulak ng karito para mas mapabilis kami. Hindi nagtagal ay nakarating kami sa maliit na bahay ng matanda. "Hija, pag pasensyahan muna ang bahay ko kun

